Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Ilang oras din bago natapos ni Daniel ang shooting niya. Nang in-announce na ng direktor nila na pack-up na ay mabilis na tinungo niya ang tent niya. Nadatnan niya si Mark doon na nakaupo habang nakatingin sa screen ng laptop nito.

"Si Kath?" tanong niya dito.

"Umalis na. Sinundo na siya ni Vicky," sagot nito.

"Talaga? Ba't hindi siya nagpaalam sa akin?" tanong uli niya dito.

"Nagte-take pa kayo ni Aaliyah noon, eh. At tsaka nagmamadali na rin iyon dahil late na rin para sa taping niya."

Napabuntong-hininga siyang umupo sa isa sa mga silya doon. Nadismaya siyang malaman na umalis na pala si Kath na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Hindi man lang nito magawang magpasalamat uli sa kanya dahil sa tulong niya.

Bad trip!

"Siyanga pala, DJ. Tumawag si Ma'am Cory kanina. She wanted to remind you about that contract with White Clothing Line. Kung napirmahan mo na, ibigay mo nalang sa akin at ako na ang magbibigay sa kanya," paalala ni Mark sa kanya.

Tumango nalang siya dito. Natapos na niyang pirmahan ang kontrata. Kagabi pa niya napirmahan iyon. Hindi niya palalampasin ang opportunity na ganoon kalaki. Pero si Kath kaya? Nakapagdesisyon na kaya ito tungkol doon?

"May gagawin pa ba ako pagkatapos nito?" tanong niya kay Mark.

"Ah, teka lang..." sagot nito habang tinitingnan ang organizer na naglalaman ng lahat ng appointments sa araw niya. "Wala na. You're free. Pero bukas, maaga ka. 3 AM ang call time ng shooting ninyo ni Aaliyah."

Napangiti siya. "Sige, sige. Thanks." At tumayo na siya at kinuha ang susi ng kotse niya.

"Teka, teka. Saan ka pupunta?" tanong ni Mark nang papalabas na siya ng tent niya.

"May pupuntahan lang ako," aniya at tuluyan nang lumabas ng tent.

Naglalakad na siya patungong parking lot kung saan naka-park ang kotse niya nang nakasalubong niya si Aaliyah sa daan.

"Hi Deej! Going somewhere?"

"Oo, eh," sagot niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Deej, wait," tawag nito sa kanya.

Napahinto naman siya at ibinaling ang atensiyon dito. "Bakit?"

"Remember my invitation to you for dinner the last time. Well, since wala naman na akong gagawin, and I think free ka rin naman, pwede ka ba tonight?" nakangiting tanong nito.

"Ha? Ah... " Napatingin siya sa susi niya at sa mukha nito. "Ano kasi, Liyah eh. Baka gabihin na kasi ako sa lakad ko ngayon."

Sumimangot naman ito agad sa sagot niya. "Ganoon ba? Bakit? Saan ka ba pupunta?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Ha? Ah... Pupuntahan ko pa kasi ang k-kaibigan ko,” pagsisinungaling niya.

"Ah, ganoon ba? Ah, sige. Some other time nalang siguro," nakasimangot pa ring wika nito.

"Okay," sagot niya. "Sige, Liyah ha. I have to go. Bye."

Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito. Bagkus, naglakad na siya patungong kotse niya. Nang nasa loob na siya ng kotse ay kinuha niya ang cellphone niya at gumawa ng tawag. Ilang ring lang bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello? Ate Vicky! Nasaan nagsu-shooting si Kath ngayon?"

Sinabi naman nito ang location ng shooting ni Kath.

"Sige, sige. Salamat," aniya at ibinaba na ang tawag.

Napangiti siya. Oo, pupuntahan niya si Kath. Ilang oras pa lang ay na-miss na niya ito. Gusto niya itong makita ulit.

Hay. In love ka nga talaga, Daniel Padilla.

Natatawa sa sariling pinaandar na rin niya ang kotse at pinaharurot na papuntang location sa set ni Kath.

__________

"Pack-up na guys."

Malalim na hininga ang ginawa ni Kath nang marinig ang sinabi ng direktor nila. Nagtagal rin ang shooting nila dahil hinabol pa nila ang mga scenes na dapat kukunan sa araw na iyon. At dahil na-late siya ng dating sa taping, doble ang effort na binigay niya para lang maging madali ang pagtapos ng shooting nila.

"Kath, Ma'am Cory called. Naga-update siya about doon sa contract mo with the White Clothing Line," bungad sa kanya ni Vicky nang lapitan niya ito pagkatapos ng scene niya with Dom.

Napatampal siya sa noo. "Oo. I almost forgot about that."

"Nakapag-desisyon ka na?"

Natigilan siya sa tanong ni Vicky. Iyon nga ang problema niya. Hanggang ngayon, hindi pa siya nakapag-desisyon.

"Alam mo, sa tingin ko, kunin mo na ang project na ito."

Napatingin siya kay Vicky. "You think?"

Vicky nodded. "Yes. This is a once in a lifetime opportunity, Kath. Malaking project ito. And maybe, because of this project, mas marami pang malalaking projects ang darating sa iyo. It will boom your career. So, bakit mo palalampasin ito?"

Nagbuntong-hininga siya, bago naglakad patungong tent niya. "Ate Vicky, alam mo naman siguro ang rason kung bakit nagdadalawang-isip ako, eh."

"Because of Daniel?"

She nodded. "Oo. Dahil sa kanya. O.A. na kung O.A. pero hindi pa ako handang maka-trabaho siya ulit."

Kinuha ni Vicky ang damit na ipampalit niya sa maleta niya at ibinigay sa kanya. "Tanggapin mo nalang kasi ito, Kath. Kahit ngayon lang kayo magka-trabaho ulit ni Daniel, tiisin mo nalang. Sayang kasi kung mapunta pa sa iba. Nasa iyo na tapos pakakawalan mo pa."

"Naisip ko na rin iyon, eh," aniya habang hinuhubad ang damit at ipinalit ng simpleng shirt at pants lang. "Kaya nga malaki pa rin ang chance na tatanggapin ko ang project."

"O, ganoon naman pala eh? Tanggapin mo nalang. Ikaw rin. Baka magsisi ka sa huli kung pinakawalan mo pa ang project na ito."

Napaisip siya. Tama nga naman si Vicky. Dapat ay hindi niya palalampasin ang malaking pagkakataon na iyon para sa career niya. Kaya kinuha niya ang kontrata niya sa bag niya at tiningnan iyon.

Hindi dapat pinapalampas ang chance na ganito, Kath, isip-isip niya habang tinitingnan ang kontrata.

"Here," wika ni Vicky while handing her a ballpen.

Kinuha niya ang ballpen mula dito. She took one last deep breath before signing the contract. At nang napirmahan na niya iyon ay ibinigay na niya ito kay Vicky.

Malaki ang ngiting naka-plaster sa mukha nito nang kunin nito sa kanya ang kontrata. "I knew you'd make the right choice."

"Oo na, oo na," natatawang wika niya.

Inilagay nito ang kontrata sa bag nito. Si Vicky na ang magbibigay ng kontrata kay Ma'am Cory. "Ano? Tapos ka na?" tanong nito nang matapos na siyang mag-ayos.

"Oo."

"Let's go," anito at lumabas na ng tent niya. Sumunod naman siya dito para sabay na silang pumunta sa parking lot kung saan naka-park ang van niya.

"Wala ka nang ibang commitments para sa araw na ito. Gusto mong mag-bonding tayo? Nami-miss ko ang bonding sessions natin, eh," ang sabi ni Vicky nang malapit na nilang marating ang van. "Invite na rin natin si Mike. For sure, gaganahan ang baklang iyon. Hahanap na naman ng fafa iyon."

Natawa naman siya. Tama nga ito. Matagal na rin mula nang makapag-bonding siya kasama ang mga ito.

"Sige ba!" game na game na sagot niya.

Bigla namang tumigil ito sa paglalakad. "Oh, but I think you need to do a raincheck on that."

"Ha? Bakit?"

May ininguso ito sa bandang unahan. And when she saw what Vicky was talking about, umahon ang kakaibang kaba sa dibdib niya.

What is he doing here?

"In fairness, kinikilig ako," nanunuksong wika nito.

Hindi na niya pinansin pa ang sinabi nito dahil nasa kay Daniel na ang buong atensiyon niya. Nasa loob ito ng sasakyan nito. His car's hood was down kaya kitang-kita niya itong nakasandig sa naka-reclined na driver's seat nito.

Agad na nilapitan niya ito. Tatanungin sana niya ito kung anong ginagawa nito doon nang ma-realize na hindi ito kumikibo. Naka-shades kasi ito kaya hindi niya makita ang mga mata nito. Kaya kahit na walang pahintulot mula dito ay kinuha niya ang shades nito.

Putek! Ang gwapo! kinikilig na usal ng utak niya.

Stop this mad sense, Kath!

Napailing siya sa pabago-bago ng mood ng isip niya. Napatingin siya sa mukha nito. Nakapikit ang mga mata nito kaya, malamang sa malamang ay natutulog ito. Kanina pa ba ito naghihintay doon at kung makatulog ay parang ang haba-haba na ng naitulog nito?

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito para siguraduhing tulog nga ito.

"Ay bakla! Anong ginagawa mo kay papa Daniel?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang malakas na boses ni Mike. Kaya ay napatingin agad siya dito at sinita itong manahimik dahil baka magising si Daniel. Nang muling bumaling siya sa mukha nito ay mas nanlaki ang kanyang mata. Nakadilat na ang mga mata nito, at dahil malapit lang ang mukha nila sa isa't-isa, damang-dama niya ang init na hatid ng mga titig nito sa kanya.

"Baka matunaw ako niyan," nakangiting wika nito sa kanya.

Natauhan naman agad siya sa ginawa. Kaya dali-dali niyang inayos ang kanyang tayo at lumayo na mula sa sasakyan nito. Inayos naman nito ang upuan nito, saka lamang ito lumabas ng kotse nito at hinarap sila.

"Kanina ka pa ba diyan?" agad na tanong niya dito.

"Kaninang-kanina pa," sagot nito.

"A-ano namang ginagawa mo dito?"

May narinig naman siyang tumikhim. "Ah, sige ha. Doon nalang kami sa van. Baka maka-istorbo pa kami sa inyong dalawa, eh," nanunudyong wika ni Mike at hinila na si Vicky papuntang van niya.

Nagbuntong-hininga muna si Daniel bago sinagot ang tanong niya. "Nakalimutan mong magpaalam sa akin kanina, eh."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. "Iyon lang? Iyon lang ang ipinunta mo dito?"

"Ah... no," nakapamulsang sabi nito. "Actually, pumunta ako dito because I want to invite you out. For dinner."

Bumilis naman ang tibok ng puso niya. Bakit siya iimbitahan nitong mag-dinner? "Bakit?"

"Bakit hindi?" balik-tanong nito sa kanya.

"Ah - "

"Kath!"

Parehong napalingon sila ni Daniel sa lalaking tumawag sa kanya. Lakad-takbo ang ginawa ni Dom para madaling makalapit sa kinaroroonan niya.

"O, DJ. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito nang tuluyan na itong nakalapit sa kanila.

"Business," matipid na sagot nito.

Tumango nalang si Dom dito kahit hindi nito ma-gets ang sinagot nito.

"Bakit, Dom? May problema ba?" tanong niya dito nang bumaling ito sa kanya.

"No. I was just reminding you about my invitation for dinner," sagot naman nito.

Napatingin naman siya kay Daniel, saka ibinalik ang tingin kay Dom. "Ah... yeah. You're invitation."

"Oo. So? Pa-uunlakan mo ba ang imbitasyon ko?" nakangiting tanong nito.

Napatingin ulit siya kay Daniel. Nakakunot ang noo nito habang patuloy ang pagtitig nito sa kanya at hindi natitinag sa kinatatayuan nito. Ano kaya ang iniisip nito? Magseselos kaya ito kung um-oo siya sa alok na dinner ni Dominic?

Bumaling siya kay Dom. "Ah, yeah. Sure. Dinner. Okay ako diyan."

Narinig niya ang pagtikhim ni Daniel. Mas lalong kumunot ang mukha nito at nakataas ang isang kilay nito.

"Ah, sorry DJ ha? May lakad pala kasi kami ni Dom," sabi niya dito. “Next time nalang siguro.”

Hindi lang ito kumibo at patuloy ang pagtunaw sa kanya ng titig nito.

"So, let's go?" narinig niyang sabi ni Dom.

Tumango lang siya dito bago hinarap ulit si Daniel. "Sige, DJ. Una na kami."

"Sige, pare," paalam din ni Dominic dito.

Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot nito at dumiretso na sa kotse ni Dom.

__________

Abot-langit ang inis ni Daniel. Nakatayo pa rin siya doon habang sinusundan ng tingin ang papalayong anyo ni Kath kasama si Dom.

Shit.

Matinding pagko-control pa ang ginawa niya para huwag lang hablutin ang kamay ni Dom na nakahawak sa bewang ni Kath habang inaalalayan nito si Kath papasok ng kotse nito. At nang umikot ito patungong driver's seat ay sumaludo pa ito sa kanya. Isang pekeng ngiti lang ang ibinigay niya dito. Hanggang sa umandar na at umalis sa lugar na iyon ang kotse ni Dom ay hindi pa rin nawala ang kunot ng kanyang noo.

Kung pwede lang, eh. Uupakan ko talaga ang Dominic na iyan.

Naiinis pa rin na pumasok siya sa kotse niya at padabog na isinara ang pinto. Naiisip palang niya ang mangyayari kay Kath at kay Dominic ay napapamura na siya.

Damn! Hindi pwede ito.

Agad na pinaandar niya ang sasakyan niya at mabilis na pinaharurot palayo doon. Itinaas niya ang hood para hindi masyadong mahalata na sinusundan niya ang kotse ni Dominic. Mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan para hindi mawala sa kanyang paningin ang mga ito. Pero siyempre, he was still allocating a safe distance between them para hindi mahalata ng mga ito na sinusundan niya ito.

Nang sa wakas ay nakarating na rin sila Dominic sa isang seafood restaurant. Huminto ito sa tapat ng restaurant kaya ay iniliko nalang niya ang sasakyan sa parking lot ng naturang restaurant. He found a parking space enough for him to still see Dominic going out of his car and being a gentleman habang inaalalayan si Kath na bumaba sa kotse. Ibinigay nito sa valet ang susi ng sasakyan at sabay na ang mga itong naglakad papasok sa restaurant.

Damn! pagmumura na naman niya sa isip. Kailangan niyang pumasok sa restaurant na iyon kung gusto pa niyang makita si Kath at mapigilan si Dom na dumamoves dito. Nag-isip siya ng kung anong pwede niyang gawin.

Kung magpanggap kaya akong waiter? isip niya.

Hindi, hindi! Mamumukhaan pa rin nila ako. Or kung hindi man ang mga ito, sigurado siyang mamumukhaan siya ng mga tao sa loob ng restaurant. Baka pagkaguluhan pa siya.

When suddenly, a brilliant idea came into his mind. Agad na kinuha niya ang cellphone niya at dali-daling idi-nial ang isang number sa contacts niya.

"Deej?"

"Liyah, are you still up with that dinner invitation of yours?"

Natahimik sa kabilang linya nang ilang segundo, bago, "Yeah. Bakit mo naman naitanong?"

"Na-cancelled kasi ang lakad ko ngayon, eh. Gusto mong mag-dinner nalang tayo?"

"Ah, sure! Saan?"

Sinabi niya dito ang pangalan ng restaurant.

"Yeah, I know that place. See you?"

"See you," aniya at ibinaba na ang cellphone.

Malaki ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha.

Daniel, Daniel, Daniel. Ang talino mo talagang bata.

Napatingin naman siya sa sariling repleksiyon sa rearview mirror ng sasakyan niya at inayos ang kanyang buhok at ang suot niyang shirt.

Di hamak naman na mas gwapo ako sa Dominic na iyon, ano? Humanda siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro