Chapter 19
"Welcome to Palawan!!" sigaw ni Mike na nasa tabi lang niya.
Natawa lang siya dito. Para kasi itong batang binigyan ng lollipop. Ang saya-saya lang.
"First time kong makapunta ng Palawan and I am sooo egzoited!!" patuloy pa nito na ginaya pa talaga si Eugene Domingo sa pelikula nitong "Kimmy Dora". Kaya ay lalo tuloy siyang napatawa.
"Hoy, Mike! Tigilan mo na nga iyan! Para kang timang diyan, eh," natatawang sita ni Vicky dito.
Umirap naman ito. "Pabayaan niyo nalang nga ako. Eh, sa masaya ako, eh. Bakit ba?"
Nakangiting napailing nalang siya. Ito talagang si Mike.
"Ikaw, Kath? Anong nangyari sa iyo? Nang nasa Manila pa tayo, mas kunot pa sa bunot iyong hitsura mo. Pero ngayong nandito na tayo sa Palawan, mas maaliwalas pa sa umaga ang hitsura mo. Anyare, ha? May nangyari sa inyo ni fafah Daniel ano?" wika ni Mike na tinukso-tukso pa talaga siya.
"Ha?" pa-inosenteng wika niya. "Ako na naman ang nakita mo."
"Asus! In denial pa si bebe Kath. Anong nangyari sa inyo ni Daniel, ha? Sabihin mo sa akin!" Iniyugyog pa ni Mike ang mga balikat niya pero ang tawa lang niya ang nakuha nitong sagot mula sa kanya.
Nakarating na sila sa Palawan. Advance nang forty five minutes ang arrival nila kaya'y may panahon pa silang mag-relax bago mag-set up para sa taping nila. They were to stay in one of the hotels in Puerto Princesa before they head off to Ursula Island to shoot their stranded scenes.
"Ah, nasaan na pala si DJ?" natanong niya bigla.
Hindi niya kasi ito makita. Kanina lang, nang nag-landing na ang plane sa airport, sabay pa silang bumaba ng plane. Nang nasa baggage check-out area lang sila nagkahiwalay dahil nilapitan ito ni Danna. Kaya humiwalay nalang siya sa mga ito at pinuntahan sila Mike at Vicky. Maiinis lang siya sa mga ito kapag nagkataon.
Bipolar din yata ako. Tama nga naman si Mike. Before they left Manila, kulang nalang ay umusok ang bumbunan niya dahil sa inis. Pero nang dumating na siya sa Palawan, daig pa niya ang nanalo ng milyon-milyon sa lotto.
Bipolar nga yata ako.
May narinig siyang tawa ng babae. Nang mapalingon siya ay nakita niya si Danna na nakasukbit ang mga kamay nito sa braso ni Daniel. Si Daniel naman ay nakangiting nakayuko lang. Naglalakad ang mga ito sa kinaroroonan nila.
"Buti't walang mga paparazzis dito. Kung hindi, pinagpipiyestahan na silang dalawa ngayon," narinig niyang bulong ni Mike.
Inignora nalang niya ang komento nito. Pero tama nga naman ito. Mabuti't hindi ipinaalam ng team na may shoot sila sa Palawan. Kung nalaman iyon ng mga press, sigurado siyang dudumog ang mga iyon sa Palawan. At kapag nagkataon, talagang pagpipiyestahan ng mga ito si Daniel at Danna ng mga issue. At hinding-hindi siya papayag na mangyari iyon.
"Kath, let's go," tawag sa kanya ni Vicky. Nandoon na kasi ang mini bus na sasakyan nila patungong Hotel Centro. The trip will only take them a 10-minute drive from the Puerto Princesa International Airport.
Napaiwas siya ng tingin kay Daniel nang napatingin ito sa kanya. Sumunod naman agad siya kay Vicky na pumasok na sa mini bus.
Katabi niya si Vicky sa upuan habang si Daniel naman ay si Danna ang katabi.
"Huwag kang sumimangot diyan. Halata ka masyado, eh," bulong ni Vicky sa kanya.
Napaayos naman siya ng mukha. Pero kasalanan ba niyang kaya siya nagkaganoon ay dahil nagseselos siya? Hindi naman siguro, di ba?
"Chill ka lang, Kath. Makaka-score ka naman mamaya," anito pa.
Napatingin naman siya dito. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Mamaya na kasi nila ite-tape ang kissing scene nila ni Daniel. Pinamulahan naman agad siya ng pisngi.
"Wow, Kath. Mukha ka nang kamatis," natatawang asar ni Vicky sa kanya.
"Ate Vicky naman!" nahihiyang saway niya dito.
Pero tumawa lang ito nang malakas.
__________
"Hay, sa wakas! It's finally time for my beauty rest!" malakas na wika ni Mike sabay napahiga sa kama.
Naka-check in na sila sa hotel room na tutuluyan nila.
"Sayang! Sana roommates nalang tayo. Nakakabagot kapag mga boys ang ka-roommate ko, eh," sabi pa nito.
Kasi, Mike would be sharing one room with Mark and Daniel. Meanwhile, she and Vicky would be sharing one room.
"Share nalang tayo ng isang bed, ha, Ate Vicky?" tugon niya kay Vicky na tinatanaw ang magandang tanawin sa glass window ng room.
"Bakit? Takot kang si Danna ang katabi mo?" asar nito sa kanya.
She rolled her eyes. Yes, Danna would share one room with them.
"Ate Vicky, I'm not afraid of her," sagot lang niya dito.
"Hmm. We'll see," anito at natawa pa ng tumawa si Mike.
"Ano ba kayo? Hindi nga! Bakit ba ako matatakot sa kanya?" naasar na tanong niya sa mga ito.
"Oo nga. Bakit ka matatakot sa akin?"
Pare-parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang napatingin sila kay Danna na kasalukuyang nakatayo sa gitna ng hotel room. She was just standing there while her bags were placed on the carpet floor beside her. A smirk was plastered on her face. Nainis tuloy siya.
"Kanina ka pa diyan?" natanong niya dito.
"Yep. Kaninang-kanina pa," sagot din nito sa tanong niya.
Napatango nalang siya. So she heard.
Danna eyed the bed near the glass window. The bed that she wanted for herself.
"Is that bed taken?" tanong nito.
Bago paman siya nakasagot ay tinungo na nito ang kama at inilagay ang bag nito sa kamang iyon. Napataas ang kilay niya. So was Vicky's and Mike's.
"Actually - "
"Hindi kasi ako makatulog kapag hindi sa tabi ng bintana ang kama, eh. Kaya..." wika nito.
Naiinis man ay tumango nalang siya. Kaya wala siyang choice but to choose the other bed which was near the bathroom. At iyon ang pinaka-ayaw niyang lulugaran ng kama. Because she knew that someone would wake up in the middle of the night and use the bathroom. And she hates it when her sleep will be disrupted because of the loud flushing of the toilet.
"Kath, gusto mo dito nalang sa kama ko?" tanong ni Vicky sa kanya. Katapat lang kasi ang kama nito sa pinili ni Danna. It was also near the glass window.
"Hindi na, Ate Vicky. Napili mo na iyan, eh. It's alright," sagot niya dito.
Narinig naman niyang napatawa si Danna. When she looked at her, nakita niya ang pagiling-iling ng ulo nito habang inaayos nito ang mga damit sa kama.
"Lalabas muna ako, Ate. Halika, Mike. Punta tayo sa restobar," aya nalang niya kay Mike para pigilin ang namumuong inis sa kalooban niya.
Tumayo naman agad ito at dali-daling lumabas ng kwarto. Napasunod lang siya dito.
"Grabe, teh! Napakataray pala ng babaeng iyon. Jusko! Tumataas ang dugo ko sa kanya," naimbiyernang wika ni Mike nang patungo na sila sa restobar.
Napatawa nalang siya nang malakas habang papasok na sila ng elevator.
__________
"Do you think Kath and Danna would survive sharing one room?" narinig ni Daniel na tanong ni Mark sa kanya.
They were in their room now at inaayos niya ang mga gamit niya. Their room was only three doors away from Kath's room. Somehow, alam niyang magkakagulo ang dalawa. But still, he just keeps on praying that won't happen.
"Hopefully," ang nasagot lang niya dito.
With Kath and Danna sharing only one room, he couldn't imagine. Alam na ni Danna na nagpapanggap lang sila ni Kath. That what he felt for her and her for him was a lie. Na wala naman talaga silang relasyon ni Kath but professionalism. That the only thing that connects the both of them is their job.
"Paano kaya kung malaman ni Kath na alam na pala ni Danna ang lahat tungkol sa inyong dalawa?" tanong na naman ni Mark.
Honestly, hindi niya naisip iyon. Hindi niya naisip kung anong magiging reaksiyon ni Kath once malaman nitong may alam na pala si Danna sa lahat ng kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa. What would Kath look like to Danna when Kath acts like she's so madly in love with him?
"Ewan."
Napailing lang ito ng ulo. Alam niyang hindi ito pabor sa desisyon niyang kunin si Danna as his stylist. Ang katwiran nito, magkakagulo lang ang lahat. When the press would know that Danna was his ex-girlfriend at stylist pa niya, siguradong pagpipiyestahan ito ng mga press. Which is the one thing that he wouldn't like to happen. Pero hindi niya alam kung bakit napapayag siya nitong kunin nalang itong stylist niya. Was it because of his urge to be with her? Or was it because of something else that he can't name?
"Alam na din ni Kath na ex-girlfriend mo si Danna. Ano nalang kaya ang iisipin niya?"
Alam na niyang itatanong iyon ni Mark. Mark has always seem to favor Kath and what she would be feeling because of his indecisive choices.
"Wala na akong pakialam. And I want to sleep. Kaya puwede ba? Mamaya nalang iyang twenty questions mo kasi wala ako sa mood makipaglaro sa question and answer portion mo," he said with finality.
He knew he was being rude but he didn't want to be confronted with those kinds of questions. Naiinis kasi siyang mag-isip ng pwedeng isagot sa mga tanong na iyon.
"Fine," tatango-tangong sabi nalang nito. Saka lang ito lumabas ng kwarto at tuluyang naiwan siyang mag-isa.
Pabagsak na napahiga siya sa kama. He never felt that tired in his entire life. He was mentally drained.
__________
Nakaupo sa buhangin si Kath habang nakatanaw sa dagat na nasa harapan niya. After having a little drink with Mike, she decided to go to the beach and just sit there and let her mind loose. Si Mike naman ay nasa restobar pa rin at umiinom habang nakikipaglandian sa mga lalakeng nakilala nito doon.
"Hey."
Napatingin siya sa taong umupo sa tabi niya sa buhangin.
"Danna."
"Do you mind?"
"No, of course."
Bahagyang ngumiti ito sa kanya.
"I never get the chance to formally introduce myself to you," anito ilang saglit ang lumipas.
“But.... I already know you - "
"Formally, Kath. Hindi pa talaga ako nakapagpakilala sa iyo ng maayos," putol nito sa sasabihin niya.
Tumango naman siya dito.
"Danna." Inilahad nito ang kamay nito sa kanya.
Tinanggap naman niya ang kamay nito. "Kath."
"I'm DJ's ex-girlfriend."
"I'm DJ's... p-partner."
Napatawa naman ito ng mapakla.
Napatingin siya dito. "Bakit?"
Danna shrugged her off. "Wala."
"No. Tell me."
Nagkibikit-balikat ito. "It's just that... It's funny that you introduced yourself as DJ's partner and not his girlfriend."
"Because I'm not," simpleng sagot niya dito.
"But to your fans and to other people, you are?"
Napaiwas siya ng tingin. She stared out at the vast sea in front of her.
"Alam ko na."
Napatingin ulit siya dito. "Ang alin?"
"About you and DJ."
Napakunot ang noo niya. "What about us?"
"About the real score between the two of you."
Nagulat siya sa sinabi nito. Paano nito nalaman? Sinong nagsabi dito? She wanted to ask those questions to Danna. Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa.
"That's why I'm telling you, Kath, that you can't fool me. Alam kong nagpapanggap lang kayong dalawa ni DJ. And you know what else? Nagdurusa ngayon si DJ because of that little stupid act that you both have to play."
She was speechless. Hindi siya makahanap ng maisasagot dito.
"Nagsasalita ako sa iyo ngayon, babae sa babae. Kath, I love DJ. Mahal na mahal ko siya na kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. I will take him away from you if that's what it takes to have him back. I can do that, Kath. Pero alam kong mahihirapan si DJ kasi he needs to do this for the sake of his love for his job and for his family."
She had to blink her eyes a lot of times to understand what Danna was trying to say. "What's your point?"
Nagbuntong-hininga ito bago mataman siyang tiningnan sa mga mata niya. "Let him go, Kath. If not for me, but for him. Alam kong mahal mo siya. Nararamdaman ko iyon. Nakikita ko iyon sa mga mata mo."
Her eyes were starting to tear up. This was a hundred times harder than what it was before. Nasasaktan siya. Because she knew na tama ito. She knew that she had to let Daniel go because she is not his happiness. Danna could give Daniel the happiness that he wanted... that he deserves.
Let him go, Kath. Kaya niya ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro