25;
IRENE's POV
"Wahh~ Busog na busog ako!" Sigaw ni Seulgi dahil nandito kami sa hang-out room (living room 2nd floor), kakakain lang kasi namin ng breakfast. Yung iba nasa baba, kaya kami nandito ni Seulgi dahil wala lang, trip lang.
"Busog eh isang itlog at dalawang pirasong bacon lang kinain mo!" Samantalang ako apat ata kinuha kong bacon kanina? Hehe.
"Unnie, kilala mo naman ako. Ayoko kumain ng sobra sobra." So ako pwede? Kahit kumain ako ng madami may abs pa naman din ako, pero siya talagang sinusunod niya. Parehas sila ni Wendy, halatang halata abs, akin nawawala wala huhuhu.
"Okay fine." May naririnig naman ako paakyat, sino kaya yun?
"Oh noona!? Nandito pala kayo!" Jusko. Si V pa.
"Oh V! Bakit ka nandito? Nasa baba sila ah." Sabi ni Seulgi.
"Ah sabi kasi nila Jimin nandito daw kayong dalawa sa taas, edi umakyat ako para iba naman makausap ko. Sawa na ako sa mga yun!" Miss mo lang ako eh, asa pa Irene!
"Ah ganun ba, pero V may gagawin kasi ako. Kayo na lang ni unnie, sige bye!" Umakyat na si Seulgi at kami na lang ni V dito. Lagot ka sakin mamaya Kang Seulgi!
"Oh noona? Ayaw mo ba ako makasama?" Tanong ni V.
"Ha? Hindi ah, paano mo naman nasabi."
"Sa facial expression mo pa lang alam ko na ayaw mo, kanina pag akyat ko gulat na gulat ka." Masyado pala ako halata
"Hindi naman, nagulat lang talaga ako. Akala ko kasi sila Joy yung umakyat." Nagulat ako kasi alam mo naman pag may gusto ka sa isang tao, gagawin mo lahat para maiwasan siya. Para di ka mahalata o mahuli.
"Ahh, sige usap na lang tayo!"
"Ano paguusapan natin?" Mamaya tanungin ako nito kung sino gusto ko. Aware rin naman ako dun pag gantong usapan pero di sa mismong tao. Tanungin ka ng crush mo kung sino gusto mo aba.
"Mga bagay bagay." Bagay bagay? Hmmm, bagay tayo? Hay Irene gumaganyan ka na ah!
"Ahmm, wala naman ako maisip!"
"Ako rin eh." Maguusap daw kami pero wala siyang gusto pagusapan. Lol ano yun.
"Ah! Eto, Noona nainlove ka na ba?" Sheettttttt. Sinasabi na nga ba eh.
Ano isasagot ko!?
"Ahh, oo naman!" Sinagot ko na ng totoo.
"Hindi pa ako naiinlove, ang totoo niyan ngayon pa lang ako nainlove talaga."
"Ahhh, hindi naman siguro isa samin?" Tanong niya, syempre this time im gonna answer a lie, sorry V ayoko magsinungaling pero eto ang tama kung gusto ko pa ituloy to.
"Hindi! Wag ka maalala wala sainyo haha!" Galing ng acting ko no!? Eto tama pero medyo masakit magsinungaling sa taong gusto mo.
"I-ikaw?" Duktong ko para maiba topic, tinanong ko na siya para malaman ko rin, advantage rin sakin toh.
"Oo, may mga naging girlfriend na ako. As for now I have a crush." Wow, sa pogi niyang yan syempre may mga naging girlfriend na yan. Pero sino kaya crush niya?
"Si-sino?" Oppppsss, tumingin siya sakin then naging seryoso siya. Wrong question.
"Uhmm, nung nakilala ko siya na love at first sight agad ako. Gustong gusto ko ngiti niya. Masayahin siya at maingay, pero di kami close." Wait. Sino yun? Di naman siguro isa samin?
"Hahaha! Don't worry Noona. Wala siya sainyo!" Hay salamat.
"Osige noona, masyado ata malalim na ang pinaguusapan natin. Akyat na ako!" Nag okay naman ako at umakyat na siya.
Nakaka curious naman kung sino yung crush niya, feeling ko nga isa sa mga girl group. Apink sumbaemin? Snsd sumbaemin? Hmmm, sino kaya? Ako? Hahaha joke wala nga daw samin eh.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro