Chapter 26
Kath was looking through his eyes. May hinahanap siya sa mga mata nito. She was searching for that warm feeling she used to feel back then when she stares through his eyes. Gusto niyang maramdaman ulit ang naramdaman niya noon. Iyong feeling na parang lulutang ka na sa langit dahil sa mga titig rin nito. Iyon ang hinahanap niya.
Nakatingin lang din ito sa kanya. He was looking at her with love. Parang sinasabi ng mga mata nito na siya lang ang babaeng tanging mamahalin nito. She would flutter with the thought... it's just that, hindi iyon ang nararamdaman ng puso niya.
Pipikit na sana siya nang marinig niya ang sigaw ng direktor.
"Cut! Cut!" sigaw nito through the megaphone. "Dominic, ang lanta-lanta mong um-acting. Gwapo ka nga pero wala ka namang appeal sa harapan ng camera. Ayusin mo iyan."
Napatungo naman ito at napakamot sa batok. "Sorry, Direk."
Bumaling ang direktor nila sa kanya. "At ikaw naman, Kath! Para kang tuod! Parang may malaking pader ang nakapagitan sa inyong dalawa, ah. Wala tuloy kayong spark... walang chemistry."
Lihim siyang nagbuntong-hininga. Iyon naman parati ang reklamo ng direktor nila sa kanya, eh. Parang nasanay na yata siya.
Paano naman magkaroon ng chemistry, eh sa wala naman talagang spark? Gusto sana niyang sabihin pero kaso lang ayaw rin niyang mapahiya si Dominic sa kanya.
"Hay. Ewan ko. Parang wala namang chance kayong dalawa, eh. Break nalang nga muna," naiinis na sabi ng direktor.
"Sorry uli, Direk," pahabol pa ni Dominic dito. Saka lang ito tumingin sa kanya.
"Sorry Dom, ha," ang sabi lang niya dito.
Nagbuntong-hininga ito. "Okay lang iyon. Nahirapan ka lang sigurong mag-adjust kasi nga, diba, nasanay ka nang si Daniel ang ka-partner mo."
Natahimik naman siya nang marinig niya ang pangalan ng tanging lalaking nagpaparigodon ng puso niya.
"Sige, Kath. Pahinga ka na."
Tumango lang siya dito. Pagkatapos ay nagtungo siya sa tent niya. Naabutan naman niya si Mike doon na busy sa pagkain.
"Nasaan si Ate Vicky?" tanong niya dito. Naupo siya katabi nito.
"Umalis pa. May meeting yata with Ma'am Cory. Iyon ang sinabi niya sa akin," sagot nito sa kanya.
"Okay." Napakain na rin siya sa kinain nito dahil nagutom siya bigla. Napagod lang siguro siya sa kaka-imbento ng "spark" na sinasabi ng direktor nila.
"Ba't ka andito? Tapos na ang taping ninyo?" tanong ni Mike sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Break daw, eh, sabi ni Direk."
"Asus. Sabihin mo lang, pinagalitan na naman kayo ni Direk. Paano ba naman kasi? Walang ka-buhay-buhay iyang actingan ninyo ni Dominic. Nako! Wala ring ka-spark-spark ang mga eksena ninyong dalawa. Wala talaga!"
Gusto sana niyang patulan ang sinabi nito pero nanatiling tahimik lang siyang kumakain.
"Isa lang talaga ang solusyon niyan. Mag-imagine ka nalang na si Daniel ang ka-eksena mo. Para sa ganoon, magkaroon naman ng konting kilig kayong dalawa ni Dom. Kasi talagang wala talaga akong nafi-feel na kilig sa inyong dalawa. Kulang nalang ay mandiri ka sa kanya tuwing magka-eksena kayo, eh. As in, wala talaga."
Daniel. Si Daniel na naman. Lumayo nga siya dito pero parati pa rin niyang naririnig ang pangalan nito. Parati pa rin itong naaalala niya. Parati pa rin itong nasa isipan niya. At parati pa rin itong tinitibok ng puso niya. Kailan kaya siya titigil? Kailan kaya titigil ang mundo niya sa kakaikot dito?
Halos isang buwan na rin ang lumipas nang napagpasyahan niyang itapos na ang pair-up nila ni Daniel as a loveteam. Aaminin niyang hindi naging madali ang lahat. Hindi naging open ang mga fans nila sa balitang maghihiwalay na silang dalawa. Kahit ang management, nahirapang mag-isip ng dahilan kung bakit sila maghihiwalay ni Daniel na hindi masyadong nakakaapekto sa kanilang dalawa. Naging usap-usapan rin ang totoong rason kung bakit sila nagkahiwalay pero parating isa lang ang sagot nila, "We're just trying different paths in our career." Nahihirapan talaga siya nang sobra dahil sa intriga at mga fans nila.
Natapos na rin ang shooting nila para sa Princess and I. Running for extension sana ang serye pero naputol dahil hindi na nga sila magsasama ni Daniel. Pero ang ending naman sa serye ay sila pa rin ni Daniel ang magkakatuluyan. Pa-konswelo na iyon kumbaga sa mga fans nila. It would serve as their last mark as a loveteam to their undying fans.
Alam niyang maraming na-disappoint at nasaktan na mga tao, lalong-lalo na ang mga fans nila, sa nangyari sa kanilang dalawa ni Daniel. Pero kahit pagtagni-tagniin pa ang lahat ng nararamdaman ng mga ito, hindi pa rin iyon nakakasum-up sa sakit na nararamdaman niya. Hindi lang siya naghihirap dahil sa mga isyung binabato sa kanya, pero pati na rin sa kung anong totoong nararamdaman niya. Napakahirap pala talaga ang mawalay sa taong minamahal mo.
Isang buwan na rin niyang hindi ito nakakausap. Oo at nagkikita sila sa loob ng compound pero hanggang tingin lang ang binibigay at natatanggap niya dito. Naalala niya tuloy ang sinabi nito sa kanya sa roofdeck isang buwan na ang nakalilipas.
"Kath, maniniwala ka ba sa akin ngayon kung sasabihin ko sa iyong mahal kita?"
Paano ba siya maniniwala sa sinabi nito kung isang buwan na rin siya nitong hindi pinapansin? Parang hindi pa nga sila magkakilala, eh. Ang sakit lang. Ang sakit talaga. Akala niya kakayanin niya ang sakit. Pero mas tumindi pa nga yata.
Paano ka naman niya papansinin? Iniwan mo nga siya, di ba?
Inaamin niyang maaaring nasaktan ito sa desisyong ginawa niya. Siguro dahil hindi nito matanggap na maghihiwalay na sila. Sa lakas ng team-up nilang dalawa, sigurado siyang iniisip nito ang paghihinayang sa nabuo na nilang kasikatan dahil sa maraming supporters na natanggap nila mula sa mga tao. Nagtampo siguro ito sa kanya nang dahil doon.
Masisisi ba niya ang sarili kung kaya't gusto niyang kumalas ay dahil nasasaktan lang siya?
Hindi naman siguro. Kung sana'y maintindihan iyon ng mga tao, siguro walang masyadong problema ang naging paghihiwalay nila ni Daniel.
"Ikaw naman kasi, teh. Bakit kumalas ka sa loveteam ninyo ni Daniel? Ayan tuloy, sobrang nami-miss mo na siya," narinig niyang sabi ni Mike.
"Hoy, hindi ko siya nami-miss, 'no," tanggi naman niyang alam niyang kasinungalingan lang.
"Wala daw. Tingnan mo nga. Lumabas na ang ulo ni Daniel sa ulo mo dahil sa kakaisip mo sa kanya."
Inirapan niya ito. "Magtigil ka nga, Mike. Puro ka talaga kalokohan."
"Kalokohan daw. Sino namang tao diyan ang niloloko ang sarili dahil sa pagmamahal?"
Malapit na talaga siyang maasar dito pero pinilit niya ang kumalma. Kung aalma lang kasi siya, mahahalata talaga nitong katotohanan lahat nang sinabi nito.
"Kath, scene niyo na daw uli ni Dominic," anunsiyo ng isang staff sa kanya nang lumapit ito sa kanya.
Tumango naman siya at agad na tumayo para sumabak na naman for another set of scenes with Dominic.
__________
Nang sa wakas ay natapos na rin ang shoot nila ni Dominic. Hindi niya alam kung maganda ba ang naging resulta ng taping nila, pero based na rin sa reaksiyon ng direktor nila, alam niyang hindi ito naging satisfied sa outcome ng scenes nila.
She was on her way to her dressing room. Kasama niya si Mike na naglalakad sa hallway ng compound. Nang nasa loob na siya ng dressing room niya ay naupo agad siya sa sofa na nandoon. Saka lang niya inalis ang sapatos at ipinatong rin sa sofa para masahiin. She really felt tired. Simula noong hindi na niya naka-trabaho si Daniel, parang araw-araw na siyang walang ganang magtrabaho. Ang sabi nga ni Mike, nawala na daw ang inspirasyon niya sa trabaho. Pero still, she had to endure it. Para sa kanya... para din kay Daniel.
She still have one more commitment para sa araw na iyon. May rehearsals pa sila para sa ASAP show on Sunday. She had two numbers to perform. Ang isang number ay dance number kasama sila Julia Montes, Yen Santos, Miles Ocampo, at Ella Cruz. At ang pangalawa ay isang song number na kasama si Dominic Roque, ang kanyang bagong ka-loveteam. The production number they were doing will promote their loveteam sa bagong seryeng pagbibidahan nilang dalawa. Hindi naman talaga sila ang lead casts sa serye. They would only be doing a supporting act. Tine-test pa kasi ng management kung may magsusubaybay ba sa tandem nilang dalawa.
Marami nang na-ipares sa kanyang ibang lalaking magiging ka-loveteam niya, pero puro negative ang responses ng mga viewers. Kahit ang management nga, nahirapan talagang pumili ng bago niyang pwedeng makapareha. Walang ni isa man ang nagki-click sa kanya. Pero sa kaso ni Dominic ngayon, pinipilit pa rin ng management na magkaroon sila ng chemistry. So far, hindi pa maganda ang feedback ng pagpares sa kanilang dalawa.
Hindi niya rin alam kung bakit wala talagang nagki-click sa kanyang ibang pares. Sadya ba talagang wala lang silang connection sa isa't-isa, o di kaya'y dahil si Daniel pa rin ang pilit na ipinapares ng puso niya sa kanya.
She sighed. Hindi talaga niya alam kung ano na ang nangyayari dito. Based sa mga TV appearances nito, she knew he would be starring in a movie together with his new loveteam, si Aaliyah Benisano. Naging ka-trabaho rin niya ito sa Goin' Bulilit, isang pangbatang variety show, noong mga bata pa sila. Pero hindi talaga niya ito naging close na kaibigan. Casual hi's and hello's lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Kath, hinahanap ka na sa rehearsals for ASAP. Nandoon na si Ate Vicky. Hinihintay ka nalang niya," narinig niyang sabi sa kanya ni Mike.
"Ah, ganoon ba?" Tumayo naman agad siya. "Sasama ka pa doon?"
Tumango ito. "Siyempre naman. Gusto ko ring makita ang ibang mga artists na nag-eensayo. At tsaka, nandoon si Papa P! Hindi ko iyon palalampasin," kinikilig na sabi nito. May crush kasi ito kay Piolo Pascual.
Sino ba ang hindi? Ang gwapo-gwapo ng lalaking iyon. Showbiz crush rin niya iyon, eh.
"Sige na, oo na. Halika na," natatawang wika niya habang hila-hila ito palabas ng dressing room niya upang tumungo sa studio ng ASAP.
Nang nakarating na sila doon ay nakita na niyang nag-eensayo na ang ibang mga kasamahan niyang artists. Nakita rin niya si Julia sa stage. Nang nakita naman siya nito, kumaway agad ito kaya ay kinayawan rin niya ito. Hindi nalang niya namalayang may nabangga na pala siyang tao.
"Oh, sorry! Sorry! Hindi kasi ako tumitingin. Sorry talaga," nakayukong wika niya. Natapakan kasi niya ang sapatos nito.
Wait, parang familiar ang sapatos, ah.
"It's okay, Kath. Walang problema."
OHMYGHAD!
Napaangat agad ang ulo niya para tingnan ang mukha ng lalaking naging malaking bahagi na ng mundo niya. Ang lalaking lagi nalang laman ng isip niya. At ang nag-iisang lalaking umookupa ng puso niya.
"Daniel." Mahina lang iyon pero alam niyang narinig nito iyon.
Ngumiti ito sa kanya.
Nakakalaglag-panty!
“Hi Kath."
Hindi siya makapaniwalang mabunggo niya ito at makausap pa. Kahit na isang buwan pa lang silang hindi nagkakausap, sobrang nami-miss na niya ito. Kung malaya sana siyang yakapin ito, nayakap na niya ito nang sobrang higpit.
Naramdaman nalang niya ang pagsundot ng kung ano sa may likuran niya. Pero hindi lang niya iyon pinansin. Busy siya sa pagtitig kay Daniel na nakatitig lang din sa kanya.
"Ehem!" Narinig niya ang pagtikhim na iyon sa bandang likuran niya. Agad naman siyang natauhan sa ginagawa niya.
"Ah, sige. Sorry uli. Alis na ako."
Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot nito. Dumiretso na siyang lumakad papalayo dito.
"Wow. Hanggang ngayon, natutulala ka pa rin sa kanya," komento ni Mike nang makalayo na sila kay Daniel.
She let out a heavy breath. Kanina pa pala niya pinipigilan ang sariling hininga. Talagang ibang-iba ang epekto ni Daniel sa kanyang sistema. At mas may napatunayan pa siya sa sarili.
Nami-miss na talaga kita, Daniel.
__________
Nakalayo na si Kath pero nanatiling nandito pa rin ang tingin niya.
"Hoy, Daniel. Matunaw," narinig niyang natatawang sabi ni Mark. Hindi na niya namalayang nasa likod pala niya ito.
Napatingin siya dito. Pero imbes na mainis sa sinabi nito, malaking ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong nito.
"Bakit? Ano bang nangyari sa mukha ko?"
"Ba't ang laki-laki ng ngiti sa mukha mo?"
"Bakit? Bawal na bang ngumiti ngayon? At tsaka, masaya ako, kaya ganoon. Bawal na bang maging masaya ngayon?"
Itinaas nito ang mga kamay sa harapan nito. "Just saying."
Nagsimula na rin siyang lumakad palabas ng studio. Tapos na kasi siya sa rehearsal niya para sa number niya sa ASAP. Isang production number lang ang gagawin niya. Kakanta siya kasama ang bagong ka-loveteam niya, si Aaliyah.
"DJ, matanong ko lang, ha? Curious kasi ako, eh," biglang sabi ni Mark habang umaagapay sa paglalakad niya.
"Ano iyon?"
"Mag-iisang buwan na pero wala ka pa ring ginagawa para maging maayos kayo ni Kath," sabi nito.
Napalingon siya dito. "Alam ko."
"Ang sabi mo sa akin, gagawin mo ang lahat para hindi siya mawala sa iyo. Pero bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring ginagawa?" tanong ulit nito.
"I'm just giving her space. Gusto ko lang ma-miss niya ako," nakangiting sinabi niya.
"And?"
"And, based sa reaction ni Kath kanina, totoo naman di ba?"
Narinig niyang tumawa ito nang mahina. "Iba ka rin, DJ. So, ano na ang gagawin mo?"
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. "That's for me to know, and for you to find out."
Watch out, Kathryn Bernardo! I'm gonna make you fall for me again. And this time, when you do, I promise I will never, ever let you go.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro