Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Saan ka galing, Kath?" tanong kay Kathryn ni Vicky nang dumating siya sa dressing room.

"Nakakainis talaga ang Daniel na iyon!" nanggigil na sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Anong nangyari?"

She tried deep breathings. Just to calm her nerves down.

"Okay. So ayaw mong pag-usapan?" tanong nito.

"Kung maaari lang. Naha-highblood ako sa kanya eh," sagot na lamang niya dito.

Tumango naman ito. Nagpapasalamat talaga siya na ito ang naging manager niya. Hindi lang kasi ito naging manager niya. Naging kaibigan niya na rin ito. Naiintindihan siya nito at inaalagaan.

"Ah, oo nga pala, Kath. May story con ka ngayong 3 PM," sabi nito sa kanya habang inaayos ang mga gamit nila.

"Story con? Para saan?"

"Para sa bagong movie ninyo ni Daniel."

"HA?" May bagong movie kami?

"As you can see, ang dami nga ninyong fans. Kaya naisipan ng management na gumawa ng pelikula starring the two of you. Malay mo, maging box-office queen ka na. I'm sure, lahat ng KathNiel fans ay manunuod," nakangiting wika nito.

Napahinga siya nang malalim.

"Ano na naman iyang buntong-hininga mo, Kathryn Bernardo?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"I can't stand him anymore. Ayoko nang katrabaho siya. Pagod na ako," naiinis na sabi niya.

"Kath..."

"All he ever does is sungitan ako, giving me a cold shoulder, at dedmahin ako. Alam mo bang ang sakit noon para sa akin? Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin."

"I know how you feel, Kath. Pero magtiis ka nalang. Sooner or later, bibigyan ka na rin ng ibang ka-loveteam."

Napapadyak naman siya inis. "Iyon na nga, eh! Kahit na ginaganun-ganun niya ako, I can't bear to be paired with someone else."

"Hmm. Kasi gusto mong siya lang?"

"Oo."

"At ayaw mo rin siyang ma-pair sa ibang babae."

Tiningnan niya ito. Fear and pain was evident in her eyes.

"Naku, Kath. Iba na iyan. Talagang natamaan ka na sa kasinungalingan ng lalaking iyon."

"Kasi naman, eh. Okay lang sana kahit huwag na niyang sabihin sa mga fans na may gusto siya sa akin. I can live with that and can still like him. Pero ang magpanggap na may gusto siya sa akin kahit wala naman talaga, ang hirap. Kasi hindi ko maiwasan ang sariling umasa na sana totoo nalang."

"Kath," anito habang lumalapit sa kanya. "Naiintindihan naman kita, eh. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Pero always remember, huwag na huwag mong kalimutan ang real from reel. Huwag kang magpadala sa emosyon mo. Para hindi ka masaktan."

Tumango siya dito. Tama ito. She needs to know what's real and what's not. At dapat hindi niya kalimutan iyon. Para hindi siya mahihirapan. Para hindi siya masaktan.

"Ate Vicky, magsa-start na ang story con. Nasa conference room na ang lahat," paalala ni Mike na kakapasok lang ng dressing room.

"Nandoon na rin ba si Daniel?" tanong nito kay Mike.

"Yeah. Kasama niya si Mark," sagot nito.

"Okay. Pakisabi nalang, papunta na kami," tugon ni Vicky kay Mike.

"Sure. Basta may TF 'to ha," ani Mike at lumabas na ng dressing room.

"Si Mike talaga." Napailing-iling nalang ito. "Ano, Kath? Ready ka na?"

She tried her breathing exercises again to calm herself down.

Okay. Kaya ko ito!

"Let's go. Hinihintay na nila tayo," sabi pa nito.

Tumango siya at sumunod na ditong lumabas ng dressing room niya.

Go, Kath. Kaya mo 'to! Sana...

__________

"Guys, I want you all to meet Miss Mae Cruz. Siya ang magdi-direk ng movie ninyo," sabi ni Ms. Rose, ang representative sa executive committee ng meeting na iyon. "Siya rin ang headwriter ng movie na gagawin ninyo."

Bumati ito sa kanila at bumati naman sila dito. Sinimulan na rin nila ang discussion ng gaganapin na movie.

It was a nice concept and the story had a beautiful vision. It was about two different people who met at the wrong place, at the wrong time, and at a very inconvenient manner. They were stranded in an island and was forced to be with each other. Ibang ugali ng dalawang taong hinding-hindi magkakasundo kahit kailanman. But because of their needs to survive, kailangan nila ang isa't-isa. And because of this, they would unintentionally fall for each other. Nang sa wakas ay na-rescue na sila, they had to part ways without knowing what they were feeling for each other. But when they eventually saw each other again, hindi na nila maiwasan ang bugso ng damdamin nila para sa isa't-isa.

"But the script is still subject to change. We have searched and spotted for islands near Palawan as our location for scenes where you will get stranded. We have also been conductiong ongoing auditions for the other casts of the movie," paliwanag ni Miss Mae.

"So, what do you think guys?" tanong ni Miss Rose sa kanila.

Tahimik lang ang lahat habang pino-process ang napagdiskusyonan.

Si Vicky ang unang bumasag ng katahimikan. "Don't you think that this concept is too mature for their age? I mean, their last project, which is Princess and I, is pa-tweetums and then now, gagawa sila ng ganitong kind of movie. It's a drastic change."

"Wholesome naman ang movie. And kahit na ganoon pa rin ang concept, we will make sure na hindi magiging heavy ang movie. It would still be as light as a feather," sagot naman ni Miss Mae.

"I think the concept is great. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon, pa-tweetums lang din ang gawin nila, di ba?" sabad naman ni Mark.

"Oo nga naman. At tsaka, this is not the kind of story na pang-mature talaga. Ang edad na gagampanan nila will be the age they're in now. We just wanted to do a movie that will left the viewers thinking the 'what if's' kung mangyayari ang ganitong mga eksena to young couples their age," pagsang-ayon ni Miss Rose kay Mark.

"You're right," sabi naman ni Daniel. "And besides, don't you think it's about time we grow up?"

Napadako ang tingin niya dito. He was at the opposite side of the table across her. Kaya kitang-kita niya ang gwapong mukha nito.

"What do you think, Kath?" tanong naman ni Miss Rose sa kanya. Bumaling ang lahat ng atensiyon sa kanya. Na-pressure tuloy siyang mag-isip. She couldn't think straight.

Paano ba naman kasi? Simula kanina pa lang, si Daniel lang ang iniisip at pinapansin mo.

She wasn’t even exactly paying any attention at all. Oo, inaamin niyang hindi talaga siya nakinig.

Eh, sa nadistracted ako. Kasalanan ko ba iyon?

"Kath," tawag-pansin ni Vicky sa kanya.

Blangkong tiningnan niya ito. "Ha?"

"What do you think of the concept of the movie?" kunot-noong tanong nito.

Concept? Ano nga ba? "Ahm... Yeah, it's good – it’s a-ah, great," nauutal pa na sabi niya.

"Yeah? Great! So, may next conference pa tayo. That time, mafa-finalize na natin ang plot ng story," tatango-tangong sabi ni Miss Mae.

"I'm just going to inform you both, Vicky and Mark, for the next meeting," dagdag pa ni Miss Rose.

Unang tumayo si Daniel at kinamayan sina Miss Mae at Miss Rose.

"Thank you po for this opportunity," sabi ni Daniel sa mga ito.

"It would be a pleasure working with you," ganti naman ni Miss Mae dito saka ay binalingan siya. "And you too, Kath."

"It would be a pleasure working with you rin po," sabi niya dito.

"Alam niyo, talagang bagay na bagay kayo. No wonder na parang mababaliw na ang mga fans sa inyong dalawa. You two really possessed an undeniable chemistry," komento nito sa kanila.

"Ah, salamat po," ngiting pagpasalamat ni Daniel dito. "Ah, sige po. Mauuna na po ako. May schedule pa kasi akong dapat habulin."

Nagtatakang bumaling si Mark dito. "Ha? Anong schedule? Meron ba?"

Pinanlakihan nito ng mga mata si Mark. "Iyong ano - basta iyon! May schedule ako, di ba?"

Napatampal naman si Mark sa noo. "Ah, o-oo nga pala. Nakalimutan ko. Ah, sige guys ah. Miss Rose and Miss Mae. Una na po kami. May schedule pang hahabulin si DJ."

Ngumiti naman si Daniel sa kanya. "Kath, text nalang kita. Mag-ingat ka, ah?"

Ginantihan lang niya ang ngiti nito pero hindi na siya nagsalita.

Baka mamaya, ano pa ang masabi ko. Hindi ko mapigilan ang kilig.

"Sige, Kath. Kitakits nalang sa next meeting," sabi ni Miss Rose sa kanya habang paalis na ng conference room kasama si Miss Mae.

Nang nakalabas na ang mga ito ay doon lang lumabas ang mga kilig na ngiting pilit na pinipigilan niya.

"Oh, ayan ka naman, Kath," pansin ni Vicky sa kanya.

"Anong ayan na naman ako?" pa-inosenteng tanong niya dito.

"Naku, ha. Huwag ka nang magmaang-maangan diyan. Halatang kinikilig ka."

Namula agad ang pisngi niya sa sinabi nito. "Halata pala?"

"Asus. Iyan na nga ba ang sinasabi ko."

Napabuntong-hininga siya. Heto na naman siya.

“Talaga bang magte-text sa iyo si DJ, tulad ng sinabi niya kanina?" tanong nito.

"Hindi," matipid na sagot niya.

"Hindi naman pala, eh. Huwag ka nang mag-assume diyan. Mamaya niyan, masobrahan... masasaktan ka lang."

Laglag ang balikat na lumabas siya ng conference room.

"Remember, Kath. Real from reel. Iyon lang ang tandaan mo," paalala pa nito habang nakasunod sa kanya.

Oo na. Hindi ko kakalimutan. Real from reel.

Kasi ang reel ay gustong-gusto siya ni Daniel at gustong-gusto rin niya ito. Pero ang real, siya lang ang may gusto dito habang hindi nga siya pinapansin lang nito.

Hay. Ang saklap naman.

__________

"Saan ka ba kasi nanggaling kanina, DJ?" tanong kay Daniel ni Mark. Kasalukuyang nasa van na sila ngayon at pauwi na.

"Nagpahangin nga," sagot lang niya dito.

"Nagpahangin? Ba't hindi ka man lang nagsabi kung saan ka nagpahangin? Nai-stress ang staff ng Princess and I sa kakahanap sa iyo. Na-cancel ang taping mo dahil wala ka."

"Sabi ko naman kasi sa iyo, tawagan mo lang ako."

"Paano kita tatawagan, eh iniwan mo ang cellphone mo sa dressing room."

He let out a small laugh.

"Ba't natatawa ka? Anong nakakatawa?" inis na tanong nito sa kanya.

"Ikaw kasi, eh. Daig mo pa ang babae kapag dinatnan. Sobra kung mainis," natatawang sabi niya.

"Paano ako hindi maiinis? DJ, hindi sa lahat ng panahon ay makukuha mo ang gusto mo. Minsan, kailangan mong magsakripisyo para makuha mo iyon. Gusto mo bang mawalan agad ng trabaho dahil sa ugali mong iyan?"

He brushed him off. "Oo na, master. Sa susunod, hindi ko na gagawin iyon."

"Naku, DJ. Naha-highblood ako sa iyo," nayayamot pang sabi nito.

He made a face behind his back.

"Hindi ka na nahiya kay Kathryn," dagdag nito.

Napasimangot siya. Naalala niya ang naganap sa roof deck kanina. Halos matawa na siya sa reaksiyon nito nang sinabihan niya itong lumipat ng ibang puwesto. Kulang nalang ay umusok ang tenga nito sa galit. Sigurado siyang sobrang nagagalit ito sa kanya. Kaya para ma-kontrol ang sariling matawa ay pinagpasyahan nalang niyang ipikit ang mga mata.

Naalala naman niya ang naisip. Hindi niya inaakalang sa pagpikit niya ng mga mata niya kanina ay isang napaka-unexpected na bagay ang maisip niya. Ano? Mukha ni Kath. Mukha ng ka-loveteam niya. Mukha ng babaeng akala ng lahat ay mahal niya.

Nakita niya ang mukha ni Kath sa isipan niya. Kitang-kita niya ang napakagandang hugis-pusong mukha nito. May mga mahahabang pilikmata pa ito na nakakapagdagdag sa kagandahan ng kulay hazel na mga mata nito. Kitang-kita rin niya ang mapupulang labi nito. And the way she smiled at him that time, he felt like he was seeing heaven on earth.

Ipinilig niya ang ulo. Where the hell did that came from?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro