
Chapter 2
Hinawakan ni Daniel ang kamay niya habang nakahiga siya sa isang hospital bed.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang mangyari sa iyo. Mahal na mahal kita..." buong-pusong pahayag nito sa kanya.
She tried to stop herself from beaming. Pero kahit anong gawin niya, halatang-halata pa rin sa mga mata niya ang kilig.
"...Mikay."
Bigla siyang natauhan sa kahibangan niya. She again reminded herself to distinguish real from reel.
"And cut!" sigaw ni Direk Dado, ang direktor ng ginagawa nilang teleserye ni Daniel.
Agad na tumayo si Daniel sa kinauupuan at iniwan siya. Habang siya ay naiwang nakahiga pa rin sa kama. Kakatapos lang ng scene nila para sa teleseryeng ginagawa nila, ang Princess and I.
"Ang gentleman talaga," bulong niya sa sarili. Hindi pa talaga ako tinulungan.
"Kath," bati ni Mike, ang make-up artist niya, nang nakalapit na ito sa kanya.
"Hi Mike."
"Oh, bakit ang tamlay mo yata? Mukhang may sakit ka? Ano? Ipa-admit ka nalang namin dito sa hospital nang tuluyan?"
Kumunot ang noo niya. "Ano ba? Huwag ka nga."
"Hmm. Parang alam ko na kung bakit ka na naman nagkakaganyan," taas kilay na sabi nito. "Dahil kay Daniel, ano?"
"Shh. Quiet ka nga. Mamaya niyan, may ibang tao pang makarinig sa iyo," bulong na saway niya dito.
"Sus. Eh, alam ko namang feel na feel mo iyong eksena niyo kanina ‘no. Echosera! Pero in fairness ha, kinilig talaga ako doon," kinikilig na sabi pa nito.
Sumimangot siya. "Hindi 'no. As if naman. Kagwapuhan ba siya para kiligin ako kapag sinabihan noon?"
Tumaas ang kilay nito. "Hmm. Talaga lang ha?"
She just rolled her eyes. Kahit ano namang sabihin niyang panlalait kay Daniel, alam naman nitong may pagtingin siya sa ka-partner.
"Kath, magbihis ka na. Mag-uumpisa na raw ang scene mo with Quen, sabi ni Direk. Fifteen minutes nalang. Kaya mo ba iyon, Mike?" sabi ng isang staff sa kanila.
"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Of course! Ako pa. Yakang-yaka lang niyan sa akin, 'no," sabi naman ni Mike dito.
"Sige, ha. Sabi mo iyan,” anito kay Mike bago humarap sa kanya. “Kath, fifteen minutes,” sabi nito bago umalis.
"O siya, teh. Huwag mo munang isipin si fafa Daniel. Kung ako sa iyo, si fafa Enrique naman ang isipin mo. Para ma-feel din naman namin na may kilig factor din kayo," sabi ni Mike sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. Wala naman akong gusto kay Enrique. Ba't ako kikiligin?
__________
Napabuntong-hininga si Daniel habang nakaupo sa couch na nasa dressing room niya. Katabi niya si Mike na naga-iPad.
"Pwede na ba akong umuwi?" tanong niya dito.
"Nope. May isang scene ka pa with Kath. At tsaka, may story conference pa kayong dalawa," sagot nito.
"Story conference?" nakakunot-noong tanong niya dito.
"Oo. May movie na kayo ni Kath."
"Movie? Anong - anong movie?"
"Di ba nga, sobrang dami ninyong fans? Well, the management of ABS Network are planning to produce a movie starring your loveteam with Kathryn. Pare, magbi-big screen ka na."
He huffed. "Movie. With her."
"Pare, shouldn't you be excited? Mapapanood ka na sa sine. Magkaka-movie ka na."
"Oo nga. Pero, dobleng effort nanaman ang gagawin ko. Nakakapagod."
Binatukan siya nito. "Sira ka ba? Ba't pumasok-pasok ka sa mundong ito kung tatamad-tamad ka? Ang dami ngang tao ang may gustong pumuwesto sa kinatatayuan mo, eh. Tapos nagrereklamo ka?"
"Alam mo namang wala talaga akong hilig sa mga ganito."
"Oh, eh di anong nangyari sa 'ngayon ay natutunan ko nang mahalin ang trabaho ko'?" panggagaya ni Mark sa sinabi niya sa isa sa mga interviews na nagawa niya.
Tiningnan lang niya ito nang masama.
"Nandiyan si Kath, oh. Gawin mo siyang inspirasyon. Para gaganahan kang magtrabaho. Di ba, sabi mo naman sa mga interview mo na siya ang isa sa dahilan kung bakit gusto mo nang mag-showbiz? Dahil nagiging inspirasyon mo na siya? Totohanin mo iyang sinabi mo," sabi nito sa kanya.
Tumayo siya sa pagkakaupo at napagpasyahang umalis nalang doon.
"Hoy, DJ. Saan ka pupunta?" tanong ni Mark nang palabas na siya.
"Tawagin mo nalang ako kapag scene ko na. Magpapahangin lang ako," sabi niya dito bago tuluyang umalis.
__________
Natapos na rin ni Kath ang scene nila ni Enrique at sa kasalukuyan ay nagpa-pack up na ang staff and crews.
"Akala ko ba may scene pa akong gagawin with DJ?" tanong niya kay Mike nang lumapit siya dito.
"Wow, ha. Na miss mo na siya kaagad? Bago pa lang kayo nagka-scene, ah. Hinahanap-hanap mo na siya kaagad?" tukso naman ni Mike sa kanya.
"Mike, pwede ba?" sita niya dito.
"Oh, siya, siya. Sa pagkakaalam ko, bukas na raw ang taping ninyo ni DJ. Kasi naman, bigla nalang daw siya umalis. Eh, hindi nila mahanap. Kaya pinapa-bukas nalang ni Direk. At tsaka, mukhang uulan yata. So, uwian nalang," pagpapaliwanag ni Mike.
Nalungkot naman siya sa narinig. Ibig sabihin, hindi na sila magkikita na nito.
"Sus, huwag ngang ganyan ang mukha mo," sabi ni Mike sa kanya.
"Anong ganyan?" nagtatakang tanong niya dito.
Sinunod naman nito ang ekspresyon ng mukha niya.
"Nakasimangot?"
Taas-kilay namang tumango ito.
"Ba't naman ako nakasimangot?"
"Hmm. Tinatanong pa ba iyan? Ano? Gusto mong sagutin ko?"
"Huwag na," aniya dito at nagsimulang lumakad.
"Hoy, saan ka pupunta?" tanong nito.
"Magpapahangin," sagot niya bago siya tuluyang umalis sa studio.
Napagpasyahan nalang niyang pumunta sa roof deck ng compound. Kapag ganoong stress siya, hindi lang dahil sa trabaho kundi dahil na rin kay Daniel, doon siya laging pumupunta. Masarap kasi ang simoy ng hangin doon. Nakaka-relieve ng stress. At dahil nasa itaas nga, hindi mo masyadong maririnig ang ingay ng busina ng mga sasakyan. Kaya malaya siyang makakapag-isip nang tahimik.
Nang narating na niya ang roof deck ay lumapit agad siya sa puwesto niya. Dahil madalas na siyang pumupunta doon, may puwesto na siya doon.
Malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan niya nang may narinig siyang kalampag ng lata. Tumayo siya mula sa pwesto at lumapit sa kung saan niya narinig ang ingay.
Laking gulat nalang niya nang mamukhaan niya ang taong siyang dahilan ng ingay.
"DJ?"
Nakaupo ito sa isang gilid doon habang nilalaro ng paa nito ang isang lata ng softdrink.
Hindi niya alam kung narinig ba siya nito o hindi dahil hindi naman ito lumingon sa kanya.
"DJ," tawag niya ulit dito. Sa pagkakataong iyon ay napatingin na ito sa kanya. Kinuha nito ang earphones sa tenga nito.
Kaya pala parang hindi niya ako narinig. Kakainis!
Nang akmang lalapitan niya ito ay itinaas nito ang isang kamay nito as if to stop her from going near him.
"Ano bang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya dito.
"I should ask you the same question," sagot nito.
"This is my spot."
"And so is mine."
"Ganoon ba? Pareho pala tayo ng lugar na pinupuntahan kapag pagod na at stress sa trabaho."
Hindi lang ito umimik. Nilalaro-laro pa rin nito ang lata ng softdrink.
"Bakit ka nandito? May scenes pa sana tayo na dapat e-take."
"Kath, hindi ba dapat ito ang lugar na pinupuntahan kapag pagod na at stress sa trabaho?"
"Yeah, tama ka nga - "
"So, do you mind?"
Natahimik siya. Oo nga naman pala. Pumunta ito doon para makapag-unwind at mawala ang lahat ng stress na nararamdaman nito sa panahong iyon. At hindi siya nakakatulong doon.
"I'm sorry," pagpaumanhin nalang niya dito.
Simpleng tango lang ang ibinigay nito saka nito ikinabit ulit ang earphones sa tenga nito. Habang siya naman ay nakatanga lang doon habang pinapanood ito.
"So, I guess I'll leave you alone," sabi niya pero mahina lang. Parang wala naman itong interes na pakinggan siya.
Nagsimula na siyang umalis nang tawagin siya nito.
She hopefully beamed as she turned to him. "Bakit, DJ?"
"Pwede bang humanap ka nalang ng ibang puwesto mo?"
Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ayaw ko ng may ka-share ng puwesto ko," anito at nilagay ulit ang earphones sa tenga nito.
Napanganga nalang siya habang nakatingin dito. Galit na nagmartsa siya palabas ng roof deck.
"Bwisit! Bwisit! Akala mo naman sino siya kung makaasta," panggigil niya.
Bago pa siya lumabas ng roof deck ay tiningnan niya muli si Daniel. Nakapikit lang ito ng mga mata at nakakunot ang noo. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito.
Kung hindi lang talaga kita mahal. Naku!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro