Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24;


WENDY's POV

Ang ingay naman sa kwarto nila Jhope at Suga oppa. Ano kayang kalokohan ginagawa nila doon, ang lakas pa ng tawa ni Jungkook rinig hanggang dito sa kwarto.

"Wendy ikaw magluluto ngayon ah." Sabi sakin ni Seulgi.

"K fine." Minsan lang naman ako piliin ni Irene unnie, pang apat ko pa lang to. Pang una kong naging kasama si V, pangalawa si Jhope kaso di kami masyado nagusap non kasi seryoso siya sa pagluluto, pangatlo naman si Jungkook, sino kaya ngayon?

Sana si Jhope ulit!!

"Anong 'K fine.' bumaba ka na at magluto ng breakfast!" Umagang umaga may gagawin agad ako? Pssh.

Bumababa na lang ako at pumuntang kusina, nakita ko naman si Rapmono doon.

"Ikaw magluluto ngayon?" Tanong niya.

"Oo, ikaw ba sainyo?" Please sabihin mong hindi.

"Oo." Huhu di si Jhope, di bali hanggang Saturday naman pahinga namin Wed palang naman ngayon may chance pa ako sa mga susunod na araw o di kaya later haha!

"Ano simula na tayo? Bacon and egg na lang para mabilis." Nag okay ako at kinuha sa refrigerator ang bacon at egg. Siya na daw sa pag prito ng bacon at ako na lang daw bahala sa egg.

"Nakatulog ba kayo?" Bigla niyang tanong sakin.

"Oo naman." Tipid kong sagot habang niluluto ang pang unang itlog, labing isa pa naman to, may sampu pa.

"Buti naman." Sabi niya habang priniprito ang isang katutak na bacon.

"Ikaw gumawa nung Nonsense diba?" Favorite ko kasi yun, kahit hindi ako rapper line. Ang astig kasi nung lyrics.

"Oo bakit?" Kalma niyang sagot.

"It's daebak! Favorite ko yun eh! Ang galing mo!" Nasasabi ko pa yan kahit nagluluto ako pero nakatingin ako sakanya habang sinasabi yan syempre.

"Ahh ganun ba, thanks." Tinignan ko naman siya at namumula pisngi niya.

"Oh? Bakit namumula pisngi mo? May sakit ka ba?" Sunod-sunod kong tanong, pinatay ko muna kalan at lumapit sakanya. Hinipo ko ang noo niya pero hindi naman mainit.

"W-wala akong sakit. Namumula ako kasi natuwa ako nagustuhan mo yung kantang ginawa ko. " Ha? Dahil lang sa sinabi ko? Ahahaha may gantong side naman pala siya!

"Ahahaha! Ang cute mo! " Labs din kasi dimples niya ang cute!

"Cu-cute!? Lalake ako! Dapat gwapo!" Ahahaha namumula parin siya.

"Edi cute at gwapo. Ok na ba yon?" Nag thumbs up naman siya.

Bumalik na ako at nagsimula ulit magluto dahil 7:30 am na, 30 minutes na lang at breakfast na.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro