Chapter 20
"Kath? Are you okay?"
Napatingin si Kath kay Vicky na halos kasabay lang niya sa paglalakad. Nauna lang ito ng kaunti kumpara sa kanya.
Mahinang tumango lang siya dito.
"Are you sure?" paniguradong tanong nito.
"Yeah. I'm fine," simpleng sagot lang niya dito.
Kahit mukhang hindi pa ito masyadong kumbinsido ito sa sagot niya ay tumango lang ito. Nagpatiuna lang ito sa paglalakad kaya ay nahuli na siya dito. Nakarating na sila sa Ursula Island, pero they still had to walk miles para marating nila ang napiling location ng team. Nagpapasalamat siya at hindi masyadong mainit ang araw. Kundi ay alam niyang manggigitata lang siya sa init. But then, malaking tulong na rin sa kanya ang morena niyang balat. Dahil dito kaya hindi masyadong mamumula ang balat niya sa init.
Nang makaramdam na siya ng pagod ay tumigil muna siya sa paglalakad. She had to catch her breath. Athletic naman siya and her body is already immuned to those kinds of activities. Pero dahil din siguro sa dami ng iniisip niya, feeling niya ay drained na drained na siya. Both physically and emotionally.
"Okay ka lang, teh?" narinig niya ang tanong ni Mike sa kanya.
Tumango lang siya dito. Napapagod na siyang magsalita.
"Parang bumabagal ka na yata, ah," anito pa.
Kanina kasi, mas nauuna pa talaga siya dito. Mabagal kasi ang lakad nito kaya naman mas nauuna pa siya dito. Pero mukhang pagod na nga talaga siya dahil bumabagal na ang paglalakad niya.
"You want help?" tanong nito.
Umiling siya dito. "No. I'm fine."
Kumunot naman ang noo nito. "Is something wrong with you? Parang matamlay ka yata?"
"No. I'm just tired. I'm fine," sagot niya.
"Gusto mong magpatulong sa mga kasamahan natin? Mukhang kailangang-kailangan mo ng tulong, eh."
"Huwag na. Malaking abala na iyon."
Nag-isip ito saglit bago tumango. "Hmm. Sige. Sasamahan nalang kita."
Napangiti lang siya dito. Kaya ang ending, magkasama nalang silang naglakad ni Mike.
__________
Pagod na si Daniel. Don't get him wrong, sanay na ang katawan niya sa mga ganoong uri ng activities. He goes to the gym often to work his body up. He is also active in different kinds of sports like swimming, surfing, trekking, mountain climbing and many more. Trained na ang katawan niya sa mahahabang hiking na katulad niyon. Still, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagod.
"Ugh." Narinig niya ang mahinang ungol ni Danna na kasabay lang niya sa paglalakad. Kanina pa niya napapansing medyo nahihirapan na sa paglalakbay. Alam niyang hindi ito sanay sa mga ganoong uri ng activity. Hindi ito sanay maglakad nang ganoon kahabang lakarin. Naawa tuloy siya dito.
"Are you okay?" tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya and he can't help but pity Danna and her condition. Mukhang kinakapos na ang stamina nito sa katawan. Nanggigitata na ito kahit hindi naman masyadong mainit ang panahon. Pawis na pawis na ang noo nito at nagsimula nang mamula ang balat nito.
"You need a hand?" hindi niya maiwasang magtanong dito.
Danna helplessly looked at him. Para sinasabi sa kanya sa tingin na iyong tulungan niya ito dahil hindi na nito kaya pa ang maglakad pa. Kaya naman ay pumunta siya sa harapan nito at tumalikod dito.
“Climb on my back. Para hindi mo na kailangan pang maglakad, kakargahin nalang kita," aniya dito.
Agad namang tumalima ito at sinunod ang sinabi niya. Bahagya pang binaba niya ang tayo niya para mas madali itong makasakay sa likod niya. Nang nakapuwessto na ito ay saka lang niya ito kinarga. Nakapulupot naman ang mga kamay nito sa leeg niya.
When he started walking, nakabaon na ang ulo nito sa leeg niya. Naalala niya naman ang masayang nakaraan nila ni Danna. Madalas na nilang gawin ito... ang kargahin si Danna sa likod niya. And everytime he does, she always buries her head in his neck. Saka ito aamuyin ang cologne niya.
"You changed your perfume?" narinig niyang nagtanong ito.
Tahimik na tumango lang siya dito.
"You're not wearing the perfume that I used to like anymore," anito pa.
"Yeah. I changed it," wika niya.
"Why?"
Hindi niya alam ang sasagutin dito. Bakit nga ba siya nagpalit ng perfume?
"Sino ba ang nag-introduce sa iyo ng bagong perfume mo ngayon?" tanong pa nito.
Naalala naman niya ang babaeng nagbigay sa kanya ng perfume na iyon. Si Kath. He remembered she gave the perfume to him after she came back from the States. Nagbakasyon ito doon at sa pagbalik nito, may dala na itong regalo para sa kanya. It was a gray shirt with a batman sign print on the center of the shirt... and the perfume. He honestly didn't know why. Noon naman, hindi niya tipo ang mga ganoong type ng scent ng perfume. It was tropical ang light. Mas gusto niya ang wild at manly scent. Pero natagpuan nalang niya isang araw ang sarili na gumagamit na ng cologne na ibinigay nito. And eversince, iyon na ang ginagamit niya hanggang sa kasalukuyan.
"Ah... Si Kuya Mark," pagsisinungaling nalang niya dito. Ayaw niyang malaman nitong si Kath talaga ang nagbigay nito niyon. Somehow, he wanted to keep it a private and special information in her life.
Malayo-layo na rin ang nilakbay nila nang makita niya si Kath. Kasama nito si Mike at it seems that the both were still full of energy. Nag-eenjoy pa nga ang dalawa sa kuwentuhan ng mga ito at tila hindi iniintindi ang haba na na nilakbayan ng mga ito. It somehow amazed him.
May athletic side pala ang babaeng ito.
Lihim siyang napangiti. Napatuon naman ang atensiyon niya sa mukha nito. Naka-shirt at shorts lang ito at naka-rubber shoes. Simpleng-simple lang dating pero nagmumukha pa ring diyosa sa paningin niya.
Wait, what?
“DJ?" Narinig ulit niya ang tinig ni Danna sa may leeg niya. Nakiliti naman siya sa hatid ng mainit na hininga nito sa leeg niya kaya ay napagiwang siya at malapit na na-out of balance. Napatili naman agad si Danna.
"DJ! Ano ba?" Inihampas pa nito ang kamay sa braso niya.
Natawa naman siya dito. Para kasi itong bata kung maka-react. "Ikaw kasi! Huwag kang magsalita kapag nakabaon ang mukha mo sa leeg ko. Nakikiliti ako."
"Oo na! Sorry," anito bago muling ibinaon ang mukha nito sa leeg niya.
"Kung makipaglandian, wagas." Narinig niyang sabi ni Kath. It was just a whisper pero matalas talaga ang pandinig niya kaya ay narinig niya iyon.
Somehow, what Kath said made his heart smile. Nagseselos ba ito?
"Nakakainis," bulong pa rin nito. Hindi nito alam na nasa may likuran lang siya nito. Nakatalikod kasi ito sa kanya.
Lihim siyang napangiti.
Nagseselos nga si Kath.
__________
"Okay, Kath. You can do this. Deep breathing," mabilis na pagpakalma ni Mike sa kanya. Kasalukuyan siyang inaayusan nito para sa taping niya. Wala naman masyadong make-up. Light lang para hindi siya magmukhang maputla sa screen. Nakasuot rin siya ng gusot-gusot na damit. Kasi nga na-stranded sila ni Daniel sa movie, kaya ganoon ang ayos nila.
Sinunod niya ang payo nito. She did her usual breathing exercise para mapakalma niya ang sarili sa panginginig.
"Kath, huwag kang masyadong kabahan. Pinapahalata mo naman, eh na first kiss mo," mahinang sabi pa ni MIke.
Agad namang namula ang mga pisngi niya.
Shit. Shit. What to do? Nagpa-panic na wika niya sa isip. Oo nga at first time pa niyang mahalikan kung sakali mang matutuloy ang kissing scene nila ni Daniel. Kaya siya kinakabahan at natataranta.
What if Daniel wouldn't like my kissing?
Oh, the hell you care, Kath! anang isang bahagi ng isip niya.
Oo nga, the hell she cares? Hindi naman siguro big deal iyon.
Damn, Kath. It is! First kiss mo iyon!
Oo nga! First kiss niya iyon. At si Daniel pa ang makakakuha ng first kiss niya na iyon.
Shemay!
Wait, bakit ka kinikilig, Kath? Di ba, dapat mainis ka pa?
Bigla naman siyang natigilan sa naisip. Tama na naman ang utak niya. Dapat nga ay mainis pa siya kay Daniel at hindi kinikilig. Paano ba naman kasi? Sa harapan pa talaga niya naghaharutan ito at si Danna nang naglalakbay sila patungong location ng set nila.
Halos umusok na ang buong ulo niya sa inis nang makita itong karga-karga si Danna. Itong si Danna naman, nakabaon pa ang ulo sa leeg nito.
Oh, sige na. Sila na ang sweet. Pero c'mon! Harap-harapan ba talaga?
Naiinis talaga siya. So what naman kung alam na ni Danna na pagpapanggap lang ang lahat sa kanila ni Daniel? Still, she had no right to do anything she wants with Daniel. Hindi naman ang career nito ang masisira kapag malaman ng press ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Daniel. Maaapektuhan ang career niya, oo. But she cared less about that. Ang mas mahalaga para sa kanya ay ang career ni Daniel. Maaapektuhan iyon nang sobra-sobra. Hindi ba nito naiisip ang bagay na iyon?
Ang kitid ng utak ng Danna na iyan!
Wala na siyang pakialam kung nagiging maldita na siya. Kasi naman, hindi naman niya maiwasan. Kinakalaban na siya, eh. Magpapatalo ba siya? No. She is Kathryn Chandria Bernardo. At kahit kailanman, hinding-hindi siya magpapatalo kahit nino.
"Kath! Ready for taking na." Narinig niya ang sabi na iyon ni Vicky.
Okay, this is it.
Nanginginig ang tuhod na tumayo siya sa kinauupuan. Paano ba niya haharapin ang paghamon na iyon sa buhay niya?
Exag! Magkiki-kiss lang, hamon na talaga?
Aba'y siyempre! Hindi lang basta-basta kiss iyon, 'no. First kiss ko iyon!
Hindi na alam ni Kath kung anong iisipin. Masyadong marami nang sinasabi ang isip niya. Bipolar din yata ang utak niya at sari-saring emosyon nalang ang binubulyaw nito.
Mas nangatog pa ang tuhod niya nang nakita si Daniel na nakatayo na sa harapan ng lente at hinihintay na dumating siya.
"Ate Vicky," tawag niya dito na nasa likuran lang niya. Nakasunod kasi ito sa kanya.
"Bakit Kath?"
“Kinakabahan ako," nanginginig na tugon niya.
"Kaya mo iyan! Deep breathing, remember," paalala nito sa kanya.
She did her breathing exercise again.
"Go na. Naghihintay na si Daniel," anito nang natapos na siyang mag-deep breathing. Bahagyang itinulak pa siya nito papunta kay Daniel kaya ay napilitan na siyang lumapit kung saan ito naroroon.
Nakatayo lang ito habang nakayuko. Nilalaro ng paa nito ang buhangin. Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan niya bago siya tuluyang lumapit na dito.
Nang narating naman niya ang kinaroroonan nito ay saka lamang ito nagtaas ng tingin.
"Hi," mahinang bati nito.
"Hi." Hindi niya alam kung saang lakas pa niya nakuha iyon at binati pa niya ang binata. Feeling niya kasi, nagiging manhid na ang lahat ng katawan niya dahil sa kabang nararamdaman.
Mukhang nahalata nito ang pagka-uneasy niya. "Hey, Kath. Loosen up a bit."
Kahit na gusto niyang gawin iyon, hindi pa rin sumusunod ang katawan niya sa dikta ng utak niya.
"I promise. I'll be gentle. It would just be a peck," pagpatuloy pa nito. "Huwag ka lang gumalaw. Ako na ang bahala."
Dahil doon ay mas lalong nataranta pa ang buong sistema niya.
"Okay! Ready for taking!" sigaw ni Direk Mae.
Pumuwesto na si Daniel sa puwesto nito, pero hindi pa rin siya natitinag.
"Kath?" Narinig niya ang malakas na tawag ni Direk Mae sa kanya.
"Hey." Naramdaman nalang niya ang mahinang paghila ni Daniel sa kanya sa tamang puwesto niya.
"Okay, ready?" anang direktor nila.
Tumango lang si Daniel dito habang nakaestatwa pa rin siya.
"Lights... camera... action!"
Nagsimula nang mag-roll ng mga cameras sa paligid. Sa eksenang iyon magaganap ang kissing scene nila ni Daniel. Iyon ang inunang e-take para hindi na masyadong ilang pa kapag pinatagalan.
Dahil sa dami ng iniisip, hindi na namalayan ni Kath na nakalapit na pala si Daniel sa kanya. Walang maraming dialogues ang scene nila na iyon. It was just simply the kissing scene. Lumalakas ang kabog ng dibdib niya nang naglapat sa mukha niya ang kamay nito. It just felt so warm and nice. Awtomatikong napapikit siya habang dinadama ang magandang pakiramdam na hatid ng kamay nito sa pisngi niya.
"I love you."
Agad na napamulat ang mga mata niya sa narinig. Napatingin naman agad siya sa seryosong mukha ni Daniel. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang sinseridad and she swear to the heavens above, she could die any moment now. It was just too good to be true. Hearing him say those words just makes her wanna go melt.
Naramdaman nalang niya ang dahan-dahang paglapit ng mukha nito sa kanya. His eyes were now only inches away from her pero hindi niya pa rin maalis sa mga mata nito ang titig niya. He was also doing the same. Parang nag-magnet ang mga paningin nila at hindi nila mahiwalay ang mga iyon sa isa't-isa.
Kung kanina ay sobra ang kaba na naramdaman niya, ngayon naman ay sobra ang pananabik na nararamdaman niya. Nasasabik na siyang matikman ang halik nito. Kaytagal na niyang inaasam na mahalikan ang mapupulang labi nito. Yes, she's a fool for loving him. But given this kind of opportunity, talagang hindi siya makakapayag na palampasin lang niya iyon. She didn't care if she was a fool. Kahit ngayon lang siya magpaka-fool, wala siyang pakialam. Just let her have this moment.
Nang naramdaman na niya ang paglapat ng labi nito sa mga labi niya ay awtomatikong napapikit siya ng mga mata. His lips stayed on her lips for a second. And then suddenly, his lips started to move.
Oh no! Hindi ako marunong humalik.
But it seems like Daniel was an expert in this field. Kahit hindi pa niya maranasan ang mahalikan ng ibang tao, alam niyang talagang expert na si Daniel sa ginagawa. Paano ba naman? The moment he started passionately kissing her, she felt the fireworks above her head. Wala na yatang mas magical pa doon. Daniel was kissing him softy, passionately na wala siyang nagawa but ang matangay at malunod sa mga halik nito. It was a magical feeling. Sana ay hindi na matapos ang moment na iyon.
"And cut!" Natigilan siya sa pagsigaw ng direktor nila. Agad na napamulat siya only to find Daniel's seemingly confused look. Umalis din naman kaagad ito at lumapit kay Mark na nanood lang sa munting eksena nilang iyon.
And just then, all her senses came back to her system. She was carried away. She was carried away with her feelings with Daniel.
It was too good to be true. Too good for reality. Kasi sa totoong buhay, hinding-hindi mangyayari ang ganoon. Because she knew, she felt something back there when she and Daniel were kissing. May naramdaman siyang kakaiba at hindi niya lubosang mapaliwanag iyon.
"Kath?"
Napalingon siya kay Vicky na naghihintay sa kanyang kumilos na.
"Ate Vicky." Hindi niya namalayang may tumulo nang isang patak ng luha galing sa kanyang mga mata.
Agad na pinunasan iyon ni Vicky. "Kath, huwag dito. Madaming tao. Hold it for a sec and we'll find a safer place for you to cry in. Okay?"
Tumango siya dito habang pigil-pigil ang iyak na nararamdaman na niyang lalabas soon.
It was too good to be true. Too good for me to be true.
__________
Nalilito si Daniel. Hindi niya alam kung bakit naramdaman niya iyon. He just shot the most challenging scene in his entire life. His kissing scene with Kathryn.
"Pare, what happened back there?" tanong ni Mark sa kanya.
Hindi pa rin naalis sa mukha niya ang kunot ng kanyang noo.
"Anong nangyari?" tanong ulit nito.
"I... I honestly don't know," walang halong kasinungalingan na sagot niya.
"Wait. Did you...? Did you felt something back there?" Naka-plaster na sa mukha nito ang nunudyong ngiti.
"What do you mean by that something?"
"You know? Spark. Fireworks."
Natigilan siya. Yes, he felt it. He absolutely felt it. And he thought it was too good to be true. And indeed it was dahil pagpapanggap lang ang lahat. It was just a scene from a movie and not his life.
"You know, what? Sa tingin may ibang kahulugan na iyong halikan niyo ni Kath, eh. Parang... parang totoo. Parang hindi nalang eksena, eh," wika nito.
Kahit siya, iyon din ang iniisip niya.
"Ang kasunduan lang sa script ay smack lang ang gawin ninyo. But no, bro because you got it bad for her. Hindi mo natiis at talagang hinalikan mo na nga siya," dagdag pa nito.
Yes, he was fully aware of that. He was fully aware that he was beyond the line. Wala sa script ang gawin niya ang ganoong klaseng halik kay Kath. Now he suddenly felt guilty. He took Kath's first kiss. Without even asking her if it was okay with her.
"Naku, DJ. Iba na iyan," panunudyo ni Mark sa kanya.
Inignora lang niya ito at mabilis na tinungo ang tent niya. He needed to think clearly. And fast. Before his mind explodes because of his unexplained feelings. At isang tao lang ang nakapagparamdam sa kanya noon.
Ah, Kath! Ba't bigla ko nalang naramdaman 'to sa iyo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro