Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Nasa dance studio si Daniel sa kasalukuyan at hinihintay si Kath at ang acting mentor nila para sa workshop niya sa upcoming film nila ni Kath. Napatingin na naman siya sa screen ng cellphone niya.Kanina pa siyang nakabantay sa cellphone niya, hoping she would call or text him.

Ano ka ba, Daniel? Itinaboy mo na nga si Danna, di ba?

Oo nga naman. Iniwan na niya ito. Bakit pa ito tatawag o magte-text sa kanya?

At hindi rin tatawag si Kath sa iyo.

Napabuntong-hininga siya. Bakit naman siya tatawagan ni Kath?

"Sino ba iyang hinihintay mo sa cellphone mo? Kanina ka pang pasulyap-sulyap diyan ah," narinig niyang komento ni Mark. Katabi niya ito.

"Wala," aniya at inilagay na ang cellphone sa loob ng kanyang bag.

Tiningnan lang siya ni Mark pero alam na niya kung anong iniisip nito. Pero hindi nalang niya inintindi iyon. Sa dami-rami nang iniisip ng utak niya, hindi na niya alam kung ano ang uunahing isipin.

Maya-maya'y dumating na ang acting mentor nilang si Miss June. Pero napansin niyang wala pa si Kath.

"Kuya Mark, bakit wala pa si Kath?" tanong niya kay Mark.

"Hindi mo ba alam?"

"Ang ano?"

"Hindi papasok si Kath ngayon."

"May lagnat pa rin siya ngayon?" nag-aalalang tanong niya.

"Siguro."

"Anong siguro?"

"Ewan ko. Siguro. Kasi hindi siya pumasok, di ba?" naiinis na sagot nito.

"Hindi ka naman pala sigurado, eh. Paano mo nasabing magaling na siya?" naiinis na ring tanong niya dito.

"Kung dalawin mo nalang kaya siya para personal para malaman mo ang kalagayan niya? Ito. Ang simple, sobrang simple ng pwede mong gawin pero hindi mo naman ginagawa. Ayan tuloy. Nagiging complicated. "

Natahimik nalang siya. Hindi pa niya nabibisita si Kath. Hindi pa kasi siya handang sabihin dito ang tungkol sa issue. Sana hindi pa nito alam iyon. Para siya nalang mismo ang magsabi nito.

"Hindi mo pa ba siya nakakausap?" tanong nito.

Umiling siya dito bilang sagot sa tanong nito.

Napapalatak ito. "Bakit ba hindi mo magawang unahin si Kath? Si Danna nalang kasi ang parating pinapa-prioritize mo. Eh, hindi naman masyadong maapektuhan si Danna, eh. Kasi alam niya kung anong totoong nangyayari sa inyong dalawa," seryosong wika nito sa kanya. "Alam mo kung sino ang sobrang naapektuhan? Si Kath iyon."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Alam naman niyang naaapektuhan si Kath, eh. Dahil naaapektuhan ang loveteam nilang dalawa. Pero ano ba ang magagawa niya? Hindi niya alam kung papaanong lapitan ito at sabihin dito ang mga dapat niyang sabihin.

"Ewan ko sa iyo, DJ. Ikaw na nga ang tinutulungan, pero ikaw naman ang gumagawa pa ng gulo. Hindi mo pa nga naaayos ang unang issue, eh nandito na naman ang isa," naiinis na sabi nito.

Gusto sana niyang lumaban dito pero alam niyang hindi iyon nakakabuti sa sitwasyon. Alam naman niyang Mark is only looking out for him. Kapakanan lang niya ang iniisip nito kaya ito naiinis sa kanya.

__________

DJ was in the middle of his acting workshop nang pinatawag siya ni Ma'am Cory. Kasabay niyang naglalakad si Mark papuntang office nito. At nang dumating na sila sa office nito ay nakita nila itong nakatayo at hinihintay sila. Agad naman silang pumasok sa office nito.

"DJ, Mark... take a seat, both of you," sabi nito at inimuwestra sa kanila ang dalawang upuan na nasa harap nito.

Tahimik na naupo sila sa upuang nandoon.

"Daniel, anong nangyayari sa iyo?" panimulang tanong nito.

"Ma'am Cory..."

"You said na wala kayo ni Danna. Pero what happened? Ano itong issue na nagsasabing totoong may relasyon kayo?"

Hindi siya nakaimik.

"And this picture. Okay lang sana kung walang picture, eh. At least, pwede mong i-deny ang issue. Pero meron. May ebidensiya sila. Wala tayong panama roon," pagpatuloy pa nito.

"Pero wala naman talaga, Ma'am Cory. Wala kaming relasyon. Tinulungan ko lang si Danna noon kasi lasing siya at hindi na niya kayang umuwi mag-isa. I was just helping a friend."

"Sa tingin mo ba, kapag sinabi mo iyan sa mga press, maniniwala sila?"

Natahimik lang siya.

Nagbuntong-hininga si Ma'am Cory. "You have a press conference  this afternoon para i-clear ang issue na iyan. And may taped interview ka rin sa The Buzz regarding this issue. Please, Daniel. Ayusin mo ang problemang ito."

Napatango siya.

"Mark," baling nito kay Mark na katabi niya. "Please, sabihin mo kay Vicky na kailangan kong makausap si Kath ngayon."

"Ah, Ma'am Cory... may sakit kasi si Kath, eh. Baka hindi pa siya magaling," sagot ni Mark.

Napahilot ito sa sentido. "Oh, sige. Si Vicky nalang ang kakausapin ko. Pero kailangang mag-report na si Kath bukas because when the press notices and finds out that Kath has been missing in action, baka bigyan na naman nila ng ibang kahulugan iyon."

"Opo, Ma'am Cory."

"At tsaka, sabihin mong kapag magaling na si Kath ay papuntahin mo dito sa office. Kailangan ko siyang makausap."

Tumango lang si Mark.

Bumaling na naman ito sa kanya. "Daniel, ayusin mo ang gulong ito. Marami nang fans ang naaapektuhan dahil sa issue na ito. Bumawi ka sa kanila."

"Opo."

"And one more thing," anito. "Kung maaari lang, huwag ka munang makipagkita kay Danna to avoid any more issues with her. Sa ngayon, I'm sure na sinusundan na rin siya ng mga reporters. Mainit pa ang issue ninyo. Hindi magandang magkaroon ulit kayo ng isa pa. Kung mangyari iyon, magiging at stake ang loveteam ninyo ni Kath. And maybe perhaps, both of your careers. Now, you don't want that, do you?"

Umiling siya.

"Sige, makakaalis na kayo."

Sabay na tumayo sila ni Mark at nagpaalam na dito. Nang nakalabas na sila sa office ay malalim na hininga ang pinakawalan niya.

"Maghanda ka na para sa presscon mo at para sa taped interview mo sa The Buzz," narinig niyang sabi ni Mark sa kanya.

Tumango lang siya dito at walang imik na sumunod dito patungo sa dressing room niya para maghanda sa dapat gawin niya sa araw na iyon.

__________

"Kath? Wala ka bang kailangan?" Narinig niyang tanong ng mama niya.

"Wala po, Ma. Okay lang ako," sagot niya dito na nakatalikod pa rin.

"Sige. Kung - kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."

Narinig niya ang mahinang pagsara ng pinto sa kanyang kwarto. Saka lang siya humiga ng paharap.

She sighed. Hanggang kailan ka magmumukmok, Kathryn Bernardo?

Hangga't kaya ko.

Napabuntong-hininga ulit siya. Isang buong araw na siyang nagmumukmok sa kwarto niya. Hindi siya lumalabas ng kwarto. May banyo naman sa loob ng kwarto niya kaya hindi na niya kailangan pang lumabas ng kwarto niya. At kapag may kailangan naman siya ay ang mama naman niya ang pumupunta lang ng kwarto niya para dalhin kung anong kailangan niya.

Hindi rin siya pumasok sa trabaho. May workshop sana siya nang araw na iyon pero pinili niya ang um-absent. Ayaw muna niyang makita si Daniel dahil hindi niya kaya. OA na kung OA pero hindi talaga niya kayang makita ito. Dahil mararamdaman lang niya ang sakit na hatid nito sa puso niya.

Marami nang bagay ang naiisip niya. Ang unang naisip niya ay ang posibilidad na mawawasak na ang loveteam nila ni Daniel dahil sa issue nito at ni Danna na hinaharap. Paano nga kung mangyayari na iyon? Paano na ang career niya o kay DJ? Lalaos na ba siya?

Pangalawang bagay na naisip niya ay si Danna. Ano na ba talaga ang estado nito sa buhay ni Daniel? Nagkabalikan na ba ito at si Daniel? Nakita na niya ang bagong litrato ng dalawa at masasabi niyang kumikirot talaga ang puso niya sa tuwing makikita niya ang litrato ng mga ito. Nakayakap si Danna dito habang karga-karga ito ni Daniel. Nagseselos siya. Sobrang nagseselos siya.

Ang panghuling naisip niya ay si Daniel. Hindi niya alam kung talagang mahal na niya ang binata pero sa nararamdaman niya, alam niyang gustong-gusto niya ito. Dahil ito lang ang lalakeng nakakapagpatibok ng puso niya sa abnormal na paraan. At ito lang ang nakakapagpaiyak sa kanya kahit na wala naman siyang karapatan. Ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa? Paano maaapektuhan ng issue na ito ang kanilang pagsasama? Kunsabagay naman, mukhang wala namang problema dito kung magkakahiwalay man sila ng landas. Dahil wala naman talaga itong pakialam sa kanya. Siya lang ang sobrang maaapektuhan kapag nagkataon, magkakahiwalay rin sila.

Dahil sa naisip niya na iyon, nakapag-conclude na siya ng pwedeng paraan para mapadaling solusyunan ang lahat.

Papakawalan na kita, DJ. Papakawalan ko na ang loveteam na ito. At papakawalan ko na rin ang kapit ng puso ko sa iyo.

__________

"Daniel, ano ba talaga ang totoong relasyon mo sa babaeng nasa picture?" tanong ng isang reporter sa kanya.

Nasa isang conference room ng ABS Network compound siya ngayon. Kasalukuyang ginaganap ang press conference para sa issue-ng kinasasangkutan niya.

"Kaibigan ko lang po siya," sagot niya sa mga ito.

"Bakit buhat-buhat mo siya sa picture? Anong nangyari?" tanong pa ng isang reporter.

“Tinutulungan ko lang po ang kaibigan ko,” simpleng sagot niya dito.

"Daniel, totoo bang pagpapanggap lang ang lahat? Na hindi mo naman talaga gusto si Kathryn Bernardo? Na ang lahat ng iyon ay publicity stint lang?" ang tanong ng isa na namang reporter.

"Iyan ang pinaka-absurd na rumor na narinig ko. Hindi po ako nagsisinungaling tungkol sa nararamdaman ko para kay Kath. Totoo po ang nararamdaman ko sa kanya," dire-diretsong sagot niya dito.

"At ano naman ang reaksiyon ni Kath sa issue-ng ito?" tanong ng naunang reporter.

"Alam naman po ni Kath ang totoong nangyari," sagot niya.

Marami pang tanong ang mga ito pero hindi na niya sinagot ang mga iyon. Sa halip ay nagbigay nalang siya ng mensahe.

"Hindi po totoong nagpapanggap lang ako sa nararamdaman ko kay Kath. Totoo pong gusto ko siya at hindi lang iyon publicity stunt. At walang sinuman ang makakapagpabago noon... hindi kayo, hindi ang babaeng nasa picture.. Kaibigan ko lamang ang babaeng nasa picture at alam ni Kath iyon. Kung hindi man kayo naniniwala, wala na po akong magagawa doon. Pero sa puso ko, lahat ng iyon ay hindi kasinungalingan. Salamat po," he said and then stood up and left the conference room.

"Wow. Daniel, I'm impressed. Magaling ka na talagang aktor. You pulled that off and make it seem like it was true." Nakaagapay na si Mark sa kanya.

Inignora niya ang komento nito. "Where next?" natanong nalang niya.

"Sa studio ng The Buzz," sagot nito.

Dire-diretso na siya sa studio ng The Buzz. Gusto na niyang matapos ang kailangan niyang tapusin sa araw na iyon. May kailangan pa kasi siyang gawin pagkatapos.

__________

Gabi na nang matapos ang taped interview ni Daniel sa The Buzz. Pero pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa bahay ni Kath. Sa wakas ay lalakasan na niya ang kanyang loob at kakausapin na niya ito.

"Good evening po, Tita Min," bati niya sa mama ni Kath nang dumating siya sa bahay nito.

"O, Daniel. Napadpad ka dito?" tanong ng mama ni Kath.

"Tita, gusto ko po sanang makausap si Kath, eh. Pwede po ba?"

Ngumiti naman ito. "Oo naman. It's about time na rin na kausapin mo siya."

Nahihiyang tumungo siya dito. "Opo nga, eh. Sorry po talaga at natagalan. Medyo marami kasi akong inunang asikasuhin. Kaya natagalan tuloy. Sorry po talaga."

Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi naman ako ang dapat hingan mo ng sorry, eh. At tsaka, ang mahalaga ngayon ay nandito ka na't kakausapin mo na siya."

"Salamat po, Tita," pagpapasalamat niya dito.

"O, siya. Tatawagin ko muna si Kath. Nagmukmok sa kwarto buong araw iyon, eh. Mukhang hindi pa maganda ang pakiramdam."

"Talaga po? Huwag nalang po muna ngayon?" tanong niya dito. "Baka kasi hindi magandang kausapin siya kasi hindi pa maayos ang lagay niya."

"Hindi. Kausapin mo na siya ngayon. Tsaka, nandito ka na oh. Sayang ang pagpunta mo dito kung hindi mo man lang siya kakausapin," sabi nito. "Maupo ka nalang diyan at hintayin mo ako. Tatawagin ko lang siya."

Tumango nalang siya dito at sinunod ang sinabi nito. Umupo lang siya sa sofa ng sala ng mga ito habang tinatawag nito si Kath. Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya nakitang bumaba na ito ng hagdan.

"DJ, pababa na iyon. Hintayin mo nalang, ha?" sabi nito sa kanya.

"Opo. Sige po, Tita. Maraming salamat po."

"May gusto ka bang inumin? Juice? Tubig?" tanong nito.

"Ah, huwag na po. Okay lang po."

"Sigurado ka?"

"Opo. Salamat po ulit."

"O, sige. Nandito lang ako sa kitchen if you need anything," sabi nito at tumuloy na sa kusina. Habang siya, tahimik na hinihintay ang pagdating ni Kath.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro