Chapter 17
Pasulyap na tiningnan ni Daniel si Danna at lihim na napabuntong-hininga. Hindi malaman ni Daniel kung anong gagawin ngayong nandito si Danna sa kanyang harapan presenting herself as his stylist. Nakaupo ito sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa isang silya na nakaharap dito. Nakatayo naman si Mark habang nakaharap dito.
"Anong gusto mong mangyari, Danna?" tanong ni Mark dito.
Danna unbelievably looked at Mark. "What? So you think that I'm up to something kaya ko kinuha ang trabahong ito?"
"Wala na akong mahanap na ibang dahilan," sagot ni Mark dito.
Nakarehistro ang inis sa mukha nito. "You're unbelievable."
"Unbelievable? Look who's talking," sarkastikong sabi ni Mark.
Akmang sasagot pa si Danna dito pero pinigilan na niya ito.
"Enough," saway niya sa dalawa. Binalingan niya si Mark. "Pare, pwede bang iwan mo muna kami? kailangan naming mag-usap."
"But DJ - "
"Please lang," pagputol niya sa sasabihin nito.
Hindi man nito gusto pero pinagbigyan naman siya nito. Tahimik na lumabas ito ng dressing room. Pagkalabas nito ay saka lang niya hinarap si Danna.
"What? Iniisip mo rin ba na may masama akong balak kaya ako pumayag maging stylist mo?" inis na tanong ni Danna sa kanya.
"Danna - "
"O, sige. Ang totoo? Oo, pumayag akong maging stylist mo dahil gusto kong makasama kita. Gusto kong makita ka't marinig ang boses mo. Masama na ba iyon?"
"Wala naman akong sinasabing ganoon," wika niya.
"Eh, kung makapagbintang si Mark parang ang laking kasalanan na na nandito ako, eh."
Nagbuntong-hininga siya. "Hindi mo kasi naiintindihan."
"Anong hindi ko naiintindihan, DJ?"
"Madami!"
"Like what?" pasigaw na tanong nito.
"Like the mere fact that you shouldn't be here. That you can't be here." Tumaas na rin ang tinig niya dahilan para matahimik ito.
Napatingin siya sa mukha nito. Pain and sadness was registered all over her face. Naramdaman agad niya ang guilt sa ginawa niya. Nasaktan niya ito. Gusto niyang suntukin ang sariling mukha dahil doon.
"Danna..." mahinahong tawag niya dito.
"Wala na ba talaga, DJ? Wala na bang pag-asa ang tayo?" mangiyak-ngiyak na tanong nito.
Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga. "Ayokong masaktan ka."
"At sa tingin mo ngayon, hindi ako nasasaktan?"
"Kaya nga hanggang sa makakaya ko pa, dapat hindi na tayo magkikita. Ayokong nadadamay ka sa gulong ito."
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang braso niya. "DJ, kayang-kaya kong masaktan at paulit-ulit na masaktan. As long as kasama kita, kakayanin ko."
"Hindi ko kaya Danna. Hindi ko kaya. Lalong-lalo na kapag alam kong ako ang dahilan na nasasaktan ka."
"DJ - "
"One way or another, ganoon pa rin iyon. Ang magkabalikan tayo o hindi, pareho pa rin tayong masasaktan. Ayokong mangyari iyon."
A tear had escape from her eyes.
"I'm sorry, Danna."
Umiiyak na tumingin ito sa kanya. "No, DJ. Kahit na anong gawin mo, you can't get rid of me that easy. Alam kong matindi pa rin ang kapit ko diyan sa puso mo. I will be your stylist."
"Danna - "
"Hayaan mo nalang ako, please? Just let me be," anito at madaling umalis.
Napatitig siya sa kisame, saka ay napabuntong-hininga.
Ano na ang gagawin ko?
__________
Naglalakad na si Kath papuntang dressing room niya pagkatapos ng coffee break niya with Enrique. Nagpang-abot sila ni Vicky sa hallway ng ABS Network compound.
"Kath, saan ka nagpunta?" tanong ni Vicky sa kanya.
"Nag-coffee lang, Ate," sagot niya dito.
"Sino ang kasama mo?"
"Si Enrique."
Tumango lang ito pero hindi na rin ito nagsalita.
"Kath, siyanga pala. Sa Friday na ang alis ninyo papuntang Palawan para i-tape ang mga scenes ninyo ni DJ for the stranded scenes. Nasa akin na ang script. Pag-aralan mo nalang," narinig niyang imporma ni Vicky sa kanya.
"Thanks, Ate Vicky. Mamaya ko nalang aaralin. Gusto ko munang magpahinga," sagot niya dito.
"Kath, kung ano man ang iniisip mo, pwede mong sabihin sa akin. Mahirap iyang itatago mo lang ang nararamdaman mo. Alam kong naghihirap na ang kalooban mo ngayon. Mas mabuti kung i-share mo nalang kesa ikimkim mo diyan sa sarili mo."
"Hindi. Okay lang ako."
Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Kath, palalampasin ko ito. Pero kung handa ka na, sabihin mo sa akin ang ikinikimkim mo diyan," anito at itinuro pa ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Napahinto siya at napatingin dito. "Thanks, Ate Vicky."
Tumango lang ito at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Kailangang dumaan pa sila ng dressing room ni Daniel para makarating sa dressing room niya. Kaya nang napadaan na sila sa dressing room nito ay laking gulat nalang niya nang makita si Mark sa labas ng dressing room nito.
"O, Mark. Anong ginagawa mo dito sa labas ng dressing room ni DJ?" tanong ni Vicky dito.
Mukhang nagulat ito nang makita sila. "Ha? Ah, wala. Wala. Ano kasi... may kausap si DJ sa loob."
"Sino?" siya ang nagtanong dito.
"Ah - " Naputol ang sasabihin nito nang may biglang lumabas sa dressing room.
Danna?
Nakayuko ito at halatang umiiyak. Madali itong umalis doon. Hindi niya nakita ang mukha nito pero somehow, sigurado siyang si Danna iyon.
"Was that - ?" nagtatakang tanong ni Vicky kay Mark.
"Danna..." pagpatuloy ni Mark sa sasabihin nito.
Napatingin naman siya agad dito. Ngayong na-confirmed na ang hula niya, mas lalo siyang nasasaktan.
"Ah... I better go and check up on DJ," paalam nito saka ay pumasok na sa dressing room ni Daniel.
Nang nakapasok na ito ay dali-dali rin niyang tinungo ang dressing room niya. Hindi niya mapigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mata niya.
"Kath?" nag-aalalang wika ni Vicky sa kanya. Madali siyang hinabol nito.
"Ate Vicky." Napayakap nalang siya dito. Yumakap din naman ito sa kanya. Saka lang siya napahagulhol sa balikat nito.
"Shh," pag-aalo nito.
"Ate Vicky... Ayoko na. Ang sakit-sakit na," umiiyak na wika niya.
"Shh... Tama na, Kath. Tama na," anito habang hinahagod ang likod niya.
__________
"DJ. What happened?" Narinig niya ang tanong na iyon ni Mark. Nakapasok na ito ng dressing room.
Napatingin siya sa repleksiyon nito sa salamin. Nakatalikod kasi siya dito.
"Anong nangyari kay Danna? Ba't siya umiiyak?" tanong ulit nito.
Nagbuntong-hininga siya. "Wala akong ginawa."
Nagbuntong-hininga rin ito. "Bakit siya umiiyak?"
"I was just telling her the truth. Na kahit na magkabalikan kami o hindi, this would never work out."
Nilapitan siya nito.
"Alam kong kahit na ano pang gawin namin, hinding-hindi kami magiging masaya. Oo, mahal ko siya. At mahal rin niya ako. Pero hindi sapat iyon para maging masaya na kami. I understand the risks of having a relationship with her, and I'm not gonna take that risk. I don't want to hurt her."
"But you don't want to lose her, either," sabi nito.
"Mark, tell me. What should I do? Ano ang dapat kong gawin para maging madali nalang ang lahat sa amin?" tanong niya dito.
"DJ - "
"Kasi naguguluhan na talaga ako, eh. Parang gusto ko nang sumuko."
Umiling-iling ito. "DJ, kahit kailan, huwag kang magpapatalo sa problema. Lahat ng problema, may solusyon."
"But I can't find a solution on this one."
"Hindi pa sa ngayon, pero sooner or later, you will find a solution."
Napasuntok siya sa sariling binti.
Damn. Litong-lito na ako.
"Nakita nga rin pala ni Kath si Danna na lumabas sa dressing room mo," wika nito na nakapagpagulat sa kanya.
"What?"
"Yes. She saw Danna went out of your dressing room crying."
"Anong - anong reaksiyon niya?"
"She was shocked, probably," pa-sarkastikong sabi nito. "Makita ba naman niya si Danna na lumabas ng dressing room mo, eh, talagang magugulat siya. At tsaka, hindi ba't alam na niya ang issue. Malamang, mag-iisip iyon na tama nga ang isyu. Well, the part about you and Danna that is."
Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya."
"With Danna?" tanong nito.
"With Kath."
"Why?"
"Alam kong marami siyang katanungan ngayon. She probably hate me right now."
Tumaas ang kilay nito. "Well, after all you've put her through? Yeah. Probably."
Napamura siya. "Should I talk to her?"
"What do you think?"
Napapikit nalang siya ng mga mata. He knew now what he needed to do.
__________
Pumunta si Kath sa roof deck ng compound. She wanted to think. She needed to think. Think about Danna, Daniel, at ang nararamdaman niya para sa binata. Durog na durog na ang puso niya but she doesn't know why after all those pains she felt because of him, hindi pa rin niya magawang ihinto ang sariling puso sa pagmamahal niya dito.
Nagbuntong-hininga siya. If only he loves me. If only...
"Kath." Narinig niya ang pamilyar na boses na iyon sa likuran niya. Kahit na hindi pa siya humarap dito, alam na alam ng puso niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Tumikhim siya. "I'm sorry. I forgot. This is your spot. Hindi pala ako dapat nandito."
Tahimik na humarap siya dito, saka ay nagsimulang lumakad papuntang exit door ng roof deck. She was looking at the floor, with no intentions of looking directly at him. Pero nang napadaan na siya dito ay hinawakan nito ang kamay niya na siyang nakapagpahinto sa kanya.
"Kath, please. I need to talk to you," anito na hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.
She was still looking at the floor. "About what, DJ? Alam ko naman na ang lahat."
Naramdaman niyang humarap ito sa kanya. "Sige nga. Sabihin mo nga sa akin kung anong alam mo."
Naramdaman nalang niyang hinawakan nito ang baba niya at iniharap ang mukha niya dito.
"Sabihin mo sa akin, Kath," anito pa.
Napatingin naman siya sa mga mata nito. "Na nagkabalikan na kayo ni Danna."
Nanatiling composed ang mukha nito. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang guilt at confusion. Ibinaba nito ang kamay nito galing sa mukha niya saka ito nagbuntong-hininga.
"That is not true."
"Ang alin, DJ?"
"Na nagkabalikan na kami ni Danna."
Mapait na ngiti ang ibinigay niya dito. "Pero gustong-gusto mong magkabalikan kayo."
It was not a question, rather, it was a statement. Tahimik lang ito.
"And you can't be with her if you stay with me," pagpapatuloy niya dito.
"Kath, hayan ka na naman. Alam ko na kung ano ang sasabihin mo. Sasabihin mo sa aking "maghiwalay nalang tayo ng landas". Hindi ba?"
"DJ, iyon naman talaga ang pwede mong gawin, di ba? Para maging madali nalang ang lahat," wika niya. Naramdaman nalang niya ang pagdaloy ng mga luha niya sa pisngi.
"Kath - "
"Bibigyan kita ng oras para pag-isipan iyan - "
"No," pailing-iling na sabi nito. "Hindi ko na kailangang pag-isipan iyan. My answer is no. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo."
Mas lalong naiyak siya sa sinabi nito. "And why is that, DJ? Ano ang dahilan at ayaw mong maghiwalay ang landas natin? Sa tingin ko naman, iyon ang pinakadaling gawin mo para matapos na ang problema mo."
Anger was painted all over his face. "Bakit ba gustong-gusto mong humiwalay na sa akin, ha?"
"At ako pa talaga ang tinatanong mo nang ganyan. C'mon, DJ! Hindi ba't sa simula't sapol, ikaw diyan ang may pinaka-ayaw sa ating dalawa? Palagi mo akong sinusupladuhan at sinusungitan. Kulang nalang ay burahin mo ang mukha ko dahil nagmumukha akong invisible sa paningin mo. And now you're asking me kung bakit gustong-gusto kong humiwalay sa iyo?"
"Kath - "
"Ikaw ang may gustong humiwalay sa akin, DJ. At ngayong binigyan na kita ng pagkakataon, bakit ayaw mong kunin nalang ang chance na ito. Nandito na, o. I'm willingly giving it to you. Pwedeng-pwede mo na akong iwan."
Hindi na maipinta ang mukha nito. "Bakit mo ginagawa ito, Kath?"
"I want you to be happy," she sincerely said.
"And you think, by doing this, magiging masaya ako?"
"I know."
Tumalikod ito sa kanya saka ay sumigaw ng malakas na siyang ikinagulat niya. Gustuhin man niyang hawakan ang balikat nito para aluin ito, she restrained herself from doing it.
"Kath, mas lalong pinapahirapan mo ang kalooban ko, eh," sabi nito nang humarap ito ulit sa kanya.
"DJ, kung ako ang iniisip mo kaya hindi mo magawang um-oo sa proposal ko, then I'm going to tell you that I'm going to be fine. Okay lang ako," pampalubag-loob niya dito.
"You don't understand, Kath."
"No, I completely understand, DJ. You need this. Para sa iyo ito," mangiyak-nigyak na sabi niya dito.
Napayuko nalang ito habang tinatakpan ang mukha nito.
"I'm sorry, DJ," aniya nalang dito at nagsimula nang lumakad patungong exit door. Ayaw na niyang makita nitong nahihirapan siya. Gusto na niyang umalis doon.
"Kath! Ayoko! Hindi ako pumapayag!" Narinig pa niya ang sigaw na iyon ni Daniel.
Dali-dali siyang lumabas ng roof deck. Another minute will pass and she's gonna break down. Hindi na niya kaya. She love him so much. That realization hit her so hard. And it pains her. Reality pains her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro