Chapter 21
Napabuntong-hininga si Kath habang inaabangan ang pagtila ng ulan. Kasalukuyan silang naghihintay sa pagtigil ng ulan para makauwi na rin sila sa hotel na tinutuluyan nila. Mabuti nalang at natapos nila ang dapat i-shoot nila sa araw na iyon nang nagsimulang bumuhos ang ulan.
"Kath, gutom ka na?" tanong ni Vicky sa kanya na tumabi sa kanyang upuan.
"Hindi pa, Ate Vicky," ang sagot lang niya dito.
"Kanina ka pa tahimik diyan?"
Napalingon lang siya dito pero iniwas agad ang tingin. Napatingin naman siya sa direksiyon ni Daniel. Nakaupo lang din ito sa isang sulok at naka-headphones, as usual. Katabi nito si Mark. Pero ang ipinagtataka niya ay hindi nito katabi si Danna. Nasa isang sulok lang ito at binabasa ang libro nito. Pero parang balisa ito at mukhang nakatunganga lang sa libro.
May nangyari kaya sa kanila?
Napatingin na naman siya kay Daniel and to her surprise, hindi niya inaasahang nakatingin din pala si Daniel kaya ay dali-dali naman niyang iniiwas ang tingin. Naramdaman niyang uminit ang magkabilang pisngi niya.
"You're thinking about that kiss again, aren't you?" narinig niyang nagsalita si Vicky sa tabi niya.
Mas pinamulahan pa siya ng pisngi sa pagbanggit nito niyon. Kanina pa niya pilit ibinubura sa isipan ang naganap na kissing scene nila ni Daniel. Hindi naman dahil hindi magandang experience para sa kanya iyon.
It was not what she was expecting it to be. It was more than what she expected... much, much more. Hindi niya aakalaing mararamdaman niya ang ganoong feeling during her first kiss, kahit nga lang eksena lang iyon. It was majestic, wonderful, magnificent... hindi niya alam kung papaanong ipapaliwanag iyon. Iyong feeling parang may mga maliliit na paru-parong lumilipad sa tiyan niya. Now she knows how that feels.
"Masarap ba?" kantiyaw naman ni Mike na nakisali na pala sa usapan nila.
“Pwede ba? Huwag nalang nating pag-usapan iyon," napatungong wika niya.
Napataas ang kilay ni Vicky. "Bakit ayaw mong pag-usapan, ha? Bakit?"
"Kasi wala naman talagang dapat pag-usapan pa," sagot niya dito.
"Ano, teh? May spark ba?" nae-excite pang tanong ni Mike.
"Spark?"
"Oo! Spark! Parang meralco, bah," pa-sarkastikong sagot nito.
Nagbuntong-hininga siya. "Huwag nalang nga nating pag-usapan, please?"
Napatayo nalang siya para makaiwas sa mga tanong nito.
"Guys, tumila na ang ulan. Makakaalis na tayo." May nag-anunsiyong isang crew na kasama nila.
Napahiyaw naman sa tuwa ang mga kasamahan niya. Akala na nila'y maii-stranded na talaga sila doon.
Hay. Salamat. Lihim ding napadasal siya.
"Pero hindi na tayo pwedeng dumaan sa dinaraanan natin kanina. Madulas na daw kasi ang daraanan doon at hindi na safe. Pero may ibang daraanan pa naman tayo. So, doon nalang daw tayo dadaan. Safe naman daw kaya wala tayong dapat alalahanin," dagdag pa nito.
Nagsihanda na ang mga tao para lumakad na at makauwi na sa hotel. Bago paman siya tumuloy sa paglakad, napatingin ulit siya sa kinaroroonan ni Daniel. Nakatayo na ito at nakasabit ang headphones sa leeg nito. Nakatulala lang ito at kung hindi pa ito tinapik ni Mark sa balikat, malamang ay hindi pa ito natitinag.
Ano kaya ang iniisip mo ngayon, Daniel?
__________
Nangangatog na ang mga tuhod ni Kath. Feeling niya, mga ten miles pa ang lalakarin niya para lang makatawid sa tulay na dinadaanan nila.
Akala ko ba, safe ang dadaanan namin. Bakit ganito? reklamo ni Kath sa isip. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng hanging bridge. Tinatantiya niya sa sarili kung papaano siya makakatawid sa tulay nang buhay pa.
Pero kahit naman na magreklamo pa siya nang magreklamo, wala na siyang magagawa. Iyon nalang kasi ang tanging paraan para makarating sila sa port area ng isla at saka ay makasakay ng bangka patungong Puerta Princesa proper.
Kung pwede lang na gapangin nalang niya ang kahabaan ng tulay, gagawin talaga niya iyon. Bakit pa kasi may fear of heights pa siya? Hindi tuloy siya makatawid sa hanging bridge. Hindi niya talaga kayang tumawid sa hanging bridge. Aabutin pa siguro ng isang taon bago niya marating ang kabilang dulo.
Sana nandito nalang si Daniel. Para may lakas nang loob naman akong tumawid.
Nagulat naman siya sa naisip.
Maghunusdili ka, Kath! Si Daniel agad-agad?
Oo nga. Bakit si Daniel kaagad ang naisip niyang taong pwedeng tumulong sa kanyang makatawid sa hanging bridge? Hindi ba pwedeng ibang tao nalang? Pero nahihiya rin naman siyang sabihin sa mga tao na may fear of heights siya. Kaya wala siyang magawa kundi ang magtapang-tapangan nalang doon.
Nauna nang tumawid doon sina Daniel at Danna. Pati na rin sila Vicky, Mike at Mark ay nauna na rin. Nag-alibi pa siya sa mga ito na magpapahinga lang siya saglit bago tumawid ng tulay kasi napagod siyang maglakad.
"Kath? Okay ka lang? Kailangan mo ng tulong?" Isang staff din na kasama nila ang lumapit sa kanya.
Puwede sana siyang humingi ng tulong dito pero she restrained herself. Nahihiya talaga siyang malaman ng mga tao na may weakness siya. At iyon ay ang fear of heights.
"No, I'm fine. Ano lang... napagod lang. Pero magiging okay na rin ako," sagot niya dito.
"Sigurado ka?"
Tumango lang siya dito. Tinapik nito ang kanyang balikat bago tuluyang umalis. Ngayon ay siya nalang talaga ang nag-iisang tumatawid sa tulay. Kung bakit ba kasi may fear of heights pa siya?
Pagkatapos niyang umusal ng isang buong rosaryo yata ay saka lang siya nagsimulang lumakad patawid sa tulay. Iyon na yata ang pinaka-worse na experience niya sa buong buhay niya. Nang akmang lulusong na siya ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Pakiramdam niya ay ang dulas-dulas na ng inaapakan niya. Nilalamig pa siya kaya mas lalo lang siyang nanginig. Pero kahit na ganoon, pinilit pa rin niya ang sarili. Dapat hindi siya nagpapatalo sa kahinaan niya. She would be brave and get through this.
Nang malapit na siya sa kabilang panig ng tulay ay saka naman humangin ng napakalakas. Dahil doon ay gumalaw ang tulay. Napatili't napaiyak siya sa takot. Feeling niya, mamamatay na siya anytime soon. Parang mababali na nga ang mga buto niya sa kamay dahil sa higpit ng pangungunyapit niya sa lubid na railings ng tulay.
Napatingin siya sa unahan. Hihingi sana siya ng tulong pero wala na siyang taong makita. Nauna na ang lahat ng tao at ni isang anino ay wala siyang mahagilap. She was losing hope. Mag-isa nalang siya doon. Feeling nga niya, kapag tuluyang bumagsak ang tulay, wala man lang makakaalam sa nangyari.
Saka lang niya nakita ang isang pigura ng isang lalaki sa dulo ng tulay.
Parang si Daniel. Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lang ba siya o ano. Malakas kasi ang ulan at humamog na sa paligid kaya hindi niya maaninag nang mabuti ang pigura.
But she quickly realized it was really him. Kilalang-kilala niya ang tindig nito. Kilalang-kilala ng puso niya si Daniel.
Dahil doon ay lumakas bigla ang loob niya. Nagkaroon ng ibayong lakas ang dibdib niya. Agad siyang naglakad patungo dito nang mabilis. Pagdating niya as kinaroroonan nito ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Parang na-drained lahat ng energy niya as katawan. Kaya naman, her knees collapsed from under her.
__________
Naging mabilis si Daniel. Bago pa mapasalampak sa lupa si Kath ay naalalayan na niya ito. Nanginginig pa ito, dala marahil sa takot at sa lamig. Nakakulong ito sa mga bisig niya. Umuulan pa rin pero mas mahina na kompara kanina. Nag-alala siya dito kaya ay hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit.
Nauna na siyang lumakad dito. Kasama naman kasi nito sila Vicky at Mike. Nang malaman niyang tatawid sila sa hanging bridge ay ito agad ang unang naisip niya. Alam kasi niyang may fear of heights ito kaya malamang ay matatakot talaga itong tumawid sa tulay. Pero dahil nga magkasama naman ito at sila Vicky, hindi nalang siya nag-abala pang alamin kung ano na ang kalagayan nito.
Nakasakay na siya sa bangka na magdadala sa kanila sa resort nang ma-realize niyang hindi kasama nila Vicky at Mike si Kath. Nang nagtanong naman siya sa mga ito, ang sinabi ng mga ito ay pinauna lang daw sila ni Kath dahil nagpahinga daw ito saglit. Nang tinanong niya sa mga ito kung kailan ang mga ito naghiwalay at nang malaman niya ang sinagot ng mga ito ay dali-dali siyang bumaba sa bangka para puntahan ito.
And he was right. Kasi naabutan niya ito sa gitna ng hanging bridge na takot na takot habang nangungunyapit sa takot sa lubid na railings ng tulay. Gustong-gusto niyang tumakbo patungo dito pero nang nakita niyang mabilis itong lumakad nang makita siya nito ay napako lang siya sa kinatatayuan. It felt like a million seconds had pass before Kath reached him. At nang napaluhod ito dahil sa takot, he couldn't help but reach out to her and hold her as tight as possible.
"Are you okay?" pag-aalalang tanong niya dito.
Tahimik lang itong tumango habang nakayakap pa rin sa katawan niya.
"Bakit ba kasi hindi ka nagpaalalay?"
"Hindi ako weak. At nakaya ko naman, hindi ba?" sagot nito. Ang tapang-tapang pa rin nito kahit na nanginginig na sa takot.
Isinandal nito ang mga ulo sa dibdib niya. It somehow gave a warm feeling in his heart kaya mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya dito.
He didn't know what he was feeling at that moment, pero kuntento na siyang nasa mga bisig niya ito. Parang hindi niya kayang bitawan ito kasi kung gagawin niya iyon, sigurado siyang hihilahin lang niya ito pabalik sa mga bisig niya.
"I love you." Out of nowhere ay naiusal nito iyon. She said it as if it was like a speed of lightning. Gusto niyang paniwalain ang sarili na hindi siya sure sa narinig pero hindi. Alam na alam niyang iyon talaga ang narinig niyang sinabi nito. Kaya naman nanigas agad ang katawan niya.
Oo, nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang tama niyang reaksiyon sa sudden confession nito. Hindi siya nakagalaw. Hindi niya mahalungkat sa isip kung ano ang sasabihin dito. Nag-blangko ang isip niya.
Nang makahuma sa pagkagulat ay saka lang siya nakapag-isip ng tuwid. Banayad na inilayo niya ito sa katawan niya saka ay tinitigan ito sa mukha. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil nakayuko ang ulo nito.
"Mabuti pa, lumakad na tayo. Baka akalain nila na may nangyari nang masama sa atin," aniya dito. Sa palagay niya, it was the safest words for him to say.
Nang hindi ito tumitinag ay tinalikuran nalang niya ito at nauna nang lumakad. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng sinabi nito sa kanya. Pero habang papalayo siya dito, bakit parang may ibang gustong gawin ang puso niya. Parang gusto nitong balikan niya si Kath at yakapin ito nang mahigpit, katulad nang ginawa niya dito kanina.
Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro