Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

63;


IRENE's POV

Bumalik na si Wendy at Jhope at inannounce na sila na din.

Ang bibilis naman nila! Siguro si Jin nag iintay na din kaso di ko pa masyado nararamdaman.

"Uyy! Pakain naman ang JungRi at WenHope diyan!" Asar ni Jimin.

"Kailangan mag pakain hyung? So pag official na din ang SeulMin at JinRene magpapakain din kayo?" Tanong ni Jungkook.

Awkward naman kasi napatahimik kaming apat. At si Jimin napa tulala.

"Oh diba? Kaya no need magpakain." Sabi ni Jungkook.

"Golden maknae ka talaga. Suko ako sayo." Sagot ni Jimin hahaha ang kulit nila.

"Balik na tayo sa kwarto natin anong oras na oh 11:53pm." Sabi ni Jin.

"Oo nga. Ligpitin na natin toh." Yaya ko sakanila.

Boys na daw magliligpit at pinauna na kami. Kanina pa daw kasi kami nag aasikaso, sila naman daw.

"So? Totoo yun Wendy?" Tanong ni Seulgi.

Pabalik na kami sa kwarto, di naman kalayuan.

"Ah.. oo eh." Sagot niya.

"OhMyGosh!! Happy for you Wen!" Sabi ni Seulgi at niyakap si Wendy.

"Ako din congrats sainyo Yeri at Wendy." Sabi ko ng nakangiti alangan naman nakasimangot.

"Joy unnie... okay ka lang ba?" Tanong ni Yeri.

"Okay lang ako. Congrats sainyo." Nakangiti si Joy pero alam naming apat na she's trying her best not to cry.

JHOPE's POV

"Baliw ka V! Inaasar mo lang pala ako kanina muntik na akong magalit kay Wendy!" Sigaw ko habang nag aayos.

"Sorry na! Ang saya mo kasi asarin! Hahahaha!" Kung di ko lang to kaibigan matagal ko na tong tinorta.

"Pero V, salamat. Sobrang maraming salamat sayo."

"Okay lang yun hyung! Basta ikaw hahaha! Atsaka choice ko talaga yun. Wag mong sasaktan di Wendy ah!" Sabi niya.

"Ofcourse nama bro!" Sagot ko.

"Nga pala grabe yung kanina noh? Yung kay Suga hyung at Rapmon hyung!" Daldal niya.

"Oo nga eh. Gulat si Seulgi eh tapos si Joy nakakaawa!"

"Bakit ko naririnig pangalan ko diyan?" Tanong ni Suga hyung.

Si Rapmon hyung kasi kanina pa bumalik ng dorm, yung walk out niya kanina. Siguro tulog na yon.

"Ah...eh wala lang hyung!" Sagot ko.

"Yung kay Joy ba yan?" Tanong niya.

"Hyung... bakit naman kasi ganun. Ang sakit kaya." Si V naman sumagot ngayon.

"Oo na! Aayusin ko to. Kakausapin ko siya." Sagot ni hyung atsaka umalis.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro