
Chapter 22
Nakatulala si Kath habang nakababad ang katawan sa bath tub. Kahit na ilang beses niyang iwaglit sa isipan ang nangyaring sudden confession niya kay Daniel kanina, hindi niya pa rin magawa. That little scene they had back there just kept on replaying and replaying on her mind.
Ang tanga mo kasi, Kath! Ba't mo sinabi kay Daniel na mahal mo siya? Gaga!!
Nagbuntong-hininga siya. Simula nang naisabi niya dito ang magic words na iyon, naramdaman niya ang pagkakaroon ng pader na tila iniharang nito sa pagitan nilang dalawa. Ang galing naman kasi niya. Sinabi ba naman niyang mahal niya ito?
The instant those words slipped out of her mouth, she realized the big boo-boo she committed. Dahil doon, mas lumayo pa ang distansiya nito sa kanya. Malayo na nga ang distansiya nito sa kanya, mas lumala pa. And it was all her fault. Her and her big mouth.
Hindi talaga ako makapaniwalang nasabi ko iyon sa kanya!! gigil na napatili siya sa sarili.
Tandang-tanda pa niya kung paano nanigas si Daniel sa kinatatayuan nang nasabi niya ditong mahal niya ito. Malamang ay nangatog ito sa takot kagaya ng pangangatog niya noong tumawid siya sa hanging bridge. At nang marating naman nila ang bangka at nakasakay na silang dalawa ay nanatiling naka-on yata ang force field na nasa pagitan nila.
Naghalo-halo ang kahihiyan at rejection sa katawan niya. Pero ang mas nangibabaw na emosyon ay ang sakit na nararamdaman niya. Kahit hindi man lantaran ang pag-reject nito sa kanya, ang pag-iwas nito ang malaking ebidensiyang wala na siyang iba pang aasahan dito kundi rejection. Mukhang hindi lang nito alam kung papaano sasabihin sa kanya ang mga dapat sabihin nito nang hindi siya nasasaktan.
"Kath!" Narinig niya ang katok na iyon ni Vicky sa labas ng bathroom.
"Bakit?"
"Mag-iisang oras ka na diyan. Hindi ka pa ba tapos?" tanong nito.
"Oo na. Tapos na ako," aniya at tumayo na sa bath tub. Dahan-dahan siyang lumabas sa tub at isinuot ang bath robe. Saka lang siya lumabas ng bathroom. Sinalubong naman siya ni Vicky sa pintuan.
"May problema ka na naman," bungad nito sa kanya.
Nilagpasan niya ito at dumiretso sa dresser sa hotel room na iyon. "Wala naman akong problema."
"Huwag ka ngang magsinungaling sa akin, Kath. Alam kong may nangyari sa inyong dalawa ni Daniel nang binalikan ka niya. Anong nangyari sa inyo?" persistent na tanong nito.
"Wala nga," aniya.
"Teh, sabihin mo na sa amin. Gagaan ang pakiramdam mo kapag sinabi mo sa amin. Sige na," pagko-convince din ni Mike sa kanya.
Nagbuntong-hininga muna siya bago hinarap ang dalawa.
__________
Mag-isang naglalakad si Daniel sa tabing-dagat at waring may iniisip. Kagagaling lang niya sa isang restobar sa vicinity ng resort. He was drinking dahil akala niya, sa pag-iinum ay makakalimutan niya ang kanina pa bumabagabag sa isip niya. Iniisip niya kasi ang nangyari sa kanila ni Kath sa isla. Iniisip niya ang biglang pagtatapat nito sa kanya na mahal siya nito.
Feelingero ka naman, DJ. Baka nadala lang sa emosyon niya si Kath kaya nasabi niya iyon.
Iyon ang parating pinapaniwala niya sa kanyang isipan. Ayaw sana niyang bigyan pa ng iba pang halaga ang pagsabi nitong mahal siya nito. Baka kasi talagang nadala lang ito sa takot nang tumawid ito sa hanging bridge at nang nakita siya nitong nakaabang ay hindi nito napigilang sambitin iyon dahil baka feeling nito ay naging hero siya nito.
Pero iba, eh. May ibang feelings.
Talagang may nararamdaman siyang kakaiba nang sinabi nito iyon sa kanya kanina. He almost believed her. No, erase that. Somehow, he really does believe her. Pero hindi lang talaga niya alam kung papaanong mag-react. He didn't know how to respond to her.
Kaya nang nakabalik na sila sa bangka na sasakyan nila pabalik ng resort, hindi niya magawang tapunan ito ng tingin. Hindi na niya ito pinansin dahil maaalala na naman niya ang sinabi nito sa kanya.
"I love you."
Mula noong sinabi ni Kath sa kanya ang katagang iyon ay hindi na iyon mawaglit sa isipan niya. Iyon nalang ang parating nasa isip niya. He wanted to brush it off pero mukhang nai-stuck na talaga iyon sa utak niya.
"Kath, you're making me so confused right now," wala sa sariling nasambit niya.
Nang napagod na siya sa kakalakad ay napagpasyahan nalang niyang umupo na sa buhanginan. Hanggang sa mga oras na iyon, si Kath pa rin ang nasa isip niya. Mukhang ito nalang ang tanging nilalaman ng utak niya ngayon. Gusto sana niyang kausapin ito pero hindi naman niya magawa. Hindi niya alam kung bakit hindi. Maybe he ought to give it time. Naniniwala siyang mag-uusap sila ni Kath tungkol doon sa tamang panahon.
"Daniel." Narinig niya ang pamilyar na tinig na iyon.
"Danna."
"Ang lalim yata ng iniisip natin ngayon, ah. Ano ba ang iniisip mo? Ba’t parang ang lalim yata?" Naupo ito katabi niya sa buhanginan.
Nagbuntong-hininga siya. "Wala. Ine-enjoy ko lang ang view ng beach."
"Hmm," tatango-tangong sabi nito.
Ilang minuto rin silang binalot ng katahimikan nang bigla ulit itong nagsalita.
"Napagod ka ba sa taping ninyo kanina?" tanong nito.
Napatango siya nang bahagya. "Medyo napagod rin."
"Intense rin ang scenes na kinunan sa inyo ni Kath, eh. Especially the part where you and her kissed."
Sa pagbanggit nito iyon ay awtomatikong bumalik sa alaala ang nangyaring eksena nila ni Kath na iyon. He didn't know if it was that, but he did really felt fireworks when he kissed her. It was something he had never felt before. And he didn't know if it was a good or a bad thing.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo."
The thought of his kiss with Kath trailed off nang marinig ulit ang tinig ni Danna. Napatingin naman siya dito. He looked at the face of the girl she once fell in love with. Hindi niya alam kung kasing-tindi pa rin ang nararamdaman niya dito ngayon katulad ng sa noon. Pero ramdam niyang talagang may nag-iba na. Hindi lang niya alam kung anong bagay ang nag-iba sa kanila.
"Daniel naman. Pinagmumukha mo akong tanga dito." Nagpakawala pa ito ng mahinang tawa.
He used to loved that laugh of hers back then. Pero bakit ngayon, parang may ibang tawa na siyang hinahanap-hanap?
"Sige, ganito nalang. Tutal, hindi ka naman nagsasalita, ako nalang ang magbabahagi ng kung anong nasa isip ko ngayon. And you know what's that?"
Nanatili lang siyang nakatitig sa mukha nito.
Nagbuntong-hininga naman ito bago muling nagsalita. "You got me thinking that maybe that liplock of you with Kath back there sa scene ninyong dalawa was somehow real."
Nabigla siya sa sinabi nito. Talaga bang iyon ang dating ng eksena nila na iyon ni Kath sa ibang tao? Iyon din kasi ang sinabi ni Mark sa kanya.
"Opinyon ko lang iyon. I just wanna share. Kasi iyon ang nakita ko," dugtong pa nito.
Hindi naman siya na-offend sa sinabi nito. It's just that, somehow feeling niya tama din ang sinabi nito. Pero naguguluhan siya kasi hindi niya alam kung bakit pati siya ay kumbinsidong tama nga ang sinabi nito. Parang hindi siya makapaniwalang may iba na siyang nararamdaman na hindi man lang niya maipaliwanag.
"Daniel?"
Napatingin ulit siya sa mukha nito nang tinawag nito ang pangalan niya. May nag-iba na nga ba talaga? Mahal pa ba niya si Danna? Kasi parang hindi na niya maramdaman iyon sa sistema niya. Parang ibang pangalan na ang binubulong ng puso niya.
He didn't know what he was thinking pero naramdaman nalang niya ang sariling papalapit dito. He inched his face closer to Danna's. He wanted to kiss her. He wanted to kiss her because he wanted to know and prove something to himself. Gusto niyang malaman kung mahal pa ba niya ang babae. Gusto niyang mapatunayan sa sarili na mas matindi pa rin ang epekto ng halik nito kumpara sa epekto ng halik ni Kath sa kanya. Naramdaman nalang niyang napapikit na ang mga mata nito kaya ay napagaya siya dito. Gusto niyang damdamin ang pagkakataon na iyon.
__________
"What?" sabay na bulalas ni Vicky at Mike nang matapos ikuwento ni Kath sa kanila ang nangyari sa isla.
"Alam ko. Ang tanga ko!" Napadapa siyang napahiga sa kama.
"Wala nang mas tatanga pa sa iyo," narinig niyang komento ni Mike. “Ikaw na! Ikaw na talaga!”
"Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko talaga alam ang gagawin. Tulungan niyo naman ako," nagmamakaawang wika niya. Humarap siya sa dalawa and looked at them as if she was helpless.
Helpless naman talaga ako sa sitwasyon ko ngayon, eh.
"Kath, opinyon ko lang ito, ha? Pero ang mainam siguro mong gawin ay kausapin si Daniel," ang sabi ni Vicky sa kanya.
"Paano ko iyon gagawin, Ate Vicky? Wala na nga akong mukhang maiharap kay Daniel pagkatapos kong sabihin sa kanyang mahal ko siya," naiinis sa sariling turan niya.
"Well, there's no other way to it, Kath. Tutal, nasabi mo naman sa kanyang mahal mo siya, mas maganda nang linawin mo nalang ang lahat sa kanya ang totoo mong nararamdaman. Kesa para kayong mga tanga diyan na nag-iiwasan dahil sa nangyari. At kapag nangyari iyon, mag-iiba ang working relationship ninyo. Magiging off ang chemistry ninyong dalawa as a loveteam," wika pa ni Vicky.
"Tama nga naman si Ate Vicky, Kath. This is not just for the sake of your loveteam with Daniel. Para na din ito sa iyo, girl. Matagal mo nang itinatago sa sarili mo ang feelings mo para kay Daniel, hindi ba? It's about time na rin siguro na sabihin mo na sa kanya ang totoo," dugtong naman ni Mike.
"I'm not ready for this," napatulalang wika niya.
Lumapit si Vicky sa kanya. "Kath, ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka, hindi ba? Kailanman, may mga pangyayari talagang kahit na isang tangke pa ng lakas ng loob ang naipon mo na, hindi ka pa rin magiging handa."
Napatingin ito sa mukha niya habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.
"Pero kung hindi ka magiging handa ngayon, kailan pa? Kung kailan huli na ang lahat? Hindi ba't mas maganda na iyong nalaman niya ang tunay na nararamdaman mo kesa ang itago mo lang sa sarili mo?" dugtong pa nito.
Lumapit na din si Mike sa kanya. "Tama nga naman si Ate Vicky, Kath. In love, you really need to take risks in order for you to be truly happy. Kahit naman na talunan ka sa ending, at least masasabi mong lumaban ka, di ba? Iyon naman ang mahalaga, eh."
Tumango siya sa mga ito. Tama nga naman ang mga ito. Baka panahon na rin upang sabihin na niya kay Daniel ang matagal na niyang itinatagong damdamin para dito. Kaya nakapagpasya na siya ng dapat gagawin niya.
I'm gonna tell Daniel that I love him. And this time, gagawin na niya iyon with all her heart. At ipapadama niya dito na totoong-totoo ang nararamdaman niya.
__________
Kanina pa naglalakad si Kath at hinahanap si Daniel. Nalibot na niya ang kabuuan ng resort. Pati na nga ang lahat ng kasulok-sulokan ng resort ay napuntahan na niya para lang hanapin ito. Pero hindi niya pa rin ito nahahanap.
Nang pumunta ulit siya sa restobar ng resort ay laking pasasalamat nalang niya nang makita si Mark na nandoon sa bar. Madali niya itong nilapitan.
"Kuya Mark, have you seen DJ?" tanong agad niya dito.
"Ha? Hindi, eh. Pero I think, nandoon siya sa dagat ngayon. Try mo lang," anito bago ininom ang kopita ng alak na hawak-hawak nito.
"Sige, kuya Mark. Thank you," aniya bago ito iniwan at tinungo ang beach.
Malalaking hakbang ang ginawa niya para madaling marating ang dalampasigan. Gusto na niyang makita ito at makausap. Somehow ay nakapag-ipon naman siya ng sapat na lakas ng loob para sabihin dito ang dapat niyang sabihin. Natatakot kasi siyang kapag pinatagal pa niya ay bigla nalang huhupa ang lakas na loob na inipon niya at hindi pa niya masabi dito ang kailangan niyang sabihin.
Pero nang narating naman niya ang beach ay parang binuhusan yata ang buong katawan niya ng yelo. Napako siya sa kinatatayuan niya. Yes, she saw Daniel, alright. But she didn't expect to see him... kissing Danna on the lips.
Bigla naman sumikip ang dibdib niya. Feeling niya, natapon ang puso niya sa pinakailalim na bahagi ng dagat. It was drowning with pain. At kahit anong gawin pa niyang pagsisid sa ilalim ng dagat para masalba ito, wala na siyang magawa pa. Because it was drowning fast. At hindi na niya alam kung papaanong masalba pa itong muli.
She knew she had to get out of that place in an instant. So, she ran far away from that place as fast as she could. At habang mabilis na tumatakbo siya papaalis doon, mabilis namang tumutulo ang mga luha niya sa mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro