Chapter 42
"Alam niyo ba, noong isang araw, malapit nang ma-trigger ang allergy nitong si Deej?"
Nasa kinakain na beef steak pa rin ang buong atensiyon ni Kath habang nakikinig sa mga walang pakundangang kuwento ni Aaliyah tungkol sa escapade niya at ni Daniel.
Tapos na silang manood ng sine. Balak sana niyang umuwi nalang sa bahay nila dahil naiinis siyang nakikita si Aaliyah na nakalambitin sa braso ng boyfriend niya. But Daniel insisted that they go with them to have a late lunch.
Sadista yata ang boyfriend niya, eh. Hindi ba nito alintanang nagngingit-ngit na siya sa selos? At siya rin naman ang gagang masokista. Kahit na alam niyang selos na selos na siya, pumayag pa rin siyang sumama sa mga ito.
"We were on an interview with a talk show from Studio 23. Eh, hindi naman pala alam ng mga staff - kahit ako din - that he was allergic to flowers," natatawang wika nito. "But still, when the staffs asked him to buy the flowers for me, he still bought it."
Kath rolled her eyes. Ghad, when will she ever stop?
"Isn't that sweet? I mean, kahit na alam niyang allergic siya sa flowers, he went out of his way to buy me one." Nakangiting bumaling ito kay Daniel. Magkatabi kasi ang mga ito. "Thank you for that."
Napataas naman ang isang kilay ni Kath nang makita ang malalagkit na titig nito kay Daniel. At ito namang magaling niyang boyfriend, talagang ningitian pa ang malandi. Parang wala lang siya sa tapat nito, ah.
Ouch. Nasasaktan na ako, ha.
Narinig niyang bumulong si Dom sa kanya. Katabi lang kasi niya ito. "You want more food?"
"No, thanks," sagot niya dito.
"How about water?"
"Hindi, okay lang."
Nagbuntong-hininga naman ito. Kaya ay napatingin siya kay Dom. Alam niyang alam nitong kanina pa siya nagseselos. Batid niyang nakiki-simpatiya ito sa nararamdaman niya.
"Okay, okay. I need water," ang sabi nalang niya dito.
Ningitian lang siya ni Dom and then poured water from the pitcher to her glass.
"Thanks," nakangiting wika niya.
"No problem."
Napabaling naman ang atensiyon niya kay Daniel nang napatikhim ito nang malakas. Napakunot ang noong tumingin siya dito.
"What?" she mouthed from under her glass of water.
Kunot-noong umiling-iling naman ito, kasabay nang pagtingin nito kay Dominic. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang ibig sabihin nito.
Kaya naman, napabaling siya kay Dom na naka-plaster na ang malaking ngiti sa mukha. "Dom, gusto mo pa ng food?"
"Ha?" nagtatakang tumingin si Dom sa kanya.
Withouth Dom's approval, nagsandok siya ng malaking piraso ng beef steak at inilagay sa plate nito. "Eto... Masarap iyan. Paborito ko iyan."
Kahit na nagtataka pa rin sa kinikilos niya, ningitian nalang siya ni Dom. "Ah, t-thanks."
Napatikhim na naman ng malakas si Daniel. Nang napatingin siya dito, malalim na ang kunot sa noo nito.
"Oh, gusto mo ng tubig, DJ?" taas-kilay na tanong niya dito.
Bigla nalang nawala ang kunot sa noo nito at mataman na siyang tinitingnan. "Well... in fact, I do need a glass of water."
"Ah, have mine nalang, o," pagbo-volunteer naman ni Aaliyah habang ibinibigay dito ang baso nito ng tubig.
Pero laking gulat niya nang inabot nito sa mesa ang baso niya at ininom ang tubig niya. Nang naubos nito ang tubig na nasa baso niya ay napa-"ahh" pa ito katulad ng mga nakikita niya sa commercial ng softdrink na "Sprite".
"Well, I have to say... masarap pala ang tubig nila dito, ano?" Daniel smirked. Saka ay ibinalik sa kanya ang baso niya. "Thanks for the water, babe."
Nang napatingin siya sa direksiyon ni Aaliyah ay nakita niya ang pagkainis sa mukha nito.
"Gusto mo pa ng tubig, Kath?" tanong uli ni Dom sa kanya.
Hindi pa man siya nakasagot ay kinuha na nito ang pitcher of water. Lalagyan na sana nito ng tubig ang baso niya nang pinigilan ito ni Daniel.
"Ako na, pare," wika ni Daniel. "Ako ang umubos sa tubig ni Kath, eh. Ako na ang magre-refill."
Kinuha naman agad ni Daniel ang pitcher galing dito at nilagyan ng tubig ang baso niya. Saka lamang ito bumaling ulit kay Dom at matamang tinitigan ito. Ramdam niya ang tensiyon sa paligid.
"Wow."
Sabay-sabay na napalingon silang apat kay Vicky. Nakaupo ito sa "father's" seat ng mesa.
"Ang init sa restaurant na ito, ah," sabi nitong nagpapaypay pa sa mukha gamit ang table napkin. "Grabe talaga. Ang init. Parang nag-global warming."
"May pamaypay ako dito, Ate Vicky," sabi niya dito habang kinukuha ang fan sa loob ng bag niya saka iniabot dito.
"Uy, Kath... alam mo palang nandito ako?" mukhang shocked na sabi nito. "Akala ko, naging invisible na ako sa paningin niyo, eh. Parang kayong apat lang ang nage-exist sa mesang ito." Pabulong lang ang pagkasabi nito niyon pero alam niyang narinig iyon ng lahat.
Kinuha naman nito mula sa kanya ang pamaypay. Natahimik naman ang mesa pagkatapos noon. Parang naging busy ang lahat sa kani-kanilang pagkain.
Maya-maya lang ay tumayo siya mula sa upuan.
"Where are you going?" sabay na tanong ni Daniel at Dominic sa kanya.
"Ah... ladies room lang ako," paalam niya sa mga ito.
Saka lamang siya tuluyang umalis sa table at nagtungo sa ladies room ng restaurant.
__________
Napahilamos si Kath sa bathroom sink. She needed that. Dahil kung hindi niya ginawa iyon, malamang ay nasa ulo niya pa rin ang init dahil sa inis niya kay Aaliyah at kay Daniel. She needed that to cool her head.
Napahilamos ulit siya bago kumuha ng tissue paper at ipinagpahid sa basa niyang mukha. When she was done, agad na itinapon niya ang tissue sa trash can. Kasabay noon ay ang pagpasok ng tao sa ladies room.
"Hey."
Napalingon siya sa pamilyar na boses na iyon. "Aaliyah."
Pumuwesto ito sa tabi niya sa may bathroom sink. Kinuha nito mula sa purse nito ang press powder nito saka ay nag-retouch ng make-up.
Kinuha rin niya sa bag ang kanyang make-up pouch at nagsimula na ring mag-retouch. Tahimik lang silang dalawa habang nagpapaganda.
"So... I heard you were chosen to be one of the faces to endorse White Clothing Line?" tanong ni Aaliyah sa kanya nang matapos nitong lagyan ng pulang lipstick ang labi nito.
Napatango naman siya. "Yes."
"Did you sign the contract already?" tanong uli nito.
"Yes, I did. Kahapon lang."
"Hmm," nakangiting wika nito, but said nothing more. Hindi na ito nagsalita ulit at nagpatuloy nalang sa pagre-retouch nito.
"Ahm, bakit mo naman naitanong?" Siya na ang nagtanong dito.
Tumingin ito sa kanya. "Ah, nothing. Nothing. I just... heard. And I know that White Clothing Line endorsement is a huge opportunity in any artist's career. So... congratulations to you."
Tumango-tango siya sa sagot nito. "Salamat."
Tapos na yata itong mag-retouch dahil inayos na nito ang purse nito at tinitingnan ang kabuuan sa salamin. "Sige, ha. Mauna na ako sa iyo. We'll just wait for you outside."
"Ah, sige."
Pero bago paman ito tuluyang nakalabas ng comfort room ay bumaling ulit ito sa kanya. "Oh, and by the way Kath... okay lang ba sa iyo na solohin ko na si DJ for the rest of the day?"
"Ha?"
"If Daniel would suggest again to you to come with us after this, can you just say no? Gusto ko kasing kami lang muna ang magkasama," wika pa nito.
"Ah..."
"Well... I assume that's a yes. Thanks, Kath," anito at tuluyan nang lumabas ng comfort room.
Naiwan naman siya sa loob ng C.R. na sumisikip ang dibdib.
__________
"Where's Kath?" tanong agad ni Daniel nang dumating na si Aaliyah sa table at naupo sa tabi niya.
"Nasa loob pa ng C.R.," sagot ni Aaliyah. Agad na kumuha ito ng pera mula sa wallet nito at inilagay sa table. "Here's my share of our meal."
"Wait, I'm paying for the bill," aniya dito.
"It's okay. Ako na ang magbabayad para sa ating dalawa."
Nagulat nalang siya nang tumayo na ito.
"Wait, where are you going, Liyah?" nagtatakang tanong niya dito.
"Let's go, Deej," sabi nito.
"Wait. Hintayin muna natin si Kath," he said.
"Huwag na. Nagpaalam na ako sa kanya," sagot nito. "Let's go."
"But - "
"C'mon, Deej. Marami pa tayong gagawin," sabi nito habang hila-hila pa siya mula sa pagkakaupo.
Nang wala na siyang magawa ay tumayo nalang siya at binalingan ng tingin sila Vicky at Dom. "Uhm, mauuna na kami sa inyo, ah."
"Okay, DJ. Ingat kayo," si Vicky ang sumagot.
"Pakisabi kay Kath na umalis na ako," bilin pa niya.
"Yeah, sure."
"Thanks, Ate Vicky. Sige. Dom," paalam niya sa mga ito.
Hindi na niya nakuha ang sagot ng mga ito dahil hinila na siya palabas ni Aaliyah. They were exiting their way to the restaurant nang biglang may narinig silang ingay sa loob ng restaurant.
"Ohmighad!!"
Because of curiousity, he searched for the cause of the commotion. At nang makita niya kung saan galing ang commotion na iyon, nanlaki naman ang kanyang mga mata. Nakatayo ito sa gitna ng restaurant. Mukhang may nakabanggaan itong isang babae. Wala sanang problema iyon, kaso lang, nalaglag ang suot-suot nitong cap kanina.
"Is that Kathryn Bernardo?"
"Ohmigosh! Siya nga!"
"Oh my, that's Kathryn Bernardo, isn't it?"
"May artista! May artista!"
Everything happened so fast. The next thing he knew, nagkagulo na sa loob ng restaurant. Eveyone was rushing to Kath and was trying to get her photograph. At dahil sa dami nang taong nakapalibot na kay Kath ay kahit sila Dominic at Vicky ay wala nang nagawa para awatin ang mga tao.
Agad na sumugod siya papunta sa kung saan ito nakatayo ngayon. Nakipagsiksikan siya sa mga tao para lang marating si Kath.
"Excuse me! Excuse me!"
He shoved his way down to where Kath stood. At nang marating na niya si Kath ay walang dalawang-salitang niyakap niya ito para protektahan ito mula sa mga tao.
"Ohmigosh! Is that Daniel Padilla?!"
"Si Daniel Padilla! Si Daniel Padilla!"
"Si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo! OHMIGOSH!!"
Mas lalong nagkagulo pa ang mga tao. Hindi na niya namalayang naibaba na pala ang hood niya kaya ay namukhaan siya ng mga tao.
Mahigpit lang na niyakap niya si Kath at isinubsob ang mukha sa ulo nito. Nakasubsob lang din si Kath sa dibdib niya.
"Are you okay, Kath?" tanong niya dito.
Naramdaman niyang napatango ito sa dibdib niya.
"Okay. Huwag mo akong pakawalan, ah. Lalabas tayo ng restaurant," sabi niya dito.
Naramdaman naman niyang humigpit ang hawak nito sa bewang niya.
"Don't worry, babe. I'll protect you. I won't let anything or anyone hurt you, okay?" he whispered against her ear, before planting a kiss on her hair. "I love you."
Naramdaman nalang niya ang pag-ngiti ni Kath habang nakasubsob sa dibdib niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro