Chapter 16
Nagkaroon ng meeting sina Kathryn, Daniel and Enrique with the head committee ng Princess and I staff. They were discussing the follow-up plot of the story with the script writers of the show.
"Of course, everything - iyong flow ng story at kung sinong magiging endgame para kay Mikay - will depend upon the popularity among the fans. Pero, KathNiel and KathQuen fans are really having a close fight na nahihirapan na ang mga scriptwriters ngayon kung sino talaga ang gagawing makakatuluyan ni Mikay," imporma ni Miss Ara, isa sa mga producers ng show.
"Kaya, napag-usapan nalang naming mga script writers to have a compromise para talagang matukoy natin kung sino ang pang-endgame ng character ni Mikay," tugon ni Miss Trina, ang head writer ng show.
Direk Francis just nodded at her for her to continue.
"Kasi hindi ba, ginawa nating pares ni Kiko ay si Dindi? What if, may ipapalabas naman tayong bagong character sa show na siyang makakatuluyan, whether ni Gino or ni Jao? And in this case, si Kath ang papipiliin natin sa bagong ipapalabas sa show," dagdag pa ni Miss Trina.
Nanlaki naman ang mata ni Kath sa narinig. "Bakit ako?"
"Siyempre, kasi ikaw ang bida, hindi ba?" singit ni Vicky.
Tumango-tango naman si Direk Francis. "I get it. Because we're having a love triangle, agpapalabas tayo ng isang bagong character para siyang magsilbing pares ng isang hindi mapipili ni Mikay."
"Exactly!" turo ni Miss Trina.
"So, who do you have in mind?" tanong ni Direk Francis.
"Okay, may napagpilian na kaming mga artista," sagot ni Miss Ara sa tanong ni Direk Francis.
May ibinigay pa itong folder na nagsilbing portfolio ng artistang napagpilian na nila Miss Ara. Tahimik naman na tiningnan ito ni Direk Francis.
"We mainly chose Julia Barretto and Coleen Garcia."
"Bakit dalawa?" tanong ni Direk Francis.
"Ganito kasi iyon. Hindi ba sabi namin na ang bagong character na papasok will depend on Kath's discretion. We picked Coleen Garcia for Enrique, while si Julia Barretto naman for Daniel. Kung sinong pipiliin ni Kath, then doon natin matutukoy kung sino na ang pang-endgame ng character ni Mikay. Kung pipiliin ni Kath si Coleen, then Gino would be for Mikay. Pero kung si Julia ang pipiliin niya, then Enrique would be for the win," pagpapaliwanag ni Miss Trina.
"Hindi ba unfair para sa mga fans ang ganitong set-up?" biglang tanong ni Daniel.
"That's why for it not to be unfair para sa kanila, we will have to inform all the fans about it," sagot ni Miss Ara sa tanong na ni-raise ni Daniel.
"Bukas na bukas, magkakaroon ng press conference about this. The three of the lead stars should be there," imporma agad ni Miss Trina.
"But, I have a concern," raised Enrique. "Hindi ba mabigat na dilemma para kay Kath ang set-up na ito? I mean, ang pang-endgame depends on her discretion, right? Tapos malalaman pa ng mga fans. Kung papipiliin natin si Kath and the fans would know, surely, the fans of the other team would react badly - which, of course, will cause an issue."
Halatang nakuha ng lahat ang ibig sabihin ni Enrique.
"Think of it guys, kung sino man ang pipiliin ni Kath na pang-endgame, kung ako ba o si Daniel. We have different fanbases. Kung pipiliin ni Kath ay ako, siyempre magagalit ang mga KathNiel fans, and to Kath, for that matter dahil siya iyong pumili. At iyon din ang mangyayari sa mga KathQuen fans kung pipiliin ni Kath si Daniel," pagpapatuloy nito.
"I see your point there," tangong pagsang-ayon ni Direk Francis dito.
Lihim siyang nagpakawala ng hininga. Yes, indeed. That was her biggest dilemma about the set-up. Ayaw niyang may magalit sa kanyang mga fans dahil sa napakahirap na desisyong ibinigay ng staff ng show sa kanya. She have to thank Enrique later for saving her ass.
"May point si Enrique, guys. Hindi pwedeng si Kath ang papipiliin natin kasi baka may magalit na fanbase kay Kath. She have to be neutral about this matter," pahayag pa ni Direk Francis.
Tumango ang lahat sa sinabi nito.
"Ganito nalang. For now, matagal-tagal pa naman ang pagtatapos ng Princess and I, let's concentrate muna the story of Mikay becoming Yangdon's new princess. Mamaya nalang muna nating i-focus kung sino ang makakatuluyan niya. Mga writers, mag-brainstorming kayo para sa gagawin nating solusyon para dito," tugon ni Direk Francis sa kanilang lahat.
Nang natapos na ang meeting nila ay dali-daling lumabas ang lahat. Nahuli sa paglabas sina Kath, Enrique at Daniel. Pero nang nakita niyang lumabas na si Enrique ay mabilis na hinabol niya ito.
"Quen," tawag niya dito.
"Kath," ngiting tugon nito.
"Ano, salamat pala ha?"
Nagtatakang lumingon ito sa kanya. "Para saan?"
"Iyong kanina. You saved me back there. Ang laki sana ng problema ko ngayon."
Tumawa ito. "Ano ka ba? Wala iyon. At tsaka, ayaw ko rin naman iyong set-up nila, eh. Para kasing napaka-unfair sa part mo to personally choose between me and Daniel."
Natatawang binalingan niya ito.
"At tsaka... I wouldn't like it kung si Daniel ang pinili mo instead of me. Na 99.99% sure na mangyayari."
Mas lalong natawa siya dito. "At gaano ka naman kasigurado doon sa 99.99% sure na si DJ nga ang pipiliin ko?"
"Ah... well. MU na kayo di ba?"
Napatda siya sa sinabi nito. Kung alam mo lang, Quen.
"So, natural na siya talaga ang pipiliin mo," dagdag pa nito.
Tahimik lang siyang tumungo.
"Ah, so Kath..." Narinig niyang nagsalita ulit ito.
Kaya ay napatingin ulit siya dito. "Bakit, Quen?"
Napahawak ito sa sentido nito. "May gagawin ka pa ba?"
"Ah... Mukhang wala naman. Wala naman kasing sinabi si Ate Vicky sa akin," sagot niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. "Great. Do you wanna grab some coffee?"
Ningitian din niya ito. "Sure."
__________
Pagkatapos ng meeting ay talagang sinadyang magpahuli ni Daniel dahil gusto niyang kausapin si Kath. Nang nakita niyang nagmamadali itong umalis ay madali rin niyang sinundan ito. Pero nang makita niya kung bakit ito nagmamadaling umalis ay nakaramdam siya ng inis. Hinahabol pala nito si Enrique.
"DJ, saan ka pupunta?" tanong ni Mark sa kanya nang sumunod ito sa kanya.
Lumingon nalang siya dito at hindi sinagot ang tanong nito. Walang imik na lumakad siya papuntang dressing room at nang nakapasok na siya'y padabog na umupo siya sa sofang nandoon.
Umupo rin si Mark katabi niya. "Siyanga pala, DJ."
Napalingon siya dito. "Ano?"
"May bago ka na palang stylist. Nag-resign si Starr, eh. Magpapakasal na yata, eh. Pero may ipinalit naman siya. Ang sabi niya magaling rin daw. At alam na alam daw ang style mo. Kaya sa tingin ko, wala naman tayong magiging problema diyan."
Tumango siya. "Kilala mo ba?"
Umiling-iling ito. "Hindi. Pero ang sabi ni Starr, pupunta daw iyon ngayon dito sa compound. Makikilala rin natin siya."
"Paano mo naman masasabing okay siyang stylist?"
"May tiwala ako kay Starr. Matagal na rin daw niyang kaibigan iyong ipinalit niya, eh. Kaya wala siguro tayong magiging problema."
"Okay," tugon niya dito. Tumahimik lang ito.
Naalala naman niya si Kath. Bakit parang feeling niya, may nagbago dito?
"Mark, may problema ba si Kath?" natanong niya kay Mark.
Nakakunot-noong tumingin ito sa kanya. Pero ilang saglit lang ay umiba naman ang ekspresyon ng mukha nito. Mark looked smug.
"What?"
"Bakit parang umiba yata ang ihip ng hangin ngayon? Concern ka kay Kath?" nanunuksong tanong nito.
"Pwede ba, Mark? Just answer my question," naiinip na sagot niya dito.
"Bakit ba kasi? Anong nangyari at ngayon ay nagtatanong ka na tungkol sa kanya?" tanong nito.
Naiinis na ginulo niya ang buhok. "Ewan! I just - I just feel that something is wrong with her. Para kasing may nag-iba sa kanya. Ewan ko."
Tumaas ang kilay nito. "Paano nag-iba?"
"Parang iba na siya sa dating Kath."
"Ano ba ang dating Kath?"
Napabuntong-hininga siya. "Iyong sweet na Kath na kahit na hindi ko pinapansin ay hindi pa rin pinapalampas ang araw na ngitian ako."
"Hmm. At ngayo'y nagtataka ka kung bakit?"
Napatingin siya dito.
"Ikaw na mismo ang nagsabi. Hindi mo siya pinapansin."
Napahawak siya sa noo.
"Kung susungitan ka ba ng isang tao at hindi pinansin, papansinin mo pa rin ba siya?" tanong nito sa kanya.
"Hindi."
"O, hindi naman pala. Baka nagsawa na si Kath sa pagtiya-tiyaga niya sa iyo."
Naramdaman naman niyang sumikip ang dibdib niya.
Napapalatak ito. "Ikaw kasi, DJ. Ang bait-bait ni Kath sa iyo pero sinusupladuhan mo. Mas malamig ka pa sa yelo, eh. At kung pakitunguhan mo siya, kulang nalang ay maging invisible siya dahil ni hindi mo siya tinitingnan."
Alam niyang totoo ang sinabi ni Mark. Ganoon naman talaga pakikitungo niya kay Kath. Pero bakit parang habang naririnig niya ang katotohanan sa ibang tao ay siya ang nasasaktan para kay Kath?
"Iba na iyan, DJ," komento ni Mark sa kanya.
"Anong iba na?" tanong niya dito.
"Iyang kunot mo sa noo. Iba na. Parang may meaning, eh. At parang alam ko na rin kung ano iyan, pero hindi palang ako sure," ngi-ngiting sabi nito.
Napailing nalang siya.
__________
"Hindi ka rin pala umiinom ng coffee?" Narinig ni Kath na komento ni Enrique while she took a sip of her glass of lemonade.
"Ah, oo eh. Umiiba kasi ang timpla ng sikmura ko kapag umiinom ako ng kape," sagot niya dito.
"Hmm. Parehas na parehas talaga kayo," anito pa.
Nakakunot-noong tumingin siya dito. "Nino?"
"Ni Daniel. Hindi mo alam?" nagtatakang tanong din nito sa kanya.
"Ha?
"Daniel doesn't drink coffee," sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. "Really?"
"Yeah. How come you didn't know?"
Natahimik siya. Wala siyang masabi dito.
Alangan namang sabihin ko sa kanyang hindi kami nagpapansinan ni Daniel kaya hindi ko alam? Katangahan lang, eh 'no?
"Sabagay, baka hindi sinabi ni Daniel sa iyo kasi nahihiya siyang sabihin iyon. It would be a turn-off, if ever. Hindi ba?" said Enrique while taking a sip of his coffee.
"Actually... no."
Ibinaba nito ang mug nito. "Pardon me?"
"Hindi siya turn-off. Its cute, actually," ngiting sabi niya.
Bumaling siya dito at nakitang iniinom lang nito ang coffee. But something about his eyes were telling her that he was somewhat... unhappy?
"Quen - "
"Finish off your lemonade, Kath. Kailangan ko nang bumalik sa compound, eh. May taping pa ako," anito.
Tumango lang siya dito at mabilis na inubos ang kanyang lemonade. Saka sila sabay na umalis ng shop at tinungo ang compound ng ABS Network.
__________
Binabasa at inaaral ni Daniel ang script niya para sa stranded scenes niya with Kath sa isla sa may Palawan. This coming Friday na ang biyahe nila patungong Palawan para i-shoot na ang scenes nila. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya. He heard na may kissing scene sila ni Kath na magaganap. Somehow that information sent butterflies in his stomach.
Inaaral pa niya ang script nang may kumatok ng pinto ng dressing room niya.
"I'll get it," pagboluntaryo ni Mark. He didn't bother na alamin kung sino iyon.
Mabilis naman na tinungo ni Mark ang pintuan at binuksan ang pinto.
"Hey. What are you doing here?" Narinig niyang tanong ni Mark sa kung sino man ang kumatok.
"I'm his new stylist," narinig niyang sagot ng babae. He automatically shot his head up.
I know that voice.
Agad na tumayo siya para usisain kung sino ang nagpakilalang stylist niya. And to his surprise, standing in front of him was his new stylist.
"Are you sure about this?" tanong ulit ni Mark dito.
Tumango ito. "Yes. Starr recommended me."
"Bakit?" siya ang nagtanong.
"Anong bakit? I want this job. At ito lang din ang chance na mapalapit ako sa iyo," sagot nito.
Napapikit siya ng mga mata at napahilot sa kanyang noo.
Why, of all people?
"Bakit? May problema ba, DJ?" tanong nito.
"Danna - "
"Don't worry. I won't do anything stupid. Just let me be your stylist," putol nito sa sasabihin niya.
Malakas na buntong-hininga ang napakawalan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro