Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Napatingin ulit si Kath sa salamiin. Kanina pa siya nagsusuklay ng buhok niya pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya natitinag sa posisyon niya. Dapat ay bumaba na siya sa sala dahil naghihintay na si Daniel doon.

Hay. Kahit talaga anong gawin ko, mas malakas pa rin ang dikta ng puso. Dahil kahit na ilang pasakit na ang ibinigay ni Daniel sa kanya, basta't naroon ito, hindi pa rin siya makatanggi. Kaya siya nasasaktan, eh. Dahil hindi niya kayang tanggihan si Daniel.

Ibinaba na niya ang kanyang suklay at napatingin ulit sa salamin. Nang makuntento na siya sa ayos niya ay pinagpasyahan niyang bumaba na at puntahan si Daniel.

Nang nakababa na siya sa sala nila ay nakita agad niya si Daniel. Nakaupo ito sa sofa ng sala nila. Nakasandal ang ulo nito sa likuran ng upuan at nakapikit ang mga mata nito. Mukhang nakatulog na ito sa kakahintay sa kanya.

Tahimik na nilapitan niya ito. Umupo siya sa tabi nito ngunit may nakapagitang maingat na distansya. Napatitig lang siya sa nakapikit na mukha nito. Halatang pagod na pagod ito at walang maayos na pahinga. Mas lumaki kasi ang mga eyebags nito sa mata at lumalalim na. Natutukso siyang haplusin ang mukha nito. Gusto niyang pawiin ang pagod na nararamdaman nito. She did not know what force was taking in on her dahil natagpuan nalang niya ang sariling pahaplos na sa mukha nito. Ngunit bigla namang nagmulat ang mga mata nito na hindi niya inaasahan. Nagpapanic tuloy siyang bawiin ang kamay niya at umayos ng upo.

Nang ma-realize nito ang presence niya ay dali-dali rin itong umayos ng upo. Mukhang hindi nito nahalata ang pagpanic niya at ang tangkang paghawak niya sa mukha nito.

Hay, salamat naman. Muntikan na iyon, lihim na pasalamat niya sa isip.

"Ah, Kath... nandiyan ka na pala. Sorry. Nakatulog na ako sa kakahintay sa iyo," sabi nito habang hinihilamos ang mga kamay nito sa mukha.

Tumango lang siya dito pero hindi nalang niya ito sinagot. Natahimik naman ito.

Napatingin siya sa mukha nito. "So... Ano pala ang sadya mo rito?"

__________

"So, ano pala ang sadya mo rito?" tanong kay Daniel ni Kath.

Napatikhim siya. "Kath, kasi may kailangan tayong pag-usapan."

"Ano iyon?" she casually asked.

Nagbilang pa siya sa isip ng hanggang sampu bago nakapagsalita. "Ahm... About me and D-Danna."

"Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa. And nabasa ko na rin ang issue ninyo. It's all over the internet and papers," sagot lang nito.

Hindi na siya nagtaka pa. He had bad vibes about that.

"Huwag kang mag-alala. Inayos ko naman na ang lahat," imporma niya dito.

Natahimik naman ito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito kasi hindi niya mabasa ang reaksiyon nito sa mukha.

"Kath, I..." Huminga siya ng malalim na hininga.

"DJ, kung ayaw mo naman talagang sabihin sa akin ang totoong nangyari, then okay lang sa akin iyon. Alam ko, wala naman talaga akong karapatan and you don't need to oblige yourself. Kasi personal na buhay mo iyon. Ayoko namang makialam kasi wala akong karapatang mangialam, 'di ba?"

Napatingin siya sa mukha nito. Hindi niya pa rin mabasa ang iniisip nito.

"Basta ang sa akin lang, huwag sanang maapektuhan ng kung ano mang relasyon ang meron kayo ni Danna sa loveteam natin," pagpapatuloy nito. "Or, may iba pa naman sigurong paraan para maging maayos rin ang lahat. Para hindi kayo mahirapan ni Danna."

"Ano?"

"Kung - kung gusto mo nang humiwalay sa loveteam natin, maiintindihan ko."

Napakunot ang noo niya. "What are you saying?"

Napahinto muna ito at tila nagdadalawang-isip na sabihin sa kanya ang nasa isip nito.

"Kath, ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong ulit niya dito.

"Maghiwalay nalang tayo ng landas, DJ. Feeling ko kasi, nahihirapan ka na, eh. Ayokong maging hadlang sa kung ano man ang meron kayo ni Danna. Alam kong mahalaga siya sa iyo. Kaya huwag mo nang pigilan ang sarili mo. Huwag niyo nang pigilan ang mga sarili ninyo."

Mas lalong kumunot ang noo niya. Anong ibig nitong sabihin?

"Sige, DJ. Magpapahinga na ako. Salamat sa pagpunta dito," anito saka ay tumayo na at umalis na. Umakyat na ito sa hagdan. Narinig pa niya ang pagsara nito ng pintuan nito sa kwarto.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

Maghiwalay ng landas? Parang gusto niyang tumutol. Pero mukhang iyon ang gusto nito. Hindi naman niya mapipigilan ito sa gusto nito.

Pero maghiwalay talaga? The thought of it makes him feel... sad. Hindi niya alam pero nalulungkot siya. Kahit na hindi niya ito pinapansin, ayaw naman niyang maghiwalay sila ni Kath ng landas. Alam naman niyang nasaktan niya ito dahil sa pagsusuplado niya. At alam niyang naaapektuhan din ito sa issue niya with Danna. Pero ginawa naman niya ang lahat para maayos ang lahat. Hindi nito kailangang ipaghiwalay sila ng landas. Hindi dahil ayaw niyang masira ang career niya. To heck with that. And it's not for the fans, either. Ayaw lang talaga niya. Ayaw niyang mahiwalay kay Kath.

Napapikit na naman siya ng kanyang mga mata. Naguguluhan na ako. Gulong-gulo na ako.

__________

Halatang-halata sa mga mata ni Kathryn na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. She had a lot of thinking to do. And mostly of that thinking is about Daniel.

"Kath, okay ka na ba talaga? Hindi na ba talaga masama ang pakiramdam mo?" Narinig niyang tanong ni Vicky sa kanya. They were on their way to Ma'am Cory's office.

Tumango lang siya dito. Pinagpatuloy lang niya ang paglalakad.

"Mukhang hindi ka pa okay. You still look pale and... lifeless. At tsaka, mugto pa iyang mga mata mo," puna nito.

"Hindi. Okay lang ako, Ate Vicky," matamlay na sabi niya dito.

Biglang tumigil ito sa paglalakad na nakapagpatigil din sa kanya. "You're not telling me something."

Nagbuntong-hininga siya. May solusyon na siya sa lahat. Pero hindi pa niya gustong sabihin ito kay Vicky. Gusto niyang sabihin muna ito kay Ma'am Cory. And when everything's settled down, then she would tell her.

"Kath?"

"I will tell you. Soon. Let me talk to Ma'am Cory first. Alone," aniya at lumakad na papuntang office ni Ma'am Cory na mag-isa.

__________

"Bakit?" Narinig ni Kath ang mahinahong tinig ni Ma'am Cory. She already told her her solution.

"Sa tingin ko po, sa ikabubuti po iyon ng lahat," sagot niya sa tanong nito.

Tumayo ito mula sa upuan nito behind the desk at umikot para lumapit sa kanya. Then, she sat at the chair across the chair she was occupying. Napatingin ito sa kanya at tila pinag-iisipan nito ang sinabi niya. She fiddled with her fingers while waiting for her response. She was hopeful to get a positive response from their head talent manager.

"Do you really think that parting ways with Daniel as your loveteam would make it all sound better?" tanong ulit nito sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango dito. "It would be best. Para wala na pong masaktan."

"So, sinasabi mong totoong may relasyon nga si Daniel at si Danna?"

Hindi siya makasagot. Hindi nito alam na pagpapanggap lang ang lahat ng pagkagusto ni Daniel sa kanya.

"Kath? Is there something you and Daniel aren't telling me?"

Hindi niya alam ang isasagot. Should I tell her?

"Ano ba talaga ang totoong nangyayari sa inyo?" tanong uli ni Ma'am Cory.

She took a deep breath and looked at Ma'am Cory across her. "Wala po, Ma'am Cory. It's just that, alam ko pong maraming naaapektuhan sa issue na ito ngayon. Hindi lang ako. Hindi lang si DJ. Hindi lang si Danna. Marami po ang naaapektuhan. Lalong-lalo na ang mga fans namin na malaki ang tiwala at suportang ibinigay sa aming dalawa ni DJ."

"Pero hindi mo ba naisip na kapag ginawa natin iyon, talagang magdududa ang mga tao na totoo nga ang issue na ito. If we split the two of you apart, naturally people would think that the issue was true," anito which made her think twice.

Oo nga. Hindi ko naisip iyon, ang sabi ng isang bahagi ng utak niya.

Pero, totoo nga naman ang issue. Na may relasyon si Daniel at Danna, kontra ng kabilang bahagi ng isip niya.

"We can't split you up, Kath. Not now, when the issue about Daniel and this girl is still hot. Plus, may teleserye pa kayong ginagawa and an upcoming movie. It would be such a risky move if we do what you were suggesting. I'm sorry. But I can't approve of that," sa wakas ay sabi nito.

"But - "

"No, Kath. Kung ano man ang problema ninyo ni DJ ngayon, ayusin niyo. Alam kong naaapektuhan ka rin sa issue na ito... nasaktan. But never make decision when your head is full of mess. Kasi baka ikakasira mo lang, at sa huli ay pagsisihan mo pa."

Mukhang hindi na niya mababago ang isip nito.

"Mag-usap kayo ni Daniel ng masinsinan. Ayusin ninyo ang gusot ninyo. And then both of you come up with a plan para maisalba ninyo ang relasyon ninyong dalawa, and your reputation as a loveteam," Ma'am Cory said with finality.

Wala na siyang nagawa but to nod her head.

"I'm trying to make a better decision out of everyting, Kath," dagdag pa nito.

"Sige po. Thanks po, Ma'am Cory."

Tumango lang ito sa kanya. "No problem. Just remember what I told you, okay? And everything will be fine."

"Opo."

She left the room with an unsolved problem and complicated emotions. Somehow, malungkot siya. Pero nararamdaman niyang relieved at masaya siya. Malungkot kasi alam niyang with the risk of having to still continue her loveteam with Daniel, at stake ang puso niya. Her heart is on its brink to breaking to pieces. Unti-unti na nga itong nababasag, ayaw na niya itong mabasag pa ng tuluyan.

But on the other part, she was happy. Kasi somehow, she knew that she would always be with Daniel. Dahil isang parte ng isip niya ang nagsasabing ayaw talaga niyang humiwalay dito. At isang parte din ng puso niya ang nag-expect that Ma'am Cory would disagree to the solution she came up with.

"Kath, ano na ang sinabi sa iyo ni Ma'am Cory?" tanong ni Vicky sa kanya nang nadatnan siya nito sa hallway.

"Wala naman. Kinakamusta lang niya ako at ang relasyon namin ni Daniel... na wala naman talaga," sagot niya dito.

Napatango ito. "Ah... So, ano nga ba iyong sasabihin mo sa akin?"

"Ha?" Sasabihin ko pa ba kay Ate Vicky?

But before she could decide on that matter ay may humarang na na mga press sa kanya. The media was cornering her up to an ambush interview.

"Miss Kath! Miss Kath!" Nag-aagawan ang mga reporters sa paglapit sa kanya. Bahagyang hinarang ni Vicky ang katawan para maprotektahan siya.

"Hindi, Ate Vicky. I'll answer their questions," aniya kay Vicky.

"Sigurado ka?" paninigurado nito.

Tumango lang siya dito, saka lang ito umalis sa pagkaharang sa kanya sa mga reporters.

"Kumalma lang kayo. Sasagutin ni Kath lahat ng katanungan ninyo," imporma ni Vicky sa mga press. Somehow, it made the media calm down kaya naging matiwasay na rin ang sitwasyon.

"Miss Kath, bakit ngayon ka lang nagpakita sa mga taga-media?" tanong ng isang reporter.

"Marami kasi akong inasikaso these past few days, eh. Naging busy rin," sagot niya sa mga ito.

"Hindi ka lang ba nagtatago sa mga media para maiwasan ang pag-usapan ang issue na kinasasangkutan ngayon ng ka-loveteam mo na si Daniel Padilla?" tanong pa ng isang reporter.

"No. That's the lamest excuse. Hindi po," pailing-iling na tugon niya.

"Ano naman ang reaksiyon mo sa issue ngayon ng napapabalitang boyfriend mong si Daniel Padilla?"

"First of all, Daniel is not my boyfriend. Magkaibigan lang po kami. And about sa issue, no comment po ako. Wala po akong karapatang magsalita tungkol doon. Nagsalita na po si Daniel, di ba? Let's leave it at that."

"Totoo bang pagpapanggap lang ang lahat tungkol sa magandang relasyong namamagitan sa inyong dalawa and that everything was just for publicity?"

Honestly, she was caught off-guard with the question. Pero mabilis na inayos niya ang sarili at sumagot. "Kahit sabihin kong oo o hindi, sinu-sino ba ang maniniwala at sinu-sino ba ang hindi? Basta sa akin, ang importante lang ay alam ko kung anong totoo. And the truth stays between me and DJ. Kung pagpapanggap lang talaga ang tingin ninyo, then so be it. Pero para sa akin, kami lang ni DJ ang nakakaalam sa totoong nangyayari sa aming dalawa. So, wala na po akong masabi doon."

"Miss Kath, lahat na po ng tao alam na ikaw ang pinakamahalaga at espesyal na babae ngayon sa buhay ni Daniel. Ikaw ba ay may special feelings na rin para sa binata?"

She paused at the question. She took a deep breath and faced the media men. "Let's just say, he holds that special spot in my heart. Kung ano man ang ibibigay ninyong kahulugan doon, kayo na po ang bahalang mag-interpret."

Magtatanong pa sana ang mga press ng dumating na rin ang mga security ng compound at naawat na rin ang mga ito sa pagtanong sa kanya. She walked away from the press and towards her dressing room. Kasabay niya si Vicky.

"That was something," komento ni Vicky patungkol sa interview niya.

"I was just giving them what they wanted," sagot niya dito.

"Really? Including that part where you said, "he holds that special spot in my heart"?"

Napatigil siya. She didn't know why she said that. Parang in-expose niya ang parteng iyon ng puso niya sa pagsagot niya sa tanong na iyon.

"Feeling ko kasi, totoo na iyon, eh," anito pa.

Napailing siya. "Kahit na totoo iyon at maniwala pa ang lahat ng tao, hindi naman maniniwala si DJ doon. Pagpapanggap nga lang sa kanya ang lahat, di ba?"

"Hmm. Sabagay. Pero malay natin."

Napailing ulit siya. "Kahit kailan, hindi siya maniniwala. Dahil kahit kailan, hindi naman niya ako mapapansin."

And at that, naramdaman na naman niya ang pagkabiyak na naman ng isang piraso ng puso niya. Damn this heartbreak.

__________

Nasa loob ng dressing room niya si Daniel at hinihintay ang schedule niya para sa araw na iyon nang iniluwa sa pinto niya si Mark at dali-daling binuksan nito ang telebisyon.

"Anong meron?" nagtatakang tanong niya dito.

"You have to watch this," anito at inimuwestra sa kanya ang screen ng T.V.

Nakita niya ang mukha ni Kath sa screen.

"What's this?" tanong niya kay Mark.

"In-ambush interview si Kath ng mga reporters," simpleng sagot nito. Nilakasan pa nito ang volume ng telebisyon.

Itinuon niya ang buong atensiyon sa telebisyon, listening to every word Kath said.

"Kahit sabihin kong oo o hindi, sinu-sino ba ang maniniwala o hindi? Basta sa akin, ang importante lang ay alam ko kung anong totoo. And the truth stays between me and DJ. Kung pagpapanggap lang talaga ang tingin ninyo, then so be it. Pero para sa akin, kami lang ni DJ ang nakakaalam sa totoong nangyayari sa aming dalawa. So, wala na po akong masabi doon." Iyon ang sagot ni Kath nang tinanong ito ng mga reporters patungkol sa issue na nagpapanggap lang silang dalawa sa namamagitang espesyal na pagtinginan nilang dalawa.

He didn't know if he would laugh or frown at the irony. Dahil ang sinasabing katotohanan ni Kath sa sagot nito ay talagang pagpapanggap lang ang lahat sa kanila. Pero hindi na niya inintindi iyon. Sa halip ay mas may malaking impact ang sunod na sinagot nito.

"Let's just say, he holds that special spot in my heart. Kung ano man ang ibibigay ninyong kahulugan doon, kayo na po ang bahalang mag-interpret."

It was Kath's answer to the question on what she felt about him. And somehow, that answer of hers made his heart skip a beat.

Ini-off ni Mark ang T.V at saka ay napatingin sa kanya. "That was something."

Napatingin lang din siya dito.

"Ang galing talagang umarte ni Kath, 'no? Muntik na akong napaniwala doon sa huling sinabi niya," tugon pa nito.

That's when reality slapped him hard on the face. Nakalimutan mo na ba, Daniel? Pagpapanggap lang ang lahat.

Malamang ay arte lang ni Kath ang panghuling sinabi nito. Bakit naman niya iyon papaniwalaan? Pagpapanggap lang naman ang lahat sa kanilang dalawa.

Damn. Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa kaalamang, nagpapanggap lang silang dalawa ni Kath? O dahil sa may ibang tinitibok na ang puso niya na tila hindi niya maintindihan?

Damn! Damn! Damn!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro