Chapter 36
"Do you like the food?"
Tinanguan ni Kath si Dominic. Nasa isang seafood restaurant sila kung saan siya dinala nito nang gabing iyon para sa dinner invitation nito. "Okay naman. Masarap siya."
Ngumiti ito sa kanya. "I'm glad na nag-enjoy ka sa food. Kung hindi mo pa alam, favorite ko ang restaurant na ito, eh."
"Ganoon ba? You like seafood?"
Tumango ito. "Yes. Seafoods are my favorite. Kung babae lang ako, siguro ang seafoods ang chocolates ko. They're my cravings."
Natawa naman siya sa sinabi nito. Dominic wasn't the person she expected. She found out that he was very easy to be with. Akala niya ay seryosong tao ito. Yes, he was a bit serious. But he was easy to laugh and smile with.
"Ikaw? Ano ba ang mga favorites mo?" tanong nito.
"I like chocolates."
"Like?"
"No, wait. I love chocolates. They're my cravings. Oh, well... Babae nga ako."
Dominic laughed. He was handsome all right. Pero mas gwapo pa rin si Daniel dito. Ang kagwapuhan kasi ni Dominic ay tila maingat. Habang kay Daniel naman ay ruggish ang dating. Which she liked better.
"So, kung reregaluhan kita, kailangan pala talagang may kasamang chocolates ang flowers na ibibgay ko?" natatawang tanong ni Dominic.
Umiling siya. "Oh, no... you don't need to give me flowers. Kontento na ako sa chocolates. I really don't like flowers."
"Bakit naman? Sa pagkakaalam ko, women adored flowers. Are you allergic?"
Umiling uli siya. Naisip niya si Daniel. "I'm not. Talagang mas naa-appreciate ko lang ang chocolates kesa sa flowers. Pwede naman kasing matapon lang ang flowers, eh. Mas mabuti na ang chocolates."
Tumango-tango lang ito.
"And I'm not like other girls." Naisip naman niya si Danna. She remembered the time Daniel had an asthma attack. Kaya pala nagka-asthma si Daniel dahil bibigyan sana nito ng flowers si Danna. That was what Mark told her. Noong nalaman niya ang totoo, halos sumikip ang dibdib niya sa selos.
Nakita naman niya si Dominic na napatingin sa isang direksiyon at parang may tinanguan. When she turned around to see kung sinong binati nito ay feeling niya, nalaglag ang kanyang panga.
Ano ang ginagawa ng lalaking iyan dito?
Isang mala-greek god ang pumasok sa entrance ng restaurant. At may kasama pa itong haliparot... este, si Aaliyah.
Daniel just nod at their direction to send his greetings, habang si Aaliyah ay nakangiti namang kumaway sa kanila. She just faked a smile in exchange for their greetings. Pagkatapos niyon ay agad na iniwas niya ang tingin sa mga ito at ibinalik ang atensiyon niya sa pagkain.
"Kath? Are you all right?" maya-maya ay narinig niyang tanong ni Dominic.
"Ha?"
"Nawalan ka na kasi ng imik. At, well, dinurog mo na nang husto ang pagkain mo."
Doon lang niya napansin na pino na ang pagkakapiraso niya sa karne ng isda sa kanyang plato. "Sorry. May bigla lang akong naisip."
"At may dumi ka sa mukha."
"What?"
"Let me." Nagulat nalang siya when Dominic reached out to her and brushed away something from the side of her mouth. "You had something in your face."
"Ha?" Dumampot siya ng tissue paper para ipahid sa kung saan my dumi siya sa mukha at siniguradong wala nang residue mula sa kinakain. "S-salamat."
Ngumiti lang ito sa kanya. Nagulat naman siya nang may marinig siyang ingay mula sa likuran nila. Nang lingunin niya iyon ay mas lalo siyang nagulat nang mapagtanto kung sino ang taong nakapuwesto sa malapit na mesa nila.
At nasa malapit na table pa talaga sila, ha? Buwisit.
"Madalas rin ba si Daniel dito?" tanong ni Dominic.
"Hindi ko alam," naiiritang sabi niya. "I really don't know what he's doing here."
"Deej? Bakit? Anong problema?" narinig niyang tanong ni Aaliyah.
"Wala." Hinampas uli nito ang nang malakas ang mesa nito. "May nakita lang akong malaking langgam."
Then she saw him looked in her direction with a knotted forehead. Agad naman na iniwas niya ang tingin dito.
"Ano ba kasi ang problema ng lalaking iyan? Wala talagang kadala-dala. Pati ba naman rito, binibuwiset ako. Nakakainis. Magsama kayo ng babae mo," bulong na litanya niya sa sarili.
"So... kamusta na pala kayo ni Daniel?"
Noon lang uli nabaling kay Dominic ang atensiyon niya. "Ha?"
"Kamusta na kayong dalawa? Alam mo na, pagkatapos maghiwalay ng loveteam ninyo."
"Ahm... okay naman," sagot nalang niya at ibinalik uli sa pagkain ang atensiyon.
"So, friends pa rin kayo pagkatapos ng lahat? I mean, hindi ba't niligawan ka niya at parang nagka-something kayo? HIndi ba naging awkward after that?"
Ay, oo nga pala. Wala palang nakakaalam na pagpapanggap lang ang lahat sa kanila noon ni Daniel. "Yeah. We're friends."
"So, if friends pa rin kayo, ba't hindi nalang niya itinuloy ang panliligaw niya sa iyo? I mean, you're very beautiful, Kath. And if I were Daniel, hinding-hindi na kita pakakawalan, 'no. Tanga lang ang gagawa no'n."
"Tell that to him," napailing-iling na sabi niya. "Hindi naman ikaw si Daniel, eh. So, hindi ka tanga. Si Daniel lang ang tanga. And besides, parang hindi naman siya naghihinayang na mawala ako sa buhay niya, eh. Mukhang enjoy na enjoy pa nga siyang kasama si Aaliyah, 'no. That guy is a jerk."
She heard Dominic chuckle. Nahiya naman agad siya rito. Her and her big mouth. Dahil sa sinabi niya, baka maisip nitong peke lang ang pinagsamahan nila Daniel noon.
Well, peke naman talaga, di ba? Her relationship with Daniel was nothing but a fake. So, bakit pa siya mahihiya kay Dominic kung malaman man nito ang totoo about her and Daniel?
"Sorry," aniya.
"Nah, it's okay. Ganyan talaga kapag special sa iyo ang isang tao. You just couldn't help thinking about him." Ininguso pa nito si Daniel.
Napataas naman ang kilay niya. Mali ba ang interpretasyon nito sa sinabi niya. "Wala kaming relasyon ni Daniel."
“Meron. I can sense it."
"Matagal nang naghiwalay ang loveteam namin."
"Maaaring naghiwalay na kayo ng loveteam ni Daniel. Pero evident pa rin sa kilos ninyong dalawa na may namamagitan pa sa inyong dalawa."
"Wala nga sabi," giit niya.
Makahulugan na ang ngiti nito nang ipatong nito ang mga braso nito sa mesa at inilapit sa kanya ang mukha nito. "Kung ganoon, bakit namumula ang mga pisngi mo sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya? At bakit nagwawala siya kapag lumalapit ako sa iyo nang ganito?"
"Ha?"
"Remember iyong ingay kanina? Si Daniel iyon."
"I'm sorry. We're not on the same page. Hindi kita maintindihan."
"Oh, c'mon Kath. You know exactly what I mean."
"Ang sabi niya, may malaking langgam daw sa table nila, di ba?"
"You know that's crap." Nagkibit lang siya ng balikat. "You wanna try it again?"
"Try what?"
"Something." Then he reached out a hand to her again.
Pero bago pa man lumapat sa mga labi niya ang daliri nito ay may narinig na naman siyang ingay. Na nagmula na naman sa puwesto ni Daniel.
"Damn these stupid ants," anito na masama pa rin ang tingin sa kanya.
"Let's just find another restaurant, Deej," suhestiyon naman ng malanding babaeng kasama nito, a.k.a. si Aaliyah. "I'm beginning to hate the atmosphere in this place."
"Huwag na. It would just be a waste of time. Dito nalang tayo," narinig niyang sagot ni Daniel dito.
Inignora nalang niya ang dalawa at saka ay binalingan ulit si Dominic. Abot hanngang tainga na ang pagkakangisi nito. "I told you."
"Told me what?"
Bumuntong-hininga nalang ito. "Masama ang laging nagpapanggap, Kath. Baka masanay ka na diyan, mahihirapan ka lang sa huli. Lalong hindi mo maipapakita ang totoong nararamdaman mo."
Natigilan naman siya sa sinabi nito. Para kasing may laman iyon at tumagos iyon sa puso niya. But she tried to act as if hindi siya naapektuhan doon.
"I don't know what you're talking about, Dom."
Nagkibit lang ito ng balikat bago ipinagpatuloy ang pagkain nito.
__________
Kanina pa lihim na minamasdan ni Daniel ang puwesto nila Kath at Dominic. Kanina pa siya naiinis kay Dominic. Lagi nalang itong dumadamoves. Kung hindi lang talaga siya makapagpigil ay hindi lang ang mesa ang mahampas niya. Pati na rin ang mukha ni Dominic.
"Are you done staring at them?" narinig niyang tanong ni Aaliyah.
Napabaling naman ang atensiyon niya dito. "Ha?"
"I said, are you done staring at them?" Natunugan niya ang inis sa tinig nito.
"Ahm... what are you talking about?" pa-inosenteng tanong niya dito.
Nagbuntong-hininga ito. "Look, kung sa akala mo ay hindi ko alam kung anong ginagawa mo ngayon, nagkakamali ka."
"I still don't know what you're talking about."
"Oh, c'mon Deej. Talaga bang in-invite mo lang akong mag-dinner just to spy on Kath and Dominic? Like, seriously? Ano ako? An instrument to get Kath jealous, too?" naiinis na wika nito.
Agad na binalot ng konsensiya niya ang guilt. "Liyah - "
"Deej, hindi ako tanga para hindi maintindihan ang lahat nang ikinikilos mo... ang lahat nang ito."
Guilty na tumingin siya dito. He gave her an apologetic smile. "I'm sorry, Liyah. I didn't mean to use you."
Tumaas naman ang kilay nito. "Wala na rin akong magawa. Ginamit mo na ako, eh. All I could do is to finish my meal and smile at you like I'm enjoying our dinner, para somehow, effective ang pagpapaselos mo kay Kath."
Natigilan naman siya sa inasta nito. This is not the Aaliyah he knew. Parang ibang-iba yata ito sa Aaliyah na nakilala niya... iyong sweet at mabait na Aaliyah. Pero may kasalanan rin naman siguro siya kung bakit ito nagkaganoon. Naiintindihan niya kung bakit nagagalit ito nang ganoon.
"Liyah, sorry talaga. Uhm, gusto mo, pagkatapos nito, magbar-hopping nalang tayo? I wanna make it up to you," nagi-guilty pa rin na sabi niya dito.
Umiling naman ito. "No thanks, Daniel. Tapusin nalang natin ang show natin na ito. And then after, let's just go home."
Nagbuntong-hininga siya. "Okay. Let me just take you home."
“No need. Magpapasundo nalang ako kay Rei."
Nagi-guilty pa ring napatingin siya kay Aaliyah na ngayon ay busy na sa pagkain nito. Alam niyang mali talaga ang ginawa niya kaya may karapatan itong magalit sa kanya. Babawi nalang siya dito next time. But as of now, papalipasin na muna niya ang galit nito sa kanya.
Napatingin naman ulit siya sa direksiyon nila Kath. Tumatawa ito at si Dominic. Nag-init na naman ang bumbunan niya. Kanina pa siya selos na selos pero parang hindi naman alintana iyon ni Kath. Parang wala lang nga dito na kasama niya si Aaliyah doon. Mukhang hindi epektibo ang pagpapaselos niya dito.
Damn! Ano pa ba ang dapat niyang gawin para lumambot ang puso ni Kath sa kanya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro