Chapter 27
Kath was quietly sitting in front of a dresser. Natapos na siyang ayusan ni Mike at ngayon ay naghihintay nalang siya para sa production number na gagawin niya kasama si Dominic. Natapos na ang isang production number niya kasama sila Julia, Miles, Yen at Ella. Iyon nalang ang hinihintay niya para matapos na rin ang part niya sa show at para makapagpahinga na rin siya.
"Kath," narinig niyang may tumawag sa kanya. Napalingon naman siya dito at nakita ang ulo ni Mark na nakasilip sa pintuan ng dressing room.
"O, Kuya Mark. Bakit?" nagtatakang tanong niya dito. Ano ba ang ginagawa nito doon? Medyo kinakabahan siyang baka may makita siyang taong pilit niyang iniiwasan at kinakalimutan.
"Puno na kasi lahat ng dressing rooms, eh. Ngayon lang kami dumating nila DJ galing sa taping. Pwede bang maki-share nalang ng dressing room? Wala na talagang ibang bakante, eh," tuloy-tuloy na paliwanag dito.
Hindi man lang siya nakapagsalita pa ay humirit pa ito.
"Sige na, Kath. Please? Kailangan pang ayusan sila DJ, eh," pagmamakaawa niya dito.
Wala na siyang magawa kundi ang sumang-ayon nalang sa pakiusap nito. Kesa naman pabayaan rin niya si DJ na hindi makapag-ayos para sa number nito. Magiging unprofessional siya kung gagawin niya iyon.
Nakita niyang nawala ang ulo ni Mark sa pagkasilip sa pintuan. Malamang ay tinawagan na nito si DJ. Agad namang napaharap siya sa salamin at inayos ang sarili sa repleksiyon. Inayos niya ang buhok niya. Pati ang lipstick niya, pinakapal niya.
Wait, bakit ba inaayos ko ang sarili ko?
Napahinto siya sa ginagawa at umayos nalang ng upo. Bakit kasi parang kinakabahan siya? Hindi siya pwedeng kabahan. Si Daniel lang ang darating at hindi ang presidente ng Pilipinas.
She tried to calm herself. Pilit niyang iniisip at pinapaalala sa sarili na trabaho lang ang nakapagitan sa kanilang dalawa ni Daniel kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili at harapin ito nang hindi kinakabahan.
Tama! Tama! Huwag kang kabahan, Kath! Huwag kang papaapekto.
"Kath."
Agad namang bumilis ang tibok ng puso niya nang may narinig siyang nagsalita sa likuran niya.
"Salamat sa pagpayag na maki-share ng dressing room sa akin."
Laking panibugho niya nang mapagtantong hindi ang taong inaasahan niya ang makikita niya.
"Aaliyah." Pilit siyang ngumiti dito para kahit papaano'y hindi nito mahahalata ang disapointment na nararamdaman niya.
Disapointment? What for?
Dahil hindi si Daniel ang ka-share mo ng dressing room.
Napailing siya. No. Hindi ko pwedeng maramdaman iyon.
"Kath? Are you okay?" narinig niyang tanong ni Aaliyah sa kanya.
"H-Ha? Oo. Okay lang ako," nakangiting sabi niya dito.
"Salamat nga pala sa pag-share ng dressing room mo sa akin," nakangiting sabi nito. "If not for you, mapipilitan akong maki-share ng dressing room with Deej."
Deej? Deej? At may nickname pa sila, ha?
Pilit siyang ngumiti. "Ah, it's okay. Wala rin naman akong ibang ka-share ng dressing room. At tsaka, it's too big para solohin ko lang."
Ngumiti lang ito pero hindi na sumagot. Inayusan na rin kasi ito ng stylist nito.
Tahimik lang siyang nakatingin dito habang inaayusan ito. And she had to admit, ang ganda talaga nito. It's not that she's insecure about her beauty, it's just that hindi niya maiwasang hindi ma-insecure nang konti dito. Sa gandang taglay nito, hindi malayong ma-attract si Daniel dito. And just the thought of that makes her insecurities come to life.
So, insecure ka nga? In denial pa, eh.
"Kath and Aaliyah, your number will be up in fifteen minutes. Kaya maghanda na kayo," anunsiyo ni Mark nang pumasok ito sa dressing room.
"Wait, I thought sa later part pa iyong number namin ni Daniel?" biglang tanong ni Aaliyah dito.
"Nope. There had been some changes. Mauuna iyong number ninyo ni Daniel, and then iyong number naman ni Kath and Dom," sagot nito.
"So, you mean, parang continuous lang ang numbers namin?" siya ang nagtanong.
"Yep. Parang ganoon," patango-tangong sagot nito.
Binilisan nalang ng stylist ni Aaliyah ang pag-ayos nito. Hindi naman kinailangan ang masyadong make-up sa mukha nito dahil nagsa-stand out naman ang kagandahan nito.
Ang laking insecure mo, Kathryn! Halatang-halata, eh.
"Guys, ready na kayo?" Si Ate Vicky naman ang pumasok ng dressing room.
Sabay na tumango sila ni Aaliyah.
"Then let's go. Susunod na ang number ninyo," sabi ni Vicky.
Sabay din silang lumabas ng dressing room para pumunta sa backstage. Pagdating nila doon ay nakita niya si Dom na naghihintay sa kanya.
"Hey, Kath. Wow. You look..."
"Beautiful." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Dom dahil sa sinabi ni Daniel. Agad namang nagrambulan ang tibok ng kanyang puso.
Ningitian niya si Daniel. "Thank you. And you look... good."
Good? Anebeyen! Lihim siyang napakagat-labi. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba hindi nagbabago ang epekto ni Daniel sa kanya? Pinag-aralan na niya ang dapat na reaction niya kapag kaharap niya si Daniel, ah. Bakit kapag kaharap na talaga niya ito, nawawala na siya sa tamang huwisyo?
"Thanks," nakangiting sagot nito. Binalingan naman agad nito ang ka-loveteam nito at ningitian din.
"Hey Deej," nakangiting bati ni Aaliyah dito.
"Hi Liyah! You look lovely," sabi naman ni Daniel dito. Kumirot ng konti ang puso niya sa sinabi nito.
"Thank you! And you look devilishly handsome," sagot naman ni Aaliyah dito.
At may mga nicknames pa talaga ang dalawa? Naiinis na isip niya. How come noong sila pa ni Daniel ang magka-loveteam, wala silang nickname? At tsaka, bakit parang ang close yata nila? Eh noong silang dalawa ni Daniel, sobrang sungit nito sa kanya.
Badtrip!
"Hey, Kath? Okay ka lang?" Hindi na niya namalayang nilapitan na pala siya ni Dom. Medyo naiilang siya kasi nasa bewang niya ang kamay nito.
"Ah, yeah. I'm fine. Bakit mo naman naitanong?" tanong niya dito.
"Para kasing bad trip na bad trip iyang pagmumukha mo," sagot nito.
"Ano?"
"Mas kunot pa ang mukha mo kesa sa lola ko, eh," natatawang sabi nito.
Alam niya kung ano ang ginagawa ni Dom. He's trying to make her laugh. Palagi itong ganoon sa kanya. He's somehow trying to reach out to her. Siya lang talaga ang distant. Pero sinusubukan naman niyang mag-reach out dito. That's why, kahit na hindi naman siya natatawa sa joke nito, she just faked a laugh.
Bigla nalang nilang narinig ang malakas na pagtikhim ng kung sino. Paglingon niya ay nakita niya si Daniel na nakatingin sa kanilang dalawa. Pero agad naman nitong iniwas ang tingin at dumiretso nang naglakad patungo sa isang exit papuntang stage.
"You two look cute together," nakangiting komento ni Aaliyah sa kanilang dalawa ni Dom bago ito sumunod kay Daniel.
Lihim siyang napairap. Cute together? Napatingin naman siya kay Dom na nakangiti lang.
"Guys, halina kayo,'' narinig niya ang pagtawag ni Vicky sa kanila.
Sabay silang pumunta ni Dom sa kung saan naroon sila Daniel at Aaliyah.
"Ready?" Narinig niyang sabi ni Daniel kay Aaliyah.
"Always," sagot naman nito kay Daniel.
Gusto na niyang tumakbo palayo doon nang nakita niyang hinawakan ni Daniel ang kamay ni Aaliyah. Parang kailan lang, kamay pa niya ang hinawakan nito. Kaya ay ibinaling nalang niya ang tingin sa ibang direksiyon.
Naramdaman naman niyang may humawak sa kamay niya. Pagtingin niya sa kamay niya ay kamay pala ni Dom ang humawak sa kanya. Kaya napatingin siya sa mukha nito.
Ngumiti lang ito sa kanya. Sa halip na bawiin ang kamay niya mula dito ay napagpasyahan niyang hayaan nalang niya iyon. Pagpapasalamat nalang niya kay Dom na nandoon ito.
__________
Nakasalang na si Daniel sa entablado. He felt the limelight on his skin. Ramdam rin niya ang malambot na kamay ng ka-loveteam niya. Pero wala sa lahat nang iyon ang atensiyon niya. Bakit? Kasi ang pilit na umaalingawngaw sa isip niya ay ang huling nakita niya bago siya lumabas ng stage.
You may ask what was that? Nakita niyang magkahawak ang mga kamay ni Kath at ni Dominic. And it really made him irritated. It made him irritated as hell.
Oo, nagseselos siya. Sobrang nagseselos siya. Kung hindi lang masamang tingnan, pero talagang masasapak niya si Dominic kanina. Ito pa talaga ang humawak sa kamay ni Kath. At hinayaan man lang ni Kath na hawakan ni Dominic ang kamay nito. Naiinis siya.
Kung hindi pa siya siniko ni Aaliyah ay magmumukha sana siyang tanga. Hindi kasi siya tuminag nang part na niya sa pagkanta. Buti nalang at recorded na ang kanta nila. Kung hindi, talagang magmumukha siyang tanga doon dahil hindi niya nakanta ang dapat sana niyang kantahin.
Nang si Aaliyah na ang kumankanta ay lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi siya dapat ma-distracted. Gagawin muna niya ang trabaho niya. Mamaya nalang niya iisipin si Kath at si Dominic. May panahon para doon. Malapit nalang at magtutuos na sila ni Kath.
Malapit na malapit na.
__________
Selos na selos na si Kath habang pinapanood si Daniel at Aaliyah sa stage at kumakanta para sa production number ng mga ito. Magkahawak pa rin ang mga kamay nito at sweet na sweet na nagtitinginan sa isa't-isa. Gusto na niyang sumugod at higitin ang kamay ni Daniel para kamay nalang niya ang hawakan ng kamay nito.
Wait, bakit niya gagawin iyon?
Kung hindi lang tinapik ni Dom ang balikat niya ay hindi pa niya namalayang tapos na pala ang number nila Daniel at Aaliyah. At naglalakad na ang mga ito papunta sa direksiyon nila.
"It's our turn now," sabi ni Dom sabay hawak sa kanyang kamay.
She took deep breaths before going to the stage. Pero nang palabas na sila sa stage ay napatigil siya dahil hinawakan ni Daniel ang balikat niya nang nagsalubong sila.
Nakakunot-noong tumingin siya dito.
"Good luck," nakangiting sabi nito, saka ay binitawan ang pagkahawak nito sa kanya at tumuloy na sa backstage.
Nagtakbuhan nang husto ang pintig ng kanyang puso. She felt her heart racing like stallions. Isa lang talaga ang taong nakakapagtibok ng puso niya nang ganoon. Si Daniel lang. Him and only him.
The whole number with Dom felt like a blur to her. Hindi nga niya alam na tapos na pala ang pagkanta nilang dalawa kung hindi lang siya iginiya ni Dom papuntang backstage. Parang naha-high yata siya.
"Lutang na lutang ka. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Dom sa kanya.
Umiling siya. "No. I'm fine."
"Are you sure?"
Tumango siya. "Yep. Never been better."
Nagbuntong-hininga naman ito. "Sige. If you say so."
Ngumiti nalang siya dito.
"I'll go ahead. May guesting pa ako, eh," paalam nito sa kanya.
"Yeah. See you," paalam rin niya dito. Saka lang ito umalis na at tinungo ang dressing room na assigned dito.
Tinungo na rin niya ang dressing room na assigned sa kanya. When she got there, wala pang tao. Wala rin si Aaliyah.
Baka nag-meet sa mga fans niya, isip niya.
Or baka sa fans nila Daniel.
Hindi nalang niya inintindi iyon. Napagpasyahan nalang niyang magbihis nalang. Kinuha niya ang kanyang t-shirt at jeans sa bag niya. She didn't bother to hide behind the divider. Siya lang naman ang tao doon at tsaka si Aaliyah lang din ang ka-share niya ng room. Kaya ay confident lang siyang naghubad doon.
She was only wearing her underwear when someone opened the door.
"Aaliyah, I hope you don't mind pero nagbihis na ako - " she started to say.
Per naputol nalang ang sasabihin niya nang ma-realize niyang hindi pala si Aaliyah ang pumasok sa dressing room. She was frozen on the spot like ice. HIndi niya alam kung paano mag-react. At halatang nagulat din ito dahil na-estatwa lang ito sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata.
Oh, shit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro