Chapter 39
Ang ganda-ganda ng gising ni Kath. Bakit? Kasi ang sobrang ganda ng panaginip niya. Kung pwede lang sanang ulit-uliting mapanaginipan ang panaginip niya, talagang gagawin niya iyon. Hinding-hindi pa siya magsasawa.
Hay! Love nga naman.
Nakangiting napabangon si Kath sa kanyang kama. Naupo siya sa kama at napasandal sa headboard. Natatandaan na naman niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Daniel kagabi. If last night was a dream, talagang ayaw na niyang magising. Feeling Daniel's warm lips on hers just proved her that last night wasn't a dream at all. It was just too good to be a dream.
Napapitlag naman siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad na kinuha niya iyon galing sa side table drawer niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang malaman kung sino ay malaki ang ngiting gumuhit sa mukha niya.
"Hello?"
"Good morning, beautiful."
Napakagat-labi siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng nobyo niya. Yes, nobyo niya. Hay nako! Ang sarap ulit-ulitin.
"Did I woke you?"
"Ha? Ah, no. Gising na ako."
"Talaga?"
"Oo nga. Ang kulit."
"Well, good. Kasi nandito ako sa labas ng bahay niyo ngayon."
"Ha?" Agad naman na napatalon siya mula sa kama patungo sa bintana ng kwarto niya. And indeed, outside the gates of her house was his boyfriend leaning outside his car with his shades on.
Nang makita siya nito mula sa bintana niya ay kumaway ito sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may shooting ka ngayon?"
"Yeah, but our director called for a break. Eh, sa miss na miss ko na kasi ang girlfriend ko. Kaya ayun, napasugod tuloy ako sa bahay niya nang wala sa oras."
Napangiti naman siya sinabi nito. Kilig na kilig na siya pero pinigilan niya ang sarili sa pagtalon dahil ayaw niyang mahalata nitong kinikilig na siya dito.
"Ikaw? Hindi mo ba ako na-miss?"
"Hmm. Hindi eh," nanunudyong sagot niya dito.
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "What? Bakit?"
"Kasi, hindi lang kita na-miss. Sobrang-sobra kitang na-miss."
Agad namang lumiwanag ang mukha nito sa sinabi niya. "Huwag mo nga akong pakiligin dito. Nasa kalsada pa naman ako. Kapag may ibang taong makakita sa akin, baka sabihin nilang baliw na ako."
"Baliw sa pagmamahal ko," tukso pa rin niya.
Napahalakhak naman ito sa sinabi niya. "Halika nga rito. Para ma-hug kita. Miss na miss na kita, eh."
"Ha? Eh, hindi pa ako bihis. Kakagising ko palang."
"Babe, kahit pa basahan pa ang suotin mo, wala akong pakialam. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."
Sheems!! "Kahit kailan, bolero ka talaga Daniel Padilla."
Narinig lang niyang tumawa ito sa kabilang linya. Ibinaba na niya ang cellphone niya at lumayo sa bintana. She grabbed a decent looking shirt and shorts. Madali rin siyang nagtungo sa banyo para manghilamos ng mukha. Inayos niya ng kaunti ang buhok, saka madaling lumabas ng kwarto niya patungong gate. Dali-dali naman siyang lumabas ng gate nila, at sinalubong agad siya ng pinakagwapong lalaki sa buhay niya.
"Hey, beautiful," nakangiting bati nito sa kanya. Kinabig nito ang bewang niya at niyakap siya nang mahigpit.
"Wow. Na-miss mo nga talaga ako, 'no?" natatawang wika niya. "Ang higpit ng yakap mo, eh."
"Hmm." Isinubsob nito ang mukha sa buhok niya. "Na-miss talaga kita, Kath."
Kinilig na naman siya. Halos hindi nga umabot ng 12 hours noong huli silang nagkita, pero na-miss na siya nito. Pero sa bagay, kahit siya'y na-miss rin niya ito. "I miss you too, DJ."
Magkayakap lang sila doon at kuntento na sa presensiya ng isa't-isa. Pero maya't-maya lang ay bigla naman tumunog ang cellphone nito. Kasabay noon ay ang malakas na pag-ungol ni Daniel. Kaya parang alam na niya kung anong pakay ng tawag na iyon.
"You have to go." Siya na ang kumalas dito. Alam niya kasing tinatawagan na ito ni Mark. Tapos na yata ang break nito sa shooting.
Pero hindi pa rin ito kumakalas sa yakap niya. Nanatiling nakaikot ang mga braso nito sa bewang niya habang nakabaon ang mukha nito sa buhok niya.
"DJ, you have to go."
"Pinapaalis mo na ba ako?" Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.
"No," sagot niya. "Pero kailangan mo nang umalis, di ba? Tinatawagan ka ni Mark."
"Pero ayoko pang umalis. Gusto ko dito nalang muna ako... kasama ka."
Natatawang kinikilig siya.
"Kung hindi nalang siguro ako papasok?" tanong nito.
"DJ, ano ka ba? Hindi pwede, 'no. Kailangan mong pumasok."
"Pero ayokong pumasok. Dahil mami-miss na naman kita."
She smiled against his chest. "Mami-miss rin naman kita, eh."
"Hmm." Lumayo ito sa kanya saglit para tingnan siya sa mukha. "Sumama ka nalang kaya sa akin sa taping," nakangising sabi nito.
"Ano?"
"Samahan mo na ako sa taping ko," sabi nito sa nanlalambing na tinig.
"Talaga? Seryoso?"
He nodded and seemed serious with what he suggested. Napaisip naman siya. Kunsabagay, wala naman siyang ibang gagawin sa araw na iyon kasi wala silang taping ni Dom. Pwede na rin siguro siyang sumama dito sa taping nito.
Tumunog na naman ang cellphone nito. This time ay kinuha na ni Daniel iyon at tiningnan ang caller id sa screen nito.
"Si Aaliyah," ang sabi nito.
Napakunot naman ang noo niya. Nagtataka siya kung bakit si Aaliyah ang tumatawag dito kung pwede namang si Mark ang tumawag.
"I think I really need to go. Si Aaliyah na ang tumatawag, eh," anito.
"Ha? Ganoon ba?"
Simpleng tango lang ang ibinigay nito bago ito yumakap ulit sa kanya. "Mami-miss na naman kita," buntong-hiningang sabi nito.
"Ako rin. Mami-miss din kita," sagot niya dito.
"Sige ha. I have to go. I'll text or call you if I can. At dadaan ako dito mamaya pagkatapos ko sa shooting. Okay lang ba?" anito nang kumalas na ito sa yakap.
"Yeah."
"Okay. Bye," paalam nito.
"Bye."
Hinalikan muna siya sa pisngi bago ito tuluyang lumakad papuntang kotse nito at umalis.
__________
"DJ, saan ka galing?" bungad ni Mark sa kanya nang narating niya ang shooting. Sa katunayan, late na late na siya para sa sequence niya. Kaya lang hindi niya talaga maiwan si Kath. Kusang hindi kayang humiwalay ng katawan, puso at isip niya sa babae. Wala pang nakakaalam sa relasyon nila ni Kath kaya hindi talaga alam ni Mark kung saan siya nanggaling.
"I'm sorry. What did I miss?" tanong niya dito.
"Madami. Aaliyah has been taking over for your sequences. Mabuti nalang at good mood si Direk at hindi ka niya masyadong naaalala," sagot nito.
"Okay. Thanks, Mark."
Dumiretso na siya sa kung saan currently kinukunan ng shot si Aaliyah. Nagte-take ito ng advanced scenes para lang matakpan ang scenes niya. When she was done, nagpack-up na ang set which surprised him.
"Wait. I thought may scene pa akong kukunin?" tanong niya kay Mark na katabi lang niya.
"I think Aaliyah covered up everything for you," sagot nito.
Napatingin naman siya sa direksiyon ni Aaliyah na nakaupo na sa director's chair nito. Hindi pa niya ito nakakausap simula kaninang gabi. He hadn't rightfully apologized to her for using her to make Kath jealous.
Agad naman na nilapitan niya ito.
"Hey," nakangiting bati niya dito.
Tumingin lang ito sa kanya and gave him a small smile.
"Can I talk to you?" tanong niya dito.
Nanatiling nakatingin lang ito sa script nito habang inaayusan ang buhok nito ng stylist. "Sure. What's that?"
"Uhm... alone, if you don't mind," aniya na tinapunan ng tingin ang stylist nito.
Tumingin ito sa stylist nito at sinenyasan na iwan muna silang dalawa.
When they were finally alone, humarap naman si Aaliyah sa kanya. "What is it that you want to tell me?"
________
Nakaupo lang sa sala si Kath habang nanonood ng cartoons. Wala na kasi siyang ibang magawa sa bahay. She was all alone kasi umuwi sa Nueva Ecija ang mama niya. Bukas nang gabi pa ang balik nito kaya mag-isa lang siya sa bahay ngayon.
Napatingin si Kath sa cellphone niya na katabi lang niya sa sofa. Simula nang umalis si Daniel ay wala pa siyang nare-receive na text message galing dito. Pero alam naman niyang busy na ito sa taping nito. Kaya ay dapat hindi siya maging paranoid sa kakaisip dito.
When she remembered Daniel's face when Aaliyah called him that morning, may biglang umahon na kung anong inis sa dibdib niya. Aminado siyang nagseselos talaga siya sa dalaga. Nagseselos siya kapag nagkakaroon ng communication ang dalawa. Pero hindi naman niya masisisi si Daniel. Aaliyah is her boyfriend's loveteam kaya wala siyang karapatang magselos because in the first place, kahilingan niya ang nagbigay-daan para doon.
She tried to divert her attention para mawala na ang inis niya. Pero sa bawat segundong lumilipas ay parang mas lalong nagiging uneasy siya. Is it the fact that it was because she was becoming bored, or dahil sa alam niyang magkasama si Aaliyah at si Daniel ngayon?
Whatever her real reason is lead her to stand up and marched up to her room to change her clothes. Dali-dali siyang naligo at nag-ayos ng sarili para umalis. Tinawagan naman niya si Vicky para sunduin siya. At nang dumating naman ito ay dali-dali siyang sumakay sa van.
"Ano naman ang pumasok sa kukote mo't nag-aya kang lumabas?" tanong ni Vicky nang nakapasok na siya sa van.
"Ewan ko. Nababagot ako, eh. Wala akong magawa," sagot niya dito.
"O, siya. Saan tayo?"
"Sa mall nalang."
__________
"Aaliyah, I am really, truly sorry about last night. Hindi ko inisip na mao-offend ka sa ginawa ko," panimula ni Daniel nang nagkausap na sila ni Aaliyah.
"You know what, okay lang naman talaga kung gagamitin mo ako for your adventures, eh. But you could've asked, you know. It's the least thing you could do," anito.
"I know, I know. It was my bad. I should have told you. I'm sorry," sincere na pagso-sorry niya.
Nagbuntong-hininga ito, saka ngumiti. "Sus. Kung hindi ka lang malakas sa akin, eh hindi na talaga kita pinatawad."
Na-relieved naman siya sa sinabi nito. Dahil doon ay lumuwag ang pagkakangiti niya sa mukha. "So, does this mean na okay na tayo? Ayoko kasing magkailangan tayo, lalo na't magka-scene pa tayo together."
She nodded. "Of course. Basta ha, huwag mo nang uulitin iyon."
Itinaas niya ang kanyang kamay na parang nanunumpa. "Hey, I promise."
Natawa ito, bago, "Ganito nalang. Since I saved your butt sa taping natin ngayon, let's have a date today."
"Ha?"
"Yeah. So that you could make it up to me. Bonding na rin iyon sa ating dalawa, at kung may makakita mang mga press sa atin, publicity stint na rin iyon. We could go to the mall and watch a movie or something. Tapos, we could dine in one of the restaurants there. What do you think?" pagdaldal ni Aaliyah na hindi naman niya alintana dahil sa iniisip.
He was thinking about Kath. Dahil alam niyang free na siya, plano sana niyang yayaing lumabas si Kath on a date.
"Deej, nakikinig ka ba sa akin?" Aaliyah snapped at his face.
"Ha?" Nabaling ang atensiyon niya kay Aaliyah. "Ahm, yeah."
"So, ano? Tara lets?" nakangiting wika ni Aaliyah.
"But, Aaliyah..."
"I don't take no for an answer. At tsaka, may utang ka pa sa akin. You have to make it up to me. Kung hindi, talagang magtatampo na ako sa iyo," anito.
It seemed like he has no other choice. Malaki ang buntong-hiningang pinakawalan niya bago humarap uli kay Aaliyah.
"Okay," sagot niya dito. Mas lalong lumiwanag ang ngiti ni Aaliyah sa mukha.
"Okay. Give me five minutes and then we'll be off. Punta lang muna ako sa dressing room. I'll be right back," nae-excite na wika nito bago tuluyang umalis at nagtungo sa tent nito.
Napatingin agad siya sa cellphone niya. He searched for Kath's number. Tatawagan nalang niya ito to inform her na baka late na siya makadaan sa bahay nito. He was about to call her when Aaliyah arrived and grabbed his phone.
"Oh, and one more thing. Dahil kasama mo ako, no phones are allowed, okay? Dapat nasa akin lahat ng atensiyon mo," anito.
"But - "
"No buts. Kabayaran mo ito sa utang mo sa akin."
"I just have to call someone first."
"No buts, no exceptions," she said with finality. Agad na isinilid nito sa bag nito ang phone niya bago siya hinila sa parking lot area. Wala na rin siyang nagawa kundi ang magpahila nalang dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro