Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

"Chenen!"

Napatawa si Kath sa inasta ng boyfriend. Kasalukuyan nitong inilapag sa mesa ang pagkaing niluto nito para sa kanilang hapunan.

"Wow! Mukhang masarap ito," nakangiting wika niya. "Hmm... ang bango pa!"

Natawa si Daniel. "Thank you. Actually, isa iyan sa mga paborito kong ulam."

"Talaga?"

Tumango-tango lang ito habang kumukuha ng isang pinggan. Saka ito umikot para tumabi sa upuan niya at inilapag ang pinggan sa harapan niya.

"Teka," nagtatakang sabi niya. "Nasaan na ang plate mo?"

Ngumiti ito. "Share nalang tayo."

"Bakit?"

Bakit hindi?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Hmm. Alam mo, ikaw? Nananantsing ka lang, eh."

Tumawa lang ito. "Sus. Ito naman. Pakipot ka pa kasi, eh."

"At ako pa daw ang may kasalanan!"

Mas lalong natawa ito, kaya ay natawa na rin siya. Nagsandok ito ng kanin at inilagay sa pinggan nila.

"Teka, magka-kamay lang tayo?"

Tumango ulit ito. "Mas masarap kamayin ang adobong baboy with garlic, eh."

"Ha?" nakakunot-noong wika niya. "Eh, hindi ako marunong magkamay."

Halatang nagulat ito. "Talaga?"

"Oo nga."

Agad naman na napalitan ng amusement ang noo'y gulat nitong mukha. "Ang cute-cute naman ng girlfriend ko," natatawang wika pa nito. "Halika. Susubuan nalang kita."

"Ha? Uy, huwag na."

"Halika na nga."

Kinurot niya ang braso nito. "Chansing ka talaga, eh 'no?"

"Pakipot ka nga kasi," natatawang wika nito. "Halika nga. Susubuan nga kita."

"Eh, ayoko."

Kumunot ang noo nito. "At bakit naman? Naghugas naman ako ng kamay, ah?"

Naco-conscious ako, eh, isip niya.

"Babe, halika na. Susubuan kita. Huwag nang maraming arte," wika nito.

Nagdadalawang-isip man ay tumugon nalang siya sa sinabi nito. Sinubuan siya ni Daniel ng kanin na may adobong baboy. And in fairness, tama nga ito. Mas masarap nga kapag kinakamay ang adobong baboy.

"See? I told you," ang sabi pa nito. Sinubuan na rin nito ang sarili.

Naging tahimik lang silang dalawa habang kumakain. Nag-eenjoy rin naman siyang sinusubuan siya ng boyfriend. Kinikilig pa nga siya, eh. At ito namang boyfriend niya, halatang nag-eenjoy rin sa pananantsing sa kanya. Kasi sa tuwing sinusubuan siya nito ng kanin ay hinahalikan pa nito iyon bago isubo sa kanya.

Nang matapos na rin ang hapunan nila ay sabay silang naghugas ng pinggan ni Daniel. Sa una ay hindi pa ito sumang-ayon. Pero sa pagpupumilit niya ay wala na itong nagawa. Kaya hayun silang dalawa at parehong naghuhugas ng platong kinainan nila.

“So, noon pala talaga, love mo na pala ako?" naa-amuse na tanong ni Daniel sa kanya.

Hinagisan niya ito ng bula ng sabon mula sa kamay niya. "Kapal mo talaga."

Natawa ito. "Sabagay, pansin ko rin naman noon ang mga malalagkit na titig mo sa akin, eh. But I don't blame you. Sino ba naman ang hindi makatitig sa kagwapuhan ko?"

Mas lalong natawa siya. "Yabang talaga!"

"Gwapo naman," hirit pa nito.

Nag-aasaran pa rin sila habang naghuhugas ng mga plato. At nang sa wakas ay natapos na rin nila ang paghuhugas, napagpasyahan nilang lumabas ng cottage at tumambay sa sofa bench na nasa porch.

___________

Magkatabi silang nakaupo ni Kathryn sa porch sa labas ng cottage. Nakaakbay siya sa girlfriend niya habang nakasandig naman ang ulo nito sa balikat niya. Tahimik na tinatanaw nila ang mga alon sa dagat at ini-enjoy ang simoy ng preskong hangin.

Napaisip ulit siya sa pinag-usapan nila ni Ma'am Cory kanina sa opisina nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung papaanong nawala ang pirma niya sa kontrata. He remembered he signed it before sending it to Ma'am Cory's office. At kahit noong ibinigay niya kay Mark ang kontrata ay parehong i-dinouble check nila ni Mark ang kontrata. And he swear, talagang may pirma niya iyon.

Damn it! He can't afford to lose that project. Hindi siya papayag na si Dom ulit ang makakapareho ni Kath sa next project nito. Kahit na tinulungan siya ni Dom para magkaayos sila ni Kath, pero nagseselos pa rin siya sa binata. Kasi alam niyang may pagtingin rin ito sa girlfriend niya. At isa pa, he wanted to have his loveteam again with Kath. At ipinakiusap niya kay Ma'am Cory ang bagay na iyon.

"Ma'am Cory, is it possible to have my loveteam with Kath again?" tanong niya kay Ma'am Cory.

Nagbuntong-hininga si Ma'am Cory sa tanong niya. "DJ, kahit na gusto ko ring ibalik iyon, pero marami nang kontrata ang naibali nang nagpasya kayong dalawa ni Kath na maghiwalay ng loveteam. And because of that, it costed the network a lot. I don't think ganoon lang kadali ang ibalik ulit ang loveteam ninyo."

Talagang nadismaya siya sa sinabi nito. Alam niyang maraming naapektuhan sa paghihiwalay ng loveteam nila ni Kath. Pati ang mga fans nila ay nasaktan rin. But, what's done is done. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Ang importante sa kanya ay ang kasalukuyan. The present is all that matters. At sa present na iyon, kasama niya ang babaeng mahal niya.

But the future? Lihim siyang napabuntong-hininga. He didn't want to think about the future. Kasi ang future na gusto niya ay ang makasama pa rin ang babaeng hinahangad ng puso niya. But in a world where they live in, hindi siya sigurado sa magiging kahihinatnan ng lahat. Lalong-lalo na't ayaw niyang masaktan ang babaeng minamahal niya.

He remembered his conversation with Ma'am Cory...

"So, what do you have, Daniel?" asked Ma'am Cory.

 

He took a breath... once, or twice, it may seem. Pero sigurado na siyang sasabihin niya kay Ma'am Cory ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kath.

 

"What about you and Kath?" tanong uli nito.

 

"Ma'am Cory... girlfriend ko na po si Kath. At alam ko, dahil doon, mas maraming maaapektuhan. For one, alam kong maraming magbabago sa career namin ni Kath. Alam kong pwedeng ikasira niyon ang career namin. Pangalawa, alam kong magkakagulo lang ang media kapag malaman nila ito. And third, alam kong maaari ring maapektuhan ang mga fans namin," he blurted.

 

Naging tahimik lang si Ma'am Cory habang nakatingin sa kanya.

 

"But, Ma'am Cory, pinakawalan ko na si Kath noon, and I'm not making the same mistake twice. Kaya kahit na ano pang mangyari, hinding-hindi ko po hihiwalayan si Kath. Alam ko naman kasing pwedeng-pwede mo kaming paghiwalayin. But, I am willing to give up my career... for Kath."

 

Tahimik pa rin ito at mukhang pinag-iisipan ang mga sinabi niya.

 

"I'm really sorry, Ma'am Cory. Hindi po namin intensiyong bigyan kayo ng sama ng loob o sakit sa ulo."

 

Maya-maya lang ay nakita niyang ngumiti si Ma'am Cory na ipinagtaka naman niya.

 

"Hmm. You love her that much?"

 

"Po?"

 

"Mas pipiliin mo pa si Kathryn kesa sa career mo. You really do love her very much."

 

"Yes. I really do."

 

"Then bakit ko naman kayo pipigilan sa bagay kung saan masaya kayo?"

 

"Alam ko naman po kasing pwedeng maraming hahadlang sa relasyon naming dalawa ni Kath."

 

"So? Humadlang sila. Let them do that."

 

Naguguluhan siyang tumingin dito. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

 

"In the end, it's not them that matters in your relationship. It's you, Kath, and how strong you both are in this relationship that you have," explained Ma'am Cory. "DJ, hinding-hindi naman talaga mawawala ang mga hadlang sa buhay. It's how you deal with it that matters."

 

Mukhang naiintindihan na niya ang punto nito.

 

“Sa mundong ginagalawan ninyo, hindi mo mapipigilan ang mga batikos na maaaring aapekto as relasyon ninyo. My advice? Maging matatag kayo ni Kath. Build a strong relationship that’s full of trust, respect and love. Iyon lang ang importante.”

 

Tumango siya dito.

 

“I’m not stopping you or Kath from loving each other or having this relationship. Maging maingat lang sana kayo. Huwag kayong papaapekto agad. Kasi hindi ako o iyong mga fans, o ang mga intriga, ang makakapagpahiwalay sa inyong dalawa. Nasa inyong dalawa iyon. Hindi sa ibang tao.”

 

“Salamat po, Ma’am Cory,” pagpapasalamat niya. “Maraming salamat talaga.”

 

Ngumiti ito sa kanya. “You’re welcome. And I do wish you an d Kath the best.”

 

Tumayo na rin siya at papalabas na sana ng opisina nito nang biglang tinawag nito ang pangalan niya.

 

“Oh, and one more thing, Daniel. Alam kong ayaw mong masaktan si Kath. That's why you need to protect... from anything or anyone that could hurt her. Protektahan mo siya."

 

“Yes, I will. Sa abot ng makakaya ko. Po-protektahan ko siya.".

Sa tuwing natatandaan niya ang mga pinag-usapan nila ni Ma'am Cory ay napapaisip pa rin siya. Nangako siyang po-protektahan niya si Kath, hindi lang kay Ma'am Cory pero sa sarili rin niya. Kaya naman ay nakapagdesisyon siya.

He decided to keep their relationship a secret. Kasi alam niyang kung mabubunyag iyon sa ibang tao, lalong-lalo na sa media, maaaring maraming masasabi ang mga ito nang masasakit na bagay tungkol kay Kath. And he doesn't want that.

"A penny for your thoughts?" he heard Kath's voice which trailed off his thoughts.

He buried his face to her hair. "I was just thinking about you."

Naramdaman niyang gumalaw ang balikat nito. "Gaya-gaya ka."

He chuckled. "Totoo naman. Ikaw ang iniisip ko."

Natahimik ito saglit. Maya-maya lang ay tumuwid ito ng upo at tumingin sa kanya. "Naisip ko lang, ano kaya ang magiging reactions ng mga tao kapag malaman nilang tayo na, ano?"

Siya naman ang natahimik sa sinabi nito.

"I mean, ilang interviews kaya ang gagawin natin kung i-aanounce na natin ang relasyon natin? Ilang fans ang matutuwa o mamba-bash? Ano sa tingin mo?"

"Ha? Uhm," he pulled her again to his embrace. "Huwag mo nang isipin iyon. Ang mabuti pa, ang isipin mo nalang ay ako."

Napasuntok ito sa balikat niya habang natatawa. "Kapal talaga."

Natawa rin siya, bago kumalas sa yakap at tiningnan siya sa mata. "Basta. Mahal kita, Kath. At kahit na anong mangyari, mahal na mahal pa rin kita. Magtiwala ka lang sa akin."

Ngumiti ito. "Of course. I trust you, DJ. And mahal na mahal rin kita."

He gently kissed her on the lips and then pulled her again for an embrace.

Mahal na mahal kita, Kath. At hindi ko hahayaang may manakit sa iyong iba. Hinding-hindi.

__________

Nagising nalang si Kath dahil nilalamig na siya. When she shifted her eyes around her, kitang-kita niya ang lumalabas na sinag ng araw sa dagat.

"Mmm."

Napatingin naman siya sa lalakeng katabi niya, na nakapalibot ang mga braso sa kanya. "Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.

Napangiti rin siya. "Good morning."

"How was your sleep?" tanong nito sa kanya.

"Good. Hmm. Eh, ikaw?"

"Very good. Kayakap ko ba naman ang pinakamagandang babae sa mundo, eh," pambobola pa nito.

"Bolero," natatawang wika niya.

At the moment, parehong nakatingin lang sila ni Daniel sa dagat. They were enjoying each other's embrace while watching the sunrise. Nasa sofa bench pa rin sila sa patio ng cottage. They just spent the night there.

"Kath, when we go back, alam mo namang maaaring marami nang magbago, di ba?"

Napatingin siya dito. A questioned look was written in her face.

"But I just want you to know that you just need to trust me. Okay?"

Naguguluhan pa rin siya. "Anong ibig mong sabihin, DJ?"

"Basta. Magtiwala ka lang sa akin."

"I still don't get you," naguguluhang wika niya.

He cupped her face. Nararamdaman niya ang pagmamahal sa mga titig nito sa kanya. "Babe, just trust me. Okay? Just trust me."

Napatango nalang siya dito. Kung ano man ang iniisip nito, alam naman niyang para iyon sa ikabubuti ng relasyon nila.

"As I've said, I trust you, okay? And I love you, too," wika rin niya dito.

"I love you so much, Kath. I won't let anything hurt you," wika nito bago siya buong-pusong hinalikan sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro