Chapter 38
Alam ni Kath na huli na para bawiin ang sinabi niya. Sa pangalawang pagkakataon, nagpapakatanga na naman siya nang dahil sa pag-ibig. Kung bakit kasi hindi niya mapigilan ang puso niya sa kakatibok para sa lalaking hindi naman siya mahal?
She was ready to face another rejection from him... another heartbreak. Alam niyang dahil sa ginawa niya ay masasaktan na naman ang puso niya. Kaya kailangan ay panagutan niya ang kung ano mang magiging kapalit ng pagpapakatanga ng puso niya.
"Kath..." Narinig na naman niyang sambit ni Daniel ng pangalan niya.
"DJ, alam ko naman kung anong isasagot mo, eh. At tanggap ko naman iyon."
Nanatiling nakapalibot ang mga braso ni Daniel sa kanya. Gustuhin man niyang kumalas na doon ay hindi niya magawa. Alam kasi niyang pagkatapos ng gabing iyon, mapuputol na nang tuluyan ang kung ano mang ugnayan nilang dalawa. At hindi na niya mararanasan pa ang makulong sa mga bisig nito nang ganoon.
Naramdaman niyang ibinaon ulit ni Daniel ang mukha sa buhok niya. Pagkatapos ay naramdaman naman niyang yumugyog ang mga balikat nito. Was he laughing? Inis na kumalas siya sa yakap nito.
“What are you laughing at?"
Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Daniel. Tila naka-jackpot ito sa lotto sa lapad ng ngiti nito.
"Babe, you just don't know how happy I am right now," nakangiti pa ring sagot ni Daniel sa kanya.
"Happy?" nagagalit na wika niya. "Masaya ka pala kapag may ibang tao kang nasasaktan. Unbelievable! You are such a jerk!"
Nanatili lang na nakatayo si Daniel sa harapan niya at nakikinig sa kanyang litanya.
"Hindi ko alam kung bakit nagustuhan pa kita... minahal! Paano ko minahal ang isang sadista at gagong katulad mo?"
Hindi pa rin kumikibo si Daniel at patuloy lang ang panonood sa kanya.
"Worse, kahit na anong pilit kong sabihin sa puso ko na huwag ka nang mahalin, hindi pa rin ito sumusunod. Dahil kahit na gago ka, mahal na mahal pa rin kita. How can I be so stupid?" galit na galit pa rin na litanya niya. Galit siya hindi lang dito. Pati na rin sa sarili niya.
"Tapos ka na ba?" tanong nito sa kanya matapos ang litanya niya.
Tumaas lang ang isang kilay niya habang naka-ekis ang mga braso niya sa dibdib.Itinuon niya sa ibang direksiyon ang tingin niya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito dahil baka sumpungin na naman siya sa pagka-estupida niya.
"Can I speak now?"
Hindi pa rin siya sumasagot sa tanong nito. Bagkus ay nanatili lang siyang nakatingin ibang direksiyon.
"Kath, tumingin ka sa akin," narinig niyang utos nito.
Pero hindi pa rin siya tumitingin dito.
"Babe, tumingin ka sa akin," anito habang hinawakan ang baba niya't iniharap sa mukha nito.
"Huwag mo nga akong ma-babe-babe diyan. Karatehin kita diyan, eh," inis na sabi niya dito. Pero hindi na siya nagtangka pang umiwas ng tingin dito.
He chuckled. "Ang cute talaga ng mahal ko."
"Pwede bang tigilan mo ako, Daniel? Anong cute ang pinagsasabi mo diyan? Ano ba -" Natigilan siya nang ma-realize ang sinabi nito. "Wait, anong sinabi mo?" nakakunot-noong wika niya.
Napangiting umiiling-iling ito. "Ang sabi ko, ang cute mo."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "No, the other part."
Mas lalong lumapad ang ngiti nito sa labi. "Mahal ko."
Sa pagkakataong iyon, hindi siya sigurado kung gising pa ba siya o panaginip nalang iyon. Alam niyang sa panaginip lang niya nagaganap ang mga eksenang iyon. So, this little scene of hers and Daniel right here, is just a dream... nothing but a dream.
"Kath, ba't ka pumipikit?" Narinig niyang tanong ni Daniel.
Hindi lang niya ininda pa iyon at nagbilang ng hanggang sampu habang nakapikit. Alam kasi niyang pagkatapos ng pagbilang niya'y magigising na siya mula sa panaginip.
Pero nang pagdilat niya'y laking gulat nalang niya nang makita pa rin ang mukha ni Daniel. Dapat ay hindi na niya makikita ito. Hindi ba't panaginip lang niya ito? Dapat ay magising na siya.
Ipinikit ulit niya ang mga mata niya at napagpasyahang bumilang ulit ng hanngang sampu. Baka sakaling sa ikalawang pagkakataon ay magising na siya nang tuluyan.
"Dapat magising na ako. Dapat mawala ka na sa panaginip ko, Daniel. Panaginip lang lahat nang ito," sabi niya kasabay ng pagbilang niya hanggang sampu.
"Kath..."
"Panaginip lang lahat nang ito, eh. Hindi ka totoo. Hindi ito totoo," patuloy pa rin niyang pagbibilang hanggang sampu.
"Kath, makinig ka sa akin," awat ni Daniel sa kanya at pilit siyang pinapadilat.
"Panaginip lang itong lahat. Panaginip lang itong lahat."
"Kath! Hindi ito panaginip. Totoo ito. Totoong-totoo. Mahal kita. Mahal na mahal kita."
__________
Nakatingin lang si Daniel sa tila hindi makapaniwalang mukha ni Kath. He just told her he loves her. Ngunit parang tila na-estatwa ito sa kinatatayuan at walang ni isa man na reaksiyon ang natanggap niya mula dito.
"Kath?"
Kumurap-kurap pa ito na tila hindi pa rin pinapaniwalaan ang sinabi niya.
Nagbuntong-hininga siya. "Kath, I know I have done a lot of things that would make you doubt about how I feel for you. Pero... wala, eh. Totoo. I just got madly in love with you. At nang ma-realize ko iyon, alam kung nasaktan na kita nang husto."
Mas lumapit pa siya dito at hinaplos ang pisngi nito. He looked down at her eyes to show how sincere he was expressing his love for her.
"Kath, maiintindihan ko naman kung hindi mo kayang paniwalaan ang mga sinasabi ko. I know I deserved it, anyway. Kasi labis kitang nasaktan noon. Kaya naman pinapangako ko ngayon na hinding-hindi na kita sasaktan. And that's why, kahit na ayaw mo na akong tanggapin sa buhay mo... okay lang. Tatanggapin ko iyon nang buong-buo."
"DJ..."
"Pero, kahit ganoon, masaya na ako. Masaya na akong malamang mahal mo pa rin ako. Kasi mahal rin kita, eh. Mahal na mahal kita, Kath," buong-pusong pahayag niya dito.
Hindi na nito napigilan ang umiyak. Kaya naman ay pinunasan agad niya ang mga luhang dumadaloy na sa pisngi nito.
"Shit. Umiiyak ka na naman. Kaka-promise ko pa lang nga na hindi kita sasaktan, umiiyak ka na. I'm sorry," aniya sabay kabig dito payakap sa kanya.
Napahagulhol na ito sa balikat niya.
Damn it! He promised he won't hurt Kath again. But he just did. Tama nga ito. He is a jerk. He is a big jerk for hurting the girl he loves the most.
"DJ..." humihikbing wika nito habang yakap-yakap pa rin niya. "Totoo ba talaga iyan? Hindi ka lang ba nagpapanggap ulit?"
Mas lalong humigpit ang yakap niya dito. "Why else would I stalk you to the restaurant and dito sa bahay mo? Dahil kasama mo si Dom. And I got jealous. Gusto kong ako lang kasama mo parati. And why else would I use Aaliyah to get you jealous, too? Kasi mahal kita."
Naramdaman naman niyang yumakap na rin ito sa bewang niya. "DJ naman, eh."
Kumawala siya sa yakap nito para tingnan ulit ito sa mata. "Kath, kahit na ulit-ulitin ko pang sabihin sa iyo ang nararamdaman ko, hinding-hindi ako magsasawa. Mahal kasi kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita."
Suminghot ito at pinunasan ang natuyo nang luha sa pisngi nito, saka siya ningitian. "I swear, kung saktan mo pa ako nang isang beses ulit, puputulin ko talaga ang lahi mo."
Natawa naman siya sa sinabi nito. "Huwag naman. Sayang din iyon. Hindi ko na maishe-share ang kagwapuhan ko."
Napahampas ito sa dibdib niya kasabay ng pagtawa. "Ang yabang!"
Niyakap niya ulit ito nang sobrang mahigpit. "Mahal na mahal kita, Kath. Nang sobrang-sobrang-sobra."
Naramdaman niyang napangiti ito sa dibdib niya. "Mahal na mahal rin kita, DJ. Nang sobrang-sobrang-sobrang-sobra."
And with that, napalapad ang ngiti niya sa labi.
"Ahem."
Sabay silang napalingon ni Kath sa taong tumikhim. Nakaupo pa rin si Dominic sa sementadong daan at nakangiting pinapanood ang munting eksena nila ni Kath.
"If this was a scene in a movie, for sure, bentang-benta na ito sa mga manonood. Nakakakilig kasi," kantiyaw sa kanila ni Dom.
"Ohmighad, Dom! Sorry! Nakalimutan kita," nagulat na sabi ni Kath sabay kalas sa yakap niya para sana puntahan si Dominic. Pero hindi niya pinayagan iyon dahil agad na hinawakan niya ito at tinigilan ito sa paglapit kay Dom. Saka lang niya hinila ito pabalik sa kanya at niyakap ulit... nang mahigpit.
Natawa naman si Dom sa ginawa niya.
"DJ! Tutulungan ko lang naman si Dom na tumayo diyan," reklamo ni Kath sa kanya.
"Hindi puwede. Dito ka lang sa akin. At tsaka, malaki na iyang si Dominic. Kayang-kaya na niya ang sarili niya," sagot niya dito.
"No, it's okay, Kath. Tama naman si Daniel. Kaya ko na ang sarili ko," anito habang tumatayo.
Kath sheepishly looked at Dominic. "Sorry, Dom ha? Seloso itong lalaking ito, eh."
Natatawang ipinagpag ni Dom ang nadumihang pantalon nito nang nakatayo na ito. "No, it's okay. I know the feeling. Lalake din ako kaya alam kong seloso talaga kaming mga lalake."
"Sorry again," ulit na sabi ni Kath dito.
Tumango lang ito bago," Sige, ha? Mauna na ako. Baka naistorbo ko na kayong dalawa, eh. Sige. Good luck sa inyong dalawa."
Ngiti nalang ang isinagot ni Kath dito. Habang tinatanaw lang niya si Dominic na naglalakad patungong sasakyan nito ay tinawag niya ito. Lumingon naman agad ito sa kanya.
"Thank you pala, pare."
Ngumiti ito sa kanya. "No problem, bro." Saka lang ito tuluyang tumalikod at pumunta na sa sasakyan nito. Hanggang sa nakasakay na ito sa kotse nito at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.
Agad naman na humarap siya sa magandang babaeng kayakap niya. Nakangiti ito ngayon sa kanya.
"Ang ganda talaga ng girlfriend ko," ang sabi niya.
Tumaas ang isang kilay nito. "Girlfriend? Agad-agad? Hindi ka pa nga nanligaw, eh."
"Kailangan pa ba iyon? If I know, sasagutin mo naman agad ako, eh."
Natawa ito, kasabay ng mahinang paghampas nito sa braso niya. "Ang kapal mo, ha? For your information, hindi ako easy to get, ano?"
Umungol siya kasabay ng mahigpit na pagyakap nito sa kanya. "Kath naman, eh."
Natawa lang ito sa ini-akto niya. Tumingin siya sa mukha nitong masaya. Ang saya-saya din niya. Kasi hindi lang masaya ang babaeng mahal niya, pero alam din niyang mahal pa rin siya nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at pinuntahan ang nakahilerang nakatanim na mga bulaklak sa gilid ng gate nila Kath.
"DJ? Anong ginagawa mo?" nakakunot-noong tanong nito.
Hindi lang niya pinansin ito at tuloy-tuloy na pinuntahan iyon at pumitas ng isang bulaklak. Saka lang niya binalikan si Kath na ngayon ay nakangiti nang nakatingin sa kanya.
"Hi," nakangiting bati niya dito.
"Hi."
Tumikhim pa siya bago," Isang magandang bulaklak para sa isang magandang dilag na katulad mo," sabay abot dito sa bulaklak na hawak niya. "Ahm, isa lang muna ngayon, ha? Alam mo naman, baka ma-trigger na naman ang allergy ko sa bulaklak."
Nakangiting tinanggap naman nito ang bulaklak. "Okay lang iyon. And... Thank you."
"So... pumapayag na ba ang magandang dilag na maging boyfriend ang gwapong binatang nagbigay sa kanya ng bulaklak ngayon?"
"Hmm." Tiningnan nito ang bulaklak, saka ibinalik ang tingin sa kanya. "Tatanungin ko muna siya."
"Huh?" Nagpanggap siyang nalungkot sa sinagot nito. Nagyuko pa siya ng ulo para ma-emphasize ang acting niya.
Narinig niyang tumawa ito. "Sige na nga."
Agad na umangat ang tingin niya sa mukha nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Sinasagot na ng magandang dilag ang gwapo ngunit mayabang na binatang nagbigay sa kanya ng bulaklak."
Natawa naman siya. "Okay na sana iyong gwapo, eh, may mayabang pa. Pero okay na rin iyon."
Kinabig ulit niya ito payakap. Pagkatapos magpakalunod sa yakap nito ay humarap siya dito. Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito. He looked at the eyes of the girl he loved the most. Ang araw na iyon ang napakasayang araw sa buhay niya. Saka niya unti-unting inilapit ang mga labi sa labi nito.
Nang maglapat ang kanilang mga labi, buong pusong ipinadarama niya dito ang damdamin niya. He kissed her with all his love for her. Naramdaman rin naman niyang punong-puno ng pananabik at pag-ibig ang itinugon na halik ni Kath sa kanya.
"I love you, DJ."
"I love you more, Kath."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro