Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"And cut!" narinig ni Kath na sigaw ng direktor. Napatingin ulit siya sa ka-eksena.

"Nice one, Kath," sabi ni Miss Gretchen sa kanya.

She let out a small laugh. "Ikaw nga rin, po. Malapit na akong nadala doon."

Tumawa ito nang malakas. "Pasensiya na. Talagang may pagka-maldita talaga ako, eh. Eh, iyon. Lumabas siguro sa paggawa natin ng scene."

Natawa lang siya sa sinabi nito. She was wrapping up her scene with Miss Gretchen Barreto. Miss Gretchen Barreto portrayed the role of Ashi Behati, a high ranking influential official and a royal blood who desires the crown of being the next queen of the Kingdom of Yangdon and desires for being the next crown prince of her own son Prince Jao, na ginagampanan naman ni Enrique.

"Ah, Miss Gretchen," pagtawag ng isang staff na lumapit sa kanilang dalawa.

"Bakit? Next scene ko na ba?" tanong naman ni Miss Gretchen dito.

"Ahm, ang sabi po ni Direk, pack-up po muna tayo," sagot naman nito.

"But, I thought may scene pa kami ni Daniel?" tanong ni Miss Gretchen.

"Hindi na muna ite-tape iyon. Si DJ kasi..."

Nag-alala siya. "Bakit po? Ano pong nangyari kay DJ?"

"Eh, kasi inatake siya ng asthma niya, eh. Kaya ayun, hindi niya magawa ang scene nila ni Miss Gretchen ngayon," sagot nito sa tanong niya.

"What? Okay lang ba siya?" nag-aalala na ring tanong ni Miss Gretchen.

"Hindi ko po alam. Pero nandoon po siya sa tent niya at pinagpahinga."

Agad-agad naman niyang tinungo ang tent ni Daniel. Pagdating niya doon, nakita niyang nasa labas ng tent nito si Mark.

"Kuya Mark, si DJ?" tanong niya dito.

Kitang-kita niya sa mukha nito ang pag-alala para kay DJ. "Nasa loob ng tent. Nagpapahinga."

"Okay na ba siya?"

Marahang umiling ito.

"Pwedeng pumasok, Kuya?"

Napakamot naman ito ng ulo. "Ano kasi, Kath. Ipinagbilin ni DJ na huwag magpapasok, eh. Pasensiya na."

Napabuntong-hininga siya. Pero ayaw niyang magpatalo. "Kahit sandali lang naman, Kuya."

"Sorry talaga, Kath."

She tried her best and begged. "Please? Sandali lang talaga. I just want to see him."

Huminga ito ng malalim at tila nag-isip. After a while ay tumango na rin ito.

Ngumiti siya at niyakap ito. "Salamat, kuya."

Agad siyang pumasok sa tent ni Daniel. Nakita niyang nakatakip ang mukha nito ng kumot. Umupo naman siya sa tabi ng folding bed nito.

"DJ?" She checked if he was awake. Pero apparently, he wasn't. Tulog yata ito kasi hindi naman ito kumibo.

She decided to fix his blanket. Dahil nakatakip ang kumot sa mukha nito ay na-exposed ang mga paa nito. She was about to get the blanket when a hand suddenly stopped hers.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito.

Nabigla siya dito dahilan upang mahulog siya sa kinauupuan.

Ouch. Napasama yata ang bagsak niya.

Narinig niya ang mahinang tawa nito. Shet of paper. Tinawanan lang ako.

"Sinong nagpapasok sa iyo dito?" tanong ulit nito.

Inayos muna niya ang sarili bago sumagot. "Si Kuya Mark. Pero huwag kang magalit sa kanya. Ako ang nagpumilit pumasok."

She heard him huffed. "Anong ginagawa mo dito?"

"I was just checking you out. Gusto kong makita kung okay ka lang. Sabi kasi nila - "

He cut her off. "Okay lang ako. Makakaalis ka na."

She sighed. Kahit siguro anong gawin niya, hinding-hindi ito hihingi ng tulong sa kanya. Aalis na sana siya nang marinig niyang umubo ito. Kaya ay napa-alo agad siya dito.

"DJ? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya dito.

He just kept on coughing. Ramdam niyang nahihirapan itong huminga.

"DJ?" tanong niya pa rin nang hindi pa ito umimik.

Aalisin niya sana ang kumot sa mukha nito nang pigilan na naman siya nito.

"What do you think are you doing?" tanong nito sa kanya.

"Ah, DJ kasi... Tatanggalin ko lang iyang kumot na nakatakip sa mukha mo."

"At sino bang nag-utos sa iyo na gawin iyan?"

"Eh, kasi... Sa tingin ko, nahihirapan kang huminga dahil diyan, eh."

"Huwag kang mangialam kung hindi ka naman sinasabihang mangialam ka."

"Concern lang naman ako, DJ."

"Don't be. I don't need it."

Inis na napakamot siya sa ulo. "DJ, ano bang nagawa ko sa iyo? Ba't ba ang sungit-sungit mo sa akin?"

"Kath, please. Gusto ko lang mapag-isa. Iwan mo nalang ako."

"Hindi, DJ. I need to know kung bakit ka ganyan sa akin. Kapag nasa harap naman tayo ng camera, okay naman tayo, ah. Pero bakit kapag wala nang taong nakamasid sa atin, daig mo pa ang yelo sa kasungitan mo sa akin? Ano ba kasi ang nagawa ko sa iyo?"

"Kath, now's not the time to talk about that."

"Kailan pa, DJ? Hindi ka naman namamansin sa akin. Kaya kailan mo pa ako kakausapin?"

"Kath..."

"Minsan, hinihiling ko nalang na sana... Sana nasa harapan nalang tayo ng camera parati. Para kahit papaano, okay tayo."

HIndi lang ito umimik.

"Nahihirapan na kasi ako, DJ. Nahihirapan na akong parati mo akong ini-isnub. Nahihirapan akong magsinungaling na okay tayong dalawa kahit hindi naman. At nahihirapan na rin akong magpanggap na may namumuong damdamin tayo sa isa't-isa gayong hindi naman tayo magkasundo."

Hindi pa rin ito kumikibo. Nilapitan niya ito.

"DJ..."

Wala pa rin itong kibo. Kinabahan tuloy siya.

"DJ?"

At nang wala pa rin itong imik ay tuluyan na niyang inalis ang kumot sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang mukha nito. Pulang-pula at namamaga na ang mukha nito. He was unconscious and that made her panic.

"Kuya Mark!" pasigaw na tawag niya dito. Agad-agad namang pumasok ito sa tent ni Daniel.

Nagulat din ito sa nakita. And because he was unconscious, nag-alala din si Kuya Mark. Agad itong tumawag ng ambulansiya. Dumating na rin sila Ate Vicky at Mike. Pareho din itong nagulat nang makita ang hitsura ni Daniel.

Nang makita siya ni Ate Vicky ay lumapit ito sa kanya at inalo siya. She was unconsciously crying. Dala marahil sa pag-aalala kay Daniel.

"Kath, everything will be okay," pag-comfort ni Ate Vicky sa kanya.

"I've called an ambulance already ang parating na sila. Teka lang. Ii-inform ko lang muna kina Direk ang kalagayan ni DJ," sabi naman ni Kuya Mark saka ay lumabas na sa tent.

Lumapit naman siya kay DJ at hinawakan ang mukha nito. Maingat na hinahaplos-haplos niya iyon.

DJ, everything will be okay. I promise.

__________

Nagulat na lamang si Daniel nang sa pagmulat niya ng mga mata ay nasa isang hospital room na siya. Ang huli niyang natandaan ay nag-uusap sila ni Kathryn sa tent niya. He was feeling really sick that time. Nahihirapan siyang huminga. Inatake na naman kasi siya ng asthma niya.

Damn this asthma. Sakit na talaga niya ang asthma. At kahit noon pa, he really hated the fact that he had one. It was one of his weakness. Ayaw na ayaw niyang inaatake siya ng asthma niya. Kasi kapag na-asthma siya, wala siyang magawa but to feel helpless. And he does not want to feel that way.

Inikot niya ang tingin sa kwarto. Laking gulat nalang niya nang makita si Kath na nakaupo sa tabi ng hospital bed na kinahihigaan niya. Nakatungo ito at pilit na isinisiksik ang ulo sa kama.

Napatingin siya sa mukha nito. Oo, talagang aminado siyang maganda ito. But Kathryn's beauty wasn't his type. Iyong type niya ay iyong mga chinita at maputi. Kath has wide eyes and she was a morena. Never pa siyang nagagandahan sa mga ganoong type ng beauty. But with Kath, he didn't know why it was now an irrelevant idea to him.

Out of the blue ay natagpuan nalang niya ang sariling napahaplos na sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon but he just did. Her skin was so smooth and warm na parang ibang bagay na ang gusto niyang idampi doon. He wanted to feel how smooth and warm her cheeks would be with his lips.

Pero agad nama niyang binawi agad ang kamay nang gumalaw ito bigla. He tried to play it cool when he saw that she was already awake. Nag-iinat pa nga ito at tumingin-tingin pa sa paligid. Ilang segundo lang ay mukhang nahimasmasan na ito at napatitig sa mukha niya.

"Laway mo, tumutulo." He tried to act serious. Pero sa totoo lang ay natatawa na siya.

"Ha?"

It took him all his might to fight his smile. Inabutan nalang niya ito ng isang box ng tissue paper saka iminuwestra ang bibig nito. Doon lang nito tila naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Shucks!" nahihiya pang sabi nito. Mabilis na pinunasan nito ang bibig. Nang hindi pa ito nakuntento ay nagtungo ito sa banyo sa silid na iyon.

Nang makapasok na ito sa banyo ay doon lang niya nailabas ang ngiting kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya aakalaing makikita niya ang isang Kathryn Bernardo na naglalaway sa tulog nito. Kung sa ibang pagkakataon pa iyon, mandidiri na siya dito. But surprisingly, he found it cute. He found her cute.

__________

"Nakakahiya ka, Kath!" impit at patiling sabi niya sa repleksiyon sa salamin.

She thoroughly washed her face at siniguradong wala nang bakas ng laway sa mukha niya. Saka niya sinipat ang mukha niya sa salamin.

“Nakakahiya ka talaga! Sa harapan ka pa talaga ni Daniel naglaway! Nakakahiya!”

Sinampal-sampal pa niya ang sariling pisngi dahil sa sobrang pagkapahiya. Nagbilang pa siya nang ilang segundo bago nagpasyang lumabas ng banyo.

Bago lumabas ay inimuwestra niya ang bag niya sa mukha para takpan ang nakakahiyang hitsura niya. She was targeting for the door. Sana ay hindi siya mapansin nito. Dire-diretsong nagtungo siya sa pinto pero napahinto rin nang tinawag ni Daniel ang pangalan niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Nahihiyang lumingon siya dito. "Ah, Ano... Bibili lang ako ng... Makakain."

"Hmm. Okay," tumango-tango lang ito.

She inwardly sighed. Paalis na sana siya nang nagsalita ulit ito.

"Pizza," biglang sabi nito.

"Ha?" nagtatakang tanong nito.

"Dalhan mo ako ng pizza - iyong pepperoni."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Sige. Okay. Babalik lang ako."

Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya sa pagkakataong iyon, pero parang nakita niyang ngumiti si Daniel.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro