Chapter 43
"So... can anyone tell me what happened doon sa mall?"
Napatingin si Kath kay Daniel na nasa harapan lang niya, bago ibinaling ulit ang atensiyon sa kanilang head talent scout na si Ma'am Cory.
"Ano ang nangyari at nagkagulo doon sa restaurant ng mall na iyon? What happened?"
"Ah, kasi Ma'am Cory - "
"I'm not asking you Vicky. I want answers from Daniel and Kath," pagputol ni Ma'am Cory sa sasabihin sana ni Vicky.
Katabi niya si Dom. At katabi ni Dom si Vicky. Nasa tapat naman niya si Daniel habang nasa tabi nito si Aaliyah.
Napalunok muna siya bago nagpasyang sumagot. "Uhm, ang nangyari kasi - "
"It was all my fault."
Napatingin agad siya kay Daniel. She gave him a questioning look. Ano ba ang ginagawa nito at parang iniako nito ang kasalanan sa nangyari doon sa restaurant?
Sa totoo lang, wala naman talaga itong kasalanan. Kasi siya ang may kasalanan. Hindi kasi siya tumitingin sa dinaraanan niya. She was thinking at that time. Iniisip niya si Daniel at si Aaliyah. And because of that... because of her stupidity, nagkabanggan tuloy sila ng isang babaeng customer din ng restaurant. At aksidenteng natabig nito ang cap na suot niya kaya nalaglag. And everything just went fast and blur. Hindi na nga niya natandaan kung paano sila nakalabas ni Daniel doon ng buhay.
"Napabayaan ko po si Kath kaya siya napagkaguluhan sa restaurant. Hindi ko po siya dapat iniwan. Sorry po. Hindi na iyon mauulit," pahayag pa ni Daniel.
Bumuntong-hininga si Ma'am Cory bago nagsalita ulit. "Okay. You may all go now."
Sabay na napatayo silang lahat para lumabas na ng office nito. Magkasabay lang silang dalawa ni Daniel sa paglabas nang narinig niyang tinawag ni Ma'am Cory ang pangalan ni Daniel.
"Maiwan ka muna, Daniel. May pag-uusapan pa tayo," anito pa.
Napatingin naman siya kay Daniel. Parang ayaw niya itong iwan doon nang mag-isa. Baka magtatanong si Ma'am Cory tungkol sa totoong nangyari. Ayaw niyang harapin ni Daniel iyon nang mag-isa. Dahil unang-una, wala naman talaga itong kasalanan. Siya ang may kasalanan ng lahat.
Ngunit, ningitian lang siya nito. Parang ina-assure ng ngiting iyon na magiging okay lang ito.
"I'll wait for you outside," bulong niya dito.
Mahinang tango lang ang itinugon dito bago humarap uli kay Ma'am Cory. Kaya ay tinungo na niya ang pinto at lumabas na doon.
__________
Nakaupo uli si Daniel sa harapan ni Ma'am Cory. Naghihintay siya sa sasabihin nito. May malakas na kutob na siyang tatanungin nito sa kanya ang totoong nangyari doon sa mall. Alam naman kasi niyang pagpipiyestahan na naman sila ng mga media. At iyon ang ayaw na ayaw ni Ma'am Cory. Ayaw nitong nasasangkot sa mga chismis ang mga talents nito.
May kinuha si Ma'am Cory na folder mula sa table drawer nito. Inilapag nito iyon sa mesa, bago siya nito muling binalingan.
"I just wanted to tell you that Kath has already signed her contract for White Clothing Line," pahayag ni Ma'am Cory.
Dahil sa sinabi nito ay gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Ang ibig sabihin noon ay magkakatrabaho ulit sila ni Kath sa isang project.
"What I just can't understand is kung bakit hindi mo tinanggap ang project," anito na ikinagulat niya.
"Ho? Hindi tinanggap?" nagtatakang tanong niya.
"Yes."
"But I already passed my contract. Paano nangyari iyon?" nalilito pa rin niyang tanong.
"Yes, you did. You did pass your contract. Pero hindi mo pinirmahan," sagot nito.
Mas lalong kumunot ang noo sa kanyang noo. "Hindi pinirmahan? But I signed my contract the moment I received them. Papaano nangyari iyon?"
Ma'am Cory handed him his contract. And when he checked the papers, wala ngang pirma niya ang nakasulat doon.
"But - But I signed the contract, Ma'am Cory. I really did sign it," sabi niya.
Nagbuntong-hininga ito bago, "Well, we've already took the replacement for you. Kasi nga, you didn't sign the contract. Meaning that you don't want this project."
"But I do. I do want this project. I want this project with Kath," nadidismayang sabi niya. "Look, Ma'am Cory... Hindi ko alam kung paanong nangyari ito. Kung paanong nawala ang pirma ko sa kontrata. But I do know that I am one-hundred-percent sure that I want this project."
Umiling-iling ito. "I'm sorry, Daniel. Hindi ko rin alam kung bakit walang pirma ang kontrata mo. I was trying to reach you this morning, para sana ma-clarify ko ito, but you were out of reach."
Napatampal siya sa noo. "Yeah. Aaliyah got my phone."
Tumayo ito mula sa upuan nito at umikot sa mesa papunta sa upuan niya. "Daniel, I'm really sorry. Pero nakapirma na kasi si Dominic sa kontrata."
"Si Dominic?" Ngayon ay inis na ang bumangon sa dibdib niya.
"Yes. Dominic. Kath's loveteam," sagot nito. "Mrs. Valleley already saw their pictures together. In fact, iyong mga pictures talaga nila ang una kong ipinakita sa kanya. But when she saw your pictures, together with Kath, she seemed like she fell in love with your chemistry. Kaya nga malaki ang panibugho niya nang hindi mo tinanggap ang project."
Kahit siya man, nadi-dissapoint sa nangyayari. Paano ito nangyari?
Damn it!
"You know what, I really thought, si Kath iyong hindi tatanggap sa project. Pero nabigla talaga ako," anito pa.
"Kahit ako, Ma'am Cory. I promise you, I want this project so bad," wika niya. "May magagawa po ba kayo para baguhin pa iyong kontrata at ang schedule? Talagang pumirma naman talaga ako sa kontrata, eh. Pero hindi ko alam kung bakit ang kontratang ipinakita mo sa akin ay walang pirma."
Matagal bago sumagot si Ma'am Cory. "Okay, Daniel. I would do the best that I can. Naniniwala akong gusto mo nga talaga ang project na ito."
Tumango-tango nalang siya. "Opo. Totoong-totoo po iyan. At maraming salamat po, Ma'am Cory."
Tinapik nito ang balikat niya. "Walang anuman iyon, Daniel. That's nothing. Kung ang pag-uusapan naman ay ang tagumpay ng careers ng mga talents ko, gagawin ko naman talaga lahat ng aking makakaya."
"Maraming salamat po talaga."
"Okay, Daniel," sagot nito. "Pero maiba ko lang, ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Kath doon sa restaurant? May dapat ba akong malamang lihim ninyong dalawa?"
"Po? Uhm..."
Alam ni Daniel na hindi magandang paglihiman nila si Ma'am Cory. Pero natatakot rin siyang kung sasabihin niya dito ang totoo ay maaaring paghiwalayin silang dalawa ni Kath.
"DJ, I know na may lihim na naman kayo ni Kath sa akin. Based kasi sa mga reactions ninyong dalawa, alam kong may nangyayaring hindi namin alam."
"Ma'am Cory, kung sasabihin ko ba sa inyo ang totoo, hindi ba kayo magagalit?" tanong niya dito.
"Papaano ako magagalit kung hindi ko pa nga alam kung ano iyon?" balik-tanong nito sa kanya.
Nagbuntong-hininga siya bago, "Ma'am Cory... Alam ko po kasi, sa sasabihin ko, maraming magbabago, eh. For one thing, I'm not really sure if I should tell you this, or not."
"Well, what if let's hear it first. Tapos, gagawan natin ng paraan iyang kung ano man ang sasabihin mo," anito.
Alam naman niyang mapagkatiwalaan ito. Kaso nga lang, hindi pa rin niya maiwasang mangamba sa maaaring maging reaksiyon nito tungkol sa kanila ni Kath. Alam rin kasi niyang marami na itong nai-sakripisyo nang dahil sa loveteam nila ni Kath. Kaya lang, binitawan nila ang oportunidad na ibinigay nito sa kanila.
"Daniel, you can trust me. And whatever it is that you're going to tell me, I'm gonna make sure to react as appropriately as I could."
Nagbuntong-hininga uli siya. Mas mabuti na rin sigurong malaman nito ang tungkol sa relasyon nila ni Kath. Kahit hindi siya sigurado kung tama bang sabihin niya dito iyon, pero alam niyang iyon ang mas nakakabuti.
"Is this about you and Kath?" tanong nito.
Mahinang tango lang ang ibinigay niya dito. "Opo. About me and Kath. And about what we have."
__________
Kanina pa hindi mapakali si Kath habang naghihintay sa labas ng opisina ni Ma'am Cory. Nasa loob pa rin si Daniel at kinakabahan na siya sa kung ano mang pinag-uusapan ng mga ito.
Mabuti nalang talaga at nauna na si Aaliyah. Pinapatawag na kasi ito ni Rei, ang manager nito, dahil may aasikasuhin pa itong commitment. Kung hindi pa ito tinawag, sigurado siyang nangunguna na iyon dito sa labas ng opisina ni Ma'am Cory na naghihintay.
Feeling girlfriend kasi, eh, naiinis na isip niya.
Nang sa wakas ay bumukas na rin ang pinto ng opisina ni Ma'am Cory ay napatayo agad siya. Nang makita si Daniel na palabas na ng opisina nito ay nilapitan naman niya ito.
"DJ..." worried na wika niya dito.
Agad na ningitian siya nito. At walang salitang niyakap siya nito. Mahigpit ang yakap na iyon kaya wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang yakapin din ito.
"Are you okay?" tanong niya dito.
"Uh-huhm." Naramdaman niya ang pagtango nito sa may balikat niya. Nakabaon kasi ang mukha nito doon.
"Okay," na-relieved naman na sabi niya. "So... ano ba ang pinag-usapan ninyo ni Ma'am Cory?"
Hindi pa rin naalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Bagkus ay mas humigpit pa iyon. "It was nothing."
"Are you sure?"
"Yeah." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito, bago ito kumalas sa yakap nila at hinarap siya. "Hey, you wanna go out? Kahit ngayong gabi lang? Uhm... pambawi ko nalang iyon tungkol sa kanina with Aaliyah."
Napangiti naman siya. Alam niya kung anong ibig sabihin nito. "Okay. But you still owe me an explanation."
Natawa ito sa sinabi niya. "Opo, magandang binibini."
Magkasama na silang dalawang naglalakad sa hallway ng compound. Pero hindi nawala sa kanyang pansin na parang nag-iingat ito habang magkasama sila. Na parang naglalagay ito ng maingat na distansya sa pagitan nilang dalawa.
But she ignored that. Baka marami itong pinag-iisip. Duda kasi pa rin siya sa sinabi nitong wala lang ang pag-uusap nito at ni Ma'am Cory, eh. Alam niyang may pinag-usapan ang dalawa na dapat niya malaman. She's gonna have to ask Daniel later.
Nang nakarating na sila sa parking lot ay tinungo na nila ang kotse nito. Agad naman siyang pinagbuksan nito ng pinto sa sasakyan nito, saka ito umikot para makarating na rin sa driver's seat.
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Daniel. Pero wala na siyang pakialam doon. As long as magkasama silang dalawa, kahit saan man siya dalhin nito ay okay lang sa kanya.
Mahaba-haba rin ang daang tinahak nila. Hindi na nga siya kabisado kung nasaan na sila. Basta't ang alam lang niya ay pumepresko na ang hangin. At nangangamoy-dagat na kaya malamang ay malapit lang sila sa dagat. Hindi na rin siya nagtanong dito at hinayaan nalang ito. Naging tahimik lang sila sa loob ng sasakyan.
Nang sa wakas ay lumiko ito sa isang masikip na eskinita. Dahil gumagabi na, medyo madilim na ang paligid kaya wala siyang masyadong maaninag sa paligid. Pero hindi rin nagtagal ay huminto naman ang kotse nito sa isang maliit na cottage na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Nasa may tabing-dagat lang ang cottage kaya masarap ang ihip ng hangin sa paligid.
"What is this place?" natanong niya. Hindi nalang niya namalayang nakalabas na pala si Daniel sa kotse at pinagbubuksan na siya ng pinto.
"Halika na," ani Daniel habang inalalayan siya palabas ng kotse.
Magkahawak-kamay silang naglalakad ni Daniel papunta sa cottage. Dahan-dahan lang ang lakad nila ni Daniel habang umaakyat papuntang porch ng cottage.
"Is this cottage yours?" tanong niya dito nang binubuksan na nito ang pintuan.
Ngumiti ito sa kanya, saka ay tumango. And when she got inside, mas namangha pa siya.
"Wow," hindi niya napigilang sabihin.
"Welcome to my humble abode," sabi nito.
"Wow talaga," ulit niya. Ibang-iba ang nasa loob ng cottage kesa sa labas. Kung titingnan mo sa labas, ang simple lang ng anyo ng cottage. Pero sa pagpasok mo sa bahay, parang naging suite ng isang five-star hotel. Modernong-moderno, pero homey pa rin ang dating. Tamang-tama lang ang touch ng mga fixtures sa loob.
"Glad you liked it," anito habang inaakay siya papuntang sliding door towards the front porch directly facing the beach.
Nang nakalabas na sila sa bahay ay damang-dama agad niya ang preskong simoy ng dagat. Napapikit naman siya habang ine-enjoy ang hangin. Saka lang niya naramdamang niyakap na pala siya ni Daniel mula sa likuran niya.
"Ano ang iniisip mo?" Narinig niyang tanong ni Daniel sa kanya.
"Hmm. Ikaw."
She felt his soft laugh against her hair. "Huwag ka nga. Kinikilig ako sa banat mo."
Natawa naman siya sa sinabi nito. "Bakit? Totoo naman talaga, ah. Ikaw ang iniisip ko. Parati namang ikaw, eh."
"Eh, ano ba ang iniisip mo tungkol sa akin?" tanong uli nito.
Napangiti siya. "Iniisip ko kung after fifty years, ganito pa rin ba tayo."
Tahimik lang ito. Hinintay niyang sumagot ito pero nanatiling tahimik ito.
"I mean, alam kong masyado pang maaga para mag-isip ng mga ganoong bagay. Pero hindi ko kasi maiwasan, eh. Dahil mahal na mahal kita. At hindi ko kayang isiping may mamahalin akong ibang lalaki, kundi ikaw lang," wika pa niya.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito. Saka nito ibinaon sa balikat niya ang ulo nito. He planted small kisses to her shoulders and neck.
"Noon, napapanaginipan ko lang ang mga ganitong moments. Ganitong nakayakap ka sa akin, o iyong sinasabihan mo ako na mahal mo ako. Pero iba pa rin pala kapag nandito na. Kapag totoong nakayakap ka na sa akin at naririnig ko mismo sa iyo na mahal mo ako."
"I love you." Narinig niya ang mahinang bulong nito sa tenga niya.
Napatingin naman siya sa mga bituin sa langit at napangiti.
"Sana... kahit fifty years na ang lumipas, hindi pa rin tayo magsasawang mahalin ang isa't-isa," aniya habang dinadama ang yakap nito. "Na kahit kumulubot pa ang mga balat natin, hindi ka pa rin magsasawang tingnan ang mukha ko at sabihing maganda ako. O na kahit na hindi na tayo masyadong malakas, hindi ka pa rin magsasawang yakapin ako ng mahigpit."
Naramdaman niya ang mahinang tawa nito.
"Why?" tanong niya dito.
"Babe, kahit one hundred o infinity years pa iyan, hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka," wika ni Daniel habang nakabaon pa rin sa balikat niya ang mukha nito.
"Talaga lang?"
Bilang sagot ay hinalikan lang ulit nito ang balikat niya.
"Hinding-hindi rin ako magsasawang mahalin ka, DJ," buong-pusong pahayag niya.
"Mas lalong hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka," sagot nito.
Humarap siya dito para tingnan ito sa mata.
Daniel gently tucked in some of her hair strands behind her ears. "I love you, Kath."
She smiled. "I love you more, DJ."
Daniel slowly lowered his head, and then softly brushed his lips to hers. "I love you most."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro