Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Parehong nakasalampak sa sahig sina Kathryn at Daniel sa isang sulok sa roof deck. Pareho na silang hinahanap nila Vicky at Mark pero walang ni isa man sa kanila ang gustong bumaba. Kontento na silang dalawa na magkasama doon at nagkukuwentuhan.

"Saka nga pala, DJ - " tanong sana ni Kathryn kay Daniel nang putulin nito ang sinasabi niya.

"DJ? DJ pa rin ang tawag mo sa akin?"

Kumunot naman ang noo niya. "Huh? Eh, ano pa ba dapat?"

"Ano ba iyan? Hindi ba't boyfriend mo na ako? Wala ba akong term of endearment diyan galing sa iyo?" nagtatampo kunong sabi nito.

Natawa naman siya sa sinabi nito. Saka niya kinurot ang magkabilang pisngi nito.

"Aray! Aray, babe! Masakit!" sigaw nito.

Mas natawa siya dito. Pero pinakawalan na rin niya ang pisngi nito.

"Ano ka ba, babe? Ang sakit naman n'on. Wala kang awa sa boyfriend mo," anitong hinihimas-himas pa ang kinurot niyang pisngi nito. "Alam ko nang cute ako. Huwag kang manggigil."

"Grabe, ah. Ang hangin mo pa rin," natatawang komento niya.

"Sus. Kung alam ko lang, iyon naman talaga ang nagustuhan mo sa akin. Kaya ka na-in love kasi bolero ako," sagot din nito.

"O, 'di inamin mo rin. Bolero ka nga at mahangin," natatawa pa ring wika niya.

"Oo na. Oo na. Iniiba mo naman ang usapan, eh."

"Bakit ba?" tanong niya dito.

Umusog naman ito palapit sa kanya. "Eh, ikaw kasi. DJ pa rin ang tawag mo sa akin."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit? DJ naman ang pangalan mo, di ba? O, 'di DJ ang tawag ko sa iyo."

Sumimangot ito. "Hindi ba pwedeng babe nalang? Para sweet pakinggan."

Napangisi siya. "Asus. Chuma-chansing na naman ang gwapo kong boyfriend."

"Bakit ba? May karapatan naman akong manantsing sa iyo, ah."

Napahilig siya sa balikat nito. "True."

Inihilig din nito ang ulo nito sa ulo niya. "I love you."

"I love you too... babe," nakangiting sagot niya.

Naramdaman naman niya itong gumalaw.

"Anong nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong nito.

"Ikaw kasi."

"Huh?" Mas lalo siyang nagtaka. "Bakit ako?"

"Pinakikilig mo na naman ako."

Natawa siya sa sinabi nito. "Puro ka naman biro, eh."

Natawa lang din ito. "Pero mabalik tayo sa tanong mo. Ano ba iyon?"

Naalala niya ang sinabi ni Vicky sa kanya kanina. "DJ - "

"Hep! DJ na naman," kontra nito.

She rolled her eyes. Ang kulit talaga nito. "Okay... babe."

He smiled widely. "That's more I like it."

"Babe, kasi kanina, nag-usap kami ni Ate Vicky," aniya habang tinitingnan ito sa mukha.

“And?"

"And, well... may sinabi siya sa akin. Iyong tungkol sa contract mo with the White Clothing Line," pagtatapos niya sa sasabihin.

Nakita niyang nag-iba agad ang mukha nito. Saka ito nagbuntong-hininga.

"Babe? Bakit hindi mo pinirmahan ang kontrata para sa White Clothing Line?" tanong niya dito.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Babe, I want to explain to you everything. Kaya lang, kahit ako, hindi ko alam kung anong nangyari, eh."

"Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot-noong tanong niya.

"I swear, pinirmahan ko ang kontrata bago ko pinapasa ni Mark kay Ma'am Cory. Kaya nga nagulat din ako kung bakit ang kontratang ipinakita sa akin ni Ma'am Cory ay walang pirma ko. I just don't know what happened," explained Daniel.

"Tinanong mo na ba si Mark kung anong nangyari?"

Umiling ito. "Yes, we’ve talked about it. Iimbestigahan pa niya kung ano ang nangyari at bakit nawala ang pirma ko sa kontrata," sagot naman nito.

Tumango siya.

"Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa kontrata at bakit nawala ang pirma ko doon," anito.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ni Daniel. Kinuha naman agad nito ang cellphone nito at tiningnan kung sino ang nag-text.

"Si Kuya Mark nag-text. Hinahanap daw tayo ni Ma'am Cory," imporma ni Daniel.

"Tayong dalawa ang hinahanap niya?" nagtatakang tanong niya.

"Oo," anito habang tumatayo. Kinuha naman nito ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo.

"May sinabi ba si Kuya Mark kung bakit tayo pinapatawag?" curious na tanong niya dito.

Umiling lang si Daniel. "Pero parang alam ko na kung ano ang sasabihin ni Ma'am Cory."

Hindi na niya tinanong kay Daniel kung ano. Magkasabay silang umalis sa roof deck at papunta sa opisina ni Ma'am Cory. Kung ano man ang sasabihin ni Ma'am Cory sa kanila, sigurado siyang may napag-usapan na ito at si Daniel tungkol doon. Nananalangin nalang siyang magandang balita ang sasabihin nito sa kanila.

__________

Nakatanaw siya sa kanyang sarili sa salamin. Maganda siya, oo. Pero hindi pa sapat iyon para mahalin siya ng lalaking mahal niya. Hindi nalang niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha sa pisngi. Agad na pinunasan niya iyon.

"I told you not to fall in love with him."

Napatanaw siya sa nagsalita sa pamamagitan ng repleksiyon nito sa salamin. Nakatayo ito sa likuran ng director's chair kung saan siya nakaupo.

Lihim siyang nagbuntong-hininga. "I'm not."

Bigla nalang itong natawa nang mapakla. "You're not? Oh, c'mon. You can't fool me. You don't give me that shit."

Humarap siya dito. "What do you want?"

"Alam mo naman kung anong gusto ko, hindi ba? At ibinigay ko na ang kapalit ng kagustuhan ko. But it seems like may nakalimutan kang isang napakahalagang kondisyon na ibinigay ko."

"I told you. I'm not in love with him, okay?" she defensively said.

"Oh, yeah? Bakit parang iba naman ang nakikita ko sa mga mata mo?"

Hindi siya nakasagot doon.

"Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin nagagawa ang pinapagawa ko sa iyo?"

Nagbuga siya ng malalim na hininga. "Hindi ganoon kadali iyon, okay? I need time."

"You need time. You need time?"

Napaatras agad siya nang bigla itong sumugod at hinawakan siya sa kanyang magkabilang braso.

"I already gave you enough time. Napag-usapan na natin ito. We already planned everything, right? But you, compromising the whole deal, fell in love with him," matigas na sabi nito.

"D - "

"Ayusin mo iyan, Aaliyah! Dahil kung hindi, ikaw ang mananagot sa akin!"

She breathed in a sigh of relief nang pinakawalan siya nito. Agad naman itong lumabas ng dressing room niya, leaving her there, on the brink of crying. Nalilito na siya sa kung anong gagawin niya. It seems like there's no other way out sa pinasukan niyang gulo.

Nagbuntong-hininga ulit siya bago ulit sinipat ang sariling repleksiyon sa salamin. Thinking of everything she has done and was about to do, hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak.

_________

"I have good news for the both of you."

Agad namang gumuhit ang ngiti sa labi ni Kathryn nang narinig ang sinabi ni Ma'am Cory. Naramdaman agad niya ang pagpisil ni Daniel sa kamay niyang hawak nito. Magkatabi lang sila sa loveseat na sofa, habang si Ma'am Cory ay nakaupo sa one-seat sofa sa opisina nito.

"Mrs. Valleley has decided to still give you the endorsement, Daniel," pahayag nito.

Nakita naman niya ang malaking ngiting gumuhit sa mukha ni Daniel.

"But, since napirmahan na ni Dominic ang kontrata niya, hindi na natin pwedeng bawiin ang endorsement niya. Instead, we came up with the plan to have the both of you, plus Dominic and Aaliyah, to do the endorsement," pagpapatuloy nito.

A bit disappointed, pero napatango nalang siya. It wasn't really a great appeal for her, pero okay na rin iyon para sa kanya. At least, magkakasama pa rin sila ni Daniel sa endorsement na iyon. Kahit na may asungot na Aaliyah ang kasama.

"And one more good news," pagpapatuloy pa rin ni Ma'am Cory. "The management has seen your still very large impact to the fans that they are willing to give your loveteam one more try."

"Po?" tanong niya dito. Ibig sabihin nito, may pag-asa pang maibalik ang loveteam nila ni Daniel?

"Napagdesisyunan ng management na ibalik ang loveteam ninyong dalawa."

Napatingin ulit siya kay Daniel at saw the same happiness in his face she has at that moment.

"But of course, dapat matapos muna ang commitments ninyong dalawa with your respective loveteams. And then after that, sisimulan na ang preparations para sa tambalan ninyong dalawa," dagdag pa nito.

She couldn't be happier. It felt like everything in her life seemed to finally come in place.

"Pero may gusto pa akong sabihin," ani Ma'am Cory.

Pareho lang silang tahimik ni Daniel habang hinihintay ang karagdagang sasabihin pa nito.

"I know that both of you love each other very much. But until na magkatambal kayo ulit, please, huwag muna ninyong ipaalam sa publiko ang relasyon ninyong dalawa. As much as possible, keep your status low profile," paalala ni Ma'am Cory.

Pareho lang na napatango silang dalawa ni Daniel.

"Thank you... both of you, for being very understanding. Thank you."

Lumabas silang dalawa ni Daniel sa opisina ni Ma'am Cory na malalaki ang ngiti. Finally, she thought, everything will come in better place for her and Daniel. Everything will turn out fine with their relationship.

Everything will be better. And then napatingin siya sa lalaking nakahawak sa kanyang kamay. Ang lalaking pinakamamahal niya.

Napangiti na naman siya. Yup. Everything will be better.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro