Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Maaga palang ay napagpasyahan na nila ni Daniel ang bumalik na sa siyudad. May taping pa kasi sila ni Dom, at may guesting pa daw si Daniel at si Aaliyah. Gustuhin man niyang huwag munang umuwi at makasama pa nang mas matagal si Daniel ay wala siyang magagawa. Kailangan pa nilang mag-trabaho ni Daniel.

"Doon nalang kita ibababa sa parking lot, ah? Mauna ka nalang bumaba, tsaka susunod na ako," narinig niyang sabi ni Daniel nang malapit na sila sa network compound. "Para walang makahalata."

Tumango lang siya dito kahit na nagtataka siya sa sinabi nito sa huli. Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Pero parang may umahon na kaunting inis sa kanya. Para kasing tinatago siya ni Daniel.

But who is she kidding? Of course, he is just protecting her. Pino-protektahan lang siya ni Daniel mula sa mga walang kwentang intriga. At kung makikita silang dalawa ng mga media, sigurado siyang babaha ng batikos at komento ang mga tao at media tungkol sa kanya at kay Daniel.

Nang nasa parking lot na sila ay inihinto na ni Daniel ang sasakyan.

"I'll see you later," sabi pa ni Daniel bago pa siya tuluyang lumabas ng kotse nito.

"Yeah. I'll see you, too," nakangiting sagot niya dito.

Bababa na sana siya nang pigilan siya ni Daniel.

"Ano?" tanong niya dito.

Daniel sincerely looked into her eyes. "I love you."

Napangiti siya sa sinabi nito. "I love you, too," sagot niya bago hinalikan ito sa pisngi.

Saka lamang siya tuluyang lumabas ng kotse nito. Dire-diretsong nagtungo siya sa dressing room niya, kung saan nadatnan niya sina Vicky at si Mike na seryosong nag-uusap.

"Hoy," panggulat niya sa dalawa.

Napatingin naman ang mga ito at halatang nasorpresa nang makita siya.

"Parang ang seryoso yata ng pinag-uusapan natin diyan, ah? Anong meron?" tanong niya sa mga ito.

"Ha?" maang na sabi ni Vicky. "Ah, wala. Wala naman."

"Hmm?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Talaga? Wala talaga?"

"Wala 'te! May pinag-uusapan lang kaming ano - ahm, chismis," sagot naman ni Mike.

"Ano ngang chismis iyan? Ba't hindi ko pwedeng malaman? Ha?" paghahamon niya dito.

Nagbuntong-hininga si Vicky bago tuluyang humarap sa kanya. "O siya, sige. Tutal, gusto mo naman talagang malaman, hindi ba? At wala namang silbi kung maglilihim kami dahil malalaman at malalaman mo rin naman din."

Kinabahan siya sa sinabi nito. "Bakit, Ate Vicky? Ano ba talagang meron, ha?"

Si Mike na ang sumagot sa tanong niya. "Kath, hindi na si Daniel ang makaka-partner mo sa endorsement with the White Clothing Line."

Nagulat naman siya sa sinabi nito. "What? Bakit?"

"Kasi hindi siya pumirma ng kontrata. Instead, si Dom ang ipinalit sa kanya," sagot naman ni Vicky.

Natulala siya sa sinabi ng mga ito. Hindi niya inaasahang hindi pipirma si Daniel sa kontrata. Bakit kaya hindi ito pumirma? Ayaw ba nitong maka-trabaho ulit siya? She wanted to know why. And she would ask Daniel about that.

"May isa pa," narinig niyang sabi ni Vicky.

Tumingin siya dito. "Ano?"

Nagbuntong-hininga ulit ito. "Kanina, nagpa-presscon si Aaliyah."

Kumunot ang kanyang noo. "So?"

"Pinapalabas niyang may relasyon na sila ni Daniel."

Biglang umahon ang galit sa dibdib niya. "What? Silang dalawa ni Daniel? May relasyon? Papaano nangyari iyon? When in fact, I'm Daniel's real girlfriend!"

Halatang nagulat naman si Mike sa sinabi niya. "Talaga 'te? Mag-syota na kayo ni Daniel?"

"Shh. Huwag mong ipagkalat iyan, Mike. Naku, malalagot ka talaga sa akin," narinig niyang sabi ni Vicky kay Mike.

"Okay, shut up na ako," sagot naman nito.

Napasapo siya sa kanyang noo bago napabagsak ng upo sa silya. Naramdaman nalang niyang umupo si Vicky sa tabi niya.

"Kath?"

"Bakit pinapalabas ni Aaliyah na may relasyon na sila ni Daniel? Does Daniel knows about this?" tanong niya kay Vicky.

"I'm not sure that he does. Saan ba kasi kayo kagabi? Mark and I have been trying to reach out to your phones," sabi ni Vicky.

"Bakit? May problema ba?"

"Well..."

"Tell me, Ate Vicky. I need to know," aniya.

May kinuha si Vicky mula sa bag nito. Isang showbiz news article ang ibinigay nito sa kanya. At sa news article na iyon ay naka-publish ang dalawang litrato. Ang isang litrato ay iyong kasama niya si Dom sa seafood restaurant na kinainan nila, at ang isa ay iyong kasama niya si Daniel sa loob ng kotse nito.

"Kathryn Bernardo, pinagsasabay ang dalawang lalake," was the headline of the article. Hindi siya apektado kasi alam niyang walang katotohanan iyon. Pero ang masakit ay ang napansin niyang isang statement sa article.

"Si Kathryn pa ba mismo ang sisira sa namumuong magandang relasyon ni Daniel Padilla at Aaliyah Benisano? Pagkatapos niyang iniwan sa ere si Daniel dahil sa pakikipaghiwalay niya sa loveteam nila, ngayon ay may gana pa siyang sirain ang relasyon ni Daniel sa iba? Anong klaseng babae si Kathryn? Nagpapaasa, tapos maninira? Tsk, tsk, tsk. It seems that Kathryn is just a pretty face na may tinatagong kalandian sa katawan. Kathryn Bernardo is not for Daniel Padilla. And I think some would agree to that."

Hindi niya namalayang napapatak na ang luha sa kanyang mga mata.

"Kath, huwag kang papaapekto. Alam naman nating walang katotohanan ang nakalagay sa article na iyan," pampalubag-loob ni Vicky.

"Bakit ba sila ganito, Ate Vicky? May alam ba talaga sila sa lahat nang nangyayari sa buhay ko? Sa amin ni DJ? Wala naman, di ba?" humihikbing sabi niya. "Ano ang karapatan nila upang sabihin ang mga ito? Wala silang alam."

"We know, Kath. We know that. Hayaan mo nalang sila. Wala silang magawa sa mga buhay nila."

__________

Pagkapasok ni Daniel sa dressing room niya ay agad na bumungad sa kanya si Mark, dala-dala ang news article kung saan siniraan ng showbiz writer si Kathryn.

“Buti nalang at natawagan kita kagabi. Kung umuwi pa kayo at pumunta dito, talagang pagkakaguluhan kayong dalawa ni Kathryn," ani Mark.

"Salamat, bro," pagpapasalamat niya dito.

Tinungo niya ang kanyang closet at agad na nagpalit ng t-shirt.

“Ay, oo nga pala. Do you already know about my unsigned contract ng White Clothing Line?” tanong niya kay Mark.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Mark sa kanya.

“Nawala ang pirma ko sa kontrata.”

“What?”

He nodded his head in response.

“Papaano? If I remembered it correctly, may pirma na ang kontrata mo. Nag-double check pa nga tayo hindi ba?”

“Iyon nga rin ang kinatataka ko. I don’t know what happened,” napailing na sagot niya.

“I’ll investigate about it. Ah... Siyanga pala, DJ. Nagpa-presscon si Aaliyah kanina," imporma ni Mark sa kanya.

"Tapos?"

Nakita niyang nagkamot ito ng ulo. "Ano kasi..."

"Ano, kuya Mark? Sabihin mo sa akin."

"Ano... Si Aaliyah, pinapalabas niyang may relasyon kayong dalawa."

Napabuga siya nang malalim na hininga. Agad na lumabas siya ng dressing room niya. Agad na tinungo niya ang dressing room ni Aaliyah. Nang pumasok siya sa dressing room nito ay nadatnan niya itong inaayusan ng stylist nito.

"Oh, hi Deej!" nakangiting bati nito.

"What the hell, Aaliyah?" galit na bungad niya dito.

Agad na napalis ang ngiti sa labi nito at napalitan iyon ng pagkunot sa noo nito. "What the hell? What are you talking about, Deej?"

"Hindi ba't ang sabi ko, hintayin mo akong makarating dito? And then sabay nating haharapin ang press? Bakit mo ako pinangungunahan?" galit pa rin na wika niya dito.

Nakita niyang sinenyasan nito ang stylist nito na lumabas ng dressing room. Nang nakalabas na ng dressing room ang stylist nito ay sila nalang dalawa ni Aaliyah ang nasa loob.

Nagbuntong-hininga si Aaliyah. "Deej, hindi kita pinangungunahan. Ginawa ko lang ang lahat para maisalba itong loveteam natin. Para maisalba ko ang kung ano mang espesyal na namamagitan sa ating dalawa."

He huffed a breath. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Nagsinungaling ka sa mga tao. We could've just denied the issue. Hindi naman kailangang magpanggap tayong may relasyon tayong dalawa."

"Oh, just like what you did before?"

Mahina lang ang pagkakasabi niyon ni Aaliyah but he was sure he heard it right. "Ano ang sinabi mo?"

Umiling ito. "Wala. Ang sabi ko lang, I was just doing some damage control. And as I see it, mukhang tatalab naman ang kasinungalingan ko sa mga tao. In fact, sa palagay ko, mas dadagsa pa ang mga offers na project sa atin kasi mas gaganahan ang mga fans natin."

Huminga siya ng malalim. "You just... You just don't get it, Aaliyah."

"What do I don't get, Deej? Ano ba ang problema mo't ayaw mo nalang tanggapin ang mga sinabi ko sa press? Mas maganda pa nga kung totohanin nalang natin ang lahat, eh. In that case, mas lalakas pa ang team-up nating dalawa."

"No, Aaliyah. Hindi kailangan iyon."

Lumapit si Aaliyah sa kanya. "Why can't you just accept it, Daniel? It's a good offer I could give to you and to this loveteam."

"I can't. And I won't," sagot niya.

"And why? Why is that?" may hinanakit na sabi nito. "Why? I'm just not good enough for you? Pangit ba ako, Daniel?"

"No. It's not that, Aaliyah. You're just not... her." This time, lumambot na ang tono ng kanyang boses. Naiisip na naman niya si Kath. Alam niyang malamang ay alam na nito ang sitwasyon nito ngayon. At alam niyang maaaring nasasaktan na ito ngayon.

"Her? Who's her, Daniel?" inis na tanong ni Aaliyah.

"I'm sorry. But I need to go," aniya, saka ay tinungo ang pintuan ng dressing room nito.

"Deej," called Aaliyah.

Pero hindi pa rin siya lumilingon. Tuloy-tuloy lang siya papalabas ng dressing room nito.

When he got out of Aaliyah's dressing room ay tinungo agad niya ang dressing room ni Kath. Pero nang dumating siya doon ay sina Vicky at Mike lang ang nadatnan niya.

"Ate Vicky, si Kathryn?" tanong niya dito.

"Ahm, hindi ko alam, Daniel eh. Ang sabi lang niya sa amin, magpapahangin lang siya saglit," sagot naman nito sa kanya.

Tumango-tango siya. "Sige, Ate. Salamat nalang."

Kinuha naman niya ang cellphone ni Kath at idi-nial ang cell number nito. Pero laking panibugho niya nang makita ang cellphone nito sa table dresser nito.

Hindi niya dinala ang cellphone niya. Napabuntong-hininga siya. Alam niyang umiiyak na si Kathryn ngayon. At nasasaktan. At ayaw niyang mag-isa nitong dinadala ang problema nito.

Nalibot na niya ang buong compound pero hindi pa rin niya nakita si Kath. And then naalala niya ang roof deck, kaya ay dali-dali siyang pumunta doon.

__________

Tahimik na tinatanaw ni Kathryn ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Nasa roof deck siya at tinatanaw iyon mula sa taas.

She decided to go there after knowing the issues going around against her. Alam niyang sanay na siya, pero hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan. Walang katotohanan ang mga chismis na iyon, pero nasasaktan pa rin siyang isipin na iyon ang pinapaniwalaan ng mga tao. At hindi ang totoo.

Napaisip rin siya kay Daniel at ang relasyon nilang dalawa. Bago pa nga lang nilang inumpisahan ang relasyon nila, madami nang sumusubok na humadlang. Minsan, naiisip niyang baka pinaglalaruan talaga siya ng tadhana at bakit binibigyan siya ng maraming problema. Mukhang hindi sang-ayon ang tadhana na mahalin niya si Daniel at ang mahalin rin siya nito.

"Hey, are you okay?" Narinig niya ang tanong na iyon kasabay ng paglibot ng isang pares ng braso sa hawak niya.

Napatingin siya sa mukha ng lalaking mahal niya. She gave him a weak smile. "Yeah. I'm fine."

Humigpit ang yakap nito sa bewang niya. "What's wrong, babe? Tell me."

"Alam mo, okay lang sana kung iyong mga intrigang ibinabato lang sa akin ang haharapin ko, eh. Kasi kahit papaano, alam ko namang walang katotohanan ang lahat ng iyon." Nagbuntong-hininga siya. "Pero ang marinig na sabihin ng ibang babae na "may relasyon" sila ng lalaking pinakamamahal ko, masakit ding pakinggan."

Hinarap naman siya nito kaya ay malayang napapagmasdan niya ang mukha nito."Kath, alam kong hindi madali ang lahat para sa iyo at para sa ating dalawa. Kaya nga hindi ba't isa lang ang hinihingi ko sa iyo sa relasyon natin? And that's trust."

"DJ..."

"Trust me, Kath. Ako ang paniwalaan mo. Kasi tayong dalawa ang nasa relasyon na ito. Huwag kang makinig sa sasabihin ng ibang tao. At kung hindi ka pa talaga naniniwala, sasabihin ko sa iyong hindi totoo ang mga sinasabi ni Aaliyah. Kahit kailanman, hindi iyon maaring maging totoo."

"Pero - "

"Kath, trust me, babe. Okay? Ikaw lang ang mahal ko. Not Aaliyah, or anyone else. Ikaw lang."

Tumango-tango siya. Saka niya ito niyakap. "Okay, okay. I'm sorry. I'm just... hindi mo ako masisisi. Sa lahat nang pinagdaanan ko, natatakot akong masaktan."

Mahigpit na niyakap siya nito. "Kahit kailanman, hinding-hindi kita sasaktan, Kath. Hindi ko kayang saktan ang babaeng pinakamamahal ko."

She smiled against his chest. "Promise mo iyan, ha?"

"Oo nga. I promise you. You and only you. And no one else. I won't ever hurt you, babe," bulong ni Daniel against her hair.

She could live with that for now. Kakayanin niyang lagpasan ang mga pagsubok basta't alam lang niyang mahal siya ng lalaking mahal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro