Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

"Have you seen Kath?"

Ang paglingo lang ng staff ang natanggap na sagot ni Daniel. Kanina pa niya ito hinahanap. Ang alam niya ay nagtungo ito sa room nito, pero nang pumunta siya doon ay wala namang tao dahil walang sumasagot sa katok niya.

Feeling niya ay nalibot na niya ang buong resort, pero wala talagang Kathryn Bernardo ang nagpapakita sa kanya.

"Ate Vicky!" Tawag niya dito nang namataan niya ito sa dalampasigan, kasama ng ibang staffs na nag-aayos para sa second round ng photoshoot nila.

"O, DJ, bakit?" tanong nito nang makalapit siya dito.

"Have you seen Kath?"

Kumunot ang noo nito. "Ha? Wala. Bakit? Ang akala ko ay kayong dalawa ang magkasama?"

He shook his head. "Hindi, eh. Magkasama kami kanina, pero pagkatapos ng lunch ay pumunta siya ng room. I went there and nobody answered my knocks."

Nagkibit-balikat ito. "Nandiiyan lang iyan. Siguro namamasyal lang sa paligid. Pabayaan mo na iyon. Baka gusto lang nun mag-unwind konti."

Tumango-tango nalang siya sa sinagot nito. "Okay, okay. Thanks, Ate Vicky."

__________

Nasa kwarto pa rin si Kath nang panahong iyon at kahit na lumabas na si Aaliyah ay wala pa siyang planong sundin ito. She wanted to be alone first. Gusto muna niyang i-compose ang sarili bago tuluyang lumabas at humarap sa "boyfriend" niya.

Ayaw man niyang paniwalaan ang kahit na katiting sa sinabi ni Aaliyah ay wala pa rin siyang magawa kundi ang isipin kung totoo nga ang mga sinabi nito. Naalala niya ang kanilang pag-uusap...

“Ano ba ang dapat nating pag-usapan Aaliyah?" diretsong tanong niya dito nang tuluyan na silang nakapasok sa kwarto niya.

"I just wanted to let you know that I know the real thing about you and Daniel," sagot naman agad nito.

“And what about me and Daniel?" matapang na sagot niya dito.

"Na may relasyon kayong dalawa," sagot naman nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. Pero hindi na niya itinanggi pa ang bagay na iyon. "Yes, you're right. Boyfriend ko na si Daniel," taas-noong pagsang-ayon niya sa sinabi nito.

Bakit pa niya itatanggi ang totoo? Gusto niyang malaman nitong hindi siya natatakot dito.

Umiling-iling naman ito habang nakangiti na siyang nakakapagtataka para sa kanya. "Tsk, tsk, tsk. You don't really get it, do you?"

"Get what?" naiinis na na sagot niya.

"Ang alam ko, nagpanggap lang kayo noon ni Daniel na may relasyon kayo, for the sake of your loveteam. Am I right?"

Where is Aaliyah going with this?

"At alam ko rin na ngayon, dahil magkarelasyon na kayong dalawa ay magbabalik na ulit ang tambalan ninyo."

Bahagyang napakunot ang noo niya. "What do you mean?"

"What I mean, is that Daniel is trying to save your once-wrecked loveteam."

"I'm not getting you," naguguluhan pa ring sabi niya.

Bahagya pa itong natawa. Nasisiraan na ba ito ng bait? "Look, I know this may sound crazy. But haven't you thought na baka ginamit ka lang ni Daniel para mabuo ulit ang loveteam ninyong dalawa?"

Natigilan siya sa sinabi nito.

"You see, your conflicted feelings for Daniel was a poison to your loveteam. Kaya nga nagkahiwalay ang loveteam ninyong dalawa, hindi ba? Dahil ayaw mo na siyang makasama? Kasi nasasaktan ka sa araw-araw na pagpapanggap ninyong dalawa na nagmamahalan, gayong ikaw lang naman talaga ang nagmamahal?"

Hindi pa rin siya makapagsalita.

"And only a fool would let go of the loveteam that you both had. Bakit? Because everybody craved your loveteam. Lahat nang tao, ang gusto ay ang magsama kayong dalawa. Mahal ng lahat ng tao ang loveteam ninyo. Now, where can you get that kind of audience anywhere? Wala na. Sa loveteam niyo lang. At kapag ganoong impact ang nakukuha ng loveteam ninyo at ganoong kasikatan at pagmamahal ang nakukuha mo galing sa mga fans ninyo, bakit ka pa bibitaw?"

Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Pero pinipilit niya ang sariling hindi maniwala sa sinabi nito.

"What? You think that I'm lying?" natatawang sabi ni Aaliyah. "Well, if you really think that, why don't you ask Mark and Vicky about that? I'm sure, marami din ang mga iyon ng alam."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Just ask them. I'm sure, mas makakapagbigay sila ng mas maliwanag na explanation kesa sa akin. I heard it from them. I just overheard their conversation."

Biglang narinig nilang may kumatok sa pintuan ng kwarto.

"Kath? Si Daniel ito. Nandiyan ka ba?" Narinig niya ang boses ng taong inilaan niya ang buong puso niya para lamang gaguhin siya.

"Kath?" Narinig ulit niya ang boses ni Daniel nang hindi niya binuksan ito. She didn't want to open the door. Wala pa siyang lakas para komprontahin ito pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Aaliyah sa kanya.

After a few minutes ay wala nang kumakatok sa pintuan. Mukhang umalis na si Daniel.

Galit na binalingan niya si Aaliyah. "Bakit mo ginagawa ito, Aaliyah? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo para saktan ako ng ganito?" tanong niya dito.

Itinaas nito ang dalawang kamay nito para yakapin siya. Pero iniwas lang niya ang sarili.

"Oh, Kath. I'm just a concerned friend here. Ayokong masaktan ka ulit nang dahil kay Daniel. Daniel is a jerk. He doesn't deserve someone like you," sagot naman nito.

Hindi niya namalayang tumulo na pala ang mga luha niya sa mata.

"Kath, don't cry. Come on, Daniel doesn't deserve your tears. Ginagago ka lang niya. Sinaktan ka na niya noon, would you let him hurt you again this time?" wika pa ni Aaliyah.

But she doesn't want to hear any more from her. Galit na binalingan niya ito.

"Get out, Aaliyah," mahinang sabi niya dito.

"Kath - "

"I said get out!"  napasigaw na siya dito.

She saw Aaliyah flinched. Malamang ay natakot ito sa sigaw niya. But she doesn't care. She was hurting. And she wanted to be alone.

"I - I'm sorry." Narinig pa niyang sabi ni Aaliyah bago ito tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Agad na pinahid ni Kathryn ang kanyang luha ng muli siyang napaiyak dahil sa naging pag-uusap nila ni Aaliyah. How dare she? May gana pa itong mag-sorry pagkatapos nitong harap-harapang sabihin sa kanya na hindi naman talaga siya mahal ni Daniel at nagpapanggap lang itong mahal siya para lang bumalik ang loveteam nila.

Aaliyah never said that Daniel doesn't love you, sabi sa kanya ng isang mumunting tinig na nanggaling sa utak niya.

She inwardly scowled. Hindi nga sinabi ni Aaliyah. Pero counted na rin iyon na ganoon. Makukuha bang mahalin ka ng taong siyang mismong gumagago sa iyo? The answer to that is no.

At bakit ba siya nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Aaliyah? Baka gusto lang talaga nitong sirain ang relasyon nila ni Daniel kaya kung anu-ano nang kasinungalingan ang pinagsasabi sa kanya.

But I think you need to let Daniel explain everything for himself. Maybe he has some kind of explanation, ang sabi ulit ng tinig na iyon sa utak niya.

Well, maybe she need that. Ipinahid ulit niya ang mga luha sa pisngi, bago tumayo at agad na lumabas ng kwarto.

__________

Tinungo nalang ni Daniel ang shaded tent kung nasaan kasalukuyan si Mark na naga-apply ng sunscreen sa braso. Hindi talaga niya mahanap si Kath. Kahit si Aaliyah ay pinagtanungan na niya, pero maski ito ay hindi nakita si Kath.

"Nakita mo na si Kath?" tanong nito.

"Wala, eh," sagot lang niya. "Nasaan kaya nagsusuot ang babaeng iyon?"

Nagkibit-balikat lang si Mark. "Baka nagpasyal-pasyal lang. Pabayaan mo na iyon. Ikaw naman, masyado kang protective kay Kath."

"Hindi naman. Siyempre, nag-aalala lang ako sa kanya."

"Well, you don't need to. Malaki na si Kath. May sariling pag-iisip na ang girlfriend mo," wika pa nito.

"I know. I just... Natatakot lang akong mawala ulit siya sa akin," sagot niya dito.

"Mawala?" natatawang wika ni Mark. "Ang liit-liit lang ng resort na ito, mawawala pa ba iyon dito?"

"You know what I mean, Mark," seryosong saad nito.

Agad na sumeryoso din si Mark. "Hey, hinding-hindi na mawawala si Kath, alright? Nasa iyo na si Kath. Babalik na ulit ang loveteam ninyo. Hinding-hindi na siya mawawala sa iyo."

Napatango nalang siya sa sinabi nito.

"Ginawan na natin ng paraan iyan, hindi ba?" anito pang natatawa.

"Yeah. Thanks to that one night," nakangiti na ring sabi niya dito.

Lumakas naman ang tawa nito. "Gago ka. Binalian mo ng buto ang kaibigan ko. Ang lakas daw ng pagkasuntok mo sa kanya."

Napalingo-lingo siya nang matandaan ang gabing iyon. Ang gabing pinagtanggol niya si Kath sa mga "adik" sa kalye habang hinihintay nito si Vicky. "Ang sabi ko naman kasi sa iyo, takutin lang nila si Kath. Wala naman sa planong hawakan niya si Kath. Ayun tuloy, napalakas ang suntok ko."

"Napakaseloso mo talaga."

"Whatever," ang sabi nalang niya kay Mark.

__________

Agad na lumayo si Kath sa lugar na iyon. After what she heard from Daniel and Mark's conversation sa shaded tent nito, alam na niyang nagsasabi ng totoo si Aaliyah. Masakit lang tanggapin na tama ang sinabi ni Aaliyah. Na ginagago lang siya ni Daniel.

Nang malayo-layo na siya sa lugar na iyon ay agad na napaluhod siya sa dalampasigan.  Humagulhol na siya doon habang nakabaon sa kanyang mga palad ang mukha. Hindi na niya nakayanan at iniiyak nalang niya ang lahat ng kanyang sama ng loob.

Hindi niya aakalaing magagawa iyon ni Daniel sa kanya. Hindi niya aakalaing sasaktan ulit siya nito. She gave him her trust, and he chose to ruin it. Napakasakit. Napakasakit isipin na binigay niya lahat ng pagmamahal niya dito, pero pangga-gago lang ang sinuklian nito sa kanya.

"Kath?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro