Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

48;


JIN's POV

Nakapag lunch na kami at meryenda.

Kumain kami dito sa resort. Kasama na kasi sa binayaran yon. Kaya araw-araw libre na kami.

Masarap naman yung pagkain pasado na siya para sakin.

Si Wendy hindi pa din gising. Si Jimin kasi ahahaha! Lagot yon kay Manager-nim pag nalaman niya ito.

Ako na nga lang pala gising. Mga bagsak yung kasama ko. 5:30pm na eh.

Maya maya gising yan mga gabi mag iingay.

Si Jhope nasa clinic padin binabantayan si Wendy, at si V naman ewan ko lumabas kanina di pa bumabalik. Saan lupalot napunta yon.

Makapag ikot nga muna nakakabored eh.

Nakatulog nanaman ako kanina.

Nagiikot ako ng bigla ko makita si Irene sa may likod ng damuhan sa may clinic.

Ano ginagawa niya doon??

"Uy! Irene!" Tawag ko.

Pagkakita niya sakin ay bigla siyang tumakbo.

"Uy! Teka lang!" Hinabol ko siya at naabutan kong umiiyak.

"Irene!? Bakit ka umiiyak?? Ano nangyari sayo??" Tanong ko.

"Wala to. Okay lang ako Jin. Napuwing lang ako."

"Napuwing daw. Grabe naman yang puwing mo."

"Mauna na ako bye."

"Uy wait!" Sabay alis. Ano nangyari doon??
Ugh! Masundan nga! Baka kung ano mangyari sakanya!

IRENE's POV

Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko kanina.

*flashback*

I decided na icheck si Wendy sa clinic.

Nang bigla ko nakita Jhope at V sa labas.

Mag hi-hi na sana ako sa dalawa ng biglang nakita kong akmang mag susuntukan yung dalawa.

Kaya nagtago ako sa may damuhan. Baka kasi nag aaway magtatago muna ako.

V: Ano!? Di ba alam mo naman yung nararamdaman ko!? Hyung!

JHOPE: Alam ko! Kaya nga pinigilan ko nararamdaman ko eh! Sinabi ko naman sayo si Seulgi na gusto ko! Hindi si Wendy! Sayong sayo si Wendy, V!

V: Eh bakit ikaw pa kailangan mag bantay sakanya? Hyung naman oh.

JHOPE: Nagparaya na ako sayo V. Siya naman talaga gusto ko eh, kami dapat eh.. Kaso sa kabaitan ko! Pinaubaya ko siya sayo!

V: Nagpapasalamat ako para doon. Pero ang sakit eh. Alam kong alam mo ikaw ang dahilan kaya siya umiyak non! Alam kong alam mo from the start na may gusto siya sayo! Pero bakit tinatakasan mo Hyung! Mas matutuwa pa ako pag maglalaban tayo ng patas! Hyung wag mo naman lokohin yung sarili mong nararamdaman!

JHOPE: Ayokong saktan ka V! Mahal na mahal kita! Kaibigan kita. Ayokong mag away tayo dahil sa iisang babae! Baka maka apekto pa to sa buong grupo!

V: Naiintindihan kita. Pero..... Ah!! Sorry Hyung, nadala lang ako. Aish!!

JHOPE: Okay lang V. Basta tandaan mo sinabi ko... Tara na sa loob, alam ko namang gusto mo makita si Wendy kaya ka pumunta dito...

At pumasok na silang dalawa sa loob.

Bigla naman ako nakita ni Jin at tsaka na ako tumakbo ng umiiyak...

*end of flashback*

"Irene! Irene!" Habol pa din sakin ni Jin.

"Ano yon?"

"Umiiyak ka kasi! Kung ayaw mo sabihin sakin. Okay lang pero wag mo solohin yung pag iyak mo. Ill lend my shoulder for you to cry on!" (A/N: Taray mo Jin!! XD )

"Sa-salamat."

At doon ko iniyak lahat. Ang sakit pala. Sobra...

-
Dedicated to one of the awesome writers on bstvelvet ff's : mingyeoul

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro