Chapter 25
"DJ, tama na iyan. Nakakarami ka na," narinig niyang sabi ni Mark sa kanya.
Kahit na pang-ilang beses na siyang sinaway ni Mark, nilagok niya pa rin ang baso ng alak saka ay humingi na naman ng isa sa bartender na nagse-serve doon. Nasa isang exclusive bar sila ngayon. Siya nga lang dapat ang nandoon at nagpapakalasing. Pero pinuntahan naman siya doon ni Mark nang malaman nitong nandoon siya.
Muli, napatingin siya sa bagong serve na baso ng alak na ibinigay ng bartender saka ay nilagok agad iyon.
"Pang-ilang baso na niya iyon, pare?" tanong ni Mark sa bartender.
"Hindi ko na mabilang, Sir eh. Marami-rami na rin," sagot naman ng bartender dito.
Naramdaman niyang hinawakan ni Mark ang balikat niya. "DJ, tama na iyan. Lasing ka na."
Umiling-iling siya. "Wala akong pakialam."
Iyon naman talaga ang gusto niyang gawin... ang magpakalasing. Para makalimutan niya ang masakit na nangyari sa kanila ni Kath nang nagkausap sila sa roofdeck. Hindi siya makapaniwalang tuluyan na nga itong aalis... na tuluyan na siya nitong iiwan.
Tinawag na naman niya ang bartender at humingi pa ng isang bote. Mukhang nag-aalangan na rin ang bartender kung bibigyan pa rin siya. Pero natakot yata ito sa kanya dahil sa huli, binigyan pa rin siya nito ng alak.
"DJ, tama na."
Napatingin siya kay Mark. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Saka lang nilagok uli ang bote ng alak.
"That's it. You're through. Halika na," ani Mark habang hila-hila siya palabas ng bar. Pilit na nilalabanan niya ito pero mukhang lasing na talaga siya dahil wala na siyang sapat na lakas para lumaban.
Nang nakalabas na sila ng bar ay doon lang siya nito pinakawalan.
"Ano ba ang problema mo, ha? Ba't mo ba ako pinapakialaman?" galit na wika niya.
"Kasi may pakialam ako sa iyo! Ghad, Daniel! Ba't ba parati ka nalang naghahanap ng gulo? Paano kung may mga press ang makakita sa iyo sa loob? Mai-issue ka na naman. Sasabihin nilang lasenggo ka? Masisira ang image mo!" galit na turan nito.
"Eh di sirain nila ako. Wala akong pakialam!!" galit rin na sagot niya dito.
Nagbuntong-hininga ito. Pilit nitong pinapakalma ang sarili. Alam kasi nitong walang magandang kahihinatnan ang usapan nila kung sasabayan nito ang kalasingan niya.
"Look, Daniel. I'm just looking out for you - "
"I don't need you, or someone for that matter, to look out for me. Kaya ko ang sarili ko," putol niya sa sasabihin nito.
Nagbuntong-hininga na naman ito. "Pare, kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Huwag iyon ganito. Mapapahamak ka sa ginagawa mo, eh."
"Wala nga akong pakialam! Mapahamak na kung mapahamak... masira na kung masira. I don't care anymore," malakas na sabi niya.
"Si Kath ba? Si Kath ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito?"
Natigilan siya sa tanong nito. Agad na naman niyang naramdaman ang kirot na iyon sa dibdib niya. "I don't wanna talk about it."
Nakita niyang inihilamos nito ang dalawang palad sa mukha nito, saka tumingin sa kanya. "Pare, pasensiya na talaga sa gagawin ko... pero sa tingin ko, kailangan mo ito ngayon."
Bago pa niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito ay naramdaman nalang niya ang malakas na pagsuntok nito sa mukha niya. Dahil sa malakas na tama ng suntok nito sa mukha niya, idagdag pang hilo na rin siya sa tama ng alcohol sa sistema niya, ay na-out of balance siya dahilan upang maupo siya sa kalsada.
Mahina siyang napamura nang malasahan niya ang dugo sa bibig. Gusto niyang gantihan ito sa ginawa pero nanatili lang siyang nakaupo sa kalsada. Somehow, nagpapasalamat siya sa ginawa nito. Dahil doon, nagising nang kaunti ang diwa niya at natauhan sa pagkalasing.
Ilang minuto rin siyang nanatiling nakaupo lang doon nang maramdaman ang pag-alalay ni Mark sa kanya. Inilahad nito ang kamay upang tulungan siyang makatayo.
"Gising ka na ba?" tanong ni Mark sa kanya nang nakatayo na siya.
Mahinang tango lang ang itinugon niya dito, sabay ng pagpahid niya ng munting dugo sa labi niya.
"Now, tell me what happened? Anong problema mo?"
Napakamot siya sa batok at nagbuntong-hininga bago sumagot dito. "Wala na, Mark."
"What do you mean, wala na?" nakakunot-noong tanong nito.
"Kath decided to leave our loveteam... to leave me."
Naramdaman na naman niya ang sakit na naramdaman niya nang iniwan siya nito sa roofdeck. Hindi niya aakalaing ganoon pala iyon kasakit. He knew it was late for him to realize that he had this undeniable feelings for her.
"Ayokong mawala siya sa buhay ko, Mark." Hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya sa mata.
"Bakit? Bakit ayaw mo siyang mawala sa buhay mo?"
"Kasi mahal ko siya."
Mark looked at him in the eye. "Sigurado ka ba diyan sa nararamdaman mo, Daniel? Hindi lang ba iyan pagpapanggap lang?"
"Pati ba naman ikaw, Mark? You think na kaya kong magpanggap tungkol sa totoong nararamdaman ko?" inis na turan niya dito.
"Well, you can't blame me... or Kath, for that matter. You were playing with your feelings for her all these times. You were playing her feelings. Hindi mo lang alam pero nasasaktan siya sa tuwing sinasabi mo sa lahat na may gusto ka sa kanya kahit na sinusupladuhan mo siya. Alam mo ba kung gaano iyon kasakit para sa kanya?"
Napakunot ang noo niya. "So... you knew all these times? You knew na may nararamdaman na pala sa akin si Kath?"
"Daniel - "
"And yet you didn't tell me?"
"DJ, nirerespeto ko ang damdamin ni Kath."
"Damn!" All these times ay alam pala nitong nasasaktan na niya si Kath pero wala lang itong sinabi.
"DJ, I'm sorry. Alam kong hindi magandang pinaglihiman kita. Pero hindi rin naman siguro tama ang pangunahan ko si Kath. It was her feelings we're talking about. Wala akong karapatang sabihin sa iyo iyon."
Nagbuntong-hininga siya. Oo, naiintindihan niya ang punto nito. But he could just not believe that almost everyone around her knows about how Kath is pained everytime he lies about his feelings for her. Somehow, nagmukha siyang tanga.
"DJ - "
"Ang sama-sama kong tao," nakapanglumbabang wika niya. "Ano ba ang magagawa ko upang makabawi kay Kath?"
Lumapit ito sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Give her space muna. Bigyan mo siya ng panahon para makapag-isip."
"Pero ayokong mawala siya sa buhay ko." Fear was evident in his eyes. Alam niyang nakikita iyon ni Mark.
A small smile formed on Mark's lips. "Then gawin mo ang lahat para hindi siya mawala sa iyo. Ganoon lang kasimple iyon."
Napabuntong-hininga na naman siya. Yes, he would do that. Gagawin niya ang lahat para hindi ito mawala sa kanya. At kung hindi pa rin ito naniniwala sa nararamdaman niya para dito, ipapakita niya dito at sa lahat ng tao na totoong-totoo na ang nararamdaman niya.
__________
Nakatulala lang si Kath na nakaupo sa sala ni Vicky. Iniisip niya pa rin ang naging encounter nila ni Daniel sa roofdeck sa ABS Network compound. Iniisip niya ang sinabi nito... na mahal siya nito. Nararamdaman man ng tibok ng puso niya na totoo ang sinabi nito, pero iba ang idinidikta ng isip niya. Sinasabi ng utak niya na she should be wiser. Kasi minsan na siyang nalinlang sa pagpapanggap ni Daniel. She should not easily fall into his plays again.
"Here," anito habang iniabot sa kanya ang isang baso ng juice.
“Thanks." Kinuha niya ang baso dito saka ay inilapag sa mesitang nasa harapan niya.
"Papaano na iyan? Ano daw ang set-up na mangyayari ngayong maghihiwalay na ang loveteam ninyo ni Daniel?" tanong nito matapos uminom sa juice nito.
"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-usapan iyon ni Ma'am Cory."
"Ready ka na ba? Ready ka na bang magkahiwalay na kayong dalawa at mapares na kayo sa ibang loveteam?"
Napatingin siya dito. "Honestly, hindi pa. Pero pipilitin kong maging handa. I've made my decision already. Dapat panagutan ko ito."
"Kath, what if bigyan mo pa muna ng chance si Daniel na mapatunayan niya sa iyo na totoo ang sinabi niya?" Alam na nito kung ano ang nangyari sa kanila ni Daniel sa roofdeck. Alam na nito ang naging pag-uusap nila ni Daniel... including the part where he told her he loved her.
"Gustuhin ko man, pero ayoko na. Ayoko nang masaktan pa, Ate Vicky."
"Isang chance lang naman. That won't hurt so much."
"Iyon na nga, eh. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang masaktan ulit."
Tumango na lamang ito at pilit na iniintindi ang desisyong ginawa niya. "Sa tingin mo, nagsisinungaling lang si DJ sa nararamdaman niya para sa iyo? Na nagpapanggap pa rin siya na may feelings siya sa iyo?"
Napailing siya. "I really don't know. Hindi ko alam kung anong totoo sa mga sinabi niya."
"What does your heart tells you right now?"
Napatingin siya dito, saka ay umiwas ng tingin. Unti-unti nang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko alam."
"Kath, kapag ang puso na ang nangungusap, talagang mararamdaman mong totoo ang lahat. Hindi ka ba nakinig sa tibok ng puso ni Daniel?"
Hindi siya umimik. Nakinig naman siya sa pintig ng puso nito. Iyon lang, ayaw niyang pa rin niyang paniwalaan iyon. Paano na kung pati ang puso nito'y marunong na ring magpanggap?
"You know what? You have trust issues."
Napabuntong-hininga siya. "Well, can you blame me?"
"You have a point there. Dahil nasasaktan ka ngayon, mahirap para sa iyong paniwalaan ang sinabi ni Daniel, given na nagawa niyo na iyan noon." Sumipsip na naman ito sa baso ng juice nito bago, "So... what are you gonna do right now?"
Nagkibit-balikat siya. "Que sera, sera."
Whatever will be, will be.
Ang tadhana na ang bahala sa kanilang dalawa ni Daniel. Kung totoo man ang sinabi nito... siguro kung para sila sa isa't-isa, ang tadhana na ang magbibigay daan para sa kanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro