Chapter 1
"Daniel, let's get straight to the point. Gusto mo ba talaga si Kathryn Bernardo?"
"Tita, hindi naman talaga ako nagpapaligoy-ligoy, 'di po ba? Ayokong maging plastic. Si Kathryn ay gusto ko talaga."
Kahit naka-low ang volume ay dinig na dinig niya pa rin ang malakas na tilian ng mga fans.
"Ano ba ang nagustuhan mo kay Kathryn?"
"Hindi ko po alam kung anong gusto ko sa kanya, nalalabuan ako, pero 'yung feeling na parang masaya ka pag andun siya."
She couldn't help but roll her eyes at his statement.
"Gaano mo siya ka-gusto?"
"Kaya kong gawin ang kahit ano para kay Kath."
She couldn't bear it anymore. Kaya ay napagpasyahan nalang niyang patayin ang T.V.
"Kaya kong gawin ang kahit ano para kay Kath," she tried to mimick what Daniel just said on his interview at The Buzz with Miss Charlene Gonzales.
Inis na hinagis niya sa couch ang remote control ng T.V.
"As if. Ikaw na talaga, Daniel Padilla. Ikaw na ang pang-FAMAS na Best Actor award. Ang galing-galing umarte." Sinabayan pa niya ng round of applause.
She lazily sat on the couch and slouched. Kinuha niya ang iPad niya at nagsimulang maglaro.
"Kath, what are you still doing here?" tanong ni Vicky, ang personal assistant niya, na kakapasok lang ng dressing room niya.
She just looked at her and then continued playing the iPad.
"Kath naman. Alam mo namang may interview ka ngayon with Miss Carmina sa Showbiz Inside Report kasama si DJ. Ba't hindi ka pa nakapag-ayos?" nagpa-panic na sabi nito.
She shrugged. "Kailangan pa ba talaga iyon? Pwedeng si Daniel nalang? Tutal, ang galing-galing naman niya sa mga interviews. Pwedeng siya nalang?"
"Kath, what is it this time?"
Childish mang tingnan pero hindi niya mapigilan ang pagmaktol. "I'm so sick and tired of all these plays."
Vicky sighed. "Kath, you know this is for the best. Para sa career mo. Sa career ninyo ni DJ. Now if you want to have a longer and successful career, you have to put up with this. Hindi lang naman ito para sa inyo ni DJ, eh. Think of all the fans na napapasaya ninyo."
"May mga fans naman ako kahit wala si DJ, ah."
"But you can't deny the fact na kapag pinagsama kayong dalawa, mas marami kayong fans. Jusko! Sa dinami-rami ng mga fans ninyong dalawa, higit-kumulang ang whole population ng Pilipinas sa fans ninyo."
"Ugh. Ba't ba kasi nauuso pa iyang pa-loveteam-loveteam na iyan? Sa Hollywood naman, sumisikat ang isang artista because of their individuality and not because of their loveteams."
"Pilipinas ito, Kath. Hindi ito Hollywood. Kaya't sa ayaw at sa gusto mo, you have to play along with this."
She tried to calm herself. Konti nalang talaga at nararamdaman niyang magpapadyak na siya sa frustration.
"Now, dear Kathryn. Puntahan mo na si Mike para makapag-ayos ka na. You have half an hour to fix yourself," utos nito sa kanya. "Myghad! Pinapatanda mo ako nang masyado. Nakaka-stress ka."
Wala na siyang magawa kundi ang sumunod dito. She didn't want to stress her personal assistant-slash-manager. Gusto pa niyang humaba ang career niya as an actress. Kaya kahit na labag sa kanyang kalooban, she had to cooperate and make it all real. She had to make a good act on her part of the play.
__________
"Maraming, maraming salamat. Thank you so much, Daniel. Thank you for being as honest as you can sa pagsagot ng mga tanong ko."
"At siyempre, gusto ko pong pasalamatan kayo, Tita. Kayo pong lahat na nandito para po manood sa interview ko, sa lahat, maraming salamat din," pagpapasalamat niya dito. "At ah... Princess and I po. Gabi-gabi po iyan pagkatapos ng TV Patrol. Huwag niyong kalimutang manood."
"All right. So maraming, maraming salamat, Daniel. Magbabalik pa po ang..."
"The Buzz," pagpapatuloy niya sa sabi ni Miss Charlene. It was a cliche of the show na alam na ng lahat ng artista. For him, it was even getting old.
"And cut!" sigaw ng director ng show. "Commercial break, guys."
"Thank you again, Daniel," pagpapasalamat ni Tita Charlene sa kanya.
"Thank you rin po," aniya at tumayo na sa pagkaupo at dumiretso kay Mark, ang personal assistant niya.
"Good job, DJ," anito nang nakalapit na siya dito. They're on their way to his dressing room.
"May gagawin pa ba ako para sa araw na ito?" tanong niya dito.
"Yes. You have another interview with Miss Carmina para sa Showbiz Inside Report together with Kathryn Bernardo."
Napabuntong-hininga siya. Pumasok agad siya ng dressing room at nakasalampak sa stool na nandoon.
"In fact, you're on in about half an hour."
"What? Pwede bang si Kath nalang ang interviewhin? Huwag nalang akong kasali."
"DJ..."
"Yeah. I know. I know." Alam na niya ang sasabihin nito. Manenermon na naman ito sa asal niya. Parati naman kasi talaga siyang umiiwas kapag sila na ni Kath ang parehong i-interviewhin.
"DJ, nandito na, oh. Panindigan mo na 'to, tol."
"Kailangan pa ba talaga?"
"Ha? Eh, kani-kanina lang, sabi mo kaya mong gawin ang lahat para kay Kath."
Sinapak niya ito sa braso. "Gago, alam mong palabas lang lahat iyon."
"Totohanin mo nalang kasi."
"Pwede ba? I'm tired and I wanna get this done with. Gusto ko nang magpahinga."
"Kaya nga, magbihis ka na't mag-ayos para matapos mo na ang dapat gawin mo sa araw na ito. Once you get it done right, you can go home and take your precious rest."
He sighed. Tama nga ito. Kailangang tapusin na niya ang kailangang tapusin sa araw na iyon. And then he would rest.
Kung bakit ko pa kasi naisipang pumasok sa ganito?
"Nandito ka na. Panindigan mo nalang. Huwag ka nang madaming reklamo," sabi naman ni Mark na tila nabasa ang iniisip niya.
"Oo na."
Hay. Kailangan ko na namang magpanggap. Another play to act, isip-isip niya habang nag-aayos na siya para sa susunod na interview niya with Kath.
__________
As Kathryn was walking to the studio kung saan gaganapin ang interview niya sa Showbiz Inside Report, hindi niya maiwasan ang hindi mapakali.
"What's with all the jitters, Kath?" narinig niyang tanong ni Vicky sa kanya.
"I'm tensed," she curtly replied.
"Huwag kang kabahan. You've done this a lot of times already. Ngayon ka pa ba magpapahalata?"
She sighed. "Kasi naman - "
"Kath, huwag muna ngayon, okay? Kalimutan mo na muna iyang mga pinag-iisip mo diyan sa utak mo. Just do this interview right. After that, pwede ka nang mag-hyperventilate diyan."
She tried her breathing exercise. It was her way of calming down.
"Okay ka na?" tanong ni Vicky sa kanya pagkatapos.
Tumango lang siya dito. Then, they both entered the studio.
"Heto na pala si Kath," narinig niyang sabi ni Mark, ang personal assistant ni Daniel.
It was then that she saw him. He was already sitting on the chair set-up on the studio. Kasalukuyang kasama nito ang make-up artist nito at binibigyan ito ng final touch. Alam niyang kagagaling lang nito sa live interview nito with Miss Charlene sa The Buzz. The interview they were having will be aired the next Saturday.
Hindi niya napigilan ang mapatulala dito. Kahit na parang 24/7 na niyang nakikita ang mukha nito, hindi pa rin niya maiwasang hindi matitigan ito. It was obvious for a fact that he was one of those men that possessed the most handsome face she had ever laid eyes on.
"Kath, maupo ka na. Mamaya ka na maglaway diyan," bulong ni Vicky sa kanya na nakapagpatino ulit sa kanyang isipan.
Naupo naman siya sa upuang katabi nito. She was ready to give him her sweetest smile pero hindi man lang siya nilingon nito.
"Hi DJ," bati niya dito.
"Let's just get this over and done with. Pagod na ako," malamig na tugon nito sa kanya.
Napasimangot siya sa inasal nito. Kaya ayaw na ayaw niyang magpa-interview na kasama ito, eh. Nahihirapan siyang magpanggap na he was sweeping her off her feet when in fact, he was really giving her a cold shoulder.
If only everything would just be real, hindi niya napigilan ang sariling mapaisip. Pero iniwaksi niya kaagad iyon. Hindi naman talaga mangyayaring magkakagusto si Daniel sa kanya. It was obvious for a fact that he wouldn't like a girl like her. Bakit? Simple lang naman ang sagot sa tanong na iyan. She was not his type of girl. She was far from his types of girl. Kaya ganoon.
Pero napaisip pa rin siya. Kung totoo nalang sana ang lahat, hindi na siya mahihirapang magpanggap na nagkakagusto si Daniel sa kanya kahit na wala naman talaga. Daniel could also stop pretending that he really liked her when in truth, kabaliktaran naman talaga ang nararamdaman nito sa kanya. And she could stop pretending that she's not affected everytime na sinusupladuhan siya nito when in fact, talagang naapektuhan siya.
If only he could stop pretending he likes me. Then I could also stop pretending to pretend that I like him, too.
Sana talaga totoo nalang ang lahat. Nahihirapan na kasi siya sa sitwasyon nila. Kung bakit ba kasi kailangan pa nitong magpanggap na may gusto ito sa kanya? Kasi naman, hindi niya maiwasan ang sarili. Kasi kapag napapanood niya ang mga interviews nito, hindi niya mapigilan ang sariling makilig. Kahit na alam niyang hindi siya dapat maniwala sa mga sinasabi nito dahil palabas lang nito ang lahat ng iyon, hindi niya pa rin maiwasan ang sariling maniwala. Nahihirapan na ang kalooban niya. Kasi kahit ayaw man niyang aminin, she is undeniably attracted to her ka-loveteam. And him, pretending to like her, makes everything complicated. Well, at least, for her part. Kasi sa kanya, totohanan ang lahat. Iyong nakikita ng lahat na kilig sa bawat ngiti niya kapag sinasabi nitong gusto siya nito, it was not an act at all. Totoong kilig iyon. Pero para dito, it was only a play. Nothing but a play. Kaya mahirap. Napakahirap.
"Hi guys! Kanina pa kayo?" bati sa kanila ni Miss Carmina. Kararating lang nito sa set. Nang tingnan niya si Daniel ay nakangiti na ito. She tried to pull off her sweetest smile.
"Hindi naman masyado, Tita," sagot naman ni Daniel.
"At least, nagka-time rin kayo for each other, right?" tukso nito.
Tumawa naman si Daniel. "Oo nga po."
Sus. Kung alam niyo lang.
"Okay, guys. Ready na for taking. In three, two, one..." pahayag ng direktor at naghudyat ng pagsimula ng interview.
The whole time she was trying to make her act good. Habang si Daniel naman, parang sanay na sanay na sa ginagawa dahil hindi man lang ito napiyok nang diretsang sinabi nito sa mukha niyang gustong-gusto siya nito. Sweet na sweet pa nga nito sa kanya. He was being a gentleman in every way possible. Any moment now, talagang bibigay na siya dito. But she had to keep in mind that everything was just an act. She have to keep on reminding herself.
Palabas lang ang lahat, okay Kath? Palabas lang ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro