Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

"I don't understand why you're doing this, Kath."

Napatingin si Kath sa kanyang kausap. Ma'am Cory was sitting on her desk across her. Confusion was written all over her face. Nasa office kasi siya nito dahil gusto niya itong kausapin. Pero mukhang naguguluhan ito sa sinabi niya.

"Bakit kailangan mong bumitaw sa loveteam ninyo ni Daniel? Nag-away na naman kayo?" nagtataka pa ring tanong nito.

Umiling siya. "Hindi po. Gusto ko lang po talagang... lumayo na sa kanya."

"And why would you want that?"

Nagbuntong-hininga siya. Sasabihin ba niya dito ang lahat ng nangyayari sa kanila ni DJ?

"There's something you aren't telling me. Sabihin mo sa akin iyon para magkaintindihan tayong dalawa," mahinahong wika nito.

Nang hindi pa rin siya umimik ay nagbuntong-hininga ito at tumayo mula sa pagkakaupo nito. Lumapit ito sa kanya at iginiya siya sa sofa na nasa office nito.

"Okay. Para mas madali para sa iyo na sabihin sa akin iyan, kalimutan mong boss mo ako. Come on, Kath. You have to tell me. Anong problema mo?" informal na tanong nito sa kanya.

"Ma'am Cory - "

"Tita. Call me Tita."

Nagbuntong-hininga siya. "Tita Cory... have you ever been in love before? Iyong... mahal na mahal mo ang isang tao pero hindi ka naman niya mahal. Na kahit na paulit-ulit ka pang masaktan nang dahil sa kanya, patuloy ka pa ring nagpapakatanga dahil mahal mo siya."

Lumapit ito sa kanya saka ay hinawakan ang mga kamay niya. "Ganyan ba ang sitwasyon ninyo ni DJ ngayon?"

Napayuko siya sa sinabi nito.

"Tell me, Kath. Nagpapanggap lang ba kayo ni DJ all these times?"

Mas lalong nahiya siya sa tanong na iyon nito. Alam niyang maaring magalit ito dahil sa ginawa nila ni Daniel, pero kailangan na rin siguro nitong malaman ang totoo.

"Kath, look at me," narinig niyang sabi ni Ma'am Cory kaya ay napatingi naman siya dito.

She was expecting to see an angry boss. But to her surprise, hindi ito galit. Not even a trace of anger was registered on her face.

"I honestly don't know what to say. Nagulat ako sa nalaman ko ngayon. I didn't know na nagpapanggap lang pala kayo ni DJ. It seemed all real."

"Well, it was really real. For me, that is. Pero kay DJ, hindi. Dahil hindi naman talaga ako ang mahal niya. Iba ang mahal niya."

"At si Danna iyon."

Nagulat siya sa sinabi nito.

“Kath, hindi ako manhid. Alam ko... nararamdaman ko ang nararamdaman ng mga talents ko. I know an actor who is playin out an act from an actor who is acting out the truth,” wika nito. “So, si Danna nga ba?”

Napatango lang siya dito.

"Well, to tell you honestly, I'm impressed. I can say that the talent center has really trained you both well. Ang galing niyong umarte," natatawang sabi nito. She knew Ma'am Cory said that to lighten up the mood.

"Tita - "

"Pero dahil doon, marami ring nalinlang na tao. Pati na ang puso mo, nalilinlang na rin dahil sa pagpapanggap ninyo ni Daniel."

"Alam ko po naman iyon."

"At kaya mo hiningi sa akin na ipaghiwalay na kayo ni Daniel ay dahil sobra nang nasasaktan ang puso mo dahil sa pagpapanggap ninyo."

Tumango lang siya bilang sagot.

Bumalot sa kanila ang katahimikan bago niya narinig itong nagbuntong-hininga. "Kung sasabihin ko sa iyong pumapayag na ako sa gusto mong mangyari, magiging masaya ka ba, Kath?"

Hindi naman siya nakaimik. Aminado siyang hindi siya magiging masaya. Pero masyadong masakit na para patuloy na magkasama pa sila ni Daniel. At sa susunod na masaktan na naman siya dahil dito, hindi na niya alam kung anong mangyari sa kanya.

"Do you really love him?"

"Yes," walang alinlangang sagot niya sa tanong nito.

"Then why are you letting him go?"

Naramdaman na niya ang pamumuo ng mga luha niya sa mata. "I love him that much that I am willing to let him go."

Natandaan naman niya ang sinabi ni Danna sa kanya.

"Let him go, Kath. If not for me, but for him."

__________

The moment na nag-landing ang eroplano na sinakyan ni Daniel pabalik ng Manila ay agad na pumunta siya sa compound ng ABS Network. Nang makarating na sila sa compound ay mabilis naman na tinungo niya ang dressing room ni Kath.

"DJ? What are you doing here?" tanong sa kanya ni Vicky.

Napatingin siya sa kabuuan ng dressing room ni Kath. Alam niyang nandoon si Kath sa compound but there's no sign of her being in her dressing room. Saka lang siya napatingin kay Vicky.

"Ate Vicky, nasaan si Kath?" he urgently asked.

"Ha? Ahm... Nasa office siya ni Ma'am Cory. May importante yatang pinag-uusapan ang dalawa. Bakit?"

Pero hindi na niya sinagot ang tanong nito at mabilis na lumabas ng dressing room ni Kath.

"Nakita mo na si Kath?" tanong sa kanya ni Mark nang nakasalubong niya ito sa daan. Nahuli kasi ito sa kanya nang tumakbo siya papasok sa building.

"Wala pa. Nasa office daw siya ni Ma'am Cory. May importante daw silang pinag-uusapan," sagot niya dito habang patuloy pa ring naglalakad.

"Importanteng pinag-uusapan? Hindi kaya - ?"

Hindi na nito tinuloy ang sinabi nito. Pero alam naman niya kung anong ibig nitong sabihin. Kanina pa niya iyon naiisip. Kaya naman nananalangin siya sa lahat ng santo sa simbahan na sana naman mali ang iniisip niya.

Sana talaga... Sana huwag bibitaw si Kath.

__________

Napag-alaman ni Daniel na nasa loob nga ng office ni Ma'am Cory si Kath. Ayon sa secretary ni Ma'am Cory, matagal na daw na nasa loob si Kath. Mukhang importante nga ang pinag-uusapan ng mga ito dahil natagalan pa ang mga ito sa loob.

"DJ, umupo ka nga rito. Nahihilo ako sa parito't-paroon mo, eh," reklamo naman sa kanya ni Mark. Kanina pa kasi siya nagpabalik-balik sa paglakad na wari'y hindi mapakali.

Tumalima naman agad siya at umupo sa tabi nito. Pero kahit na nakaupo na siya, hindi man lang nabawasan ang pangangamba niya.

Ano na kaya ang pinag-uusapan nila Kath sa loob?

He didn't want to be negative about it pero malakas ang kutob niyang tama talaga ang hinala niya. Na ang pinag-uusapan ni Kath at Ma'am Cory ay ang pagbitaw na ni Kath sa loveteam nilang dalawa. Na ayaw na ayaw naman niyang mangyari.

"Thank you po, Tita Cory."

Lumipad agad ang tingin ni Daniel nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. At hindi nga siya nagkakamali. Si Kath nga ang narinig niyang nagsalita.

Agad naman siyang tumayo at nilapitan ito. Halatang nagulat ito nang makita siya nito dahil napako ito sa kinatatayuan nito.

"Kath..." Akmang lalapitan niya ito pero parang natauhan naman ito sa pagkagulat at agad na umatras sa paglapit niya.

"DJ, anong ginagawa mo dito?"

He exhaled a breath bago ito tiningnan sa mga mata. "I need to talk to you."

Umiwas ito ng tingin. "Pwede bang mamaya nalang, DJ? May gagawin pa kasi ako - "

"No, Kath. Gusto kitang makausap ngayon din. Importante lang. Importanteng-importante lang."

"Pero, DJ - "

Hindi na niya hinintay ang pagtanggi nito. Bagkus, ay kinuha niya ang braso nito at hinila ito papalayo doon. He really needed to talk to her. He needed to talk to her bad. Sasabihin na niya dito ang dapat niyang sasabihin. Desperado na kung desperado pero hindi yata niya kakayanin kung humiwalay ito sa loveteam nila... at ang mawala ito nang tuluyan sa buhay niya.

Isang lugar lang ang naisipan niyang pumunta. Kaya hila-hila ito, tinungo niya ang lugar kung saan sila huling nagkausap.... sa roofdeck.

__________

Nakatalikod si Kath kay Daniel. Nasa roofdeck sila dahil doon siya dinala ni Daniel pagkatapos siya nitong hinila mula sa office ni Ma'am Cory. Gusto sana niyang tumtutol sa ginawa nito. Kung pwede lang sanang tumakbo palayo doon para hindi na sila magkausap pa ni Daniel. Pero mapilit ito at talagang wala siyang kakayahang makatakas dito.

Pinili niya ang tumalikod dito dahil ayaw niya itong makita. Ayaw rin niyang makita nito ang nasasaktan niyang ekspresyon sa mukha. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa inaasta nito. Basta't ang alam niya, ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Dahil alam niya na sa oras na makita niya ito, malulusaw lahat ng sakit at galit niya dito. Dahil mapapalitan lang iyon ng pagmamahal niya para sa binata.

"Kath." Narinig niya ang mahina nitong pagtawag sa kanyang pangalan. Kanina pa sila nasa roofdeck pero walang ni isa man sa kanila ang nagsalita.

Pinili niyang huwag pa ring humarap dito. Nasasaktan lang siyang makita ito. Dahil mararamdaman na naman niya kung gaano niya kamahal ang lalaking ito.

"Kath, please? Humarap ka naman sa akin. Mag-usap tayo." May narinig siyang pagsusumamo sa tinig ni Daniel. Muntikan na siyang bumigay doon.

No, Kath. You can do this. Naumpisahan mo na, tapusin mo rin. This is not only for you, but for him as well, pilit na pagpapa-alala niya sa isip. Kaya niya ginagawa ito ay hindi lang dahil hindi na niya kaya pa ang masaktan. Kakayanin niya lahat para kay Daniel. Pero labis na siyang nasasaktan ngayon. Ayaw na niyang patungan pa iyon. At isa pa, alam niyang magiging masaya si Daniel sa desisyong nagawa niya.

"Kath... Please naman, o? Kahit ngayon lang?"

Sa wakas ay hindi niya na rin ito matiis. Kaya naman ay humarap siya dito. Nang nagharap na silang dalawa, she had to blink twice to make sure she was seeing right. Somehow, she was seeing a pained expression on his face.

"Thank you," sabi nito sa kanya habang nakangiti, iyong malungkot na ngiti.

She had to tell him now. Kailangan na nitong malaman ang desisyong ginawa niya. "DJ, I have to tell you something."

"At may sasabihin din ako sa iyo. But... you go first. I'll wait and hear what you have to say."

She tried to suck in every breath she needed for her to tell him what she wanted to say. Tiningnan niya ito sa mga mata. "DJ, I'm breaking off our loveteam."

Kung nagulat man ito sa sinabi niya, hindi nito pinakita iyon. His face remained composed. Parang inaasahan na nitong iyon ang sasabihin niya.

Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas. Basta't ang alam lang niya, nanatiling nakatitig sa kanya si Daniel.

Maya-maya lang ay nakita niyang napatango ito. "I had a feeling you would say that."

"I'm sorry," napayukong wika niya.

Naramdaman nalang niyang humakbang ito palapit sa kanya. Nang nasa harapan na talaga niya ito ay huminto naman ito.

"Bakit gusto mo nang humiwalay sa akin, Kath? Iyong totoo. At huwag mong gamitin si Danna as an excuse. Because damn her, she would never be enough reason para pumayag akong maghiwalay tayong dalawa." Mahinahon lamang ang pagsalita nito, pero dinig na dinig pa rin niya ang sakit sa bawat pagbigkas nito ng mga salita.

Hindi pa rin niya magawang tumingin dito. She was waiting more of what he was going to say to her.

"Kath, kung sasabihin ko ba sa iyo ngayon na mahal kita, maniniwala ka ba?"

Her head suddenly shot up to look at his face. Her eyes were searching for the lie behind his eyes, pero hindi niya nakita iyon. Instead, she saw the deep sincerity of what he just said. She almost believed him.

Bigla nalang umahon ang galit sa dibdib niya. "DJ, come on. Don't give me that crap."

"Sa tingin mo ba, nagsisinungaling ako?" sabi nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat, before he looked her deep into her eyes. "Tell me if you see any hint of lie behind my eyes. At kung may makita ka man, I'll let you go that easily."

Galit na inalis niya ang kamay nito sa mga balikat niya. "DJ, I don't have time for this. Stop all these pretending because it won't do anything good for me, or for you."

"Pretending? Do you really think I could pretend something like this, Kath?"

"Well, you just did, DJ. Nagpanggap kang may gusto ka sa akin noon for the sake of our loveteam. How can you possibly tell me na ngayon, hindi ka na nagpapanggap pa para lang hindi na ako humiwalay pa sa iyo?"

"Kath, that's bullshit! Kahit kailanman, hinding-hindi ako magsisinungaling sa nararamdaman ko. Hinding-hindi."

Hindi na niya napigilan ang sariling maiyak. Tears were already flowing from her eyes. Lumapit naman si Daniel sa kanya at agad na kinabig siya payakap dito. His hug was tight which made her heart cried the more. Ayaw niyang umasa. Pero bakit patuloy pa ring tumitibok ang puso niya para sa lalaking ito?

"Kath, naririnig mo ba ang tibok ng puso ko ngayon? Please... paniwalaan mo naman ako, Kath. I promise you, hindi na pagpapanggap lahat nang ito. Kaya huwag mo akong iwan. Please?"

Gusto man niyang makinig sa tibok ng puso nito, pero hindi na niya magawa. Her heart was too dumb to feel anything. Oo at kakayanin niyang masaktan para lang dito. But not like this... Not when he is pretending to love her. Ayaw na niyang magpanggap. Ayaw na niyang masaktan pa dahil na naman sa pagpapanggap.

Kumalas siya sa pagkayakap nito sa kanya kahit na taliwalas doon ang gusto ng puso niya. Hilam na sa luha ang mga mata niya. It was all too painful to bear. She needed to get away from the only man who could make her heart flutter, but suffer at the same time.

"Ayoko na, DJ. Ayoko na. Please... huwag na tayong magpanggap pa. Nahihirapan na ako. Oo, mahal kita. But you, pretending to like me again... to love me. DJ, huwag na. Kahit ibalato mo nalang ang puso ko sa akin habang may natitira pa. Iyon nalang."

"Kath..."

"I love you, DJ. That's why I'm letting you go. Kinausap ko naman si Ma'am Cory and sabi niya, hindi niya tayo pababayaan. Kaya magiging okay ka lang. Magiging okay rin ako. I think, hanggang dito nalang tayo."

"Kath... Ano ba ang pwede kong gawin para patunayan ko sa iyong totoo na ito lahat? Totoo ito, Kath. Hindi ako nagsisinungaling. This time, totoong-totoo na ang tibok nito," anito habang itinuturo pa nito ang puso.

She tried to calm her crying. She needed to do this. Para sa kanya. Para kay Daniel. Wala na siyang ibang paraan pang naiisip para hindi na siya masaktan... para hindi na rin ito masaktan.

"Let me go, DJ. Iyon ang pwede mong gawin."

Kitang-kita niya sa mga mata nito ang hinanakit sa sinabi niya. Kaya bago pa niya magawang bawiin ang naging desisyon na niya, napagpasyahan nalang niyang umalis na doon. She can't bear him to see like that... to see him pained. Kasi, baka hindi niya kakayanin at maniniwala siya sa lahat ng kasinungalingan nito. Ayaw na niyang masaktan. At ayaw rin niyang patuloy itong magsisinungaling nang dahil lang sa kanya.

Pero kahit ganoon, alam niyang isang bagay lang ang hindi magbabago kailanman.

Mahal na mahal pa rin kita, DJ. Mahal na mahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro