Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Sa wakas ay natapos na rin ni Daniel ang mga commitments niya para sa araw na iyon. Kagagaling lang niya sa isang taped interview. Before the interview ay may ginawa pa siyang dalawang mall shows. Kaya naman ay nakaramdam agad siya ng pagod nang nasa van na siya kasama si Mark. He wanted to go home and take his rest now. Pero alam niyang hindi pa rin siya makakapagpahinga dahil sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya.

"Kuya Mark, puntahan muna kaya natin si Kath?" natanong niya kay Mark na katabi lang niya.

"Sa tingin mo?" balik-tanong nito.

"Hindi ko alam." Napabuntong-hininga siya. "Ewan."

He was really tired and as much as possible, ayaw niyang maraming iniisip. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang mapaisip ang tungkol sa issue, kay Danna, at kay Kath.

"Kakausapin ko lang naman si Kath," sabi niya pa rin dito.

Tumingin naman ito sa relong pambisig nito. "DJ, madaling araw na oh. Sa tingin mo ba, ito ang tamang oras para kausapin si Kath?"

Napatingin na rin siya sa relos niya. Tama nga ito. It was already quarter to one.

"Ano ba iyong sasabihin mo kay Kath?" tanong nito sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko lang siyang makausap tungkol doon sa issue."

"Ah, oo nga pala," sabi nito. "Ang sabi ni Ma'am Cory, kapag may magtanong na media sa iyo about the issue, huwag mong sagutin. No comment ka lang. Para hindi na lumala iyon."

Napatango siya sa sinabi nito. Mas gusto rin niyang iyon ang gawin niya para wala nang maraming tanong galing sa mga press.

"Eh, si Kath?"

"Sinabihan na siya ni Vicky. Kakatawag lang niya para e-inform sa akin iyon."

"So, gising pa si Kath?" tanong niya dito. He was hopeful he would say yes.

"Hindi ko alam. Bakit?"

"Kailangan ko nga siyang kausapin."

"Ipagbukas mo nalang iyan, DJ. Magkikita naman kayo bukas dahil may shooting kayo sa Princess and I, and may workshop din kayong dalawa para sa upcoming movie ninyo."

Lihim siyang napabuntong-hininga. Kinuha niya ang cellphone niya. Tiningnan niya ang phonebook niya hanggang sa nahanap niya ang numerong kailangan niya.

Should I call her? Or not? Nagdadalawang-isip pa rin siya kung tatawagan niya ito. Baka kasi nakatulog na ito kasi madaling araw na. But in the end, he decided to call her. Talagang gusto niyang makausap ito.

Ilang ring pa lang ay sumagot na ito.

"DJ?" 

__________

Hindi maalis-alis sa isip ni Kathryn si Daniel at si Danna at ang issue na kinasasangkutan ng mga ito. Talagang naapektuhan siya doon kasi for one, alam niyang maaapektuhan ang loveteam nila ni Daniel, at pangalawa, nasasaktan siyang makita ang dalawa. Wala siyang karapatan, yes, aminado siya doon. Pero masama ba ang masaktan dahil nagmamahal ka lang?

Nasa harap siya sa laptop niya at nakatitig lang sa litrato ni Daniel at Danna na kalat na kalat na sa buong internet.

Napasabunot siya sa buhok niya. Ano ka ba, Kath! Di ba sabi ko sa iyo na huwag mo nang titingnan ang picture nila?

Kahit gusto niyang sundin ang nasa utak niya, iba pa rin ang dinidikta ng puso niya. Masokista yata ang puso niya dahil gusto nitong mas lalo pa siyang masaktan.

Napatingin ulit siya sa picture ni Daniel at Danna. If she was not mistaken, it was the same day when she saw them together na paalis sa restaurant where she dined with Direk Mae. Kaparehas lang kasi ang suot ni Daniel sa araw na iyon at ang nasa picture. Although, the article was now dated a day after.

Napatingin siya sa cellphone niya at kinuha ito. She scanned through her phonebook until nahanap niya ang number ni Daniel. Alam niyang imposible pero somehow, she was expecting Daniel's call. She was expecting that he would call her and explain to her everything that happened. Kahit papaano naman, may karapatan pa rin siyang marinig mula dito ang explanation nito. Affected kasi ang loveteam nila sa issue na iyon. Pero maga-ala una na at hindi pa rin ito tumatawag sa kanya. Never pa naman talaga siyang tinawagan nito. Yes, may number sila sa isa't-isa, but they don't text much. Rather, they don't text at all. They just saved each other's number on their cellular phones. Pero kahit ni isang text o tawag ay wala pa siyang natatanggap dito.

Itinabi nalang niya ang cellphone. Kesa naman sa magdamag niyang titigan iyon, wala rin naman siyang mapapala. She again stared at the screen of her laptop. Kahit anong gawin pa niya, nasasaktan talaga siya sa picture ni Daniel na kasama ni Danna.

Gaga ka pala, eh. Sabi nang huwag nang tingnan ang pictures.

Oo nga, Kath. Ang tanga-tanga mo talaga. Gusto mo yatang masaktan nang paulit-ulit, eh.

At isang picture pa nga iyon ha, sobrang sakit na. Paano kaya kung madaming pictures na ang kumalat sa internet? Hindi na siguro siya mago-open ng internet.

Napaigtad naman siya nang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag sa kanya. Biglang nabuhay ang dugo niya. Baka ito na ang hinihintay niya buong araw. Baka si Daniel na ang tumatawag sa kanya.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone. Hindi na niya natingnan kung sino ang naka-register na number sa screen dahil dali-dali niyang sinagot iyon.

"Hello?" She was expectant to hear Daniel's voice.

"Kath?" Nadismaya agad siya nang hindi ang tinig ni Daniel ang narinig niya.

"Ate Vicky, ba't napatawag ka?"

"Why are you still awake?"

"Eh, ikaw? Ba't gising ka pa?"

"Kath, ikaw ang tinatanong ko. Ba't gising ka pa, ha? Marami ka pang gagawin bukas. You need to rest."

"Wala lang, Ate." Hindi niya masabi dito na hinihintay niya ang tawag ni Daniel.

"Teka, parang alam ko na. Are you waiting for Daniel's call?"

Sheet of paper! "Ha? Ah. Hindi, ah."

"Sus, Kathryn. Mag-deny ka pa. Halata naman."

"But I'm not. Really."

"Anong ginagawa mo? Staring down at your laptop at paulit-ulit na binabasa ang article about Daniel and Danna?"

Tae! "May CCTV camera ka ba sa kwarto ko?"

"Sinasabi ko na nga ba!"

She sighed. "Sorry. Eh, sa hindi ko maiwasan."

"Anong hindi? Pwedeng-pwede mong iwasan. Talagang ayaw mo lang. Sadista ka rin pala, eh 'no?"

"Hindi naman masyado."

"Hindi daw masyado. Ano iyang ginagawa mo ngayon?"

"Ate naman! Walang pakialamanan."

"Walang pakialamanan? Kapag iiyak-iyak ka, sa akin ka pupunta. Tapos sasabihin mo sa aking 'walang pakilamanan'? Ayos ka rin, ano?"

"Ate Vicky! Hayaan mo nalang ako."

"Sadista ka nga talaga. Oh siya. Kung iyan ang makakapagpasaya sa iyo. Hala sige! Susuportahan nalang kita."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Thanks, Ate Vicky!"

"Okay, okay. Pero pwede bang mamaya mo nalang iyan gawin? Tingnan mo ang oras oh. It's already one o'clock. Marami ka pang gagawin mamaya kaya sure akong made-drain na naman iyang energy mo. Kakagaling mo nga lang sa lagnat, eh. Baka mabinat ka niyan."

"Okay na naman ako."

"Oo nga. Pero baka bumalik ang lagnat mo. Kaya magpahinga ka na muna. Mamaya na iyang kada-drama mo diyan. Ipagpaliban mo muna iyan," sermon nito sa kabilang linya. "Kath, makinig ka sa akin."

She rolled her eyes. Kahit na anong gawin niya, wala siyang magawa kundi ang sumunod sa utos nito. "Opo. Eto na, ini-off ko na ang laptop ko. At tsaka, magpapahinga na ako."

"Good. Sige, good night Kath."

"Good night, Ate Vicky."

"Sweet dreams... of Daniel."

Napatawa siya. "Oo na! Sige na. Babush!"

And she hung up the phone. Tulad ng sinabi niya dito, talagang ini-off na niya ang laptop niya. Tama nga naman ito. Kailangan na rin niyang magpahinga.

Napabagsak na higa siya sa kama niya. Nararamdaman na naman niya ang pagod sa katawan. Feeling niya, lalagnatin siya ulit. Pero hindi siya magpapatalo sa kahinaan ng katawan niya. Kailangan niyang pumasok sa trabaho bukas. Ayaw niyang maging unprofessional sa trabaho. And she also wouldn't miss a chance to see and be with Daniel. She still needed to hear Daniel's explanation. And she would wait for him to explain everything to her.

Yes, I would wait. Even if it takes forever.

__________

"DJ?" Narinig ni Daniel ang tinig ni Danna sa kabilang linya.

"Danna."

"Bakit ka napatawag?"

"Wala lang. I just wanted to know if you're okay."

Natahimik naman ito sa kabilang linya.

Hindi na siya nakatiis. "Danna?"

Naririnig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. Was she crying?

"Danna? Anong nangyayari sa iyo?"

Patuloy pa rin ang paghikbi nito. He was getting worried.

"Danna?"

"DJ?" At last, may narinig na rin siyang nagsalita sa kabilang linya. Pero hindi ito ang tinig ni Danna.

"Sino ito?" tanong niya dito.

"Si Stefani ito."

He remembered Stefani. She was Danna's bestfriend. "Stef? Anong nangyayari kay Danna?"

"Kasi DJ, nag-iinuman kasi kami. Eh, lasing na yata siya."

"What?" Naglalasing si Danna?

"Oo, eh. Umiiyak nga siya, pinapatahan ko naman. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Nag-aalala na ako."

"Sinong kasama niyo diyan?"

"Kami lang dalawa."

Damn. Baka ano pa ang mangyari sa dalawa. Hindi tuloy siya mapakali.

"DJ? Alam kong kaka-issue niyo lang ni Danna. Pero kasi, hindi ko ito kayang mag-isa. Wala naman akong ibang mahingan pa ng tulong. Kaya if okay lang sa iyo, okay lang ba na puntahan mo kami? I really need your help."

Napaisip siya. May issue pa siyang hinaharap ngayon at apektado si Danna. Kaya as much as possible, gusto niyang umiwas dito para hindi ito mapag-initan ng mga media. Pero nag-aalala pa rin siya kay Danna.

"DJ?"

"Nasaan kayo?"

Sinabi nito sa kanya ang kinaroroonan nito. Dali-daling inutos naman niya sa driver ang location ng mga ito.

"DJ, anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Mark.

"Basta. May kailangan lang akong gawin," sagot niya dito.

"Pero maaga ka pa mamaya," pagtutol pa rin nito.

"Basta. I need to do this. Kailangan niya ako ngayon."

"Sino?"

"Si Danna."

Hindi na ito nag-komento pa pero kitang-kita niya ang pag-iling nito. But as of the moment, hindi na niya iniintindi ang iniisip nito. Basta ang mahalaga sa kanya nang panahong iyon ay ang malaman kung okay lang ba si Danna.

Nang sa wakas ay narating na nila ang kinaroroonan nila Danna ay dali-dali siyang bumaba sa van. Sinabihan niya ang mga itong tatawag nalang siya kapag magpapasundo na siya. Hindi rin naman kasi siya allowed na mag-taxi kasi ipinagbawal sa kanilang mga public personalities iyon. Kaya wala siyang magawa kundi ang magpasundo.

"DJ, whatever you're up to, please... mag-ingat ka," bilin pa ni Mark bago ito tuluyang umalis.

Tumango lang siya dito. Dali-dali siyang umalis doon at hinanap ang karaoke bar na sinasabi ni Stef. Nang sa wakas ay natagpuan na niya ang bar na sinasabi nito ay pumasok agad siya doon at hinanap ang silid kung nasaan naroon ang mga ito. Pagpasok niya sa silid ay nakita niya si Stef na inaalo si Danna, na nakahiga na sa sofa na nandoon. Naka-mute ang sound system sa kwarto. Kaya siguro ay wala siyang marinig na ingay nang tinawagan niya ito. Sound proof din ang kwarto kaya ay hindi maririnig ang ingay mula sa labas at sa ibang kwarto pang nandoon.

"DJ, salamat at dumating ka," relieved na sambit ni Stef.

"Anong nangyari?" tanong niya dito. Lumapit siya kay Danna at inalo na rin ito.

"Naparami yata ang inom, eh. Kaya hayan, lasing."

"Ba't hinayaan mo siyang maglasing?"

"DJ naman. Kung alam mong may problema ang kaibigan mo, siyempre dadamayan mo, di ba? Dinamayan ko lang si Danna, eh hindi ko naman pala alam na gusto niyang magpakalasing."

Napahinga siya ng malalim na hininga. "Halika na. Ihahatid ko na kayo."

"Sige," anito at nagsimula nang tumayo.

Dahan-dahang binuhat naman niya si Danna mula sa pagkahiga. Saka ay dali-dali silang lumabas ng videoke bar. Buhat-buhat niya si Danna, habang dala-dala naman ni Stef ang mga kagamitan nito.

Nakatira si Danna sa apartment malapit lang doon sa videoke bar. Magkasama ito at si Stef na nakatira sa apartment nito.

"Kahit hiwalay na kayo, nag-aalala ka pa rin pala sa kanya," narinig niyang sabi ni Stef.

Hindi lang siya umimik at tuloy-tuloy lang sa paglakad hanggang sa narating nila ang apartment nito. Binuksan naman ni Stef ang gate at tsaka ang pintuan. Saka ay sumunod siya papasok para maipasok na rin si Danna. Lasing na lasing pa rin ito at hindi pa gumigising.

"Where should I lay her?" tanong niya kay Stef.

"Diyan na lang sa sofa. Teka lang, kukuha ako ng mainit na tubig sa kusina," anito saka ay tuluyan nang tumungo sa kusina.

Ibinaba niya si Danna sa sofa sa living room. Nang naibaba na niya ito ay inayos pa niya ang damit nito, saka ay napabaling ang tingin niya sa mukha nito. Hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang mukha nito.

Danna, paano ko ba sasabihin sa iyong mahal pa rin kita?

Narinig niya ang tahimik na ungol nito. Mukhang umeepekto na ang alak sa katawan nito.

"Daniel," biglang sambit nito.

Natigilan naman siya. Bakit tinawag nito ang pangalan niya?

"Daniel."

"Danna?"

"DJ," tawag sa kanya ni Stef. Nakabalik na pala ito mula sa kusina.

Napatayo nalang siya para makapalit si Stef sa puwesto niya at mapunasan nito si Danna ng mainit na tubig sa katawan.

"Salamat pala sa pagtulong, DJ ha? Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag hindi ka dumating."

"Walang anuman iyon."

"Kahit na hiwalay na kayo ni Danna, alam kong mahalaga pa rin siya sa iyo. Nararamdaman ko, eh. At hindi mo alam, pero mahalaga ka pa rin sa kanya."

Tahimik lang siya habang pinapanood ito sa pagpunas kay Danna.

"Ah, sige DJ. Kaya ko na ito. Baka kasi naabala na kita nang masyado, eh. Pero salamat talaga sa pagtulong."

Tumango lang siya dito. "Sige, Stef. Mukhang late na rin. Kailangan ko na ring magpahinga."

"Salamat uli. At pasensiya na sa abala," pagpasalamat ulit nito bago pa siya tuluyang lumabas ng apartment nito.

Agad naman niyang tinawagan ang driver niya at nagpasundo na rin. Hindi umabot ng thirty minutes ay nasundo na rin siya ng driver nila. Nang nakarating na siya sa bahay ay tuloy-tuloy lang ang lakad niya papuntang kwarto niya. He was really exhausted and he really wanted to rest. Nang nakapasok na siya sa kwarto ay pabagsak na humiga siya sa kama niya.

He should be drifting off to sleep now pero hindi pa rin siya dinalaw ng antok. Dala siguro sa napakaraming bagay na nasa utak niya ngayon. Napaisip siya kay Danna. Alam niyang nahihirapan ito. Mas nahihirapan naman siya sa sitwasyon nila. Kahit na hiwalay na sila, mahal niya pa rin ito. At ang makitang nasasaktan at nahihirapan ito, mas doble ang sakit at hirap ang nararamdaman niya.

And then napaisip siya kay Kath. Ano na kaya ang nangyayari dito? Okay lang kaya ito? Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at hinanap ang contact nito sa phonebook niya. Ilang minuto na rin siyang nakatitig sa number nito pero hindi niya pa rin mapagdesisyunan kung tatawagan niya ito o ite-text. Napatingin naman siya sa relo niya at nakitang it was already past two in the morning. Malamang ay himbing na himbing na ito sa pagtulog. Kaya ay sa wakas, napagpasyahan nalang niyang huwag na itong istorbohin. He would just wait until later morning to talk to her.

Again, napabuntong-hininga siya. Hanggang sa hindi nalang niya namalayang nakatulog na pala siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro