Chapter 33
Napangiti si Daniel sa kawalan na parang tinamaan na ng topak. Natutuwa talaga siya sa reaksiyon ni Kath kanina nang gisingin niya ito. Alam naman niyang nagising ito sa paghalik niya sa noo nito. He just wanted to see how she would react to his gesture to her.
He decided to go back to the kitchen para ihanda na ang breakfast na niluto niya. He didn't know what she would want for her breakfast kaya niluto nalang niya ang lahat na pang-agahan.
He was almost done putting everything on the table nang biglang nag-ring ang telepono niya sa bahay. Dali-dali naman niyang sinagot iyon.
"Hello?"
"Oh, thank God you're awake!" Narinig niya ang tinig ni Mark sa kabilang linya.
"O Mark, bakit?"
"Kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo pero hindi mo naman sinasagot."
Napakamot siya sa noo. "Yeah, sorry. Nasa kwarto ko kasi ang cellphone ko. Nandito ako sa kitchen. Nagluluto ako ng breakfast."
"Nagluluto ng breakfast? You don't cook breakfast. You don't even eat breakfast."
"Uh, yeah.. Did I mention to you na nandito si Kath sa bahay?"
"What??"
Medyo lumakas ang boses nito kaya ay nailayo niya ang speaker ng phone.
"Anong ginagawa ni Kath diyan? Bakit siya nandiyan? Anong ginawa ninyo? May nangyari ba sa inyo kagabi? Sagutin mo ang tanong ko, Daniel Padilla."
"Hey, hey. Calm down. I'll answer all your questions."
"Good, good."
"But later, kapag magkikita na tayo. Baka bababa na si Kath, eh. Papakainin ko pa ng breakfast."
Narinig niya ang buntong-hininga nito. "Okay, okay. Later. Well, you might as well eat your breakfast kasi nag-change ang schedule mo sa araw na ito."
Kumunot ang noo niya. "What? Change sa schedule? Bakit?"
"I don't know. Aaliyah's manager just called me early this morning. Istorbo nga eh. But she said that your schedule for the taping was changed. Imbes na sa hapon ang schedule ninyo, ngayong umaga na daw."
"What?"
"Yes. In fact, thirty minutes nalang at male-late ka na sa taping mo."
"Pero... hindi ko pwedeng iwan si Kath dito. Isang oras pa bago dumating ni Ate Vicky para kunin si Kath. I just can't leave her here."
"Yeah, and you can't be late for your taping. Masasabon tayo ni Direk nito. Ayaw pa naman nun sa mga latecomers."
"Hindi ba pwedeng exemption muna sa ngayon? Sabihin nalang nating na-late ako ng inform."
"Oh, di ako naman ang masasabon. Ano ka ba?"
Nagbuntong-hininga siya. "Eh, anong gagawin ko kay Kath?"
"Mag-isip ka ng paraan. You can take her to the shoot. Malapit naman ang location ng taping nila sa location natin. Sabihin mo nalang kay Vicky na doon nalang niya kunin si Kath."
Tumango-tango siya. "Okay, okay. I'll see what I can do."
Nang natapos na ang tawag ay ibinalik niya sa cradle ang telepono. Saka ay inihilamos niya ang mga palad sa mukha. Bakit kaya nagbago ang shcedule niya? Hindi pa niya naitanong iyon kay Mark. Mamaya, tatanungin nalang niya si Mark kung bakit.
__________
Nang nakababa na si Kath ay nakita niyang nakahanda na ang mga pagkain sa dining table. Parang may fiesta sa dami ng pagkaing inihanda. Merong hotdog, longganisa, itlog, bacon, corned beef, beef loaf, tuna, sliced bread, at kung anu-ano pa. Feeling niya, pang-isang linggo na ang inihandang breakfast nito.
"Beautiful," narinig niya ang pamilyar na boses na iyon sa likuran niya.
When she turned around, nakita niya si Daniel na nakatingin sa kanya. He was so gorgeous-looking kahit na nakasandal lang ito sa hamba ng kitchen door. He was only wearing a shirt and a pajama pero kahit na ganoon, hindi pa rin nababawasan ang hotness nito.
Yummy pa rin. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
Ang sagwa mong mag-isip Kath!!
Nahihiyang tumungo siya. "Y-yeah. It's a b-beautiful morning, isn't it?"
Ngumiti lang ito saka ay lumapit sa isang silya sa dining table. "But not as beautiful as you are."
Hindi niya alam kung halata ba nito pero sigurado siyang nagmumukha nang kamatis ang mukha niya.
"Now, come here. Have a seat. At kumain ka na ng breakfast," utos nito na inihila pa siya ng silya. Walang imik na lumapit siya sa ini-offer nitong seat at umupo doon. Nang napaupo na siya nito nang maayos, laking gulat nalang niya nang ipagsandok pa siya nito.
"Ah, kaya ko naman sigurong kumuha ng food para sa sarili ko," ang sabi niya.
"Alam ko," anito na ipinagpatuloy lang ang pagsasandok ng kanin sa plato niya.
She sighed in resignation. Wala siyang ibang magawa kundi ang hayaan nalang itong gawin ang gusto nito. When he was finished in putting almost every food in her plate, umupo na ito sa tapat niya at nagsandok na rin ng kanin.
Hindi nalang niya inintindi pa ito at nagsimula nang kumain. And in fairness, his cooking was very good. Kahit na simpleng putahe lang iyon pero parang dumoble yata ang sarap ng pagkain. Mas na-emphasize ang lasa.
Enjoy na enjoy na siya sa kinakain nang mapansing puro kanin lang ang kinakain ni Daniel.
"Hindi ka ba kakain ng ulam?" nakakunot-noong tanong niya dito.
He smiled that famous smile of his. "No need. Mukha mo pa lang, ulam na eh."
What he said was very unexpected. Nabilaukan tuloy siya sa kinain dahil doon. Agad namang binigyan siya ni Daniel ng baso ng tubig. Dali-dali niyang ininom iyon until she felt better.
"Okay ka na?" tanong nito.
Tumango lang siya dito. Natatakot siyang baka masamid na naman siya, this time, ng lakas ng tibok ng puso niya.
Nagpatuloy nalang siya sa pagkain. At mukhang hindi naman nito alintana pa ang abnormal pa ring tibok ng puso niya.
__________
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Daniel sa mga labi. Kath was furiously blushing and he was proud to say na siya ang dahilan kung bakit namumula ito. Was it his fault if the girl in front of her was so beautiful that he couldn't stop himself from adoring her? Not even when her hair was tousled messily and when she was only wearing his oversized shirt, it never did cease the fact that she’s heavenly beautiful.
Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito na lalong nakapagpatingkad sa kulay morena na balat nito. Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti niya sa mga labi.
"By the way, Kath, tinawagan ko na si Ate Vicky. Ang sabi kasi niya sa akin kagabi na may taping ka raw this morning. Siya ang magsusundo sa iyo," imporma niya dito na busy pa rin sa pagkain.
Napasapo itong bigla sa noo. "Muntik ko na iyong makalimutan. May taping pala ako."
"Kaya kumain ka nang kumain diyan para may energy ka mamaya sa taping mo," paalala niya dito.
Tumango ito. "Salamat pala, ha."
Ningitian niya ito. "No problem."
__________
Napayuko si Kath para ituloy ang pagkain niya nang may natandaan siya. "May taping ka rin ngayon, di ba? Anong oras ang taping mo?"
"Ha? Ahm..." Tumingin si Daniel sa relos nito, saka ay nakangiting tumingin ito sa kanya. "In about fifteen minutes."
"What?" gulat na sabi niya. Napatingin tuloy siya sa relos na nasa dingding ng bahay nito. "Fifteen minutes? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Cool na cool lang itong nakatingin pa rin sa kanya habang nilalaro-laro nito ang pagkain nito ng tinidor.
Mabilis na tumayo siya at tinungo ang hagdanan.
"Kath, saan ka pupunta?" narinig niyang tawag ni Daniel sa kanya.
She stopped on her tracks and turned to face him. "Magbibihis. At ikaw, magbihis ka na rin. Male-late ka na sa taping mo."
"Pero, I can't just leave you here."
"Ha? Ah... I'll go with you nalang sa taping. Tatawagan ko si Ate Vicky na doon nalang niya ako puntahan."
"Wait, are you sure?" tanong nito.
Tumango siya dito bago tuluyang tumuloy sa kwarto nito para magbihis ng damit. Nang narating na niya ang kwarto niya ay doon lang niya natandaang wala pala siyang dalang mga damit at wala siyang maisusuot na damit. She can't borrow Daniel's clothes because for one, panlalake ang lahat ng damit nito. At pangalawa, nahihiya siyang manghiram ng damit nito.
"Knock, knock," narinig niyang sabi ni Daniel.
She turned around and saw him peeping through the open door.
"Bakit?"
"Ah, I thought you might need something to wear," sagot nito.
"Ah..." napakagat-labi siya. "Oo nga, eh. Wala pala akong dalang damit," sabi niya at napatingin sa damit na isinuot niya kahapon.
Lumapit naman ito sa cabinet nito at binuksan iyon. May kinuha ito doon bago ito lumapit sa kanya at ibinigay ang isang paper bag.
"Ano ito?" nagtatakang tanong niya dito.
"That's supposed to be a gift for my younger sister na nasa States. You can have it," sagot nito sa kanya.
Umiling siya. "No, no. Okay lang. Hindi para sa akin iyan, eh. I can't have that."
"Hindi, okay lang. You have it. Para may pamalit ka ngayon. I'll just buy another one for her. May time pa naman akong palitan iyan, eh," he insisted.
Nagdadalawang-isip pa rin siya kung tatanggapin ang ibinigay nito. Pero naisip rin niyang kailangan talaga niya ng pampalit kaya sa huli, tinanggap nalang niya ang ibinigay nito.
"Thanks. Ako nalang ang bibili ng kapalit nito," sabi niya dito.
"No. No need," tanggi nito.
"I insist, DJ," pagpipilit pa rin niya dito.
Nagbuntong-hininga ito. "Okay, okay. We'll talk about it later. Pero sa ngayon, maghanda ka nalang para sa pag-alis natin."
"Okay," nakangiting sabi niya.
Lumabas na rin ito ng kwarto nito. Tumuloy nalang siya sa banyo para mag-ayos na rin sa pag-alis nila ni Daniel. Mamaya nalang niya tatawagan si Vicky, on their way sa shooting ni Daniel. Ayaw niyang mahuli ito sa taping nito dahil sa kanya. Malaki pa rin ang utang na loob niya dito dahil sa pagligtas nito sa kanya kagabi kaya hindi niya makapapayag na mangyari iyon.
When she was done taking a shower, mabilis na isinuot niya ang ibinigay ni Daniel sa kanya. Sakto namang pumasok si Daniel sa kwarto nang matapos na siyang magbihis.
"Hey," nakangiting bati nito sa kanya. Nakabihis na ito. Suot nito ang signature look nitong simpleng shirt, skinny black jeans, and Vans. Kahit na simpleng-simple lang itong tingnan sa suot nito, hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito.
She smiled. "Hi."
"Wow. The dress suits you," papuri nito.
"Thank you," sabi naman niya. "Maganda naman talaga ang damit."
And it was true. Maganda ang damit na pinili ni Daniel para sana ibigay sa babaeng kapatid nito. Kahit na mababa ang tabas ng damit ay hindi pa rin nawawalan ang elegance nito. It looks sexy yet the quality of being pleasingly ingenious and simple still dominated.
"Teka lang," anito bago tinungo ang closet nito at kumuha ng isang puting t-shirt. "Here, suotin mo ito."
"Bakit naman? I thought you said that the dress suits me?" nakakunot-noong tanong niya dito.
"Yeah. It does."
"Then bakit mo pinapasuot sa akin ito?" nagtataka pa ring tanong niya.
He sighed. "C'mon, just wear it."
“But - "
"I just don't want anybody else stare at you like I did because of that dress. Baka masapak ko lang sila. Makahanap pa ako ng away nang wala sa oras. Mahirap na ang ma-chismis na naman." Mahina lang ang pagkakasabi nito niyon pero dinig na dinig niya pa rin.
Feeling niya kakapusin siya ng hininga. Ayan na naman kasi siya. Para siyang batang kinikilig. Hayan na naman ang ginagawa nito sa kanya. Hayan na naman ang epekto nito. Paulit-ulit nalang na pinapa-abnormal nito ang tibok ng puso niya.
"Stop blushing like that. Kapag hindi ka tumigil, baka mahalikan kita nang wala sa oras."
Napalunok siya. Tama ba ang narinig niya? Hahalikan daw siya nito?
Jusko! Ano ba itong ginagawa mo sa akin, Daniel Padilla?
"Come on. We have to go," anito at nauna nang lumabas ng kwarto. Sinundan naman niya ito.
I'm coming to you, my knight.
__________
Five minutes nang late si Daniel sa taping niya kaya nang narating na nila ang location ng shoot ay dali-dali siyang bumaba sa sasakyan niya.
"Daniel, dalian mo na," narinig niyang sabi ni Kath. Nakalabas na rin pala ito ng kotse niya.
He reached for her hands and quickly intertwined it with his. Mukhang nagulat ito dahil ramdam niya ang paninigas ng kamay nito. Lihim siyang napangiti.
"Daniel, you're five minutes late!" bungad ni Mark sa kanya nang nakita siya nitong dumating.
"I'm sorry. Medyo na-traffic lang," palusot niya.
"Hmm," napabaling ang atensiyon nito kay Kath. "Hi Kath!"
Ngumiti naman ito. "Hi, kuya Mark!"
"Nandiyan na ba si Direk?" tanong niya kay Mark.
"Yeah, pero hindi pa siya nagtatawag for blocking. Pero nandoon na si Aaliyah at hinahanap ka," sagot nito.
"Okay. Puntahan ko nalang siya. And then ihahatid ko nalang si Kath sa tent," sabi niya dito. Tumango naman ito.
Pinuntahan niya si Aaliyah para bumati. Hila-hila pa rin niya si Kath dahil hindi niya binibitawan ang kamay nito. Nanatiling magkahawak ang kanilang mga kamay at wala siyang balak na pakawalan iyon.
"Hi Liyah!" bati niya kay Aaliyah nang nakita niya itong nakaupo sa isa sa mga director's chair.
"Hi Deej!" nakangiting bati nito, bago ito bumaling sa kasama niya. "Kath? What are you doing here?"
"Ah..."
"Magkasama kami," siya na ang sumagot sa tanong nito.
"Oh... Okay," anito. Nakita niyang tumingin ito sa magkahawak na kamay nila ni Kath pero umiwas agad ito ng tingin at ibinaling nito iyon sa ibang direksiyon.
"Ah, sige, Liyah ha. I'll be at the tent if you need anything," paalam niya dito.
Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at tuluyan nang nagtungo sa tent niya kasama si Kath.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro