Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Mag-iisang buwan na rin simula noong pag-uusap nila Kathryn at Daniel with Ma'am Cory. At sa isang buwan na iyon, masaya naman si Kathryn sa relasyon niya ni Daniel. After that good news with Ma'am Cory, parang naging maganda na ang takbo ng relasyon nila ni Daniel. Even the media went silent and wala nang masyadong intrigang ibinabato sa kanila. Wala nang panira at lahat ng moments niya with Daniel were just so memorable.

Naisip nga niya, kung ganoon lang ka-memorable at kaganda ang mahalin ng isang Daniel Padilla, noon pa sana niya ito ginayuma. Napatawa siya nang lihim sa naisip.

For the past few weeks, naumpisahan na nila ang kanilang photoshoot para sa endorsement nila with the White Clothing Line. Natapos na nilang kunin ang Winter and Fall Collection ng clothing line. Ang kulang nalang ay ang Summer at Spring Collection.

Mas uunahin nilang i-shoot ang sa Summer Collection kasi malayo pa ang venue na kukunan nila. Sa isang private beach sa Batangas kasi kukunan ang photoshoot nila. Ang sa Spring Collection ay sa isang private garden resort lang sa may Quezon city area kaya mas madali at convenient sa kanilang gawing panghuli ang shoot na iyon.

"Kath, nandiyan na si DJ sa ibaba." Napatingin siya sa may hamba ng pintuan at nakita si Vicky na nakatayo at tinatawag na siya.

Tumayo agad siya at kinuha ang mini-duffel bag niya sa kama. Saka sila magkasabay na bumaba ng hagdan at pumunta sa kitchen kung nasaan ang mama niya at naghahanda ng pabaon nila para sa biyahe.

"Oh, Kath. Ang paborito mo na namang longganisa," ani ng mama niya habang ibinibigay sa kanya ang isang container na naglalaman ng longganisa para sa kanya.

"Thank you, Ma!"

"Ay, tsaka nga pala. May extra longganisa diyan para kay DJ. At tsaka, heto," patuloy ng mama niya habang may ibinigay na naman na ibang container. "Lasagna iyan. Hindi ba paborito iyan ng boyfriend mo? Hayan, para naman may energy siyang mag-drive at maiuwi ka pa niya dito ng buhay."

Pareho silang napatawa ni Vicky.

"Mama naman. Siyempre, iuuwi talaga niya akong buhay. Mananagot kaya siya sa iyo kung hindi," natatawang sabi naman niya dito.

Tumawa lang din ang mama niya. Oo, alam na ng mama niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel. Si Daniel pa nga mismo ang nagsabi sa mama niya. Gusto nga nitong maging maayos ang lahat sa kanila, at ang maayos rin ang mga taong mahahalaga na nakapalibot sa kanila. Para daw blessed ang kanilang relasyon.

Ang tanging wala pang alam ay ang mga fans nila, ang mga media, at si Aaliyah. Well, alam na iyon ni Dom kasi dahil nga dito kaya sila nagkaayos ni Daniel. Alam na nila Vicky, Mike, at Mark, and as well as Ma'am Cory. Kahit iyong ibang kaibigang artista niya, katulad nila Kiray, Julia Montes, at Miles, ay alam na rin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.

Sumabay ang mama niya palabas ng kitchen at nadatnan nila doon si Daniel na nakaupo sa couch sa sala nila. Gwapong-gwapo ito sa simpleng suot nitong puting shirt at black straight-cut skinny jeans at Vans shoes.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. Daniel gave her a peck on the cheek. At nakipag-beso din ito kay Vicky at sa mama niya.

"Hi, DJ," bati ng mama niya dito.

"Hi, Tita Min! Gumaganda ka yata, ah?" ganting-bati nito.

Napatawa ang mama niya sa pambobola nito. "Pati ako, nililigawan mo na rin, huh, Daniel? May balak ka na bang pakasalan itong anak ko?"

Biglang namula ang pisngi niya sa sinabi ng mama niya. "Ma!"

Tinawanan lang ni Daniel ang sinabi ng mama niya. "Well, kung papayag po kayo, pwede ko ho bang hingin ang kamay ng napakaganda niyong anak?"

Mas lalong namula siya sa sinabi ni Daniel. Nakatikim tuloy ito ng sapak niya.

"Aw! Babe, masakit iyon," reklamo pa ni Daniel sa kanya.

"Huwag ka ngang mag-joke nang ganyan. Hindi nakakatawa," sabi niya dito.

"At sino ba ang nagsabing nagbibiro lang ako?" tanong nito sa kanya. Nakatitig lang ito sa mga mata niya na parang pinapadama sa kanyang seryoso nga ito sa sinabi nito.

"Ahem. Tita, oh. Nagmo-moment pa sila sa harapan mo. Hindi na sila nahiya," narinig niyang wika ni Vicky.

Nasira agad ang moment nila ni Daniel sa sinabi nito. Agad na nag-iwas sila ng tingin para hindi mahalata ang pagkailang nila.

"O, siya. Sige na. Tumuloy na kayo. At baka mahuli kayo sa commitment niyo," pagtataboy ng mama niya sa kanila.

Sabay na silang tatlong lumabas ng bahay niya. Inihatid siya ng mama niya sa hanggang sa kotse ni Daniel na nasa labas lang ng bahay nila.

"DJ, ingatan mo itong prinsesa namin, ha? Ibalik mo siya dito sa bahay ng buo," bilin pa ng mama niya kay Daniel.

"Opo, Tita. Huwag kayong mag-alala. Ako po ang bahala kay Kath. Hinding-hindi ko siya padadapuan ng lamok," ani Daniel bago pinaandar ang sasakyan nito.

Nauna na sila ni Kath sa kanila ni Vicky. Magkasama ito at si Mike sa van niya. Nag-convoy nalang sila para mamaya, bago dumating sa resort ay makalipat siya sa van para walang makahalata na magkasama lang sila ni Daniel papunta doon. Hindi pa kasi talaga dapat malaman ng mga tao na may relasyon na silang dalawa.

Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang silang dalawa ni Daniel. Tahimik itong nagmamaneho, habang siya ay tahimik na nakatuon ang atensiyon sa labas ng bintana.

"Babe, iniisip mo pa rin ba iyong kanina?"

"Huh?" Napatingin siya dito. "Anong iyong kanina?" nagtatakang tanong niya.

"Iyong sinabi ko sa mama mo kanina," sagot nito.

"Marami kang sinabi sa mama ko."

He let out a small laugh. "Iyong tungkol doon sa kasal."

"Huh?" Iniwas niya ang tingin dito. Bigla siyang nailang sa topic nila. "Anong kasal ang sinasabi mo diyan?"

"Kasal. Ikaw. Ako. Tayo," sagot lang nito.

Napatingin na naman siya dito. Nakatuon pa rin ang atensiyon nito sa pagmamaneho.

"Bakit? Ayaw mo ba akong pakasalan, Kath?" seryosong tanong nito.

Napaayos siya ng upo, saka ito sinagot. "Masyado pa tayong bata para pag-usapan ang bagay na iyan."

Nakita niyang tumango ito. "Kasalanan ko ba kung gusto kong makasama ka panghabang-buhay?"

Kahit na parati na niyang naririnig ang sari-saring pick-up lines nito, hindi pa rin niya maiwasan ang kiligin dahil doon. Parang hindi naman talaga siya magsasawa sa mga pick-up lines nito.

"Natahimik ka na diyan? Kinikilig ka na, ano?" natatawang tanong nito.

Inirapan lang niya ito. "Cheh! Huwag ka nga."

Sinundot naman nito ang tagiliran niya. "Asus. Nagpapa-cute pa siya sa akin, o."

Panay pa rin ang sundot nito sa tagiliran niya, habang ang isang kamay nito ay nagmamaneho pa rin sa manibela.

"Babe, kahit na anong gawin mo - whether you cry, laugh, pick your booger out - cute ka pa rin para sa akin," pagtira na naman nito ng mga pick-up lines nito.

"Daniel Padilla, ihinto mo nga iyan! Nagmamaneho ka pa, o. Baka madisgrasya tayo," saway niya dito at sa pagsusundot pa nito sa tagiliran niya.

Inihinto naman nito ang ginagawa at ibinalik na ang buong atensiyon sa pagmamaneho. At naging tahimik na rin ito pagkatapos ng munting kulitan nila.

Napatingin na naman siya dito. At nakita niyang nakakunot ang noo nito. "Babe?"

"Huh?" Nakakunot-noo pa ring tumingin ito sa kanya.

"Is something bothering you?" tanong niya.

"Ha? Ah, wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Nakakunot kasi ang noo mo, eh. Hindi bagay sa gwapo mong face," pambobola rin niya dito.

Mukhang effective naman ang pambobola niya dahil sa wakas ay ngumiti ito. "Naks! Pumipick-up line ka na rin, babe."

Natawa nalang siya sa sinabi nito.

__________

Kanina pa napapansin ni Daniel ang biglang pagtahimik ni Kathryn. Kaya naman mula sa kalsada ay bumaling ang tingin niya sa girlfriend niya.

Napangiti nalang siya nang makitang nakatulog na pala si Kathryn. Nakahilig ang ulo nito sa may bintana habang yakap-yakap nito ang small pillow na dinala pa niya para kay Kathryn sa biyahe na iyon.

Ang ganda talaga ng girlfriend ko. At wala nang mas hihigit pa doon. Kasi para sa kanya, wala nang ibang mas gaganda pa dito.

Oo at ang mga tipo niya noon ay iyong mapuputi at mga chinita. Pero binago iyon ni Kathryn. Kasi ang mga tipo na niya ngayon, ay si Kathryn.

Ano ba iyan? Pati sa pag-iisip, nagiging korny na rin ako, napatawa siya sa kanyang naisip.

Napatawa na naman siya nang marinig ang munting hilik na nagmula dito. Talagang ibang-iba si Kathryn sa lahat ng babaeng minahal niya. Kahit na artista ito, hindi naman ito masyadong conscious sa kilos nito. Hindi nito alintana na iba ang charm na ibinibigay nito sa mga tao. Simpleng-simple rin itong babae kahit na nasa kanya na ang lahat ng pwedeng hangarin ng ibang babae.

In short, special siyang babae. Napasang-ayon naman siya sa naisip. At hindi lang siya special na babae... siya rin ang special na babae sa buhay ko.

Napabuntong-hininga siya. Hay, ayan na naman. Umaarangkada na naman ang pagkapick-up boy ko.

Agad na inilipat niya ang tingin sa kalsada nang marinig ang malakas na busina na iyon sa daan.

Damn. Naaliw yata siya nang sobra sa kakatitig sa mukha ni Kath at nakalimutan niyang nagmamaneho pa pala siya.

He tried to shook his head off. Kailangan niyang mag-concentrate. Kaya ang ginawa niya, nagpatugtog nalang siya sa kotse niya.

Nasa kalagitnaan siya sa pagkakanta niya sa naka-play na music ng kotse nang may natanggap siyang tawag galing kay Mark. Agad na sinagot niya iyon.

"Kuya Mark, bakit?"

"DJ? Nasaan ka na?"

"Patuwid pa ako sa Batangas border line. Siguro, I'll be there sa resort in about thirty minutes or so," sagot niya dito.

"Kasama mo si Kathryn ngayon?"

"Ha?" Napatingin ulit siya sa girlfriend niya bago sinagot ang tanong ni Mark. "Oo. Bakit?"

"DJ, kailangan mo nang dumating dito. Nagkaproblema tayo sa venue kaya lilipat tayo ng resort. Hindi ko pa alam kung saan pero parang nakahanap na sila ng ibang resort na pwedeng paglipatan."

"Ganoon ba? Ah, sige. Susubukan ko."

"At tsaka, naghahanap pala si Aaliyah sa iyo. Siya iyong nag-suggest sa place. Gusto niyang sa iyo sumabay, kaya bilisan mo na diyan."

"Wala ba siyang dalang van diyan? Kasama ko si Kath, eh."

"Gusto nga niyang sa iyo sumabay. Nandito kasi ang mga press. Hindi ko alam kung bakit nandito sila pero gusto yata ni Aaliyah ng publicity sa stint na ginawa niya sa inyong dalawa."

Damn. "O, sige, sige. Sabihin mo sa kanyang maghintay siya. Sabihin mong nagpa-gas lang ako sandali."

"Okay, okay. And oh - say hi to Kath for me."

"Oo na, oo na. Panira ka naman ng moment namin, eh."

Tumawa lang ito sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.

__________

Biglang namulat ang mga mata ni Kathryn nang may maramdaman siyang mainit na hininga sa may ilong niya. At nang magmulat siya ng mga mata ay laking gulat nalang niya nang makita ang mukha ni Daniel sa harapan niya. Napakalapit na ng mukha nito. Isang hingos nalang at maglalapat na ang kanilang mga labi.

"Ah, anong ginagawa mo?" tanong niya dito.

Bigla namang nagdilat ito ng mga mata at napatingin sa kanya. "I was trying to kiss you."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Anong bakit? Kasi gusto ko," nakakunot-noong sagot nito. "At bakit? Bawal ba iyon, ha?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Oo, bawal."

"Huh?" Biglang lumungkot ang anyo ng mukha nito. "Bakit?"

"Bawal kasi dapat ginising mo ako. Para hindi ka na mag-try na halikan ako. Because I would gladly oblige, my handsome boyfriend," nakangiting sagot niya.

Napangiti ito sa sinabi niya, bago siya buong-pusong hinalikan nito sa labi. It went on for minutes, at kung hindi lang sa isang katok na iyon sa bintana ni Daniel ay malamang hindi pa siya pinakawalan nito. Nahiya naman agad siya. Buti nalang at tinted ang sasakyan ni Daniel at hindi makiktia sa kung sino man ang nasa labas ang ginagawa nila.

Binuksan ni Daniel ang bintana nito.

"Kath, I think we need to go. Hinahanap na kayong dalawa sa resort," sabi ni Vicky.

"Oh," sagot lang niya. Napatingin siya sa labas ng bintana at doon lang niya napagtanto na nasa isang gas station na pala sila. "Wait, anong ginagawa natin dito?"

Bumaling si Daniel sa kanya. "Babe, you need to transfer na to your van. May mga press daw sa resort kaya mahihirapan tayo kung sa resort ka pa lumipat ng van."

"Ah, ganoon ba? Okay." Agad na inayos niya ang sarili at kinuha ang bag niya sa backseat ng kotse nito. "So, I'll see you at the resort, babe?"

Tumango ito. "Yeah. I'll see you."

She went in to him for a quick peck on the lips. "Ingat ka sa pag-drive."

"Yes. At sabihin mo rin kay Manong Driver mo na mag-ingat sa pag-drive, ha? Sa akin siya mananagot kapag may mangyaring masama sa iyo."

Kinurot niya ang pisngi nito. "He'd been driving for me for years now. Ngayon ka pa magku-question sa kakayahan niyang mag-drive?"

"I'm just saying, babe. I can't afford to get you hurt."

"I won't, okay?" She kissed him for the second time. "I love you."

He brushed his lips again to hers. "I love you more."

Hahalikan na ulit siya ni Daniel nang may biglang tumikhim. Pareho silang napatingin kay Vicky sa labas ng kotse nito.

"Uhm, magkikita pa naman kayo later, ano? Kung makapag-goodbye kayo sa isa't-isa, parang magkakahiwalay kayo nang matagal at sa sobrang malayo."

Daniel mockedly pulled a face at her.

Napatawa lang siya. "Sige na, babe. Lilipat na ako sa van."

"Okay."

Pababa na siya ng kotse nito nang tawagin siya ulit nito. "Bakit?"

And for the last time, he went in to kiss her in the lips. After that ay pinakawalan na rin siya nito at agad naman siyang lumapit kay Vicky para sabay na silang sumakay sa van.

When they were finally inside the van, doon lang umalis si Daniel sa gasoline station. Naghintay pa sila nang ilang minuto bago sumunod dito. They just wanted to keep a safe distance para hind maintriga na naman sila ni Daniel na magkasunod lang na dumating sa resort.

"Bakit parang ang tagal mo yatang nakababa sa kotse ni Daniel?" tanong ni Mike sa kanya.

"Eh, eto kasi sila ni Daniel, grabe kung makapagharutan. Parang wala nang bukas," sagot naman ni Vicky sa kanya.

"Uy, anong harutan? Hindi 'no," pagkaila niya.

"At tsaka, ano ba ang ginawa niyo ni DJ sa loob ng kotse niya? Bakit ang tagal-tagal mo? Kinailangan pa talaga ni Ate Vicky na puntahan ka doon," tanong na naman ni Mark.

"Wala. Nag-usap lang kami," pagsisinungaling niya. Nakakahiya naman kung sasabihin niya sa mga ito kung ano talaga ang ginagawa nila ni Daniel doon.

"Weh? Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Vicky sa kanya.

"Oo nga. Nag-usap lang kami," pagde-deny pa niya.

Tumahimik lang naman ang dalawa.

"Ay, teka nga pala, 'teh. Nag-smudge ang lipstick mo," biglang puna ni Mike.

Namula agad ang pisngi niya. Agad na pinunasan niya ang lipstick niya.

Nang mapatingin ulit siya kina Vicky at Mike ay nakaplaster na sa mukha nito ang nakakalokong ngiti.

"Nag-usap lang pala, ha?" nakataas pang kilay na tanong ni Vicky.

Inignora nalang niya ang mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro