Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Nasa loob si Daniel ng kanyang sasakyan at nakatanaw kay Kath na nakatayo sa labas ng restaurant. Halos kalahating oras na rin itong nakatayo na doon. Halos kalahating oras na rin niya itong binabantayan doon.

Kahit kailan talaga, ang tigas talaga ng ulo nito. Umiiral kasi ang pride nito kaysa ang makauwi ito ng ligtas. Heto tuloy siya ngayon. Para siyang gagong nagtatago at nagmamasid dito sa di-kalayuan. Baka kasi kung ano pa ang mangyari dito. Hindi talaga niya mapapatawad ang sarili dahil doon.

Napatingin na naman siya sa kanyang relo. Mag-iisang oras na pero wala pa ring sumusundo dito. Nakita niya itong umupo sa gutter sa gilid ng kalsada. Napagod na siguro ito sa kakatayo lang doon habang hinihintay ang sundo nito.

Nang nakita niyang hinaplos nito ang braso nito ay napagpasyahan nalang niyang lapitan na ito. Kesa naman sa maghintay pa ito doon buong magdamag. Sigurado siyang matatagalan pa talaga si Vicky sa pagsundo dito.

Kinuha niya mula sa backseat ang leather jacket niya. Lumabas na rin siya ng kotse niya nang marinig niya ang sigaw ni Kath. Nang napatingin siya dito ay nakita na niyang may tatlong lalaking mukhang mga adik ang lumalapit dito.

Alam niyang kapahamakan lang ang dala nito kay Kath kaya ay madali siyang lumakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito. He quietly walked briskly towards them. Ayaw niyang ma-alarma ang mga ito sa presensiya niya at baka kung ano pa ang magawa ng mga ito kay Kath. Nakakuyom ang kanyang mga kamay habang papalapit sa mg ito. Subukan lang talaga nitong galawin si Kath, baka hindi na ito makatikim pa ng bukas. But he remained his cool. He contained his self.

But when he saw the two other men advancing towards Kath ay hindi na niya napigilan ang sarili at napatakbo na siya sa mga ito. Dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya ay hindi nito namalayan ang presensiya niya.

"Saan ka pupunta?" Narinig niyang sabi ng lalaking payat at kalbo.

"Hindi ka makakatakas sa amin!" ang sabi naman ng isa pang lalaki. Humahalakhak pa ito na para bang isa itong kontrabida sa isang pelikula.

Well, nandito na ang bida kaya game over na kayo.

"Anong ginagawa niyo sa kanya?" nakapamulsang tanong niya.

Agad na bumaling sa kanya ang tatlong adik at binigyan siya ng masamang tingin. Nang napadako ang tingin niya kay Kath, he saw the relief in her eyes.

"Kung ako sa inyo, pakawalan niyo na siya. Baka magsisi pa kayong nilapat niyo pa ang mga kamay ninyo sa balat niya."

Malakas na tawa ang iginanti ng lalaking puno ng tattoo ang katawan sa kanya. "Hoy, huwag kang mangialam dito. Baka ikaw ang magsisi at dumating ka pa dito."

He smirked. "Pakawalan niyo na siya."

"At ano kami, tange? Ang babaeng katulad niya ay hinding-hindi na dapat pakawalan," sagot nito na may kasabay pang halakhak.

I know that, but... "Kung hindi niyo siya papakawalan sa loob ng limang segundo, babaliin ko lahat ng buto niyo sa katawan. At sisiguraduhin kong hinding-hindi na kayo makakalakad pa kailanman."

"Aba! At mayabang pa itong gagong ito, ah," anito at nagsimula nang sumugod sa kanya. "Makakatikim ka sa amin ngayon!"

__________

Natumba si Kath dahil sa pagtulak sa kanya ng mga lalaking nakahawak sa kanya kanina. Nasugatan pa siya sa paa dahil sa pagkatumba niya sa semento. Mabilis na sumugod ang tatlong lalaki kay Daniel.

Kinabahan siya. Alam niyang dehado ito dahil nag-iisa lang ito, samantalang tatlo ang kalaban nito. Inilibot niya ang paningin para sana maghanap ng pwedeng tumulong pero wala na talagang ibang tao doon.

Nang tingnan niya ulit si Daniel ay nakikipagbugbugan pa rin ito sa tatlong lalaki. Daniel gave solid kicks on the faces and bodies of the three men. Agad namang natumba ang tatlo. Nang makita nitong tatayo ang lalaking maraming tattoo ay sinugod ni Daniel ito at binigyan ng neck chop na ikinatumba nito. Kaya ang tatlong lalaking bumastos sa kanya ngayon ay nakahilata na sa semento at wala nang malay.

Lumapit si Daniel sa kanya saka ay dinaluhan siya.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

Mesmerized by how his face was inches away from her, isang tango lang ang naibigay niya dito.

Marahas na buntong-hininga ang ibinuga nito. "Ikaw naman kasi!"

Napayuko nalang siya. Yes, she knew it was her fault. Kung hindi sana siya nagmatigas ng loob kanina, sana ngayon ay safe lang siyang naihatid nito sa bahay niya. Ang tigas-tigas talaga ng ulo niya. Hindi na sana ito napagod pang makipagbakbakan sa mga walang kakwenta-kwentang adik sa kalye.

"Masakit ba?"

Napatingin naman siya dito na ngayon ay nakatingin na sa sugat niya.

"Ah... h-hindi - "

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong buhatin mula sa pagkakaupo sa semento.

"Hoy! DJ! Anong ginagawa mo?" tanong niya dito na pilit na kumakalas sa pagkakabuhat dito.

Huminto ito saglit para tingnan siya sa mukha. "Kath, pwede ba? Kahit ngayon lang, huwag ka munang magmatigas diyan? Ngayon lang."

Natahimik naman siya. Hinayaan nalang siya nitong buhatin hanggang sa kotse nito. Ipinuwesto siya nito sa passenger front seat. Kinuha nito ang leather jacket nitong naka-angkla sa balikat nito saka ay isinuot sa kanya. Saka lang nito inayos ang seatbelt sa upuan niya.

Nang naiayos na nito ang seatbelt niya ay humarap ito sa kanya. "Okay ka na?"

Halos hindi siya makapagsalita. Sinasadya ba nitong palaging ilalapit ang mukha nito sa mukha niya para hindi siya makapagsalita?

Shemay naman!!

"Hoy! Tulala ka na diyan? Okay ka lang?" tanong ulit nito sa kanya.

Lihim siyang napailing. "Ah, o-oo."

Narinig niya ang mahinang tawa nito bago ito tuluyang umalis para tumungo sa driver's seat. Nang naka-puwesto na ito doon ay pinaandar na nito ang sasakyan. Saka lamang nito pinaharurot palayo doon ang sasakyan nito.

__________

Sa halip na idiretso siya ni Daniel sa bahay nila ay laking gulat na lamang niya nang dinala siya nito sa bahay nito.

"Anong ginagawa natin dito?" nakakunot-noong tanong niya.

"Dito ka nalang muna. Tinawagan ko na si Ate Vicky na dito ka muna matutulog. Tinawagan ko na rin ang mama mo at in-inform ko na sa kanya ang nangyari," sagot nito sa tanong niya.

Nanlaki naman ang mata niya. Ayaw niyang mag-alala ang mama niya sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko sinabi sa kanyang muntik ka nang ma-gang rape kanina," wika nito na parang nababasa ang iniisip niya.

"Ah, okay," nasabi nalang niya.

Bumaba na ito ng kotse. Tinanggal naman niya ang seatbelt niya para bumaba na rin sana nang naunahan siya nitong buksan ang pinto ng sasakyan. Bababa na sana siya sa kotse nang bigla na naman siya nitong buhatin mula sa pagkakaupo.

"Hoy, Daniel! Ibaba mo nga ako! Kaya ko naman ang sarili ko," sita niya dito.

"Huwag kang magulo!" anito na hindi pa rin siya binababa.

Wala na rin siyang ginawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nito. Ipinasok siya nito sa bahay nito at idiniretso siya sa living room. Dahan-dahan siya nitong iniupo sa sofa, saka ito tumayo at humarap sa kanya.

"Patpatin ka nga, bigat mo naman," komento nito.

Tumaas naman ang isang kilay niya. "At sino naman ang nag-utos sa iyong buhatin ako, 'no? Wala namang nagsabi sa iyo."

Tumawa lang ito sa reaksiyon niya.

"Diyan ka lang. Kukuha muna ako ng panggamot sa sugat mo," anito bago umalis at pumunta sa kitchen. Ilang minuto lang ay nakabalik na ito dala-dala ang isang first-aid kit toolbox.

Umupo ito sa center table para humarap sa kanya. Kinuha nito ang isang paa niyang nasugatan kanina at inilagay nito sa isang paa nito. Kumuha ito ng cotton ball at nilagyan iyon ng alcohol. Pero nang akmang idadampi nito ang cotton ball sa sugat niya ay mabilis na hinawakan niya ang kamay nito.

"Bakit?" nakakunot-noong tanong nito.

"Pwede bang huwag mo nalang gamutin? Okay lang naman ito, eh. Malayo sa bituka," she sheepishly said.

"Ha?" Mas lalong kumunot ang noo nito. "Hindi pwede. Baka ma-impeksiyon ito."

"Huwag nalang, parang awa mo na. Please? Kung gaganti ka sa akin dahil sa kanina, pwede bang sa ibang paraan nalang? Natatakot talaga ako sa alcohol, eh. Mahina ang puso ko diyan."

"Hindi kita papatayin."

"Huwag na, please?" pakiusap niya dito. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"Kath? Huwag matigas ang ulo," may awtoridad na sabi nito.

“But – “

“I won’t hurt you, Kath. I’ll take care of you.”

Kaya marahil lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay nito dahil sa nakita niyang sinseridad nito nang sinabi nito iyon.

Ready na siyang sumigaw sa sakit nang naramdaman niyang imbes sa sugat niya idampi nito ang cotton balls ay sa dugo lang na dumaloy sa kanyang binti. At habang tumatagal na inaasikaso siya nito, napakalma na rin siya.

Kinuha niya ang katabing throw pillow na nasa sofa at niyakap iyon habang pinapanood itong ginagamot ang sugat niya. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito habang inaasikaso ang tuhod niya. He still looked as gorgeous as ever.

"DJ?"

"Huh?"

Nang bumaling ito sa kanya ay nawala yata sa isip nito ang ginagawa kaya ay dumampi sa sugat niya ang cotton ball na may alcohol. Napasigaw siya nang malakas sa sakit. Nataranta naman si Daniel dahil sa pagsigaw niya.

"DJ, tulungan mo akong alisin ang hapdi! Bilis! Ang hapdi! Anak ng kabayo!"

Mabilis at malakas na hinipan nito ang mahapdi niyang sugat. Patuloy lang nitong ginawa iyon hanggang sa naibsan na rin ang kirot na nararamdaman niya.

"Okay ka na?" tanong nito ilang saglit ang nakaraan.

Tumango lang siya dito.

"Ikaw naman kasi," pagpaparatang pa nito.

"Oo na. Sorry na," pagpaumanhin niya dito. "Sige, ipagpatuloy mo lang iyan."

Ngumiti lang ito sa kanya na siya namang nakapagpahinto ng tibok ng kanyang puso.

Oh, heart beat. Where art thou heart beat? Ba't ka huminto?

Pinagpatuloy na rin nitong ginagamot ang sugat niya. Nilagyan nito ng betadine at tsaka band-aid. At habang busy ito sa pag-aasikaso sa pinsala niya, busy din siya sa pagmamasid sa mukha nitong gwapo.

"Like what you're seeing?"

Biglang natauhan naman siya sa tanong nito. Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya sa mukha nito.

"Ha? Hoy, hindi ako nakatitig sa iyo, ha? Sus. Feeler mo naman. Nakatitig ako sa buhok mo. Ang ganda kasi," pagpapalusot niya.

Itinaas nito ang kamay nito. "Okay, okay. You don't have to be defensive."

Naiwan siyang nakatunganga doon habang bumalik naman ito sa kusina para ibalik ang first-aid kit nito.

I can't believe that guy! Bakit parating nahahalata nitong tinititigan niya ito?

Shet na malagkit!

"Halika na. Matulog na tayo," sabi nito nang nakabalik na ito galing sa kusina.

Awtomatikong napaangat ang kamay niya sa may dibdib niya at ini-krus ang braso niya sa harap niyon. "Magkatabi tayo?"

Natatawang kumunot ang noo nito. "Sinusuwerte ka. Doon ka sa guest room."

Napahiya naman siya sa inasta. Kagat-labing pinilit niyang tumawa para hindi mapahiya dito.

Sabi ko nga, eh. Masyado ka kasing assuming, Kath.

Tatayo na sana siya para tumuloy na sa kwarto kung saan siya nito dadalhin nang bigla na naman siya nitong hinila at kinarga sa likod nito.

"Ano ba iyan? Parang nana-nantsing ka na yata, ah? Panay ang buhat at karga mo sa akin," nang-aasar na sabi niya.

Naramdaman niya itong tumawa dahil yumugyog ang balikat nito. "Baka mabinat ang sugat mo, eh."

Kinilig naman ang lola mo. "Mabinat? Sugat sa tuhod lang iyan, 'no. Ano ba?"

Pero sa halip na sumagot at malakas na tawa lang ang itinugon nito. Nang sa wakas ay narating na rin nila ang kwartong para yata sa kanya dahil doon siya dinala ni Daniel. Iniupo siya ni Daniel sa kamang nandoon.

"Ahm..." Nagkamot ito sa batok. "May extra shirt pala diyan sa cabinet. Kumuha ka nalang para pantulog mo ngayong gabi."

Napalunok siya. "Okay."

"May bathroom na rin dito sa loob ng kwarto kung gusto mong mag-shower muna bago matulog."

Tumango lang siya. Ayaw niyang magsalita at baka masamid pa siya ng hangin dahil sa kakaibang kabang nararamdaman niya.

As if naman gagalawin ka ni Daniel, ano? Echosera!

"Sige, Kath. Tulog ka na," sabi nito pagkatapos ng isang saglit ng katahimikan.

"Ah, saan ka matutulog?" tanong niya dito bago paman ito makalabas ng kwarto.

"Sa guest room."

"Ha? Hindi ka matutulog sa kwarto mo?"

“Hindi."

"Bakit?"

Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi nito bago siya nito nilapitan. "Gusto mong tabi tayo?"

Nagpapasalamat siya't medyo madilim sa kwarto nito at hindi nito nahahalata ang pagba-blush niya.

Hinawakan naman nito ang kanyang pisngi. "Nagba-blush ka."

Ay, mali pala ako. Tange!

"Sige, tulog ka na. Good night!"

At bago pa siya makapagsalita ay hinalikan na siya nito.

Sa labi, bakla!!

Umalis na rin ito. Naiwan siya doong nakatulala at kinikilig. Hanggang sa nakahanda na siyang matulog, ang halik pa rin ni Daniel ang nasa isip niya. Napahawak naman siya sa kanyang labi. Kinikilig na napangiti siya.

Hindi ito kaya ng powers ko!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro