
Chapter 40
"Ate Vicky, eto? Alin ang mas maganda sa dalawa?" Kath said while holding out two of the cutest shirts she found on the boutique. Kasalukuyan silang nasa isang apparel shop sa loob ng mall. Namimili siya ng mga t-shirt na panlalake. She was planning on giving one to Daniel.
"Hmm." Napatingin naman si Vicky sa dalawang t-shirt. "Para saan ba kasi iyan? Ba't ka bumibili ng t-shirt panlalake? Dadalawin mo ang kuya mo sa Nueva Ecija?"
"Ha? Hindi. Para kay DJ ito," sagot niya dito habang sinipat-sipat pa ang dalawang t-shirt na nasa kamay.
Nang mapatingin si Kath kay Vicky ay nakita niyang tumaas ang kilay nito.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya dito.
Vicky gave her a questioning look. "Si DJ... bibigyan mo ng t-shirt? Bakit? Ano ba ang okasyon?"
"Ha? Ahm..." Gaga, Kath! Eh, hindi ba't hindi pa nila alam ang tungkol sa inyo ni DJ?
Ibinalik nalang ni Kath ang mga t-shirt sa rack at mabilis na lumipat sa shelf kung saan puro pang-babaeng t-shirt ang nakahilera.
"You're not telling me something, Kath. Anong meron sa inyo ni DJ?" tanong ni Vicky sa kanya habang nakabuntot.
Inayos ni Kath ang suot na cap sa ulo bago sumagot dito. "What? What do you mean?"
"Ikaw, ha. Hindi ka pa nagkukuwento sa akin tungkol kagabi? Ano ang nangyari sa inyo ni Dominic sa restaurant? At bakit iniwan mo lang si DJ?" sunod-sunod na tanong nito.
"Wala naman. Dominic and I just dined in a seafood restaurant. Nag-usap nang kung anu-ano, pagkatapos ay hinatid lang ako sa bahay," sagot niya dito.
"Eh, si DJ? Ano bang mayroon sa inyo? Hindi ka pa rin nagkukuwento tungkol noong isang gabing natulog ka sa bahay niya. May nangyari ba sa inyo?"
"May nangyari? Walang nangyari sa amin. Nakitulog lang ako sa bahay niya."
"And?"
"Anong and?" Lumipat na naman siya sa ibang shelves na nandoon.
"And... what's with the deal between you and DJ? Bakit mo siya bibilihan ng t-shirt?" pangungulit pa rin nito.
"Ate Vicky, pwede ba? Can you please stop with your twenty questions?" Napahinto siya sa ginagawa at humarap dito.
"Well, you're not answering any of my questions right," nagkibit-balikat na sagot nito.
"Ano ba kasi ang gusto mong sagot ko?"
"Kayo na ba ni Daniel?" diretsong tanong nito.
Feeling niya ay may malaking bumabara sa lalamunan niya. Hindi siya makahinga at parang lahat ng dugo niya sa katawan ay tumaas sa pisngi.
"You're blushing," nakangiti nang wika ni Vicky.
Lumabas nalang si Kath sa boutique. Feeling niya, lumiliit ang espasyo ng shop dahil sa mga pinagtatanong ni Vicky.
"Madali lang namang i-deny iyon, eh hindi mo ginawa. So meaning, totoo nga," hindi pa rin matapos-tapos na pangungulit nito.
Malaki ang mga hakbang ang ginawa niya para makarating sa ladies' room ng mall. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon sa isang public place.
Nang makarating na sila sa ladies' room ay nadatnan nila ang tatlong estudyante na nakaharap sa salamin. Kaya sa halip na kausapin si Vicky ay dumiretso muna siya sa isa sa mga cubicle doon at napaupo sa nakatakip na bowl.
"Girls, nabasa niyo na iyong tweet sa twitter about Daniel and Kath?" Narinig niyang wika ng nasa labas ng cubicle. Sa hula niya ay isa iyon sa mga estudyanteng nasa loob din ng C.R. "Nakita daw nila si Kath na nakasakay sa auto ni Daniel."
"Oo nga," tili naman ng isa. "Kinikilig talaga ako sa dalawa. Grabe talaga. Bagay na bagay talaga sila."
"Anong bagay? Si Kath at Daniel? Hindi, 'no. Mas bagay si Daniel kay Aaliyah," wika pa ng isa. "In fact, laman din sa headlines ang balitang nag-date daw si Aaliyah at si Daniel sa isang seafood restaurant malapit lang dito."
Hindi na sana niya pagtutuunan ng pansin ang pag-uusap ng mga ito, kaso lang nabanggit na ang pangalan ni Aaliyah. Kaya naman ay napatayo siya at napasandig sa pintuan ng cubicle.
"Hoy, hindi ah. Bakit mo naman nasabi iyon? Mas may chemistry kaya si Daniel at si Kath."
"Naku, halata namang napipilitan lang si Daniel kay Kath, eh. It super shows in their body communication. Mas sweet si Daniel kay Aaliyah. At tsaka, kung ikokompara mo naman si Kath kay Aaliyah, waley na waley 'no."
"Hoy, kung makapanghusga ka naman, parang ang ganda-ganda mo rin, eh."
"Eh, nagsasabi lang ako ng totoo. And I am a Daniel-Aaliyah fan."
"Bahala ka diyan sa buhay mo. Eh, basta kaming dalawa, KathNiel fans kami. Mas marami kayang fans ang KathNiel."
"Sa ngayon, pero kapag marami-rami na rin ang exposures nila Aaliyah at Daniel, for sure, makakalimutan na rin ang KathNiel."
“Ewan ko sa iyo. Baliw ka na yata, eh. Halika na nga, Pearl. Iwan na natin itong si Jewel. Nababaliw na, eh."
Patuloy pa rin ang pakikinig niya nang maramdaman niyang tumahimik na sa paligid.
"Kath, nakikinig ka pa ba diyan?" Sa wakas ay narinig niya ang boses ni Vicky. "Wala na sila."
Lumabas agad siya ng cubicle at lumapit sa bathroom sink. Tinanggal niya ang basketball cap at ang malaking salamin sa mata.
"Mabuti't hindi ka nakilala," wika ni Vicky habang naghuhugas ng kamay.
Inayos niya ang buhok niya't inilagay ulit ang basketball cap. Inilagay na rin niya ang reading glasses sa mata at sinipat ang kabuuang repleksiyon sa salamin.
Napabuntong-hininga siya. Kung tutuusin, kapag wala siyang make-up o hindi nakasuot ng mga designer clothes ay maituturi siyang isang simpleng babae lang. Compared to Aaliyah who is very gorgeous and beautiful, with or without make-up, waley na waley nga siya. Mas maganda nga ito kung ikokompara sa kanya.
"Kath, don't tell me naniniwala ka sa mga iyon?"
Napaharap siya kay Vicky. "Ewan ko, Ate Vicky. Noon naman, wala akong pakialam. Pero ngayon... iba pala talaga kung ikaw mismo ang nakarinig."
"C'mon... Don't be like that. Lahat ng tao, may iba't-ibang kagandahang taglay. You are beautiful in your own way, Kath, and so is Aaliyah."
"Hindi ko lang maiwasang hindi ma-insecure. Maganda nga naman talaga siya, eh. Hindi imposibleng ma-in love si Daniel sa kanya." Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya.
"Hey." Nilapitan siya ni Vicky. "Kayo na ni Daniel, ano?"
"Ate Vicky..." Iniyuko niya ang ulo habang tinatantiya kung paano niya sasabihin dito ang totoo.
“Hmm... Parang alam ko na ang sasagutin mo."
Napakagat-labi siyang humarap uli dito saka ay tumango.
Laking gulat nalang niya nang makita ang malaking ngiting sumilay sa mga labi nito.
"Hindi ka... galit?"
"Galit? Ba't naman ako magagalit?"
"Because you're my manager, and you know what's best for my career. At kung lumabas man ito sa press, hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa career ko at sa career ni DJ."
Tumawa naman ito. "Well... career-wise, masasabi kong mas maganda kung ilihim niyo nalang ang kung ano mang namamagitan sa inyo. Mainit pa kasi ang isyung kakahiwalay lang niyo ng loveteam, eh. But... heart-wise, masasabi kong be happy."
Napangiti siya sa sinabi nito.
"I know you've been pining for Daniel for a very long time. And this is your happy-ever-after moment in your life. Hindi ko naman sisirain iyon."
Niyakap niya si Vicky. "Thank you, Ate Vicky. Thank you talaga."
"Ang mapapayo ko lang, mag-ingat kayong dalawa. At kung ano mang pagsubok na dumating sa relasyon ninyo, maging matatag kayo. Having a relationship in a showbiz industry is not as easy as it seems. Maraming mga balakid at hahadlang sa inyong dalawa," anito habang inaayos ang buhok niyang hindi natakpan ng cap.
Tumango siya. "Yes, I will remember that."
Kumalas na ito sa yakapan nila. "Good. Now, tell me everything. Give me details!"
Natawa nalang siya at nagsimula na ring nagkuwento dito tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.
__________
"Deej, parang hindi ka yata mapakali?" Narinig niyang tanong ni Aaliyah. They were at his car and were on their way to the mall.
"Ha?"
"Ang sabi ko, kanina ka pa hindi mapakali. You're fidgeting."
"Really?" tanong niya dito.
"Yes. You keep tapping your finger on the wheel," puna nito.
"Ah..." Inihinto niya ang ginagawa at bumaling kay Aaliyah. "I just really need to call someone right now. Can I have my phone back? May kailangan lang akong tawagan."
"Kung si Mark ang tatawagan mo, don't worry about it. Pinasabi ko na kay Rei ang tungkol sa date nating dalawa," sagot nito.
Nagbuntong-hininga nalang siya. Mukhang hindi na talaga niya mababago ang isip nito.
Ilang minuto lang bago nila narating ang mall. Nasa parking area na sila at lalabas na sana si Aaliyah nang hinila niya ito pabalik ng kotse niya.
"Why?" nagtatakang tanong nito.
"Look, if you really want to stay alive while inside the mall, we need a disguise," aniya.
"Disguise? Kailangan pa ba iyon? Let's just let the whole world know that we're out dating," sagot nito.
"No, hindi mo naintindihan. Hindi mo mae-enjoy ang "date" natin na ito kung dudumugin lang tayo ng mga fans," pagpapaintindi niya dito.
Sa wakas ay mukhang nakumbinsi niya ito. "Oo nga, 'no."
Tumango siya.
"Okay, payag na ako. But where are we gonna find something to disguise us?"
Napatingin siya sa paper bag na nasa back seat ng kotse niya. Naglalaman iyon ng baseball cap, wig, malaking salamin at jacket. Binili niya iyon para pang-disguise sana nila ni Kath. He was planning to take her out on a date after his taping. Kaso, nag-aya naman si Aalyah. At dahil wala na siyang ibang maisip na paraan, kinuha nalang niya ang paper bag at ibinigay dito ang wig at ang baseball cap.
"Wow," anito habang sinipat-sipat ng tingin ang mga gamit na ibinigay niya dito. "Ba't may mga ganito ka? At saktong-sakto para sa dalawang tao."
"Ha? Ahm... Ano kasi - mahilig kami ni Mark ng mga costume party. Kaya ayun, bumili siya ng bagong mga pwedeng costume. Naiwan niya dito sa kotse so... mas mabuti na rin sigurong pakinabangan natin, di ba?"
Tumango-tango lang ito bago isinuot ang wig at tsaka ay ipinatong ang baseball cap. Isinuot rin niya ang jacket at ang malaking salamin.
"How do I look, Deej?" tanong nito sa kanya.
"You don't look like Aaliyah at all," sagot niya dito.
"Great. Let's go," anito at lumabas na ng kotse niya.
Lumabas na rin siya ng kotse. Itinaas niya ang hood ng jacket nang lumakad na sila papasok ng mall. When they were inside the mall, umangkla naman si Aaliyah sa braso niya.
"So, where do you wanna go, Deej?" tanong nito habang naglalakad sila sa loob ng mall.
"I don't know. Ikaw? It's your call," sagot niya.
"Hmm... I wanna watch a movie."
"Ah... Well, if that's what you want then, sige. Manood nalang tayo ng movie," wika niya.
Naglakad na rin sila papuntang cinema. Habang naglalakad ay laking gulat nalang niya nang kinuha nito ang mga kamay niya at ipinagsalikop sa kamay nito. Agad na inalis niya ang kamay niya sa kamay nito.
"Deej?" nalilitong tanong nito.
"Ahm, kumapit ka nalang sa braso ko. Huwag na sa kamay. Madaling magpawis ang mga kamay ko," pagrarason niya dito.
"Well, it's fine with me - "
"No," he cut her off. "I'm not comfortable. I'm sorry."
Nagtataka man ay hindi nalang ito umangal. Bagkus ay umangkla ulit ito sa braso niya habang papunta sila sa movie theater.
________
Nang nakalabas sila Kath at Vicky pagkatapos ng pag-uusap nila sa ladies' room ay pumunta agad sila sa cinema. They were planning to watch a movie. Matagal-tagal na rin ang panahong hindi siya nakapanood ng sine. Today was a perfect time. Hindi pa naman nagte-text si Daniel na tapos na ang shooting nito.
"Anong movie ang gusto mo, Kath?" tanong ni Vicky sa kanya habang nakapila na sa pabilihan ng movie ticket.
"Kahit ano, Ate Vicky. Hindi naman ako choosy," sagot niya.
"Gusto mo iyong rom-com? Or iyong action?"
"Mas bet ko iyong rom-com."
"Hindi daw choosy," natatawang wika ni Vicky.
"Kath?"
Napalingon naman siya sa tumawag sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro