Chapter 18
Dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong pag-uusap ni Kath with Daniel sa roof deck. At simula noon, hindi na sila nakapag-usap muli ni Daniel. Nasasaktan man ay hindi nalang niya ininda iyon. Pagod na pagod na ang kalooban niya sa pasakit na pinagdadaanan niya dahil kay Daniel.
"Kath?"
Napalingon siya kay Vicky na katabi niya sa van. They were on their way to the airport for their flight to Palawan.
"Hmm?"
Hinaplos nito ang noo niya. "Okay ka lang?"
Tumango siya dito. "Oo naman. Bakit mo naitanong?"
"Eh, kasi naman, kanina ka pa nkatulala diyan. Para ka nang zombie. Anyare teh?" singit ni Mike na nasa front seat ng van.
"Ha? Ah, wala. May iniisip lang ako. Pero wala ito," she brushed them off.
"Si Papa Daniel na naman?" tanong ni Mike.
Iniwas lang niya ang tingin sa mga ito at itinuon ang tingin sa labas ng van. Kahit naman na mag-deny pa siya tungkol doon, hindi naman maniniwala ang mga ito. Alam naman niyang kahit hindi niya sabihin, halatang-halatang si Daniel talaga ang iniisip niya. Wala naman kasi siyang ibang iniisip. Si Daniel lang.
Hindi na rin naman siya tinanong pa ng mga ito. Naging tahimik na rin ang mga ito sa buong biyahe. Laking pasasalamat lang niyang hindi pinipilit ng mga ito ang isang bagay na ayaw niyang pag-usapan.
"Halika na, Kath," tugon ni Vicky sa kanya nang narating na nila ang airport.
Nakababa na si Mike sa van. Tinutulungan nito ang driver na ibaba ang mga maleta nila.
"Nasa loob na sila Daniel at sina Direk Mae. Tayo nalang ang inaantay nila," wika ni Ate Vicky nang nakababa na siya sa van. Simpleng tango lang ang isinagot niya dito.
Nang naibaba na ang lahat ng gamit nila at nailagay na sa baggage cart ay pumasok na sila sa airport. Sabay na tinungo nila ang passenger area ng assigned terminal nila para sa eroplanong sasakyan nila patungong Palawan.
"And look who's here," narinig niyang bulong ni Mike sa kanya nang narating na nila ang passenger area. "Parang bantay lang eh, 'no?"
Napatingin naman siya sa tinutukoy nito. And yes, indeed. Nakita na niya ang "bantay" na tinutukoy ni Mike. She saw Daniel sitting in one of the benches in the area. Naka-shades ito at may naka-plug na headphones sa tenga nito. Habang sa tabi nito, nakaupo si Danna at may binabasang libro. Kitang-kita pa niya ang pasulyap-sulyap nito kay Daniel.
"Good morning, Kath!" bati sa kanya ni Direk Mae nang nakita siya nito.
Ningitian niya ito at binati rin. "Good morning, Direk Mae!"
"May 30 minutes pa before tayo magcheck-in. Maupo muna kayo," imporma nito.
"Salamat po," wika niya.
Napatingin-tingin si Kath sa mga benches. Halos occupied na ang lahat ng benches maliban sa isang bench. Sa kamalasan niya'y sa bench pa na katapat sa bench na inuupuan ni Daniel ang siyang vacant lang. Still, nagbabaka-sakali siyang may mahanap pa siyang vacant na bench. Pero nang napagtanto niyang wala na talagang ibang upuan, she had no choice but to sit at that unlucky bench.
Nakasunod na umupo sa kanya sila Mike at Vicky. Wala silang kibuang lahat. Kahit si Daniel, hindi siya tinitingnan. Mukhang tulog yata ito kaya ito naka-shades. Si Danna naman, deadma rin sa kanya. Ni bati o ngiti nito ay wala siyang natanggap. Patuloy lang ito sa pagbabasa ng libro habang lihim na pasulyap-sulyap kay Daniel.
"Bahala kayo sa buhay niyo," bulong niya.
Narinig pala siya ni Mike. "Huwag masyadong magpahalata teh," bulong din nito sa kanya.
Lihim nalang siyang napabuntong-hininga.
__________
Kanina pa napapansin ni Daniel si Kath na napapasulyap sa gawi niya. Nasa airport sila while waiting for the check-in time nila para sa flight papuntang Palawan. Nakaupo ito sa bench na katapat ng bench na inuupuan niya. Hindi niya alam kung alam ba nitong nakatingin siya dito o ano. Buti nalang at naka-shades siya kaya hindi siguro nito nahalata iyon.
"DJ," narinig niyang tawag ni Danna sa kanya. Nakaupo ito katabi niya. Tumabi kasi ito sa kanya kaya wala na rin siyang magawa.
"Hmm," mahinang sagot niya dito. Hindi siya tumitingin dito at patuloy lang na minamasid si Kath.
"Tabi tayo mamaya sa eroplano, ha?"
Hindi na siya sumagot pa dito. Hindi niya alam kung bakit pero parang wala siyang ganang makipag-usap dito. Napatingin na naman siya kay Kath. Nakasimangot ito habang tinatapunan ng masasamang tingin si Danna. He had to gather up all his wits to refrain himself from smiling.
Ang cute talaga ni Kath mainis, naisip niya. Pero ibinura din naman agad niya ang naisip sa kanyang utak.
Nakita niyang napasulyap ulit si Kath sa kanya. Ilang saglit lang ay kinuha nito ang earphones nito at shades. Inilagay nito ang earphones nito sa tenga at saka ay isinuot nito ang shades.
Ang ganda, isip niya habang ine-enjoy ang magandang view niya.
"Calling all passengers of Flight PR 9021, Manila to Puerto Princesa, your plane is now boarding." Narinig niyang announcement sa terminal. Napatayo naman agad ang mga pasahero habang inaayos ang mga gamit ng mga ito. Nakita rin niyang napatayo si Kath kasabay nila Mike at Vicky.
"DJ, boarding na daw. Halika na," aya ni Danna sa kanya na napatayo na rin.
Inalis niya ang headphones sa tenga at napatayo na rin. Tahimik na naghihintay si Danna sa kanya habang inaayos ang mga gamit niya. Nang naayos na niya ang bag niya ay ngumiti si Danna.
"Let's go?" anito.
Napasulyap siya kay Kath at nakita itong nakatingin sa kanya. Hindi niya napigilan ang pag-ngiti.
"DJ?"
Napatingin naman siya kay Danna. Napatango nalang siya dito. "Let's go."
__________
Inis na inis na si Kath habang nakatingin kina Daniel at Danna. Kulang nalang ay lagyan ang dalawa ng tali dahil hindi na nalalayo ang mga ito. Kung nasaan si Daniel, nandoon din si Danna. And vice versa. Naiinis siya Sobrang naiinis siya.
"Selos?" tanong ni Mike sa kanya. Kasabay niya itong naglalakad papuntang check-in area.
"Hindi 'no," pagkakaila niya dito.
"Ah.. Kaya pala kung makatingin ka kay Danna, kulang nalang ay may lumabas na laser diyan sa mga mata mo dahil sa sama ng tingin mo sa kanya," asar nito.
"Ano ka ba? Sinabi nang wala, eh."
"Eh, di huwag! Naku. In denial masyado," pailing-iling na sabi nito.
Inignora nalang niya ang komento nito at tumuloy na sa pagcheck-in sa eroplano. Nang nakapasok na siya sa eroplano ay dali-dali niyang hinanap ang seat number niya.
"Hello, Miss Kathryn," bati sa kanya ng isang stewardess.
"Hi!" ngiting bati rin niya dito.
"Do you need any help?" tanong nito.
"Uhm, I can't find my seat number," sagot niya dito.
"May I?"
Ibinigay niya dito ang plane ticket niya saka lang siya nito iginiya sa tamang direksyon.
"This way, Miss Kath,"
Sumunod lang siya dito hanggang sa narating nila ang upuang designated para sa kanya. Pero laking gulat nalang niya nang makita kung sino ang katabi niya. Nang napatingin naman ito sa kanya ay halatang nagulat din ito. Pero umayos naman ito at umiwas ng tingin sa kanya.
"Ah, Miss," tawag niya sa stewardess na paalis na sana.
"Yes? Do you still need anything?"
"Ah, wala, wala. Ano kasi..." Napabuntong-hininga siya.
Nagtataka namang nakatingin ang stewardess sa kanya.
"Is it possible if I could transfer to another seat?"
"Bakit po? May problema po ba sa upuan ninyo?" tanong nito.
"Ah, no. Wala naman. Ayoko lang kasi dito... sa lugar na ito. Feeling ko, masusuka ako dito. Hindi ba pwedeng sa may bandang unahan lang ako umupo?" pagrarason niya.
"For a while, Ma'am. I'll consult it with the head steward," anito at umalis saglit. May nilapitan itong crew din ng eroplano. Inip na nakatayo siya doon habang hinihintay itong bumalik para sagutin ang tanong niya.
"Choosy." Biglang narinig na lamang niyang sabi ni Daniel. Masama ang tinging ipinukol niya dito pero hindi naman ito nakatingin sa kanya. Kaya ay hindi nalang niya ito pinansin at naghintay nalang sa stewardess.
Nang sa wakas ay nakabalik na rin ang stewardess.
"So?" tanong niya dito.
"I'm sorry, Ma'am, pero hindi po kasi pwedeng lumipat ng ibang seat. All seats are already reserved at kailangan pong nasa proper seat number kayo para malaman namin kung sino ang hindi naka-board ng plane. Pero kapag naka-take off naman ang flight, okay naman po kayong lumipat. That is, kung may bakanteng upuan pa," imporma nito sa kanya.
Nadismaya naman siya sa sinabi nito. "Ganoon ba?"
"Yes. I'm sorry, Miss Kath," anito.
Napatingin naman siya kay Danna na nasa di-kalayuan lang ang upuan. Nakatingin ito sa kanya. Alam niyang naiinis ito based na rin sa ekspresyon nito sa mukha.
"Miss," tawag uli niya sa stewardess.
"Bakit po?"
"Pwede po bang makipag-exchange nalang po ako ng seat?" tanong niya dito.
"Ah - "
Sasagot na sana ang stewardess ngunit nagsalita naman si Daniel. "Huwag na, Miss. Okay na siya dito."
Inis na napatingin siya kay Daniel.
"Sorry sa abala, Miss. Okay na kami. Makakaalis ka na," dagdag pa nito.
Umalis naman ang stewardess kaya wala na siyang ibang choice kundi ang mapilitang umupo katabi nito.
Naiinis na napabuntong-hininga siya. "Ba't nakikisali ka sa usapang hindi ka naman kasali?"
Nakataas ang kilay na tumingin ito sa kanya. "Ba't ayaw mong tumabi sa akin?"
Shet. Shet. Shet. Hindi ko kaya ito.
"Para hindi ka na mahirapan pa, huwag ka nang mag-inarte diyan. Umupo ka nalang dito para matapos na ang drama mo," wika pa nito.
Naiinis talaga siya dito. Hindi ba nito ma-gets na ayaw nga niyang umupo katabi ito?
"Umupo ka na," utos pa nito.
Nagdadabog nalang niyang inilagay sa compartment ang bag niya. Pero nahihirapan siyang ilagay ang bag niya doon kasi hindi niya maabot iyon. Laking gulat na lamang niya nang tumayo si Daniel at kinuha ang bag niya mula sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" irap na tanong niya dito.
"Ilalagay sa compartment ang bag mo," sagot nito.
Hinablot naman niya dito ang bag niya. "No, thanks. I can manage." At pilit na nilalagay ang bag niya sa compartment, but to no avail. Talagang nahihirapan siya.
Narinig niyang napatawa ito ng mahina. "I can see that," asar naman nito sa kanya
She sighed. Wala talaga siyang magawa but to seek for his help.
"Fine," pag-surrender niya. "Kailangan ko ng tulong mo. Pakilagay ng bag ko sa compartment."
Ibinigay niya dito ang bag niya pero tinaasan lang niya ito ng kilay.
"Ang sabi ko, pakilagay ng bag ko sa compartment," pa-ulit na sabi niya dito.
"Don't you have some manners?" naiinis na tanong nito.
"What?"
"Say the magic words," anito.
"Anong magic words-magic words na pinagsasabi mo diyan?"
Nagkibit-balikat lang ito. She was really starting to get pissed. Inuubos nito ang pasensiya niya.
"Okay, fine. Uhm... you're so hot, Daniel Padilla?" sabi niya dito.
Hindi niya inaasahang tatawa ito ng malakas. Napatingin pa nga ang ibang pasahero sa kanila.
"What? Why are you laughing?" tanong niya dito.
"Alam ko nang hot ako, pero hindi ko inaasahang sasabihin mo sa akin iyan," tatawa-tawang sabi nito.
"What? You said I should say the magic words, right? Hindi ba iyon?" nakakunot-noong tanong niya dito.
"I was referring to the word "please". That's the magic word I'm looking for. Pero okay na rin iyon," nakangiting wika nito.
Naramdaman naman agad niya ang pag-init ng magkabila niyang pisngi. She was furiously blushing.
Nailagay na nito ang bag niya sa compartment at nakaupo na rin ito sa upuan nito pero naiwan pa rin siya nakatayo doon. She can't believe she just said that to him.
Nakakahiya!!
"Hey. Maupo ka na dito," anito sa kanya.
Napatingin naman siya dito. Alam niyang kitang-kita nito ang pamumula ng kanyang pisngi pero she tried to suppress her embarrassment.
Paupo na sana siya nang ma-realize niyang sa may bintana ang upuan niya.
Oh no. Nag-panic agad ang buong sistema niya. She was afraid of heights kaya ayaw niyang maupo sa may bintana.
"Kath?" Nahalata siguro ni Daniel na bigla siyang namutla.
"Ha?"
"Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong nito.
"Ah..." Gusto man niyang sabihin dito ang dilemma niya ay pinili niyang huwag nalang. Ayaw niyang pagtawanan siya nito dahil doon. "Wala, wala."
Tumango lang ito. Dali-dali siyang umupo sa upuan niya. Ramdam na ramdam niyang nagsimula nang magpawisan ang kamay niya sa kaba.
"Okay ka lang ba talaga, Kath?" narinig ulit niyang tanong ni Daniel.
Tumango lang siya dito pero hindi na tumingin. Ayaw niyang makita nitong nagpa-panic na siya doon.
"All passengers, please fasten your seat belts. We will be departing in 5 minutes," narinig niya ang announcement ng captain ng plane na iyon.
Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang seat buckle at nag-fasten ng seatbelt.
"Kath," tawag ni Daniel sa kanya pero hindi pa rin siya tumingin dito. Ayaw nga niyang makita nito ang mukha niyang halatang-halata na sa panic.
"DJ, please, huwag muna ngayon," pakiusap niya dito.
"What are you feeling?" tanong ulit nito.
"I'm afraid of heights." Out of nowhere ay nasabi niya dito iyon.
Naramdaman nalang niyang nagsimula nang gumalaw ang eroplano. Kaya ay napapikit nalang siya at nagdasal na malampasan niya sana ang pagkakataong iyon. Pero napamulat nalang ang mga mata niya nang naramdaman niyang hinawakan ni Daniel ang kamay niya. Napatingin naman agad siya dito.
"What - ?"
"Just close your eyes, Kath," anito. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Sakto namang nagtake-off na ang plane sa ground kaya naramdaman niya ang malakas na pag-uyog ng eroplano.
Impit siyang napatili dahil doon. Sobrang-sobrang kaba na ang nararamdaman niya. Feeling niya, any moment na ay pwede na siyang mamatay dahil sa sobrang takot. Pero parang nawala ang lahat nang iyon nang maramdaman niyang humigpit ang hawak ni Daniel sa kamay niya. Hindi na kaba ang nararamdaman niya. Ngayon, feeling niya nagto-tornado ang kalamnan niya sa tiyan dahil sa kakaibang feeling na iyon na hatid ng pagkadaiti ng kamay nito sa kamay niya. It sent butterflies to her stomach.
"Kath, open your eyes," narinig niyang sabi ni Daniel sa kanya.
"Are we safe?" tanong agad niya dito.
She heard him chuckled. "Yes. We are safe."
Malakas ang pinakawalan niyang hininga. Nalampasan rin niya ang kabang iyon. And a big part of it was thanks to Daniel.
"Thank you," pagpapasalamat niya kay Daniel.
"No problem. Hindi mo naman sinabing takot ka pala sa heights. Pwede sanang nagpalit nalang tayo ng upuan," nakangiting sabi nito.
For the first time in her life, ngayon lang ito ngumiti sa kanya nang ganoon. He gave her his genuine smile that she always hoped for.
"Halika, palit tayo ng seat," anito habang ina-unbuckle ang seatbelt nito at tumayo. Nang hindi pa siya kumilos ay ito na rin ang nag-unbuckle ng seatbelt niya saka ay itinayo siya para i-upo sa upuan nito. Saka lang ito umupo sa upuan niyang inookupa kanina.
"Salamat uli," sabi niya dito.
"No problem uli," sagot naman nito. Saka lang nito inilagay ang headphones nito sa tenga at tumingin na sa labas ng bintana. Kaya naman malayang-malaya niya ring tinatanaw ang mukha nitong naka-side view.
Hay. Kahit na ano pang gawin mo DJ, ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong ito.
__________
Nakatingin ngayon si Daniel sa nahihimbing na mukha ni Kath. Kanina pa ito nakatulog sa biyahe. Mas maganda na rin siguro iyon para hindi na nito maramdaman pa ang kaba habang nasa ere ang eroplano. Ngayon lang niya nalamang may fear of heights pala ito.
Tandang-tanda pa niya ang mukha nito nang nagpa-panic ito sa pagtake-off ng eroplano kanina. He was so worried about her na hindi na siya nagdalawang-isip na hawakan ang kamay nito. Napatingin naman siya sa kamay nito.
He never held her hands until that moment. Kahit sa mga mall shows nila, hindi niya hinahawakan ang kamay nito. Nakahawak lang siya parati sa bewang nito. He knew that holding someone's hands is a special reservation for that special person in your life. Ayaw naman niyang manakaw ang reservation na iyon dito para sana sa special person nito sa buhay. Para lang iyon sa magiging boyfriend nito ang reservation na iyon. Alam niyang hindi pa ito nagka-boyfriend ever since. Yes, he knew. She didn't know pero secretly, he reads the slum book of her life.
Napatingin na naman siya sa mukha nito. Himbing na himbing talaga ito sa pagtulog. Kitang-kita niyang nahihirapan na rin ito sa posisyon nito kasi nalalaglag na kasi ang ulo nito galing sa head rest. Out of nowhere, he pulled her head towards his shoulder. Isinandal niya ang ulo nito doon. At nang hindi pa nakuntento ay inayos pa niya ang sarili kaya ay hindi na sa balikat niya ito nakasandal, pero sa malapad na na dibdib niya. Ang isang kamay niya ay nakaakbay na dito.
Somehow, he didn't know why but he liked the fact that Kath was leaning her head in his chest. Gusto niya ang feeling na hinahatid ng ideyang iyon. He just doesn't know why. He just doesn't know why.
__________
Hindi inaasahang sa pagmulat ni Kath ng mga mata ay nakasandig pa siya sa isang malapad ngunit malambot na dibdib.
I knew I was just dreaming. Alam niyang nananaginip lang siyang nakasandig siya sa dibdib ni Daniel pero laking gulat niya nang malamang hindi lang pala panaginip iyon. Totoo na pala iyon.
Napatingin agad siya sa mukha ito. Natutulog ito habang nakasandal ang ulo nito sa head rest.
Shemay! Kahit natutulog, ang gwapo-gwapo mo pa rin. Shet! Kinikilig ako! Lihim na napatawa siya sa naisip. Hindi niya namalayang gising na pala ito at nakangiting tumingin sa kanya. Kaya ay dali-dali siyang umayos ng upo habang inaayos ang mukha. Baka naglaway na naman siya.
"Pasensiya ka na, Daniel. Ang kulit ko siguro habang natutulog ako. Ayan tuloy, napasandal ako sa dibdib mo," nahihiyang tugon niya dito.
Nakangiting tumango ito sa kanya. "Okay lang."
Iniwas naman niya ang tingin dito. Namumula na naman kasi ang mukha niya. Ayaw niyang mahalata nito ang pagba-blush niya.
"Sadya bang rosy cheeks ang pisngi mo?" narinig niyang tanong nito.
"Ha? Bakit?"
"Ang pula-pula kasi. Or make-up lang iyan?"
Nahihiyang napahawak siya sa pisngi niya.
Shet. Shet. Nahalata nito!
"Ha? Ah, rosy cheeks lang talaga ako," pagde-deny niya dito.
"Hmm. Okay," nakangiting tugon naman nito.
Tinanguan lang din niya ito. Ngumiti naman ito sa kanya.
Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya.
Shet. Tama na! Ayoko na! Ayoko nang kiligin! Shet!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro