Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11;


IRENE's POV

Second day! Hindi na awkward dahil nakakausap nanaman namin sila. Mabait naman sila kaso maingay nga lang.

"Irene, gusto mo ng mango tart?" Alok sakin ni Jin. Si Joy at Suga nagluto ngayon. Pag mango tart ni Joy di ko matatanggihan.

"Thanks." Kinuha ko sakanya yung mango tart. Nasa living room first floor kami ngayon kasama ang BTS. Nag uurong naman sila Joy at Suga.

Bukas first practice namin as one group, ano kaya mangyayari?

Kinakabahan tuloy ako. Natapos ko na ang mango tart at binigay kayla Joy para urungan.

Tinatamad naman ako kaya umakyat na ako.

"Irene noona!" Nakakagulat naman tong si V, bigla na lang susulpot.

"Oh?" Baka may tatanong sa akin to kaya tinawag ako.

"Bakit ka umakyat agad? Bored ka ba?" Napansin niya ako? Attentive sa paligid to ah.

"Ahh, tinatamad ako eh. Gusto kong bumalik sa kwarto at matulog na lang." Sagot ko. Ganito ako pag tinatamad, dinadaan ko sa tulog.

"Eh noona, magusap na lang tayo!" What? Matutulog nga ako eh.

"Ha? Nakakatamad ayoko." Tanggi kong sinabi at akmang aalis na ako kaso bigla niyang hinawakan kamay ko.

"A-ano?" Medyo mahigpit pa hawak niya sa kamay ko. Ano problema nito?

"Gusto kita makausap. Bawal ba?" Ako pa? Nandyan naman sila Wendy -_-

"Hindi naman.. pero bakit ako?" Syempre as noona pagbibigyan ko na lang.

"Kasi ikaw mukhang madali kausapin?" Wow. Mukha lang, mukha lang madali.

"Ahh, sige magusap tayo." Baka kulitin pa ako nito. Umupo naman kami sa living room dito sa second floor or so called "hang out room" namin.

"Oh ano?" Sinimulan ko na agad, ayoko ng awkward silence.

"Ahm. Nice to meet you? Kim Taehyung here, also known as V." Pfft. Natawa naman ako kasi ang cute niya.

"Noona, lagi ka na lang tumawa." Ha?

"Bakit naman?" Lagi ako tatawa baka mangalay ako, lol.

"Mas maganda sa babae pag laging may saya sa mukha niya!" .....

"Ahh ganun ba." Speechless me.

"Haha noona. Ikaw naman, pakilala ka." Kilala mo na ako eh -.-

"Bae Joohyun also known as Irene from Daegu. Leader of Red Velvet." Sagot ko.

"Noona yun lang? Wala bang dagdag?" More information?

"Bakit naman? Sayo wala ah." Magdadagdag ako pero siya hindi.

"I want to know you more noona." Sinabi niya sa akin yan ng naka titig sakin. Intense nga eh.

"Ahhh, sige balik na ako sa room ko. Inaantok na talaga ako, sorry. Bye, V. Sa susunod na lang!" Tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko. Humiga agad ako sa kama.

Irene....

Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo!?

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro