Chapter 41
"A-anong ginagawa mo dito?"
Napataas ang isang kilay ni Kath. "Eh, ikaw? Ano ang ginagawa mo dito, ha?"
Napangiti ito. "Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng manood ng sine?"
This time, siya na ang napangiti. "Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kahapon na magsi-sine ka lang pala ngayon, eh."
"Eh, paano ba naman kasi, pinagsusuntok ako ng boyfriend mo kahapon," natatawang sagot nito.
Natawa na rin siya sa sinabi nito. "Sorry pala tungkol doon, Dom ha? Ako na ang humihingi ng dispensa in behalf of him."
Tumango naman ito. "Walang problema iyon."
Ngumiti lang siya dito. "By the way, ang gwapo mong tingnan sa disguise mo, ha."
"Ha? Ah - " Napayuko ito at napaayos sa buhok nitong nakababa. "Yeah. Bagay ba?"
Napatango siya. "Bagay na bagay. Mas gwapo ka kung nakababa ang buhok mo at tsaka naka-glasses."
"Hindi ako nagmukhang nerd?"
"Nerd? Ahm... kaunti. Pero gwapong nerd, I guarantee that," natatawang wika niya.
"Well... thanks," nakangiting sabi nito.
"Uy, Dom," bati ni Vicky nang bumalik ito mula sa pagbili ng ticket nilang dalawa. "Ba't ka andito?"
"Manonood ng sine. Bakit? Bawal ba?" sagot ni Dom dito.
"Wala naman akong sinabing ganoon, eh. Nagtatanong lang naman."
Napailing siya sa dalawa. "Para kayong mga bata," natatawang wika niya saka ay bumaling kay Dom. "Dom, since manonood na rin naman kami ng sine, sabay nalang tayo. Ano ba iyang panonoorin mo?"
"Ha? Ahm - " Napatingin ito sa ticket nito bago sila binalingan uli. "Ano, eh... Iyong bagong palabas ngayon."
"Eh, ano ngang bagong palabas iyon? Dalawa ang palabas, o. Alin diyan?" tanong naman ni Vicky.
"Ha? Ah - " anito bago isinilid ang ticket sa bulsa nito. "Iyong rom-com."
Napatawa si Vicky nang malakas. "Rom-com? Eh, kalalaki mong tao, rom-com ang pinapanood mo?" pabunghalit na tawa ni Vicky. "At nang mag-isa pa, ha?"
"Ate Vicky naman," sita ni Dom dito.
"Ate Vicky, nahahalata na tayo ng mga tao," saway naman niya dito.
"Ay, sorry," pigil-pigil na pagtawa ni Vicky. "Sorry. I'll shut up."
"Sige na. Tara na," wika niya. "Baka mahuli pa tayo, eh hindi na natin maabutan ang pang-umpisa."
"Okay, okay. Let's go," ani Vicky at nauna nang naglakad papunta sa bulwagan ng sinehan. Magkasabay namang sumunod silang dalawa ni Dom.
__________
"Deej, I wanna watch rom-com. Ikaw ba? Anong bet mo?" tanong ni Aaliyah sa kanya habang nakayakap sa braso niya. Nasa may isang panig sila ng ticket booth at kasalukuyang namimili ng pelikulang panonoorin.
"Ahm, whatever you wanna watch," sagot nalang niya dito.
"Great! Then rom-com it is."
He gave her a small smile. Kahit na siguro pumili pa siya ng gusto niyang pelikulang panonoorin, ito pa rin naman ang masusunod.
Pumila na sila para bumili ng tickets. He was bored waiting in line when someone caught his attention. Dahil sa kabilang panig ng ticket booth ay nakita niya ang isang babaeng nakapusod ang buhok at natatakpan ng basketball cap habang nakasuot ng malaking glasses. May kausap itong isang lalake. Nakatalikod ang lalake sa kanya kaya hindi niya masyadong maaninag ang hitsura nito.
Parang may pinag-uusapan ang dalawa na nakakatawa dahil nakita niyang napatawa ang babae. And he swear, when he saw that smile on her face, napahinto ang tibok ng puso niya. Kilalang-kilala niya ang ngiting iyon. Only one girl wears that smile. Isang babae lang ang kilala ng puso niyang may magandang ngiting ganoon.
Nakita niyang may lumapit pang isang babae sa mga ito. And when he saw who it was, mas nakumpirma pa ang hinala niya. It was Vicky, Kath's all-in-one manager. Hindi kasi ito naka-disguise.
At nang nakita niyang umaalis na ang mga ito, parang gusto niyang sundan ang mga ito. And when he realized that it was Dom that Kath was with, parang gusto na niyang sumugod sa mga ito.
"Deej? What's wrong?" tanong ni Aaliyah sa kanya nang maramdaman nito ang paninigas ng katawan niya.
"Ha?" Napabaling ang tingin niya dito. "Ah, nothing. May n-nakita lang akong kakilala."
"Oh, okay," wika nito kahit mukhang hindi ito kumbinsido sa sagot niya.
Napabaling ulit ang atensiyon niya sa kung saan niya nakita si Kath. Pero nang hindi na niya ito nakita ay bigla siyang kinabahan. Kaya kahit na alam niyang magtataka si Aaliyah sa iniakto niya, hindi na niya napigilan ang sariling iwanan ito doon at hanapin si Kath.
"Deej? Where are you going?" Narinig niya ang sigaw ni Aaliyah.
Pero hindi na niya alintana iyon. Kasi nasa paghahanap na kay Kath ang buong atensiyon niya.
"Deej, ano ba? Sino ba iyang hinahanap mo?" tanong ni Aaliyah sa kanya nang naabutan siya nito.
Hinahanap pa rin niya sila Kath at Dom pero parang nawala na agad ang mga ito.
"Deej, sino ba ang hinahanap mo? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" tanong ulit ni Aaliyah.
"Ah, someone..." Pilit pa rin niyang hinahanap kung nasaan na ito. Pumunta na siya sa may food stalls. Pati ang ladies' room ay pinuntahan na rin niya, but to no avail. Kaya bumalik nalang siya sa may harapan ng theatre para hanapin ulit ito doon.
"Deej, talagang naiinip na ako sa kakahanap mo diyan sa kung sinong hinahanap mo. Magsta-start na ang movie, o. Can we just go now?" naiinis na na wika ni Aaliyah.
Napabuntong-hininga siya. Parang hindi na niya makikita pa ang girlfriend niya. Kaya ay napatango nalang siya kay Aaliyah.
"Good," nakangiti nang wika ni Aaliyah. "Pero, can you buy me a popcorn muna?"
Napakamot siya sa noo. "Okay."
Pabalik na sana siya sa may food stall area nang may bigla siyang nabanggang tao.
"Ah, miss. I'm so sorry," pagpaumahin niya dito. Natapon kasi ang popcorn na dala nito sa sahig.
Napayuko ito at isa-isang pinulot ang natapon na popcorn. Kaya ay napasunod nalang siya dito para tulungan ito sa pagpulot doon.
"Miss, sorry talaga. Bibilhan nalang kita ng ibang popcorn."
"Hindi, okay lang. I can - " Napahinto ito sa sinabi nang nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kahit siya ay napahinto sa ginagawa para pagmasdan ang magandang mga mata nito.
Napangiti siya. "It's you."
Mukhang na-estatwa naman ito doon at tila hindi makapaniwala sa nakikita.
"I've been looking all over the place for you."
Kumurap-kurap pa ito bago nito nagawang magsalita. "D-DJ, ba't ka nandito?"
"Nandito ka kasi. Paano ako mabubuhay kung dala-dala mo ang puso ko?" nakangiting wika niya.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ang pamumula ng pisngi nito. Kahit na wala itong make-up na suot, mas tumingkad pa ang kagandahan nito dahil doon.
"Ahem." Narinig niyang may napatikhim sa may likuran niya.
Nang ma-realize ni Kath na pinagtitinginan na sila ng ibang tao ay madali itong tumayo at inayos ang suot na cap nito. Napatayo rin siya at inayos ang suot niyang glasses.
"Hey, Kath. Anong ginagawa mo dito?" wika ni Aaliyah nang nakatayo na sila ni Kath.
"Ha? Ahm, manonood sana ng sine, eh. Kasama sila," sagot ni Kath at itinuro pa sina Dom at Vicky na nasa likuran lang nito. "Kayo?"
"Manonood din sana kami ng sine ni DJ, eh," sagot nito.
"Bakit?" si Vicky na ang nagtanong.
"We're on a date," diretsang sagot ni Aaliyah.
Nakita niya ang inis sa mukha ni Kath. Parang alam na niya kung ano ang iniisip nito.
"Ganoon ba?" ani Kath. "Well, mauna na pala kami. We don't want to intrude on your date."
Napangiti siya. Yeah, nagseselos nga si Kath.
Paalis na sana ang mga ito nang pigilan niya ito.
"Bakit?" tanong ni Kath sa kanya.
"Let's just see the movie together. I think that would be fun," suhestiyon niya.
Agad namang nag-react si Aaliyah. "What? But -"
"The more, the merrier, right?" wika pa rin niya.
Mukhang nagdadalawang-isip pa si Kath.
"C'mon, Kath. Please?" kagat-labing wika niya. He was hoping she would say yes.
Mukhang nakumbinsi naman rin ito kahit papaano, kaya ay tumango nalang ito.
"Great!" palakpak niya nang makuha ang sagot nito.
Nakita niyang napapailing sina Dominic at Vicky sa gilid. Habang siya ay abot-tainga na ang ngiti.
__________
Kanina pa naiinis si Kath. Paano ba naman kasi? Hindi siya maka-concentrate sa pinapanood.
Cheater. Babaero. Naiinis na bulyaw ng isip niya. She can't believe it. First day palang nila ni Daniel bilang magkasintahan, pero heto't harap-harapan siyang pinagtataksilan.
Kasalukuyang pinapagitnaan nila ni Aaliyah si Daniel. This is not what she had in mind. Kauna-unahang pagkakataon iyon na magkasama sila ni Daniel na manood ng sine. Pero heto nga't nanonood sila, na may kasama pang kinakalantari.
Grr. Nakakainis talaga.
"Kath? Are you okay?" Narinig niyang bulong na tanong ni Dominic sa kanya. Ito kasi ang katabi niya.
"Yeah. I'm fine," sagot niya dito.
"Kanina ko pa kasi napapansin. Parang mainit ang ulo mo."
Sinamaan naman niya ito ng tingin. "Iniinis mo ba ako?"
"Hey, I was just saying," natatawang wika nito. "Mainit nga ang ulo mo."
Hindi nalang niya ito pinansin. Paano ba naman kasi, nakita niyang yumakap si Aaliyah sa braso ni Daniel. At ito namang si Daniel, mukhang nag-eenjoy pa sa yakap na binibigay ni Daniel dito.
"Nakakainis!" inis na bulong niya.
"Ang alin?" tanong ni Daniel sa kanya.
Shet. Narinig pala niya iyon? "Ha? Wala."
"Hmm."
"Shh." Narinig niyang sita ni Aaliyah sa kanila ni Daniel. Napaikot naman ang mata niya dito.
As if. Kung pwede nga lang talagang hablutin ang mga kamay nito mula sa pagkakayakap sa braso ni Daniel, ginawa na niya iyon.
Haller, girl! You're all over my boyfriend. Ang sarap talagang sabihin iyon sa babaeng malandi na ito.
Sa halip na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay ibinigay nalang niya ang lahat ng kanyang atensiyon sa panonood. Maya-maya lang ay naramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Nang mapatingin siya sa kamay na nakahawak sa kamay niya ay nakita niyang kamay pala iyon ni Daniel. Kaya ay agad na napalingon siya dito.
Nakangiti lang ito habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa malaking screen. Kaya ay ibinalik nalang niya ang tingin sa screen. Pero naramdaman naman niyang humigpit pa ang hawak nito sa kamay niya.
"Humilig ka sa akin," bulong nito sa tainga niya.
Napatingin ulit siya dito. "Ano?"
"Humilig ka sa balikat ko," ulit nito.
Nang hindi pa rin siya kumikibo ay ito na mismo ang kumilos. Naramdaman nalang niyang pumalibot na ang kamay nito sa balikat niya at inihilig nito ang ulo niya sa balikat nito. Nang akmang lalayo siya ay hindi nito pinakawalan ang ulo niya sa paghilig sa balikat nito.
"Huwag ka nang kumontra, babe. Let's just be this way."
Hindi na rin lang siya tumutol pa at hinayaan nalang ito sa gusto nito. Nang tumingin naman siya sa gawi ni Aaliyah ay nakita niya itong nakasimangot at hindi na nakalantari sa braso ni Daniel. Dahil doon ay hindi niya namalayang napangiti na pala siya.
"Huwag ka nang magselos, babe, ha? Hindi bagay sa iyo," bulong ulit nito sa kanya while planting small kisses on her forehead and her hair.
Mas napangiti siya doon. Alam pala nitong nagseselos siya. At hindi nito hinayaan iyon.
Nagdiwang naman ang kalooban niya.
Kinikilig ako. Shems!!
Hindi na niya alam kung ano nang nangyayari sa movie na pinanood niya. All she knew at that moment was that she was enjoying resting in the arms of the guy she loves.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro