Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45;


WENDY's POV

Nandito kami ngayon sa volleyball pool. Naghatian na kami gamit ang jack-en-poy.

Team A: Ako-Seulgi-Joy-V-Jungkook-Jhope
Team B: Irene-Yeri-Suga-Rapmon-Jimin-Jin

Nakakainis nga eh -_- Kagrupo ko pa tong gilagid na to.

"Ikaw na first serve Wendy!" Sabi sakin ni Seulgi.

"Ha? Bakit ako?" Tanong ko.

"Eh basta ikaw daw sabi nila!" Aba maka instruct tong mga loko na to ah. Sinunod ko na lang sabi ni Seulgi.

Nagserve na ako di naman out. Wala kaming scorer. Kami-kami na lang nagbibilangan.

Nabalik ni Jin oppa. At si V naman tumira.

Na out. Yes first score!!

Nagserve ulit ako. And so-on.

Sila naman nakatira. Tie na.

Sana mabilis na matapos no huhuhu T-T.

Nagseserve na si Jimin sa kabilang team.

Tinignan ko naman si Jhope, nakatingin siya kay Seulgi, then bigla siyang tumingin sakin at nanlaki mata.

Bakit? Ano meron sakin??

"Wendy tabi!!" Sigaw nila.

Ha? Bakit!?

Pagkatingin ko, natamaan na ako ng bola sa ulo. Ang lakas at sakit nung pagkatama sakin at tuluyan na ako nawalan ng malay.

IRENE's POV

"Sorry talaga! Hindi ko sinasadya na mapalakas ang serve ko kanina!" Pag sorry ni Jimin.

"Okay lang. Di mo naman sinasadya. Antayin na lang natin siya magkaroon ng malay. Okay lang naman daw siya sabi nung lifeguard." Sabi ko.

Hindi na namin naituloy ang pag vovolleyball namin. Natamaan kasi si Wendy ng serve ni Jimin na malakas at nawalan siya ng malay.

Kaya eto kaming lahat sa labas ng clinic.

"Noona, okay lang ba si Wendy??" Tanong ni Jhope.

"Ok lang siya. Antayin na lang daw natin magkaroon ng malay. Napalakas kasi yung tama sakanya."

"Ganun ba."

"Magigising yon. Ano? Balik na tayo sa mga kwarto natin? Magpalit na tayo? Mamaya na lang ulit magswimming!" Sabi ni Rapmon.

"Sige. Para mabantayan ko si Wendy dito sa clinic." Sabi ko.

"Ah noona. Pwede bang ako na lang magbantay sakanya??" Prisinta ni Jhope.

Napangiti naman kaming apat. Para na rin magka-ayos ang dalawa.

"Sige ba. Gusto mo yan ah."

"Oo,noona. Salamat!"

At bumalik na kami lahat sa kwarto namin.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro