15;
SEULGI's POV
Second week nanamin ngayon, nakakapagod kasi practice kami ng practice. Kumpleto na step namin, inaayos na lang namin. Si Jimin naman iniiwasan ko, namumula kasi ako pag nandyan siya. Nung nakita ko siya sumayaw mas nainlove ako at tuluyan na talaga nahulog.
"Tulala ka ata." Sabi ni Suga oppa. Nasa may swimming pool ako ngayon, rest day kasi ngayon.
"Pagod lang oppa." Sagot ko. Sa totoo ngayon ko lang siya nakausap ng matinuan. Pag naguusap kami nito mga paabot o gusto mo ba nito na usapan lang.
"Okay lang yan, basta wag mo pwersahin sarili mo." Nag nod naman ako.
"Suga hyung! Nandito ka pala, hinahanap ka ni Rapmon hyung." Patay. Si Jimin -//-
"Ah sige pupunta na ako." Umalis naman si Suga oppa at kaming dalawa na lang ni Jimin natira dito.
"Oh Seulgi! Ganda ng upo mo ah! Patabi ah." Umupo siya sa tabi ko. Myghadd. Yung puso ko feeling ko sasabog sa kilig.
"Iniiwasan mo ba ako?" Ha?
"Ba-bakit mo naman nasabi yan?" -//-
"Eh kasi pag malapit ako sayo lumalayo ka agad. Pag kinakausap naman kita di ka tumitingin sa mata ko." Ano ba yan.
"Hindi kita iniiwasan. Busy lang tayo kaya siguro nasasabi mo yan." Umalis ka na plsss.
"Ahhh." Tipid niyang sagot.
"Tumingin ka sakin para maniwala ako." °_°!?
"Ka-kailangan ba nun? Haha." Pag iwas ko.
"Oo. Seulgi, tumingin ka sakin." Wala na ako gumawa at tumingin sakanya.
Ang lapit ng mukha ko sakanya. Nakatingin rin siya sakin. Matutunaw ako at puso ko dito -//-
"O-okay na ba?" Nakatingin parin ako sakanya.
"Okay na." Nakangiti niyang sabi. Waaah!!! Mas naiinlove ako sayo ,bwisit ka!
"Nakakapagod noh? Puro practice tayo." Sabi niya.
"Oo nga,haha." Sagot ko.
"Nga pala, ano pinaguusapan niyo ni Suga hyung kanina?" Bakit selos ka? Hahaha asa pa Seulgi!
"Sa practice lang." Ano kaya naiisip ni Jimin sakin?
"Ahhh." .....
"Jimin?" Kaya mo yan Seulgi.
"Hm?" Kaya mo talaga yan. Inhale, exhale.
"Ano naiisip mo sakin?" Nagulat siya sa tanong ko.
"Bakit mo naman natanong yan?" Kunot noo na sabi niya.
"Curios lang." Sabi ko.
"Mabait ka,maganda, at comportableng kasama. Ideal type nga kita eh! Hahaha." Okay Seulgi mamaya ka na lang tumili. Ngumiti na lang ako sa sagot niya.
"Ako rin eh." Nadulas kong sinabi.
"Ikaw rin? Hahaha." Wahhhh! Nakakahiya >_< Pero infairness tumawa siya, ibig sabihin natuwa siya.
"Akyat na tayo. Para makapag pahinga tayo." Suggest niya, nag nod naman ako at umakyat na kami.
Pag pasok ko sa kwarto sumigaw ako ng malakas.
"Ano problema!?" Tanong ni Wendy.
"Heart attack." Sabi ko. Nagtaka naman siya.
Park Jimin!!! Arghhhhhh!!
Inlove ako sayo loko ka!!
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro