07;
IRENE's POV
Bakit ang tahimik? Kanina pa kami nagluluto dito pero walang nagsasalita sa amin. Gusto ko sana kausapin kaso parang di ako papansinin eh.
"Kanina ka pa tingin ng tingin, nakakailang." Hm? Napansin niya yon? Well nagsalita nanaman siya kaya okay lang.
"Hindi ka kasi nagsasalita kaya tinitignan na lang kita." Sagot ko habang nag hihiwa ng mga prutas. Nagluto kasi ako ng pork steak, si Wendy nagtimpla at prinito ko na lang kaya dessert naman ngayon.
"Ahh. Sana kinausap mo na lang ako, sasagot naman ako." Kakausapin ko siya pero yung aura niya ayaw makipagusap. Ang alam ko siya ang chef sa bts. Kaya pala ang bilis magluto. Tapos na siya eh, inaayos na lang yung table.
"Kakausapin kita kaso yung aura mo parang ayaw makipagusap atsaka busy ka sa pagluluto." Sagot ko.
"Hindi ako ganun. Akin na nga yan, tutulungan na kita Irene." Bait naman. Wait...
Kilala niya pala ko? Nakakatuwa naman.
"Kilala mo pala ko?" Tanong ko habang pinagsasama namin yung mga prutas.
"Oo naman. Kilala nanamin kayo, kagabi kasi pina kabisado sa amin ni Rapmon." Ahhh. Oo nga pala, sinabi sakin ni Rapmonster kanina na kilala na nila kami. Makalimutin na ba ako? Wag naman sana.
"Ahh." Tipid kong sagot.
"Sige. Lagay na natin to sa lamesa." Sabi niya habang kinuha yung fruit salad.
Sumunod na lang ako at nilagay namin to aa lamesa. Sabi ko tawagin nanamin yung boys and girls para kumain, nag okay naman siya.
Umakyat na agad ako at tinawag sila Seulgi. Bumaba naman agad sila at umupo na kami sa lamesa.
"Wow! Ang sarap!" Sabi ni Yeri. Haha excited si maknae kumain.
"Antayin muna natin sila bago tayo kumain." Magkakatabi kasi kami nila Yeri. Isang helera kami, ako at si Wendy ang parehas na nasa dulo.
"Wow chicken!" Sigaw ni Jhope. Nandyan na pala sila. Umupo naman agad sila at kumain na kami.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro