Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Kanina pa napapansin ni Kathryn na parang naliligaw na sila sa daan. Aaliyah's instructions were getting confusing. Parang hindi na nito alam kung alin ang tamang daan sa pupuntahan nila.

"Aaliyah, tama ba itong dinadaanan natin? " ang tanong niya dito.

"Yes," matigas na sagot nito.

"Feeling ko kasi, naliligaw na tayo, eh," sabi pa niya.

"At ano ang gusto mong palabasin? Na shunga ako? Kasi hindi ko matandaan ang daan papunta doon?"

Biglang nag-init ang bumbunan niya. Kaninang-kanina pa siya nagtitimpi dito.

Kung pwede lang sakalin ang babaeng ito, eh. Kanina pa siguro niya ginawa iyon.

"Basta, sure akong dito ang daan papunta sa resort. Natatandaan kong may puno tayong madadaanan bago tayo makarating sa eskinita papasok ng resort," anito pa.

She rolled her eyes. "Eh, lahat naman ng nadadaanan natin ay puro puno naman, eh," bulong lang niya.

"What? Anong sabi mo?" inis na napabaling si Aaliyah sa kanya.

"Ha?" She acted innocent. "Ano bang sinabi ko?"

Napakla ito ng tawa. "Oh, c'mon, Kath. I heard you say something!"

"At ano nga ang sinabi ko, aber?" Naku, konting-konti nalang talaga, bruha ka.

"I know you said something!"

"I didn't say anything."

"Yes, you did!"

"No, I didn't."

"Yes, you did - "

"Please, girls! Can you please stop all the fussing? Hindi ako makapag-concentrate sa pag-drive." Nahinto lang ang bangayan nila ni Aaliyah dahil sa sinabi ni Daniel.

Inirapan lang siya ni Aaliyah saka ay itinuon na ang tingin sa daan. Habang siya naman ay nanggigil na sa inaasta nito. Kanina pa niya gustong sabunutan ang buhok nito dahil sa ginagawa nito sa boyfriend niya.

Oo! Nagseselos ako! Nangangati na talaga ang kamay niya para saktan ang mukha ng babaeng ito dahil kanina pa ito nagfi-flirt sa boyfriend niyang wala man lang ginawa para pigilan ang bruha sa ginagawa.

Napabuntong-hininga nalang siya. Kung bakit pa kasi pumayag pa siyang sumabay sa mga ito. Alam naman niyang hindi magandang ideya ang sumabay dito dahil lalamunin lang siya ng selos niya.

Narinig din niyang nagbuntong-hininga si Daniel. "Liyah, can you please honestly tell me kung tama pa ba itong dinadaanan natin? I think Kath is right. Naliligaw na yata tayo."

Told you so, ngali-ngaling sabihin niya sa mukha ni Aaliyah pero pinigilan lang niya ang sarili.

"I swear, I remembered having to pass lots of trees before we get there," sagot naman ni Aaliyah dito.

"Puro puno naman ang nadadaanan natin, eh. Are you really sure?" paniniguradong tanong pa ni Daniel. "It's getting dark and mas mahirap nang tukuyin kung aling eskinita ang papunta sa resort."

"Wait, I'll call Rei," anito sabay inilabas ang cellphone nito sa bulsa ng shorts nito. Idi-nial nito ang number ng manager nito, pero maya-maya lang ay ibinaba rin nito ang phone. "I have no reception," paliwanag nito.

"What?" Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at tiningnan kung may signal ba siya. Pero sa kasamaang-palad, tama nga si Aaliyah.

"Damn. Wala rin akong signal," ang sabi naman ni Daniel. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Papaano na ito? We're in the middle of nowhere," nagpa-panic na sabi ni Aaliyah. May pa-yakap-yakap pa ito sa braso ng boyfriend niya.

She rolled her eyes. "Kasalanan mo naman lahat nang ito," bulong na sabi niya. Pero unfortunately, mukhang narinig yata ni Aaliyah ang sinabi niya kaya galit na binalingan siya nito.

"Oo na! Ako na ang shunga! Masaya ka na?" galit na sabi nito saka ay lumabas ng kotse ni Daniel.

Tiningnan naman agad siya ni Daniel with a what-is-the-matter-with-you look.

Nagkibit-balikat lang siya. "What? I'm just telling the truth."

"Well, you don't have to be rude about it. Kita mo namang nagpa-panic na iyong tao," sagot naman nito, saka ay lumabas na rin ng sasakyan nito para lapitan si Aaliyah.

She was left inside the car of Daniel, feeling guilty and disappointed. Oo, nagi-guilty siya. Tama nga naman si Daniel. She was very rude to Aaliyah sa inasal niya. Pero masisisi ba niya ang sarili? Jealousy got into her. Hindi niya mapipigilan ang nararamdaman niya.

And yes, disappointed rin siya. Disappointed siya kay Daniel. Kahit na alam niyang mali siya, dapat ba talagang pati ito ay huhusgahan siya ng masama? Mas sumama pa ang pakiramdam niya dito. First, hinahayaan lang nitong landian ito ni Aaliyah gayong alam nitong nasa backseat lang siya ng sasakyan nito at nakikita ang paglalandian ng dalawa. And second, mas pinili pa nitong puntahan si Aaliyah para i-comfort ito kesa ang samahan siya doon at pagalitan nalang.

Saka lang niya naramdamang may tumulo nang luha sa kanyang pisngi. Hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya.

Bwisit. Siya na ang nasasaktan sa selos, siya pa ang masama.

__________

Alam ni Daniel na maaaring nagagalit na rin si Kath sa kanya. Pero hindi pa rin tama ang ginawa nito. She was being rude to Aaliyah. And kahit na naiinis rin siya kay Aaliyah dahil sa katangahan nito, Kath's actions were beyond appropriate.

"Liyah," tawag niya kay Aaliyah habang papalapit siya dito.

"I'm sorry, okay? Hindi ko naman alam na may mangyayaring ganito, eh. If I should've known, hindi nalang sana tayo nagstop-over sa gasoline station," narinig niyang humihikbing sabi ni Aaliyah.

"Shh, it's okay, Liyah. Huwag mo nalang pansinin ang sinabi ni Kath," pagpapatahan niya kay Aaliyah. Hinawakan niya ang balikat nito. Hindi naman iya inaasahang yayakapin siya nito.

Tuluyan na itong napaiyak sa kanyang balikat. Wala naman siyang magawa kundi ang patahanin nalang ito. Kahit na alam niyang maaaring magselos si Kath ay hindi rin naman niya pwedeng pabayaan nalang si Aaliyah.

Napatingin naman siya sa kotse niyang nasa di-kalayuan lang sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung nakikita ba sila ni Kath ngayon o hindi. Either ways, alam niyang kailangan niyang bigyan ito ng explanation.

"Liyah," maya-maya'y pukaw niya kay Aaliyah na nakayakap pa rin sa kanya. "Kailangan na nating umalis. Hahanapin nalang natin ang resort na sinasabi mo bago pa tuluyang gumabi."

Tumango lang ito saka ay sabay na silang naglakad pabalik sa kotse niya.

__________

Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya sa mata. Tahimik lang siyang umiiyak habang nanonood sa eksenang nasa harapan niya. Magkayakap sila Aaliyah at Daniel na para bang wala siya sa harapan ng mga ito at nanonood.

Sobrang sakit. Alam niyang tama si Daniel na mali ang ginawa niya, pero dapat ba talagang ipamukha sa kanya iyon. Harap-harapan bang magkayakap ang dalawa para sabihing talo siya?

Agad na pinahid niya ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi nang makitang tumitingin si Daniel sa kotse. Hindi niya alam kung nakikita ba siya nito sa loob ng sasakyang nitong umiiyak. Pero nakita niya ang pag-aalala sa mukha't mata nito. Hindi nga lang niya alam kung para kanino ang pag-alala nitong iyon -  sa kanya ba o para kay Aaliyah.

Nakita niyang kinausap ni Daniel si Aaliyah, pagkatapos ay sabay na ang mga itong naglakad pabalik sa kotse. Dali-daling pinahid niya ang mga luha sa mukha at pinilit ang sarili na hindi na maiyak. Ayaw niyang makita ng mga ito na nasasaktan siya, lalung-lalo na kay Aaliyah. Kung makikita man nitong umiiyak siya ay siya ang talo. And she wouldn't give Aaliyah that satisfaction.

Nang nakapasok na ang dalawa sa kotse ay lihim siyang napabuntong-hininga. Nag-ipon siya ng lakas ng loob para pigilan ang sarili sa pagluha. Nakita naman niyang napatingin si Daniel sa kanya, pero hindi niya ito pinansin. Bagkus ay nanatiling nasa harapan ng kotse ang tingin niya. Gusto niyang iparamdam dito na nagagalit siya... at nasasaktan sa ginawa nito.

Dagli lang ang pagtingin nito sa kanya. Saka ito umiwas ng tingin at itinuon na sa harapan ang tingin. Pinaandar agad nito ang kotse saka ay umalis na sila sa lugar na iyon.

Pilit na hinahanap ng mga ito ang resort. Pero hindi lang siya umiimik at patuloy ang tingin sa mga puno na nadadaanan nila. Ayaw na niyang makisali sa mga ito dahil hindi naman mahalaga para sa dalawa ang kanyang sasabihin.

Hindi rin nagtagal ay mukhang natunton na rin nila ang resort. Tahimik pa rin siya habang tinutunton ang daan papuntang resort. At nang marating na rin nila ang resort ay nakita niyang nag-aabang na ang kani-kanilang mga manager.

Agad na bumaba siya nang huminto na rin ang kotse ni Daniel, saka ay diretsong nagtungo kay Vicky na nag-aabang sa kanya, kasabay nila Mark at Rei.

"Kath, bakit ang tagal-tagal niyo?" tanong ni Vicky sa kanya.

"Gusto ko nang pumunta ng kwarto, Ate Vicky. Pagod na ako," ang sagot lang niya dito.

Tumango na lamang ito, pagkatapos ay sinabayan na siya nitong pumunta sa kwarto niya.

__________

Sa wakas ay natunton na rin nila ang resort. Nang makarating na sila doon ay agad na nakita ni Daniel ang nag-aabang na mga managers nila... sila Rei, Mark at Vicky.

Nang inihinto niya ang sasakyan ay agad naman na bumaba si Kath. Napatingin nalang siya dito habang dire-diretsong naglakad papunta kay Vicky. Agad rin naman siyang bumaba ng kotse niya.

"Gusto ko nang pumunta ng kwarto, Ate Vicky. Pagod na ako." Narinig niyang sabi ni Kath. Gusto sana niyang kausapin muna ito pero sa tono ng boses nito, mukhang pagod na nga siguro ito. Kaya hahayaan nalang muna niya itong magpahinga. Saka nalang niya ito kakausapin.

Umalis na sila Kath at Vicky. Ang valet na ang nagparada ng sasakyan niya.

"DJ, ba't ang tagal niyo?" ang tanong ni Mark sa kanya.

"Eh, naligaw kasi kami, eh," sagot niya dito.

"Naligaw? Papaanong naligaw kayo? Eh, kabisado na ni A - " Hindi na natuloy ni Rei ang sasabihin.

"Rei, gusto ko nang magpahinga," ang sabi ni Aaliyah dito. Agad namang umalis na ang mga ito.

Nagbuntong-hininga siya. Saka ay sabay na rin sila ni Mark na naglakad papunta sa room nila.

"Madaling araw bukas ang shoot ninyo," imporma ni Mark sa kanya.

"Anong oras ba?"

"Four in the morning. Kaya mag-dinner ka na, saka matulog nang maaga. Para hindi ka puyat kinabukasan," anito.

Tumango lang siya dito. Kung ganoon, pwede siguro niyang kausapin si Kath bukas nang maaga, bago pa magsimula ang kanilang shoot.

Ang hallway ng hotel ng resort ay seaside at balcony type. Kaya habang naglalakad siya sa hallway ay sinisimoy niya ang hangin ng dagat. Somehow, it made him relaxed. Alam kasi niyang mataas-taas ang paliwanag na gagawin niya bukas kay Kath.

Nakarating na rin sila ni Mark sa room na in-assigned sa kanila. Si Mark na ang nagbukas ng pintuan. Nang nabuksan na ang pintuan ay agad na pumasok si Mark. Papasok na rin sana siya nang may masagip siyang dalawang taong parang nag-uusap yata sa hallway.

Namukhaan niyang si Dominic ang lalake. Nakaharap kasi ito sa kanya. Pero hindi niya mamukhaan ang babae. Nakatalikod kasi ito. Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa dahil seryoso ang mukha ni Dominic.

"DJ?" Narinig niyang tawag ni Mark sa kanya mula sa loob ng kwarto.

Pinasadahan pa niya ng isa pang tingin ang babae. Parang pamilyar sa kanya ito. Hindi lang niya maisip sa panahong iyon. Pero iniwas na rin niya ang tingin dito at tumuloy na sa loob ng kwarto. Kailangan pa niyang magpahinga para sa pictorial niya bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro