Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

"DJ." Dumating na si Vicky at dala-dala ang mainit na tubig at gamot para sa lagnat. Kasama naman nito si Mark.

"Anong nangyari kay Kath?" nag-aalalang tanong nito.

"Nahimatay lang siya kanina, eh. Ang taas-taas ng lagnat niya," sagot niya dito.

May inilabas na thermometer si Vicky galing sa bag nito. Kinuha naman niya dito ang mainit na tubig at siya na mismo ang nagpunas sa mukha nito.

"Teka lang, sasabihin ko muna sa staff na magpadala ng medical assistance dito. Para matulungan kayo diyan," sabi ni Mark saka ay umalis ng tent.

Patuloy lang siya sa pagpunas ng mukha ni Kath. Maputlang-maputla pa rin ito at nanginginig pa ang katawan.

"Ate Vicky, kamusta na ang temperature niya?" tanong niya dito nang matapos nito kunan ng temperature si Kath.

"39 degress. Ang taas," sagot nito sa kanya.

Mas lalo pa siyang nag-alala sa kalagayan nito.

"Nandito na ang medic," anunsiyo ni Mark nang dumating na ito sa tent.

Tumayo siya para mapalitan nito ang pwesto niya. Siya kasi ang pinakamalapit kay Kath.

"DJ, labas muna tayo," ang sabi ni Mark sa kanya when the doctor was already cheking up Kath's condition.

"Mamaya na. Dito muna ako,” sagot niya dito habang hindi pa rin mapakali sa kinatatayuan at tinitingnan ang mga medic na asikasuhin si Kath.

"May kailangan tayong pag-usapan," anito pa.

Napatingin siya dito. "Ano iyon?"

"Sa labas na tayo mag-usap."

"Pero, si Kath...."

"Nandiyan naman si Vicky, eh. Importante itong pag-uusapan natin."

Napatingin naman siya kay Kath na nakahiga sa folding bed. May gamot na na pinainum dito kaya medyo tumahan na ang panginginig nito.

Nang masigurado niyang naasikaso na si Kath sa mga medic ay medyo lumuwag na ang pakiramdam niya kaya ay sumang-ayon siya kay Mark. Agad silang lumabas nito sa tent.

"Ano ba iyon?" tanong niya kay Mark.

"DJ, hindi ba sabi ko sa iyong mag-iingat ka?" sabi nito.

"Ha? Anong ginawa ko?"

May inilabas itong isang showbiz magazine. Nanlaki naman ang mata niya nang nakita ang litrato niya. At hindi lang iyon. Nasa litrato din si Danna... na karga-karga niya.

"Paanong - ?” nagulat na wika niya. May picture nang ganito na nagkalat?

“Go ahead, DJ. Explain yourself to me,” wika ni Mark.

“Ito iyong kagabi. Lasing na lasing si Danna nito kaya kinarga ko nalang papuntang apartment niya," sambit niya.

Kinuha niya mula dito ang magazine. Tiningnan niya iyon and flipped the magazine to the page kung nasaan matatagpuan ang article.

CONFIRMED! Daniel Padilla is WITH another girl, and NOT WITH Kathryn Bernardo.

Sa litrato palang, halatang-halata na na may relasyon si Daniel at ang babaeng nasa larawan. Speculations about the true relationship of Daniel and this certain girl were running wild around the internet these past few days. Hindi makuha ng mga press ang pahayag ni Daniel Padilla. Instead, nagsalita lang ang ABS Network management in behalf of him. Ang pahayag ng mga ito, the girl was just an old friend, denying that there's nothing going on with the two. Pero ngayon, huling-huli na sa akto ang dalawa. There's no way you could deny that there's no relationship going on with the two. Paano na lulutasin ni Daniel ang issue na ito?

 

As of this moment, hindi pa nagsasalita ang babaeng kasama ni Daniel sa litrato. Hindi rin makuha-kuha ng press ang opinyon ng ka-loveteam ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo. Umiiwas lang ba si Kathryn sa issue dahil ayaw nitong lumala ang sitwasyon? Or umiiwas ito dahil totoo ang issue at hindi nito alam kung paano ide-deny iyon?

 

One thing is for sure. Daniel Padilla is in a FAKE relationship with Kathryn Bernardo.

Isinara na ni Daniel ang magazine. He does not want to continue reading the article.

"Anong sinabi ko sa iyo, Daniel? Now, tell me. Paano mo ito lulutasin?" tanong ni Mark sa kanya.

Napatingin lang siya dito saka ay napatingin ulit sa magazine. Napamura naman siya nang malakas nang makita ulit ang picture nila ni Danna.

"Si Kath."

"Uy! Milagro, DJ ha? Si Kath ang unang naisip mo at hindi si Danna. Tama ba iyong narinig ko?"

Naiinis na lumingon siya dito. "Pwede ba? Hindi ito ang tamang panahon para mang-asar ka."

Nagbuntong-hininga siya. Ang hirap na ng sitwasyon niya ngayon. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang ayusin ang lahat.

"Hindi ko na nga alam kung paano ko ito maaayos, eh," nakapanglumbaba na sabi niya dito.

Napapalatak si Mark. "DJ, ikaw naman kasi. Sinabi ko sa iyong mag-ingat ka, pero ano? Hindi ka pa rin nag-iingat. Iyan tuloy, naiipit ka na ng masyado. At tsaka, alam mo naman ang mga press ngayon. Marami na silang alam na mga ninja moves. Kahit magtago ka pa, makakahanap sila ng paraan para makita ka."

"Oo na! Alam ko nang mali ako. Pero pwede bang huwag mo nalang akong sumbatan? Kasi, alam kong masasabon ako nito kay Miss Cory at sa press, eh. Kaya pwede? Kahit konting suporta lang."

Nagbuntong-hininga naman ito. "Sige, bro. I got your back. Huwag kang mag-alala. Kung anuman ang maging desisyon mo dito, susuportahan kita. Before I became your manager, I was your friend. At kahit hindi mo na ako manager, kaibigan mo pa rin ako."

Tinapik niya ang balikat nito. "Salamat, pare. Maraming salamat."

__________

Masama pa rin ang pakiramdam ni Kathryn nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Mabigat ang katawan niya at masakit ang ulo niya. Ginaw na ginaw ang pakiramdam niya.

"Kath?"

Hinanap niya ang tinig na iyon at nakita ang gwapong mukha ng taong pinakamamahal niya.

Nilapitan siya nito. "Kath? How are you feeling?"

"DJ... you're here," she beamed.

Nagbuntong-hininga ito. "Kath, please don't smile at me like that."

"Like what?"

"Like you're very happy to see me."

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba pwede?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Kasi..." Mukhang nagdadalawang-isip ito.

"Kasi?" She urged him to go on.

"I don't want you hurting."

Kinabahan siya sa sinabi nito. "Bakit naman ako masasaktan?"

"Because of everything that's happening right now."

"Bakit? Anong nangyayari?"

"Kath, kasi... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ito."

"Ano ba kasi iyon, DJ?"

Nagbuntong-hininga na naman ito. Mukhang ang bigat-bigat ng pakiramdam nito.

"DJ, please... Sabihin mo na sa akin." Nagsimula na siyang kabahan sa maaaring sabihin nito.

"Kath, Danna and I... Nagkabalikan na kami," sabi nito na ikinagulat niya.

Feeling niya, sasabog na ang puso niya sa sakit. Hindi niya kaya. Sobrang mahapdi. Sobrang masakit. Hindi pwedeng magkabalikan ang mga ito.

Hindi pwede! Hindi!

"NO!!!"

"Kath? Kath!"

Naimulat niya ang kanyang mga mata dahil sa matinding pagyugyog sa kanyang mga balikat.

"Kath? Okay ka lang?" mukha ni Vicky ang bumungad sa kanya.

"Ate Vicky," mahinang wika niya.

"Kath, nananaginip ka. What happened? You're crying," sunod-sunod na wika nito. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.

Sa wakas ay naging malinaw na sa kanya ang paligid. Nananaginip lang pala siya. Panaginip lang ang lahat.

"Kath?" Naghihintay si Vicky sa kanya.

"I was just dreaming. It was just a dream."

Na-relieved naman ito. Pagkatapos ay tumango. "Kath naman, eh. Pinapakaba mo ako."

"Si DJ?"

Nagbuntong-hininga ito. "Nasa labas. Nag-uusap sila ni Mark."

"Ano ba iyan, teh? Si Daniel agad ang hinanap? Kahit na nilalagnat na, lablayp pa rin ang inaatupag," komento ni Mike. Nandoon din pala ito sa tent niya.

Imbes na mainis ay natawa nalang siya sa sinabi nito. Natawa lang din si Vicky.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Vicky sa kanya.

Pinapakiramdaman niya ang sarili. Hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam niya katulad nang kanina. "Medyo okay na."

"Sure ka?"

"Yes. Hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko," sagot lang niya dito.

"Kasi, si fafa Daniel ang nagbuhat sa kanya, eh. Kaya ayun, ayos kaagad ang feeling. Heaven ba ang feeling 'pag siya ang kapiling?" wika ni Mike.

Natawa pa rin siya dito. Sinaway naman ito ni Vicky.

"Tumahimik ka nga ha, Mike. Mamaya, marinig ka ni Daniel sa labas," saway ni Vicky dito.

Umismid naman si Mike pero hindi na rin umalma.

"Kath, may dapat tayong pag-usapan. Pero mamaya nalang. Kapag mabuti na ang pakiramdam mo," sabi ni Vicky sa kanya.

"Mabuti naman ang pakiramdam ko."

"Hindi. Iyong mabuti na talaga ang pakiramdam mo. Baka mabinat ka na naman, eh."

Natawa lang siya. "Hindi na. Promise. Okay na nga ang pakiramdam ko."

"Hindi. Mamaya na talaga," pilit pa rin nito.

Natawa nalang siya dito.

__________

Pagpasok ni Daniel sa tent ni Kath ay ang tawa nito ang unang narinig niya. Napangiti siya agad. Gumaan ang pakiramdam niya dahil okay na ito.

Napahinto agad ito nang nakita siyang pumasok sa tent. Napatingin naman si Vicky at si Mike na kasalukuyang nasa tent din.

"Ah, sige Kath. Labas muna kami ni Mike," ang sabi ni Vicky saka ay lumabas ng tent kasabay ni Mike.

Lumapit naman siya dito. Nakaupo na ito sa folding bed nito at kumakain ng orange. Mukhang maganda na nga talaga ang pakiramdam nito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya dito.

Ngumiti ito sa kanya. "Okay na ang pakiramdam ko."

"Hmm." Tumango lang siya dito.

BInalot sila ng katahimikan. Wala siyang masabi dito. Naalala na naman niya ang bagong lumabas na issue sa kanya. Alam niyang kung malalaman iyon ni Kath, maaapektuhan ito ng sobra.

"Ah, DJ... Salamat pala sa pag-alala sa akin kanina. Salamat at hindi mo ako pinabayaan nang nahimatay ako," ang wika ni Kath.

Ngumiti lang siya dito.

Ah, I can't bear to wipe that smile off her face. Hindi niya kayang sabihin dito ang sitwasyon ngayong kinasasangkutan niya. Pero ayaw rin naman niyang malaman niyon sa iba.

Ewan. Naguguluhan talaga siya.

"Ah, DJ? Okay ka lang?" Narinig niya ang tinig ni Kath na siyang nakapagbalik ng diwa niya.

"Ha?"

"Parang ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

Nag-ipon siya ng lakas ng loob. He took in a deep breath. Kaya ko ito.

"DJ?" Nagtataka na talaga ito sa kilos niya.

"Kath, may sasabihin kasi ako sa iyo," panimula niya dito.

"Ano iyon?"

"Ah - " Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya.

Napatingin si Kath sa kanya at sa cellphone niya nang kunin niya iyon mula sa bulsa niya. Nang tiningnan niya ang caller ay nagulat siya nang makitang si Danna ang tumatawag.

Bumaling siya kay Kath. "Ah, Kath. Mamaya nalang tayo mag-usap. Okay lang ba?"

"Ha? Ah, sige," ang sabi lang nito.

Tumayo na siya at lumabas ng tent nito. Nang nakalabas na siya ay saka lang niya sinagot ang cellphone niya.

"Danna?"

"DJ? Busy ka ba ngayon?" Narinig niya ang tinig ni Danna sa kabilang linya.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Pwede ba kitang makausap? Please? Importante lang."

Napatingin ulit siya sa tent ni Kath saka ay nagbuntong-hininga.

"DJ?"

"Sige. Saan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro