Chapter 52
"Kath?"
Agad na napalingon si Kath sa nagsalita. Kita niya ang gulat na gulat na mukha ni Dominic nang makita nito ang hitsura niya.
"Hey, are you okay?"
Agad na lumapit si Dominic sa kanya. Hindi na niya nakayanan ang nararamdaman kaya nang lumapit ito sa kanya ay agad na napayakap siya dito. Humagulhol na siya sa balikat nito habang tahimik na hinahagod lang nito ang likod niya.
Matagal-tagal na ring nasa ganoong ayos sila. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. She knows that she needed to compose herself quick. May trabaho pa siyang dapat gawin at ayaw niyang ma-sabotahe ang career niya dahil sa wala nang kwentang buhay niya.
"Kath, anong nangyari?" tanong ni Dominic nang kumalas na siya sa yakap niya dito.
Nagbuntong-hininga siya habang dali-daling pinapahid ang mga luha sa pisngi. "Let's go."
Akmang lalakad na siya nang pigilan siya ni Dominic. Nang magtama ang kanilang paningin ay kitang-kita niya ang awa sa mga mata nito. Ganoon na ba talaga siya kaawa-awa sa kanyang sitwasyon.
"Let's go, Dom. We need to go," aniya dito.
Hindi pa rin nito pinapakawalan ang braso niya. Marahil tinatantiya nito kung okay ba talaga siya. But she know damn well that she's not okay. And alam din ni Dominic iyon.
Nagbuntong-hininga si Dominic. "I know you're not okay. Kung ano man ang dinadala mo ngayon, you know you could always talk to me. I'll listen to you."
Agad na namang nagpatakan ang mga luha sa kanyang mata. Nagpapasalamat siya at may mga tao pa palang pwede niyang pagkatiwalaan. Tumango na lamang siya dito para ipaintindi nitong tatandaan niya ang sinabi nito.
"But we have work to do. After work, can you tell me what's wrong? Please?" ani pang Dominic sa nagmamakaawang tingin.
Tinanguan nalang niya ito. She might as well share her heartbreak to someone. At sa palagay niya, she can share it to Dominic.
Magkasabay na naglakad silang dalawa pabalik sa set ng pictorial nila. Alam niyang magtataka ang ibang tao kung bakit namumugto ang kanyang mga mata, pero bahala na si batman. Isa naman siyang artista, baka kaya niyang um-acting na walang dinadalang mabigat na dinaramdam. Kahit hanggang sa pagtapos nalang ng shoot nila.
__________
Gabi na ng natapos ang shoot nila Daniel. Nararamdaman na niya ang pagod sa katawan. Pero pilit na nilalabanan niya ang pagod. Kailangan pa niyang kausapin si Kath.
Simula kasi noong dumating si Kath sa set ay hindi siya nito pinapansin. Nararamdaman niyang parang iniiwasan siya nito. Hindi pa niya alam kung saan ito nanggaling simula noong naghiwalay sila ng landas pagkatapos ng pananghalian. Feeling niya ay may mali sa sitwasyon nila. And he know he needed to talk to her.
Papunta na sana siya sa direksiyon ni Kath nang nakita niyang lumapit si Dominic dito. Ito pa ang isa, eh. Nang dumating si Kath sa set ay magkasama ito at si Dominic na ikinaselos niya. Magkasama lang pala ang dalawa. Alam niyang magkaibigan lang ito pero hindi niya pa rin maiwasang magselos. At simula noong dumating ang dalawa sa set ay palagi niyang nakikitang magkadikit ang dalawa. It's either si Dominic ang lumalapit kay Kath, o si Kath ang lumalapit kay Dominic. Nagseselos siya, at nasasaktan. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari.
"DJ."
Napalingon siya sa tumawag. Nakatayo na si Aaliyah sa likod niya.
"Bakit, Liyah?" tanong niya dito.
"Ba't ka nakatayo at nakatunganga lang diyan?" tanong nito sa kanya.
"Ha? Ah... Wala, wala. Ah, may kailangan ka ba?"
Ngumiti ito sa kanya. "Wala. Gusto ko lang, sabay nalang sana tayo mag-dinner."
"Ha?" Napatingin ulit siya sa direksiyon ni Kath at Dominic. "Sige."
Nauna na si Aaliyah sa paglakad papasok sa hotel. Napatingin ulit siya kay Kath at nakita niyang nakaakbay dito si Dominic. Ngali-ngaling sugurin niya ito at suntukin ang mukha ng lalaking iyon. Pero pinigilan niya ang sarili. Umiiwas lang siya sa gulo. Kokomprontahin nalang niya si Kath kung ano ba talaga ang nangyayari. He needed some kind of explanation.
__________
Natapos na ang dinner nila pero hindi pa rin pinapansin si Daniel ni Kath. Nalilito na si Daniel sa iniakto ng girlfriend. Ni isang sulyap lang galing dito ay wala siyang natanggap. Sa tuwing sinusubukan niyang lumapit dito ay umiiwas ito at lalapit kay Dominic. Para bang natatakot ito sa kanya at kay Dominic ito tumatakbo para magpatanggol. Talagang naiinsulto na siya sa pinaggagawa ng mga ito.
Nakatayo siya sa harapan ng kwarto ni Kath dahil gusto niya itong makausap. Akmang kakatukin na ni Daniel ang pintuan nang biglang lumabas si Vicky sa kwarto.
"Ate Vicky, nandiyan ba si Kath?" tanong niya dito.
"Ha? Wala, eh. Akala ko kayo ang magkasama," sagot nito.
"Hindi, eh," napailing nalang na sagot niya dito.
"Naku, hindi ko rin alam kung nasaan na ang babaeng iyon. Nagtataka nga ako sa kanya, eh. The whole time sa photoshoot, ni minsan hindi niya ako nilapitan," wika nito.
Napabuntong-hininga siya, saka ay napatango nalang.
"Sige ha. Pupuntahan ko muna si Mike," anito at naglakad na papunta sa kwarto ni Mike.
Nanatiling nakatayo pa rin siya sa harapan ng pintuan ng kwarto ng hotel room ni Kath. Hindi na talaga niya alam kung ano ang nangyayari dito. Hindi rin pala nito pinapansin si Vicky. Ano na ba kasi ang nangyayari kay Kath?
Ginulo niya ang buhok dahil sa halong pagkalito at inis. He really needs to talk to her. Baka may dinadala lang itong mabigat na problema.
"Deej?"
Napalingon siya kay Aaliyah na naglalakad sa hallway.
"Ano ang ginagawa mo diyan?" tanong nito sa kanya.
"Ha? Ah, wala lang. Nagpapahangin lang," sagot niya dito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. "In front of Kath's hotel room?"
Nagbuntong-hininga siya. "I'm looking for her. May sasabihin lang sana ako sa kanya."
"Oh," anito at tumango-tango pa.
Binalingan ulit niya ito. "Have you seen her?"
"Ha?" Umiling-iling ito. "Sorry. Hindi ko siya nakita, eh."
Laglag ang balikat na napatango nalang siya sa sinabi nito.
"Kung gusto mo, hanapin natin siya? Sasamahan kita."
Tiningnan niya ito. Mukhang seryoso naman ito sa sinabi. "Okay."
Sabay na silang umalis para hanapin ang girlfriend niya.
__________
"Ano ba ang nangyari?"
Napatingin si Kath kay Dominic na katabi lang niya. Nakaupo sila sa isang nabali na at lumang kahoy sa tabing-dagat.
“Akala ko talagang mahal na niya ako. Pero masakit palang isipin na ginagago lang niya ako,” mahinang sabi niya. Unti-unti na namang namumuo ang mga luha sa kanyang mata.
“Niloko ka ni Daniel?” nakakunot-noong tanong ni Dominic.
Mahinang napatango lang siya.
“But… I know it’s none of my business. Pero gusto kong sabihin sa iyo na nandito lang ako para makinig sa problema mo,” concerned na sabi nito.
“Yeah. Thank you,” pilit niyang ngumiti dito.
“If it makes it any easier for you, do you want to share what really happened?” tanong pa nito.
Ikinuwento naman niya dito ang lahat ng sinabi ni Aaliyah sa kanya. Pati na lahat ng hinanakit niya dahil sa natuklasan ay ibinahagi niya kay Dominic. Tahimik naman nitong pinakikinggan lahat ng hinanakit niya. Wala lang itong ginawa kundi ang makinig sa kanya.
Nang matapos niyang i-share kay Dominic ang lahat ay gumaan-gaan na rin ang pakiramdam niya. Masarap din palang may kabahagi ka ng problema mo kasi gumagaan talaga ang pakiramdam mo.
“Thank you nga pala sa pakikinig, Dom, ah,” nakangiti na ring pagpapasalamat niya dito.
Ngumiti naman ito sa kanya. “Salamat din sa tiwalang ibinigay mo sa akin.”
Tumango siya. "Masarap palang hindi mo lang i-sarili ang mga problema ano? Mas gumaan ang pakiramdam ko. Salamat talaga, Dom."
"Hey, you're welcome. And you know what I think? I think Daniel is such a lucky bastard to have you. He would be stupid if he'd let you go," sabi nito.
Mapait na ngumiti siya. "Kung sa ibang pagkakataon mo iyang sinabi sa akin, malamang ay kikiligin ako."
"I think you and Daniel need to sort this out. Dapat malaman niya ang problema ninyong dalawa," dagdag pa nito.
"Yeah. I'll keep that in mind."
Bigla nalang siyang niyakap ni Dominic. Alam niyang concerned si Dominic sa kanya bilang kaibigan. Nararamdaman niya ito sa pamamagitan ng yakap nito. Alam niyang mabuti itong kaibigan.
__________
Hindi alam ni Daniel kung ano ang tamang gagawin at sasabihin. Gustong-gusto niyang sugurin ng suntok si Dominic nang makita itong nakayakap sa kasintahan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi niya gustong magbintang, pero hindi niya maiwasan ang sarili. Is Kath cheating on him?
Akmang susugurin na niya ang dalawa ngunit pinigilan siya ni Aaliyah.
"I think now's not the right time to distract them, Deej," wika nito.
Nagbuntong-hininga siya. Hindi naman pala alam ni Aaliyah ang totoong relasyon nila ni Kath kaya't hindi nito alam kung gaano siya naapektuhan sa nakikita.
"Let's give the two lovebirds their moment," dagdag pa nito.
Naramdaman nalang niyang uminit ang bumbunan niya. "Lovebirds? Bakit mo nasabi iyon?"
Nagulat naman ito sa reaksyon niya. "I mean, actions speak louder than words. Right? Kanina pa sila dikit na dikit sa isa't-isa. Estupido nalang ang hindi maka-gets na may namamagitang espesyal na relasyon sa dalawa."
Sumisikip na talaga ang dibdib niya. Sobrang nasasaktan siya. Bakit ba ito ginagawa ni Kath sa kanya? May nagawa ba siyang mali dito? May dapat ba silang pag-usapan? Kung meron man, bakit hindi nalang nito diretsahang itanong sa kanya? Did he hurt her again?
"Hey, are you okay?" tanong ni Aaliyah sa kanya. Pansin yata nitong umiinit na ang ulo niya.
"Yeah," sagot niya dito pagkatapos pakalmahin ang sariili.
Tumango naman ito saka ay ningitian siya. "Hey, do you want to celebrate?"
"What?"
"Gusto mo bang mag-celebrate? Para sa success ng isa na namang opportunity na dumating sa buhay at career natin."
Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanya pero napa-oo siya sa imbitasyon nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro