Chapter 30
"I'm sorry I'm late. Na-traffic kasi ako. Kakagaling ko lang sa isang commitment ko. I'm so sorry."
Pilit na iniiwas ni Kath ang kanyang tingin kay Daniel. Nararamdaman na niyang pinamulahan na siya sa pisngi at pinapanalangin nalang niyang walang ni sino man sa mga kasama niya ang nakahalata noon.
"No, it's okay, DJ. Have a seat," ang wika ni Ma'am Cory.
Mahinang tango muna ang ibinigay nito bago ito lumapit sa kinauupuan nito at umupo. She tried to remain her cool while watching him silently sat beside her.
Shems. Shems. Help!
Diretso lang ang tingin nito. Ni hindi nga siya nito tinatapunan ng tingin. Alam ba nitong nandoon din siya at katabi nito?
Mukhang hindi naman. Biglang umahon ang munting inis sa dibdib niya.
"Mrs. Valleley, I want you to meet Daniel Padilla, one of the most promising young teen star in their generation," pakilala ni Ma'am Cory kay Mrs. Valleley.
"Nice to meet you, Daniel," pakikipag-kamay ni Mrs. Valleley dito.
"Nice to meet you rin po, Mrs. Valleley," pagtatanggap ni Daniel sa pakikipag-kamay nito.
"Call me Tita Cora na rin," nakangiting tugon ni Mrs. Valleley.
Ngumiti naman si Daniel dito. "Tita Cora, hello po."
"So, I guess everybody's here. Let's all order na our food before we get down to business. Shall we?" wika ni Mrs. Valleley.
Sabay-sabay na tango lang ang ginawa nilang lahat. Nag-order na rin sila ng pagkain nila. Ilang minuto lang ang lumipas at isinerve na rin sa kanila ang kanilang mga orders. Hanggang sa nakakain na sila ng kanilang mga pagkain ay hindi pa rin sila nagkikibuan ni Daniel.
Why, oh why? May nagawa ba siyang kasalanan dito at hindi siya nito magawang batiin man lang?
Panay ang sulyap niya dito pero hindi talaga siya nito pinapansin. Pero kahit na hindi ito tumitingin sa kanya, ramdam na ramdam niya pa rin ang paggapang ng kuryente sa buong katawan niya. His mere presence was sending electricity all over her body. Mere presence pa nga lang iyon, paano na kaya kung hawakan ulit siya nito? Baka totoong kuryente na talaga ang dumaloy sa buong katawan niya.
Narinig niyang may tumikhim kaya ay agad na iniwas niya ang kanyang tingin dito at itinuon ang atensiyon sa pagkain. Kinukurap-kurap pa niya ang mga mata para masiguradong gising na gising na siya sa kahibangan niya.
"Don't you know it's rude to stare at someone when they're eating?" Narinig niya ang bulong na iyon sa tenga niya.
When she turned to look at him ay bigla siyang nabilaukan sa pagkain. Agad-agad namang binigyan siya nito ng isang baso ng tubig. Nakaramdam agad siya ng relief nang naubos niya ang tubig.
"Are you okay, Kath?" narinig niya ang sabay na tanong nila Mrs. Valleley at Ma'am Cory.
"Yeah, I'm fine," tatango-tangong sagot niya sa mga ito.
Nang bumaling naman siya ni Daniel ay kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. "Okay ka lang ba talaga?"
Tumango nalang siya dito. How can she speak to him kung ito rason kung bakit siya nabilaukan. Paano ba naman hindi? His face was just inches away from her. Ilang dipa nalang ang nakapagitan sa mga mukha nila. Isang pagkakamaling galaw lang ay baka mahalikan na niya ito.
Shems!! Nararamdaman na naman niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.
Narinig niya ang mahinang tawa nito. Nahahalata ba nito ang pagba-blush niya?
Stop blushing, Kath! You're too obvious, sita niya sa sarili.
She quietly continued finishing her dinner. Kung patuloy lang niyang iisipin ang bagay na iyon, mas lalo lang mamumula ang pisngi niya. At mas lalong mahahalata lang iyon ni Daniel.
When they were through with their meals, sinimulan na nilang pag-usapan ang endorsement na gagawin nila para sa White Clothing Line.
"So what I was thinking was to capture the four seasons collection of my clothing line... the Winter, Spring, Summer and Fall collections. Napag-usapan na namin ng creative director ng gagawin ninyong photoshoot, at pati na rin kay Ma'am Cory, na isu-shoot ang each collection sa different locations na nababagay sa respective season," wika ni Mrs. Valleley.
"I have already arranged your schedules para sa photoshoot na ito with your other engagements. This is a big project we're doing because your pictures won't only be featured here in the Philippines, but to the other branches of White Clothing Line all over Asia as well," dugtong ni Ma'am Cory sa sinabi ni Mrs. Valleley.
Wow! Hindi niya aakalaing magiging ganoon pala kalaki ang project na ito.
"Now, all we need is your approval on whether you would accept this project or not," sabi ni Ma'am Cory.
Ngumiti si Mrs. Valleley sa kanilang dalawa. "I personally choose the both of you to model my clothes because I can see a great potential in you. I would really love it if you would accept this project."
Napatingin naman siya kay Daniel na sa panahong iyon ay walang nababakas na ekspresyon sa mukha.
"But, if hindi niyo talaga kayang tanggapin ang project na ito, we won't force the both of you. Especially you, Kath," sabad ni Ma'am Cory na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
Napatingin siya sa mukha ni Mrs. Valleley saka sa mukha ni Daniel. It would be a really great opportunity for her to accept the project. Malaking project ito para sa kanya. Who in their right mind would turn down an opportunity like this? Baliw lang yata ang gagawa noon.
Lihim na kinapa niya ang puso niya. Kung tatanggapin niya ang project nito, kaya na ba ng puso niya ang makasama ulit si Daniel? It has only been a month since she've been away from him at hindi pa siya sigurado kung handa na bang maging manhid ang puso niya sa sakit na maaring idulot ni Daniel sa kanya.
"Hindi ka namin pine-pressure, Kath. If you need time to think about this, we'll give you time. Hopefully, by tomorrow, matatanggap na namin ang pasya mo," sabi ni Mrs. Valleley sa kanya.
"Both of your contracts are already with me. Napirmahan na namin iyan ni Mrs. Valleley. Pirma niyo nalang ang kulang," ani Ma'am Cory na isa-isang iniabot sa kanila ang kanilang contract. "We'll let you decide over the night if you would want to accept the project. Bukas, we'll know kung ano ang desisyon ninyong dalawa when you give me your contracts."
She got her contract and looked at it. This may be the biggest break she may have in her entire career. This may also be the biggest heartbreak in her entire life. Ano ba ang dapat niyang piliin? Her biggest break? Or her biggest heartbreak?
She really didn't know.
__________
Nakaalis na si Ma'am Cory at si Mrs. Valleley pero nakatiling nasa loob pa rin si Daniel sa restaurant. Kasama niya si Kathryn na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa naging meeting nila with Ma'am Cory and Mrs. Valleley.
Kahit siya, hindi siya makapaniwalang mabibigyan siya ng ganitong pagkakataon sa career niya. He knew it would open him many doors as an artist. Malaking oportunidad talaga ito para sa kanya. Pero hindi iyon ang bumabagabag sa kanya. It was Kath that bothered him the most.
Talaga bang ganoon na katindi ang kagustuhan nitong lumayo na sa kanya dahil hindi nito kayang tanggapin ang malaking project na ini-offer dito?
He knew that Kath won't let anything or anyone keep her from pursuing big opportunities in her career. She loved her career that much that she would do anything for it. Pero ngayong ini-offer na dito ang pinakamalaking project na natanggap nito sa career nito, nagdadalawang-isip na ito. And because of what? It's all because of him. Nang dahil sa kanya, kaya hindi nito kayang tanggapin ang project na iyon at hindi nito mapu-pursue ang career nito.
Naiinis siya. Hindi siya naiinis dito. Pero naiinis siya sa sarili niya. Kung bakit pa kasi niya ito nasaktan? That was the biggest mistake he had ever done in his entire life. At wala siyang balak pa na ulitin ang pagkakamali niyang iyon. Never would he do that again.
Napatingin siya dito. Nakatulala pa rin ito sa upuan habang nakatingin sa kontrata nito.
"Kath."
Mukhang natauhan naman ito sa pagkatulala. Ilang beses itong kumurap-kurap bago umayos ng upo at tumingin sa kanya.
"Saan ka na?" tanong niya dito. He tried to sound casual.
"Ha? Ahm... Hinihintay ko pa si Ate Vicky, eh," mahinang sagot nito.
Tumingin siya sa relos niya. Late na rin pala. "Magha-hatinggabi na. Nasaan na sila?"
Gumaya ito sa kanya. Tumingin din ito sa relos nito saka ay kinuha ang cellphone. Saglit ito nag-text saka ay bumaling sa kanya.
"Malapit na ba sila?" tanong niya ulit.
He heard her silent curse. "Matatagalan pa sila. Nag-overheat daw ang van."
Tiningnan niya ang kabuuan ng restaurant. Hindi na ganoon karami ang mga tao sa restaurant at mukhang naghahanda na ang mga crew para magsara. He can't just leave her there. Pero hindi din naman siya sigurado kung gugustuhin nitong makasama siya.
But nevertheless, he should try to ask her, right?
"Kung gusto mo, ihahatid nalang kita."
Nakita niyang natigilan ito. Tumingin ito sa mukha niya. Akala siguro nitong nagbibiro lang siya.
"Dala ko ang kotse ko, eh. Ihahatid nalang kita," sabi ulit niya.
Yumuko naman agad ito at tumingin ulit sa cellphone nito. "H-Huwag na. Baka makaabala pa sa iyo, eh."
Napakamot siya sa batok. "No. Okay lang sa akin. Ako ang nag-offer kaya hindi iyon nakakaabala sa akin."
Umiling ito. "Hindi na. Okay lang ako."
Nagbuntong-hininga siya. "Kath, it's getting late. And I think this restaurant is not waiting for you to leave. Magsasara na rin sila. Saan ka maghihintay kina Ate Vicky?"
"Maghihintay ako sa labas."
Malapit na siyang mainis. "Kath, please. Ihahatid nalang talaga kita."
At mukhang naiinis na rin ito. "Hindi na nga. Okay lang ako. You don't need to do that."
Kahit kailan talaga, ang tigas ng ulo ng babaeng ito. Pasalamat ka't mahal kita, eh. "Okay, fine. Kung iyan ang gusto mo."
Tumango lang ito. Napabuntong-hininga na naman siya.
"Sige. I'll go ahead," aniya at tumayo na. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at dire-diretsong lumabas na siya ng restaurant.
__________
Nasa labas ng restaurant si Kath at hinihintay si Ate Vicky na sunduin siya. Malapit nang mag-empty ang battery niya sa phone kaya pinipilit niyang huwag aksayahin ang power nito.
Kanina pa nagsara ang restaurant. Mag-iisang oras na rin siyang naghihintay sa labas ng restaurant pero hindi pa dumarating si Ate Vicky. Sa huling text nito, hindi pa daw naaayos ang problema sa van. She really wanted to go home already. Kung pwede lang siyang mag-taxi, kanina pa siya nag-taxi. Pero wala din naman siyang dalang pera kasi hindi nga niya aakalaing matagal pa siyang susunduin ni Ate Vicky.
Umupo siya sa gutter sa gilid ng kalsada. Inaabangan niya ang pagdating ng van. Kanina pa siya nakatayo doon. Sumasakit na rin ang paa niya.
"Ate Vicky, please... dumating na kayo," usal na panalangin niya. "Sana dumating na kayo."
Napahaplos naman siya sa braso niya. Lumalamig na ang paligid dahil mag-uumaga na. Naka-sleeveless pa siya kaya ay talagang giniginaw na siya. Halos wala nang katao-tao sa paligid kaya ay nakaramdam na rin siya ng konting kaba. Feeling niya, may nagmamasid sa kanya.
"Ate Vicky, dumating na kayo. Natatakot na ako dito," wika na naman niya.
Maya-maya lang ay may narinig siyang may sumipol. Napatingin naman agad siya sa likod niya pero wala naman siyang nakitang tao. Umahon naman ang kabang kanina pa niya nararamdaman.
"Hi miss."
Napalingon naman siya sa narinig. Nang makita ang tatlong lalaking parating, doon lang talaga siya nakaramdam ng matinding takot. She surveyed the place pero wala na siyang makitang taong paggala-gala doon. She realized that she was all alone. And that made it worse.
"Nag-iisa ka lang?" tanong ng isang lalaking punong-puno ng tattoo ang katawan.
She took a step backwards, away from those menacing guys.
"Mukhang nag-iisa ka lang, ah. Delikado ngayon ang panahon. Hindi maganda para sa isang magandang katulad mo ang paggala-gala sa gabi. Maraming mga masasamang loob diyan..." sabi ng lalaking payat at kalbo. "Katulad namin."
Kinilabutan siya sa magaslaw na titig nito. Panic and fear mounted on her system. She knew what was coming to her. She knew something bad was going to happen to her.
She tried to hold her stance. Pinilit niyang itago ang takot na nararamdaman niya.
"Huwag kayong lalapit sa akin," matapang na sabi niya.
"At ano naman ang gagawin mo sa amin kung lalapit kami sa iyo?" sabi ng isa pa ng isang kasama nitong malaki ang katawan. Parang tinutukso pa nga siya ng mga ito dahil talagang sinadya pa ng mga itong lumapit sa kanya.
"Sabi nang huwag kayong lalapit, eh!" Napasigaw na siya.
Narinig niya ang mga halakhak ng mga ito. Oh, Lord. Please, tulungan niyo po ako.
"Kung ayaw mong masaktan, gawin mo nalang ang lahat ng gusto namin, miss," sabi ng lalaking naka-tattoo na mukhang lider yata ng tatlo.
"Wala kayong makukuha mula sa akin!" nagpa-panic na sabi niya.
Sumenyas ang lider-lideran ng tatlo kaya lumapit ang dalawang lalaki sa kanya. She tried to run away but they quickly seized her arms.
"Saan ka pupunta?" sabi nung lalaking payat.
"Hindi ka makakatakas sa amin!" wika nang isa na sinabayan pa nito ng halakhak.
Lord, tulungan niyo po ako. Tulong po!
Napapikit nalang siya ng kanyang mga mata. She was losing hope. Nananalangin nalang siyang may makakatulong pa sa kanya. She didn't want to die, yet. Not yet.
“Anong ginagawa ninyo sa kanya?"
Agad na napadilat siya pagkarinig sa pamilyar na tinig na iyon. Her heart jumped. Napatingin agad siya dito and looked at him with a grateful smile.
"Kung ako sa inyo, pakawalan niyo na siya. Baka magsisi pa kayong nilapat niyo pa ang mga kamay ninyo sa balat niya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro