Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Hindi na nagulat si Daniel nang dumating siya sa venue ng photoshoot. Gaya nga ng sinabi ni Mark, maraming press ang nagkakalat sa private resort kung saan sila dapat magpo-photoshoot para sa ine-endorse nilang clothing brand.

Buti nalang talaga at pinalipat ko na si Kath sa van, isip-isip ni Daniel habang minamaneho niya ang kotse papasok sa resort.

Napatingin naman siya sa kanyang rear view mirror. Hindi nakasunod ang van sa kanya. Pero sa tantiya niya, hindi magtatagal ay darating na rin ang van ni Kath.

He reached out for his phone to call Kath. Gusto lang niyang bigyan ito ng warning sa mga nakaabang na media.

"Hello?"

"Babe, nasaan na kayo?" agad na tanong niya dito.

"Papasok na kami sa eskinita patungong resort. Why?"

"Maraming press. Wait muna kayo ng mga fifteen minutes bago tumuloy sa resort. Hindi pa ako nakababa, eh. Hintayin mo ang text ko bago kayo pumasok dito," babala niya dito.

"Okay, babe. Thanks."

"You're welcome."

"Sige na. Nagda-drive ka pa, eh."

"Yeah. I'll see you."

"Yeah, see you."

"Ahm, wala bang 'I love you' diyan?"

Narinig niya ang mahinang tawa nito sa kabilang linya. "Asus. Ikaw talaga. I love you, babe."

Napangiti naman siya. "I love you, too. I'll see you later."

"Okay. Bye!"

Agad na ibinaba niya ang cellphone at isinilid sa bulsa ng pantalon niya. When he reached the resort's guest lobby ay nakita niyang nakaabang na si Mark sa kanya. May ilang security personnel rin ang kasama nito. The security personnel were probably with Mark to stop the press sa pagdumog sa kanya sa paglabas niya ng sasakyan.

Nang inihinto niya ang sasakyan ay agad na nilapitan siya ni Mark. Ang resort chauffeur na ang nag-park ng sasakyan niya para sa kanya. He was guided by Mark and the security personnel papasok ng resort.

Nang nakapasok na siya ng resort ay agad na nilapitan siya ni Aaliyah.

"Hi, Deej," nakangiting bati nito.

Ngiting tango lang din ang ibinigay niya dito bago niya nilapitan si Mrs. Valleley na nakaupo sa isa sa mga couches sa lobby ng resort.

"Hi, Tita Cora," bati niya dito.

"Oh, hey Daniel. It's good that you're finally here," ngiting sagot naman nito.

"Oo nga po, eh. Marami nga talagang press ang nandoon sa labas, ano?" He sat beside her in the couch.

"Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman ang location ng shoot natin, eh," wika nito. "But nevertheless, may nai-suggest naman na ibang resort si Aaliyah na malapit na dito. We could do with that."

Tumango lang siya dito. He got his phone out of his pocket at tinext si Kath na safe na para pumasok na ang mga ito sa resort.

"By the way, nasaan na pala si Kath?" narinig niyang tanong ni Mrs. Valleley sa kanya.

"Uhm, I think they're on their way na po, Tita," sagot niya dito.

"Hmm. That's weird."

Nagtatakang bumaling siya dito. "Po?"

"I mean, I overheard your conversation with Mark sa phone niya a while ago. Hindi ba't kasama mo si Kathryn papunta dito?" tanong nito.

"Ah..." He was caught off-guard. Hindi niya alam kung anong isasagot dito.

Ngumiti naman ito kapagkuwan. "Hey, don't worry. Your secret is safe with me."

Muli pa itong ngumiti sa kanya na para bang ina-assure talaga sa kanyang hindi sila ibubuking ni Kath nito.

“Ah..." Magtatanong pa sana siya dito kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi niya natuloy dahil sa biglang paglapit ni Aaliyah sa kanila.

"Hello po, Tita Cora," bati ni Aaliyah dito. Ningitian lang ito ni Mrs. Valleley bago ito bumaling sa kanya. "Uhm, DJ... halika na?"

Kumunot naman ang noo niya. "Ha? Saan tayo pupunta?"

"Ah, aalis na tayo," sagot nito.

"Pero wala pa sila Kath," sagot niya dito.

"Ah, ite-text nalang sa kanila kung saan ang bagong location natin," sagot naman nito.

"Parang hindi naman yata fair iyon. Ang mabuti pa ay hintayin nalang natin siyang dumating. Anyways, siya naman lang ang hinihintay nating dumating. And for sure, malapit na rin iyong dumating. Am I right, Daniel?" ani Mrs. Valleley.

Tumango lang siya dito.

"Uhm... yeah, you're right po," pagsang-ayon nalang ni Aaliyah dito.

Tumango naman si Mrs. Valleley. "As soon as Kathryn arrives here, aalis na agad tayo," dagdag pa nito.

"Okay po," wika ni Aaliyah.

Tumayo naman si Mrs. Valleley. "I'll inform the others about that. Maiwan ko muna kayo."

Pareho lang silang napatango dito. Saka naman umupo katabi niya si Aaliyah nang tuluyan nang nakaalis si Mrs. Valleley.

"Deej, bakit ngayon ka lang dumating?" tanong naman ni Aaliyah sa kanya.

"Ha? Ah, eh..." Hindi niya alam kung anong isasagot dito. "Ano kasi, may dinaanan lang ako," pagsisinungaling nalang niya.

"Ah, ganoon ba? Hindi pa kayo magkasama ni Mark na pumunta dito. Nagtataka lang tuloy ako," paliwanag pa nito.

"Hindi, may dinaanan lang talaga ako," sagot nalang niya.

Naging tahimik sila ng ilang minuto, bago niya muling narinig ang boses nito. "Ba't ba kasi ang tagal ni Kathryn, eh? Gusto ko nang lumipat ng location. Nakakainis na ang mga media sa labas."

Napatingin naman siya dito at nakita ang asar nang mukha nito na nakatanaw sa may entrance ng lobby kung nasaan ang mga security na hino-hold ang mga media sa pagpasok sa resort lobby.

Bumaling naman ang tingin ni Aaliyah sa kanya. "You don't have any idea kung bakit late si Kath ngayon, Deej?"

Umiling-iling nalang siya sa halip na magsalita.

Lumapit naman agad ito sa kanya at inihilig ang ulo nito sa balikat niya.

"I'm tired na kasi. Gusto ko nang magpahinga," anito pa.

Bigla namang gumulo ang entrada ng lobby. Saka lang niya nakita si Kath na pumasok sa lobby, kasama sina Vicky at Mike. Napangiti naman agad siya. Sa wakas ay dumating na rin ang mga ito.

Nakita niyang napatingin ito sa gawi niya. Pero sa halip na ang matamis nitong ngiting ini-expect niya, ang simangot nito ang sumalubong sa kanya.

Huli na nang ma-realize niyang nakahilig pala ang ulo ni Aaliyah sa balikat niya. Nilampasan na siya nito kaya hindi nito nakita ang discreet na pag-iwas niya kay Aaliyah.

__________

Pagkapasok na pagkapasok palang ni Kathryn sa entrance ng lobby ng resort, agad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang nobyo. Pero sa halip na magalak nang makita na niya si Daniel, ay inis naman agad ang naramdaman niya.

Paano ba naman kasi? Kung makita mo bang may ibang babaeng nakahilig sa boyfriend mo, matutuwa ka ba?

Siyempre, hindi!

Pero sa halip na pagtuunan iyon ng pansin ay agad na iniwas nalang niya ang tingin sa mga ito at nilampasan. Nagseselos siya! At hindi niya alam kung kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman niya.

Inis na napaupo siya sa isa sa mga sofang nandoon. Agad namang lumapit si Mrs. Valleley sa kanya at binati siya.

"Kath, I'm so glad you arrived na. Lilipat tayo ng ibang resort at ikaw nalang ang hinihintay namin," anitong nakibeso pa sa kanya.

"I'm sorry I'm late, Tita. Nagka-flat tire po kasi kami, eh. Kaya natagalan kami nang kaunti," pagpapalusot pa niya dito.

Ngumiti lamang si Mrs. Vallely sa kanya. "That's not a problem, dear. Ang importante ay safe kayong dumating dito."

Tumango naman siya.

"O, siya. Since we're all here naman, how about let's get going na at para makapagpahinga muna tayo sa resort na lilipatan natin, before we start shooting for the ad," anunsiyo ni Mrs. Valleley.

Agad na tumalima ang mga staff na nandoon para maghanda sa paglipat nila sa ibang resort. Out of the corner of her eye, nakita niyang tumayo si Daniel, kasabay si Aaliyah. Iniwas naman niya ang tingin para maiwasan ang nagngingit-ngit na selos.

"Kath, okay ka na?" maya-maya'y narinig niyang tanong ni Mrs. Valleley.

"Yes, tita. We're ready to go," sagot naman niya dito.

Agad na lumabas sila sa isang alternative exit, kung nasaan walang media na nakaantabay, at kung saan naka-park ang mga kotse nila.

"Kath, may sasabay na ibang crews and staff sa atin. Umuwi pa daw kasi ang service nila sa Manila. Eh, hindi naman nila aakalaing lilipat pala tayo ng ibang resort kaya pinauwi nalang sila. Wala nang ibang van ang pwedeng magkasya sa kanila dahil puno na rin ang van ni Dom at Aaliyah," imporma sa kanya ni Vicky nang nakalabas na sila lobby at nasa parking area.

"Okay lang, ate Vicky. Walang problema. Magkakasya naman yata tayong lahat sa van, eh," sagot niya dito.

Lumapit naman si Mrs. Vallely sa kanila. "Is everything all right here?"

Tumango siya dito. "Yes, Tita. Okay naman po lahat."

"Ah, Ma'am Valleley," paglapit sa isang staff sa kanila. "Kulang pa po tayo ng van, eh. May ibang staffs pa na walang masasakyan."

"Ganoon ba? May libre pa sa sasakyan ko, I think pwede pa sila doon. Okay na ba iyon?" ani Mrs. Valleley.

"May dalawa pa po, Ma'am Valleley. Puno na talaga ang ibang vans, eh," wika pa ng staff.

Lumapit naman sila Daniel sa kanila. Kasama pa nito si Aaliyah.

"Convoy nalang po ba tayo?" ang tanong ni Daniel.

"Yes, DJ. Uuna nalang kami, tapos susunod nalang kayo," sagot ni Mrs. Valleley dito.

"Okay po," ani Daniel.

"Wait, Aaliyah," tawag ni Mrs. Valleley ni Aaliyah, "may vacant pa ba sa van mo?"

"Yes, Tita. Isang vacant po. Kay Deej po ako sasabay," ang sagot ni Aaliyah na siyang nakapagpataas ng kanyang kilay.

"Oh, okay. So yung isa nalang," ani Mrs. Valleley, saka ay saglit na nag-isip. Napatingin naman ito sa kanya. "Kath, is it okay with you if sasabay ka nalang rin kina DJ para yung isa ay makasakay sa van mo?"

"Po?" nagulat naman siya sa sinabi nito.

Wala namang problema iyon sa kanya. Kaso nga lang, kasama kasi si Aaliyah. Ito lang naman ang problema niya.

"A-ah..." Napatingin naman siya kay Daniel. Kita naman niya ang approval sa mukha nito, pero opposite doon naman ang nakikita niya sa mukha ni Aaliyah. "K-kung okay lang naman sa kanila," ang nasagot na lamang niya.

Nagkibit-balikat lang si Daniel, saka ay ngumit. "Well, okay lang sa akin."

Hindi naman umimik si Aaliyah.

"So, I guess it's settled then. Sasabay si Kath kay DJ. Sa van naman ni Kath sasakay iyong isang natitirang staff. Okay na tayo," pahayag pa ni Mrs. Valleley.

Tumango nalang silang lahat. Nauna nang lumakad si Mrs. Valleley at ang staff na nakausap nila sa kani-kanilang vans. Habang siya ay pumunta sa kanyang van para kunin ang bag niya doon. Hinintay pa siya nila ni Daniel kaya ay magkasabay lang silang naglakad papuntang kotse nito.

Nang narating na nila ang kotse nito ay agad na pumuwesto si Aaliyah sa front passenger seat, kaya wala na siyang ibang choice kundi ang umupo sa backseat.

Feelingera. Kung makaupo sa front seat, girlfriend lang ang peg, 'no. Andito naman ako, the GIRLFRIEND, sa backseat, isip-isip niya. Kung pwede lang mag-roll ng eyes na hindi nahahalata nila, kanina pa niya ginawa iyon.

__________

Habang nasa biyahe, kanina pa napapansin ni Daniel na tahimik lang si Kath habang nakaupo sa backseat. Pero kahit ganoon, alam na niyang kung ano ang nasa isip ng girlfriend niya.

Malamang, nagseselos na siya.

Paano ba naman kasi, nakaupo si Aaliyah sa front seat. Nag-uusap sila ni Aaliyah, pero wala namang sinasabi si Kath. At nakikita rin niya ang panay na irap nito kung titingnan niya ito sa kanyang rearview mirror.

"Deej, may madadaanan tayong maliit na gasoline station diyan sa unahan. Pwede bang magstop-over muna? Naiihi kasi ako, eh," narinig niyang sabi ni Aaliyah.

"Ha? Eh, convoy pa tayo. Baka kung huminto tayo, hindi na natin sila maabutan, eh maligaw pa tayo," sagot niya dito.

"No, okay lang. I know the place naman, eh. Alam ko ang papunta doon," sagot naman nito sa kanya.

Kaya sa huli, wala naman siyang magawa kundi ang sumunod nalang sa kagustuhan nito. Kaya nang narating nila ang sinabing gasoline station na sinabi nito ay huminto muna siya. Agad naman na bumaba si Aaliyah at patakbong pumasok sa loob ng convenience store ng station.

Habang silang dalawa ni Kathryn ay naiwan naman sa loob ng sasakyan. Pero kahit silang dalawa lang ang nandoon ay tahimik pa rin ang girlfriend niya.

"Babe," tawag niya dito.

"Babe ka diyan," pairap na sagot nito.

Napangiti naman siya. Tama nga ang hinala niya. Nagseselos ang girlfriend niya.

"Sus. Itong girlfriend ko, oh. Nagseselos," kantiyaw pa niya dito. Lumikot siya sa upuan para makaharap ditong nakapuwesto sa bandang gitna ng backseat. "Babe."

"Babe-in mong mukha mo," pag-iiwas pa nito sa kanya.

Agad na hinawakan niya ang kamay nito saka ay inilapit niya ito sa kanya. "Babe, huwag naman ganyan."

Hindi pa rin ito umiimik. At kahit na nakalapit na ito sa kanya ay pilit na iniiwas pa rin ito ang tingin sa kanya.

"Huwag kang magselos, babe. Para sa upuan lang, eh. Nagseselos ka pa," sabi pa niya.

Halatang nainis naman ito sa asar niya. "Anong dahil sa upuan lang? DJ, upuan ko iyan. Dapat ako ang nakaupo diyan. Kasi ako ang girlfriend."

Hindi na niya napigilan ang mapatawa dahil sa inaasta ng girlfriend.

"Aba! At tinawanan mo pa talaga ako, ha?" mukhang nagagalit na na sabi nito. Pinilit pa nga nitong kumawala sa hawak niya.

Pero hinigpitan lang niya ang hawak niya dito. "Ang cute kasi ng girlfriend kong magselos. Kinikilig ako." At sinabayan pa niya ng ala-harlem shake.

"Cheh!" Hindi pa rin natitinag na wika nito.

"Sus, itong babe ko talaga, o. Napakaselosa. Pero okay lang iyon. At least, alam kong nagseselos ka kasi mahal mo ako. At ayaw mo akong maagaw ng iba," nakangiti namang sabi niya dito.

Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

"At siyempre, mahal ko rin ang napakagandang girlfriend kong nangangalang Kathryn Chandria Bernardo-Padilla."

Sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang pagguhit ng maliit na ngiti sa labi nito.

"Uuy, ngumingiti na ang girlfriend ko," kantiyaw niya dito.

Agad na inayos nito ang mukha, kaya ay agad na napalis ang ngiting gumuhit sa mukha nito.

Hindi na siya nakatiis. He went in for a kiss. Halatang nagulat ito sa ginawa niya, pero maya-maya lang ay naramdaman naman niyang tumugon na ito sa halik niya.

Pero humiwalay naman agad silang dalawa sa halikan nilang iyon nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kotse niya. Nakabalik na si Aaliyah. Agad na umayos silang dalawa sa kanilang upuan.

Shit. Muntikan na iyon.

Mabuti nalang at parang wala namang nakita o napansin si Aaliyah.

"Sorry natagalan ako. Bumili na rin kasi ako ng makakain, eh. Nagugutom na rin ako," ang sabi pa nito nang nakapasok na ito sa kotse.

"Ah, okay lang," sagot lang niya dito.

Ngumiti lang ito sa kanya. Habang si Kathryn ay bumalik na naman sa pagka-tahimik nito.

Pinaandar na niya ang kotse at umalis na doon.

"Ah, Deej? Parang pumula yata ang lips mo?" biglang tanong ni Aaliyah habang naba-biyahe sila.

"Ha? Ah - " agad na napatingin siya sa rearview mirror at nakita ang pamumula ng pisngi ni Kathryn.

"Yeah. It's like you're wearing a lipstick or something. Are you?" tanong ulit ni Aaliyah.

"Ah, no. Ano kasi... kumain ako ng candy na strawberry. Baka ng tint iyong color ng candy," pagpapalusot niya dito.

"Oh, okay," at mukhang napaniwala naman niya si Aaliyah.

Napatingin ulit siya sa rearview mirror para panoorin ang reaksiyon ng girlfriend. At nakita niya ang magandang ngiti nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro