Chapter 13
"Mukhang importante ang tawag ni Daniel," mahinang wika ni Kath nang iniwan siya nito para sagutin ang tawag nito sa cellphone.
Nakapanglumbaba siya. Hindi pa nga nagpaalam sa akin. Badtrip.
Ayan na naman siya. Acting childish again and all. Nang dahil sa Daniel Padilla na iyan, nagmumukha siyang bata at tanga. Ako na ang tangang bata. Bow.
"Kath." Nakita niya si Vicky at si Mike na papasok ng tent niya. Lumapit ang mga ito sa folding bed niya. Nakaupo pa rin siya doon. Magaling na ang pakiramdam niya pero nang iniwan siya ni Daniel, feeling niya, babalik na ulit ang lagnat niya.
"Nasaan si DJ?" natanong ni Mike.
"Umalis na."
"Saan siya pumunta?" si Vicky ang nagtanong.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan.Umalis lang bigla, eh. Hindi na nga niya nakuhang magpaalam."
Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Mike.
"Anong tinataas-taas ng kilay mo? Kalbuhin ko iyang kilay mo, eh. Gusto mo?" maangas na sabi niya kay MIke.
"Ay, parang may nangyaring hindi maganda. Bumalik ang pagka-bruha ni Kath," asar ni Mike.
Inignora nalang niya ang pang-aasar nito.
"Kath, may sinabi ba si DJ sa iyo?" tanong ni Vicky.
Napakunot ang noo niya. "Wala naman. Bakit?"
Tumikhim ito. "Ah, wala naman. Kasi ano, eh - kasi nagtataka lang kami kung bakit nag-iba ang mood mo."
"Hmm." Tumango lang siya dito pero nagdududa siya. Parang may alam ang mga ito pero hindi lang sinasabi sa kanya.
"Siyanga pala, ang sabi ni Direk Mae, postponed na muna ang workshop ninyo ni DJ ngayon at bukas. Kasi nga, hindi naman maganda ang pakiramadam mo. Gusto niyang magpahinga ka nalang muna. At tsaka si DJ naman, may mga commitments pa siyang dapat asikasuhin," imporma ni Vicky sa kanya.
"Okay. Pero iyong sa Palawan next week, tuloy pa rin ba?" tanong niya dito.
"So far, wala pa namang sinasabi si Direk Mae na may nagbago sa schedule ninyo. So I guess, tuloy pa rin iyon."
She nodded again. Bigla namang pumasok si Mark sa tent niya. Nang nakita siya nito ay lumapit ito sa kanya.
"Kumusta ka na, Kath?" tanong nito.
"Okay na ako, Kuya Mark. Medyo pagod pa rin, pero hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko."
"Ah, okay." Tumango-tango ito. "Teka, nakita mo ba si DJ?"
"Ha? Kani-kanina lang, nandito siya. Pero umalis siya bigla, eh. Hindi ba siya pumunta sa iyo? Akala ko kasama mo siya," sagot niya dito.
"Hindi, eh. Teka, tatawagin ko."
Kinuha nito ang cellphone nito galing sa bulsa at idinial si Daniel. Nasa tenga na nito ang cellphone nito. Maya-maya'y ibinaba nito ang phone.
"Hindi sumasagot si DJ sa tawag ko," anito.
"Ha?"
"Nasaan na naman kaya ang taong iyon? Naku! Lagot talaga siya sa akin kapag may issue na naman - Oops!" Nagtakip ito bigla ng kamay.
"Issue? Na naman? Aniong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya dito.
"Teka lang, Kath. May nakalimutan akong bilin ni Ma'am Cory, eh. Lalakarin ko muna. Sige ha? Magpagaling ka na," pamaalam nito sa kanya saka ay mabilis na umalis sa tent niya.
Nagtatakang bumaling siya kina Vicky at Mike. Nang nakita nito ang pagtataka sa mukha niya ay nagkibit-balikat lang ang mga ito at nagbi-busy-busyhan.
Hmm. I smell something fishy.
__________
Agad na pinuntahan ni Daniel si Danna sa lugar kung saan sila magkikita. Nasa lumang park siya ng isang private property. Actually, pag-aari ang property na iyon sa family ni Danna. Pero nasa Canada na kasi ang buong pamilya ni Danna at ito lang ang nagpaiwan sa bansa. Kaya si Danna na ang nangangalaga ng lugar na iyon.
He remembered the memories he built at this place with Danna. Happy memories with her filled his thoughts. Napaupo siya sa swing kung saan niya inilahad ang pagmamahal niya para kay Danna, kung saan din tinanggap nito ang pagmamahal niya, at kung saan nangyari ang kanilang unang halik. Those happy memories were just too good to be true that it pains him to remember them again. Napapikit nalang siya ng kanyang mga mata.
"DJ?" Naimulat naman agad niya iyon nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.
"Danna."
She gave him a small smile. Nang sinuklian niya ang ngiti nito ay saka lang ito lumapit sa kinaroroonan niya at umupo sa swing na katabi nang sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong nito.
"Nope. Kararating ko lang."
Pareho silang natahimik. Tila kuntento na sa presensiya ng isa't-isa. Remembering and treasuring the times they spent together.
Just like old times, he thought.
"DJ."
"Danna."
Sabay silang natawa nang magkasabay pa silang magsalita.
"Go ahead," sabi nito.
"No. Ladies' first," sagot niya dito.
Ngumiti muna ito sa kanya saka ay nagsalita. "DJ, naalala mo ang lugar na ito?"
"Hmm."
"We've spent a lot of memories here together. Your first confession was just right here. On this swing. You were telling me you love me and that you want me to be your girl. Ang saya-saya ko nang araw na iyon kasi nalaman kong mahal pala ako ng taong mahal ko".
Tahimik lang siyang nakikinig dito.
"And then our first kiss. It also happened here. Hinding-hindi ko iyon malilimutan kailanman."
The memories again flashed through his mind. One of the happiest moments of his life. It was just sad to know na kailanman, hinding-hindi na mauulit ang moments na iyon sa buhay niya.
Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "DJ, I've read the articles sa magazine and sa internet... about the two of us."
Tumingin siya dito. Lungkot ang nakarehistro sa mukha nito.
Tumingin din ito sa kanya. "DJ, I'm so sorry. I know I ruined everything."
Nagsimula na itong umiyak kaya napatayo siya at lumapit dito. Nakaluhod siya habang nakaharap dito at inaalo ito sa pag-iyak.
"Shh. Wala kang kasalanan," pagtahan niya dito.
"No," pagsasalita nito sa pagitan ng hikbi nito. "Kasalanan ko iyon. Kung hindi ako naglasing, hindi mo na sana ako pinuntahan at hinatid sa apartment. Wala sana iyong litrato. Wala sana ang issue na ito."
Napabuntong-hininga siya. "No, Danna. Wala kang kasalanan. Ako ang may gustong pumunta sa iyo para alalayan ka. Wala kang kasalanan."
"Hindi, DJ. Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngayon. You have to face the media. You have to bear the bashes of your fans. At si Kath! Nakakasira na ako sa inyong dalawa. Nasisira ko na ang relasyon ninyo."
"There's no us."
Nanlalaki ang mga matang bumaling ito sa kanya. "What? Anong - anong ibig mong sabihin?"
He repeatedly debated in his mind kung sasabihin ba niya dito ang totoo o hindi.
"DJ, anong ibig mong sabihin?" tanong pa rin nito.
Lihim na napaungol siya. There's no turning back now. "Kath and I... walang kami, Danna."
Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. "What do you mean, walang kayo?"
"Walang kami. Hindi totoong gusto ko siya at may gusto siya sa akin."
"But, I thought you were helplessly in love with her?"
"It was all an act. Pagpapanggap ko lang lahat iyon."
"But, why?" tanong nito.
"I... I don't know." Honestly, hindi niya ang alam ang sagot. Basta isang araw, nagawa nalang niyang magpanggap na may gusto siya kay Kath.
"So, ibig sabihin, hindi mo naman talaga siya mahal?"
Dahan-dahan siyang umiling.
He saw a flicker of hope in Danna's eyes. "DJ? Is there a chance - kahit konting chance - na mahal mo pa rin ako?"
Gustuhin man niyang sagutin ang tanong nito pero wala siyang masabi dito. The words he wanted to say wouldn't just come out of his mouth.
"May pag-asa pa bang ako pa rin ang nilalaman ng puso mo, DJ?"
"Danna..." Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? "I... I'd rather not answer that question."
Biglang nalungkot ito. "Bakit?"
"Ayoko nang maging komplikado ang lahat. Kung sasabihin ko man sa iyo, may magbabago ba? Ayokong madamay ka sa gulo ng mundong pinasukan ko."
Danna was determined. "No, DJ. I'd rather face that world you're living right now kahit na komplikado pa ang lahat. Ang importante sa akin ay kasama kita. That's all I need."
Tumayo na siya sa pagkakaluhod. "I'm sorry, Danna. But I can't let you do that."
"Bakit?"
"Ayoko ngang madamay ka sa gulong ito."
"I'm willing to do anything for you, DJ. I'm willng to sacrifice for you."
Umiling siya. "Please, Danna. Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin."
"Pero ikaw lang ang kailangan ko, DJ. And then I know that I'll be fine by then."
"I'm sorry, Danna. But I think, mas maganda na ang hindi na tayo magkita. Nahihirapan akong makita kang nadadamay sa magulong mundo ko. I don't want to see you affected and hurt. Kaya kahit na nahihirapan din ako, mas mabuti na ang lumayo na tayo sa isa't-isa."
"But - "
He cut her off. "I'm sorry, Danna. Let's say our goodbyes now. Para hindi na tayo masyadong masaktan."
Mabilis ang pag-agos ng mga luha nito.
"Goodbye, Danna," he said and started walking away from her. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo, naramdaman nalang niya ang pagyakap ng mga bisig nito sa katawan niya.
"No, Daniel Padilla. Kahit na ano pang gawin mong pagtataboy sa akin, hinding-hindi ako lalayo sa iyo. Alam kong mahal mo pa rin ako, that's why I'm never gonna give up on you. Dahil mahal na mahal kita. And I'm going to fight for you," umiiyak na sabi nito sa kanyang likuran.
Unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap nito sa katawan niya. At nang tuluyan na siyang nakawala dito, lumayo na siya dito at mabilis na umalis sa lugar na iyon. He didn't want to see her hurt and crying. At ayaw rin niyang makita nito na nasasaktan rin siya sa desisyong ginawa niya.
__________
Inuwi ni Vicky si Kath sa bahay nito. Nasa kwarto na nito ito at nagpapahinga. Nandoon din si Tita Min, ang mama nito, at binabantayan ito. Habang siya ay nasa kusina at kinakausap si Mike.
"Bakit hindi mo pa sinabi sa kanya, Ate Vicky?" tanong ni Mike sa kanya.
"Ayokong malaman niya galing sa akin ang issue. Gusto kong sabihin sa kanya ni Daniel iyon."
"Pero paano kung malaman nga ni Kath, pero sa tabloids na. Hindi ba mas mabuti iyong tayo nalang ang magsabi sa kanya?" tanong pa rin nito.
Naisip na rin niya iyon. Iyon nga ang kinatatakutan niya. "I've thought of that already. Kaya nga as much as possible, ayokong may magazines na nagkakalat kapag naroon siya. At ayoko ring naka-on ang telebisyon. Si Daniel mismo ang magsasabi kay Kath. Iyon ang tama."
"Paano ka naman nakakasiguradong sasabihin talaga ni Daniel kay Kath?"
"Nagkausap na kami ni Mark. Sabi niya sa akin na kakausapin daw ni Daniel si Kath."
"Kung kakausapin ni Daniel si Kath, sana ay ginawa na ni Daniel iyon nang pumunta siya sa tent ni Kath."
"Mike, bigyan mo rin naman ng konting konsiderasyon si DJ. Alam naman nating hindi rin madali para kay DJ ang pinagdadaanan niya ngayon. Baka nahihirapan lang siyang sabihin kay Kath ang lahat dahil natatakot siya."
"Natatakot? Saan?"
"Baka natatakot siyang saktan si Kath."
"Eh, nasasaktan na nga niya si Kath ngayon."
Sabagay. "Pero let's still give him the benefit of the doubt. Hindi pa natin alam ang buong istorya kaya huwag tayong magpadalus-dalos sa pag-isip."
Tumango lang ito. Hindi na rin ito umimik. Alam niyang naiiintindihan nito ang sinabi niya.
"Pero grabe Ate 'no? Kahit ako, noong nakita ko ang picture ni DJ na buhat-buhat si Danna, talagang naniniwala na ako sa mga rumors. Na talagang may relasyon ang dalawa," ang sabi nito.
"Kahit nga ako. Ang sabi pa naman ni Kath, may namagitan nang relasyon ang dalawa. At kinumpirma pa nga naman ng dalawa noong nag-meeting kami with Ma'am Cory."
Napapalatak ito. "Paano na si Kath ngayon? Kahit na alam niyang pagpapanggap lang ang lahat kay DJ, hindi pa rin papaawat ang puso niyang mahalin ito. I'm sure, masasaktan si Kath kapag malaman ang issue-ng ito."
Nagbuntong-hininga siya. "Ayan na nga rin ang kinatatakutan ko, eh. Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Kath kay DJ. Ayokong makita siyang nasasaktan."
"Ang hirap pa kasi ng sitwasyon nila, nagpapanggap si DJ na may gusto kay Kath. Kaya ayun tuloy, hirap na hirap ang babae na i-distinguish ang totoo sa hindi totoo. Naku! Ako ang nahihirapan para kay Kath. Naaawa ako sa kanya."
"Ang mabuti nalang nating gawin ay suportahan si Kath sa kung anumang desisyong pipiliin niya. Moral support, kumbaga. Para hindi siya masyadong mahihirapan," ang sabi nalang niya.
"Korak ka teh!" pagsang-ayon nito.
__________
Uhaw na uhaw si Kath nang nagising siya. Nasa kwarto niya siya kasi pinapauwi na siya dahil mas makakabuti daw ang makapagpahinga muna siya. Katabi niya ang mama niya sa pagkahiga at nakatulog na rin ito. Ayaw naman niyang gisingin ito para lang kumuha ng tubig kaya napagpasyahan niyang siya na lamang ang kukuha.
Bumaba na siya ng hagdan at papasok na ng kitchen. Nakita niya si Vicky at si Mike sa kusina nila. Hindi pa pala ito umuuwi. Napangiti siya. Talagang masu-suwerte siya sa mga taong ka-trabaho niya. Ang babait ng mga ito at maalagain pa. Suportadong-suportado ang mga ito sa kanya kaya panatag siya sa trabaho niya.
Lalapitan na sana niya ang dalawa nang marinig ang pinag-uusapan nito.
"Bakit hindi mo pa sinabi sa kanya, Ate Vicky?" tanong ni Mike kay Vicky.
"Ayokong malaman niya galing sa akin ang issue. Gusto kong sabihin sa kanya ni Daniel iyon," ang sagot ni Vicky dito.
Agad siyang nagkubli sa gilid ng refrigerator habang nakikinig sa usapan nito. Nasasaktan siyang marinig na may inililihim ang mga ito sa kanya. Pero ang mas nakakasakit malaman ay iyong tungkol kay Daniel at kay Danna.
Sabi ko na nga ba. Alam niyang may nililihim ang mga tao sa paligid niya. Si Daniel, si Mark, si Vicky, si Mike... may inililihim ang mga ito sa kanya. At iyon ang bagong issue ni Daniel at ni Danna.
Napahawak siya sa dibdib niya. Gamay na gamay na ang puso niya sa sakit. Hindi na niya alam kung bakit patuloy pa siyang nagmamahal kung nasasaktan lang naman pala siya.
Imbes na tumuloy sa kusina ay napagpasyahan niyang bumalik nalang sa kwarto niya. Nararamdaman na niyang tutulo na ang mga luha niya sa mata.
Nang pumasok siya sa kwarto niya ay nakahiga pa rin ang mama niya sa kama niya. Agad-agad siyang humiga rin at niyakap ito. Nagising naman ito sa pagyakap niya dito.
"Kath?"
"Ma...."
Humarap ito sa kanya. "Anak? Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Napaiyak na siya nang tuluyan.
"Anak? Bakit? Anong nangyari?"
"Ma, ganito ba talaga ang nagmamahal? Laging nasasaktan?"
Tiningnan siya ng mama niya saka ay bumuntong-hininga. NIyakap siya nito at hinagod-hagod ang buhok niya. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Anak, lahat ng taong nagmamahal, nasasaktan. Pero iyon ay dahil totoo ang nararamdaman mo," payo nito sa kanya.
"Pero, Ma. Kahit nasasaktan na ako, bakit patuloy pa rin akong nagmamahal?"
"Kasi hindi lang sakit ang nararamdaman mo. Kapag nagmahal ka na, lahat ng emosyon nararamdaman mo. Joy, peace, wonder, and love. Ang mga emosyon na ito ang bumubura sa sakit na mararamdaman mo."
Tuloy lang ang pag-agos ng mga luha niya.
"Si DJ ba?" tanong nga mama niya.
Hindi siya sumagot. Pero alam niyang kahit hindi pa siya sumagot, alam na alam na ng mama niya ang sagot.
"Mahal mo nga talaga si DJ."
Oo. Sobra-sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro