Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Maagang nagising si Kathryn. Ang sabi kasi sa kanya ni Vicky ay maaga ang kanilang pictorial. Kaya ay kahit na two in the morning pa ay gising na siya. Nakapag-half bath na siya. Hindi na niya binasa pa ang buhok niya dahil naligo naman na siya kagabi. Saka ay lalagyan pa ng iba't-ibang klase ng hair products ang buhok niya, kaya mas mainam nang pagkatapos nalang ng shoot niya babasain ang buhok.

Nauna na si Vicky sa pictorial set. Ang sabi niya ay susunod nalang siya dito. Kaya naman nang natapos na siyang maghalf-bath ay lumabas na agad siya ng kwarto para pumunta sa set. Kailangan pa kasi siyang lagyan ng make-up. Pero laking gulat nalang niya sa bumungad sa kanya sa labas.

"Good morning," nakangiting bati ni Daniel. Nakasandal ito sa railings ng balcony habang fresh na fresh pa ito sa suot nitong khaki shorts at puting t-shirt.

Hindi naman siya sumagot. Kaya ay lumapit pa ito sa kanya, kasabay ng paglabas nito mula sa likuran nito ng isang one-stemmed rose.

"Babe? Sorry na," ang sabi nito.

Napatingin naman siya sa mukha nito. Bahagyang nakayuko ito, pero kita naman niya sa mukha nito na sincere ito sa sinabi.

"Bakit ka nagso-sorry?" tanong niya dito.

Nag-angat naman ito ng tingin, kasabay ng pagkuha nito sa mga kamay niya. "Kasi alam kong nagagalit ka sa akin. At tsaka, nasaktan kita."

Napaiwas siya ng tingin. Kasi kung hindi niya ginawa iyon, alam niyang bibigay rin ang puso niya. Bakit ba kasi isang simpleng sorry lang dito, nalalambot na ang puso niya, eh? Hindi tuloy niya makuhang magalit dito nang matagal.

"Babe, I'm really sorry. I promise, hindi ko intensiyong pagselosin ka. And yes, mali din ako. I should've not said that to you yesterday. Hindi sana kita pinagalitan," anitong hinigpitan pa ang pagkahawak sa kamay niya.

Hindi pa rin siya sumasagot dito.

"Babe, sorry na. Please?" There was a hint of desperation in his voice. "Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Na nakikita kang galit sa akin."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago niya ito binalingan ng tingin. "I'm sorry, too. I know I was rude to her," she started to explain. "It's just that... hindi ko lang talaga maiwasan, eh. Kasi naman, sobrang nagseselos ako. Ikaw kasi, eh - "

A kiss to her lips silenced her explanation. And then another kiss to her forehead made every bad feelings she had go away.

"It's okay, baby. Alam kong nagseselos ka lang. And it's natural, really," nakangiting sabi ni Daniel.

Bahagya siya napangiti sa sinabi nito. "Yeah, I guess so."

"Lalo na kung kasinggwapo ko pa ang boyfriend mo," pagmamayabang pa nito.

Lumapad ang ngiti niya sa labi. "Yabang!"

Napatawa naman ito. "I love you, too" wika ni Daniel.

Isang malutong na tawa ang sinagot niya dito bago siya nito ulit dinampian ng halik sa labi.

__________

Agad na umalis si Aaliyah sa tinaguang pader malapit sa room ni Kath. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito. At nasaksihan din niya ang munting eksena ng mga ito.

Nagbuntong-hininga siya. Mukhang hindi na naman gumana ang plano niya.

Shit.

Ano pa ba ang pwede niyang gawin para mapaghiwalay ang dalawa? Ginawa na niya ang lahat-lahat na pwedeng makasira sa relasyon ng dalawa. Yet, parang mas lalo pa yata siyang mahihirapang paghiwalayin ang dalawa.

Maya-maya lang ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"Nagawa mo na?" Narinig niya ang pamilyar na boses na iyon sa kabilang linya.

Nagbuntong-hininga siya. Ano ba ang sasabihin niya dito?

"I'm guessing not."

"D - "

"I told you not to mention my name."

Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. "I'm sorry."

"Your sorry won't save your ass. Kaya kung ako sa iyo, gawan mo na ng paraan para mapaghiwalay sila Kathryn at Daniel. Dahil kung hindi, you know what will happen, Aaliyah."

"I'm trying my best."

"Well, try harder."

"But - " Pero busy tone nalang ang sumagot sa kanya sa kabilang linya. Agad na ibinaba na niya ang cellphone saka ay napapikit ang mga mata.

What am I going to do now?

__________

Bago paman mag-tanghali ay natapos na rin nila ang photoshoot nila. Kathryn was already feeling exhausted, pero may isang batch pa sila ng photoshoot para sa hapon.

"I am exhausted!" Narinig niya ang mataray na wika ni Aaliyah na nasa di-kalayuan lang sa posisyon niya.

She wanted to roll her eyes on her, pero pinigilan niya ang sarili. She didn't want anymore trouble. Napapagod siyang labanan ang kagagahan ni Aaliyah. She is not that kind of person. She would never stoop down to her level.

"Babe."

Agad na napalingon siya sa kung saan nanggaling ang boses ni Daniel. Nasa likuran niya pala ito.

Ningitian lang niya ito. "Hi."

"Pagod ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Ah, medyo. Ang init kasi, eh. Nakaka-drain ang init ng energy," sagot niya pa dito.

"Tara, kain muna tayo ng lunch," anitong hinawakan pa siya sa siko at iginiya patungo sa kung nasaan ang buffet na inihanda para sa kanila.

Papunta pa lamang sila ng buffet table nang may narinig silang tumawag kay Daniel. Pareho silang napalingon kay Aaliyah habang dali-dali itong lumapit sa kanila.

"Magla-lunch na kayo?" tanong ni Aaliyah.

She didn't respond. Nakita niyang napatingin si Daniel sa kanya bago sumagot dito. "Oo, eh."

Ngumiti ito nang malapad kay Daniel. "Great! Sabay na tayo, Deej."

Bago paman makasagot si Daniel ay inunahan na niya ito. "Sige, ha. Una na ako sa inyo," paalam lang niya sa mga ito. She couldn't stand it anymore, having to be with them and pretending like it's okay with her kahit na hindi naman.

Lalakad na sa siya palayo sa mga ito nang naramdaman niya ang kamay ni Daniel sa kanyang braso. Napalingon naman siya dito.

"Ah, sorry Liyah, ha? Sabay na kami ni Kath, eh. Next time nalang," ani Daniel kay Aaliyah, saka ay hinila na siya papuntang buffet table.

Nagdiwang naman ang puso niya. Pinili na siya ng boyfriend niya over Aaliyah. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"O, bakit ang lapad ng ngiti mo, ha?" tanong sa kanya ni Daniel.

Nakangiti pa ring napabaling siya dito. "Nothing. I'm just happy."

Ngumiti na rin ito sa kanya. "Well, I'm happy that my baby is happy."

Napatawa siya. "Eh, pwede mo naman palang tanggihan si Aaliyah, eh. Kailangan pa talagang magselos ako at magalit sa iyo para gawin iyon," asar pa niya dito.

"Babe, I said I was sorry," nagi-guilty na sabi nito.

Mas lalo lang siyang natawa sa reaksyon nito.

__________

Pagkatapos ng pananghalian nila ay napagpasyahan ni Kathryn na pumunta muna ng kanyang kwarto. She wanted to freshen up a bit kasi feeling niya'y nanggigitata na siya sa pawis dahil sa init.

Si Daniel naman ay naiwan pa sa dining hall. May mga kausap pa itong ibang staff sa production team kaya ay iniwan nalang muna niya ito doon.

Nang makarating na siya sa harap ng kanyang hotel room ay agad na inilabas niya ang susi. Pero hindi paman niya nabuksan ang pintuan ay naramdaman nalang niya ang presensiya ng isang tao sa kanyang likuran. Kaya agad na nilingon niya ito.

"Hi," nakangiti pang bati nito.

"What do you want, Aaliyah?" diretsang tanong niya dito. Hindi niya kayang makipag-plastikan dito.

"Can I talk to you for a minute?" anito.

"About what?"

"Mahalaga lang ang sasabihin ko," sagot nito.

She was getting impatient. "Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon."

"I want to talk to you in private."

Nagbuntong-hininga siya. It seems like there's no way out of talking to her. Tumalikod muna siya dito at binuksan ang kanyang hotel room. Nilingon naman niya si Aaliyah.

"We can talk inside the room," aniya dito.

"Great," nakangiting wika nito. Saka ay diretsong pumasok sa kwarto niya.

Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan niya, bago niya sinundan si Aaliyah sa loob ng kwarto niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro