06;
JOY's POV
Great. Just great. Tuwang tuwa ako na tapos na kami mag promote tapos, eto naman papasukan namin!? At may kasama pa kaming boy group! Arghh! Nakakainis!!
Ang laki talaga ng bahay NAMIN! Three floors. Malaki at malawak siya. Sa third floor may limang kwarto bawat kwarto may cr. Sa second floor may isa pang living room at malaki siya halos kalahati ng isang buong floor at may dance practice room rin. Sa first floor living room, kitchen, isa pang cr, at dining room. Sa backyard may swimming pool at mini garden.
At ang magkaka roommate ay sila:
ROOM 1- irene unnie at yeri
ROOM 2- ako, seulgi unnie at wendy unnie
ROOM 3- jin oppa at rapmonster oppa
ROOM 4- jhope oppa at suga oppa
ROOM 5- v oppa, jimin oppa, at si jungkook
Kadadating lang namin kaninang umaga at sila naman kahapon pa sila dito.
"Excuse me." Sabi ni Suga oppa. Nandito kasi ako sa living room sa first floor nakaupo, bumaba ako kasi wala akong magawa sa kwarto. Umusod naman ako para makaupo siya.
Si Jin oppa at si Irene unnie nagluluto, sa isang araw kasi may naka assign na magluluto. Sila ngayon. Yung iba naman nasa kwarto.
Mas matanda sakin to ng three or four years? Makausap nga, wala naman siguro masama pag nakipagusap ako para makilala ko na rin siya. Sayang three months eh.
"Suga oppa!" Syempre with a smile para good first impression. Muhahaha.
"Oh?" Sagot niya sakin ng nakatingin sa cellphone niya.
"Wala lang." Hahaha. Wala ko matanong eh.
"Ahh." Aba in-aah zone lang ako!?
"Pwede ba tayo maging friends? ^_^ Tutal kausap nanaman kita ngayon." Sabi ko. Nag first move na ko para first day palang may friends na!
"Sure." Hirap naman kausap nito. Parang galit sa babae. Bading ba to? Pero nag sure naman siya.
"Okay! Ano ginagawa mo?" Tanong ko. Kanina pa kasi hawak phone niya eh.
"Twitter. Nagpopost lang para sa fans." Wow. May twitter siya.
"Masaya mag twitter?" FC ko talaga.
"Oo. Mas makakapag interact ka sa mga fans mo." Waah. Gusto ko gumawa *_* Wala kasi kaming twitter eh. Gusto ko sana kaso instagram pa lang nagagawa namin.
"Gusto mo gawa kita?" OMG. Ang bait pala niya.
"Ah. Wag na nakakahiya eh." Pakipot effect ako hehe.
"Wag ka mahiya. Kala ko ba friends na tayo?" Ha? Ano daw? Friends kami!
"Sige na nga." Dala ko naman phone ko kaya hindi na ako tumanggi.
"Install muna natin twitter." Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Medyo lumapit ako para makita ginagawa niya, mamaya kung ano ginagawa niya sa phone ko noh.
Tinitigan ko siya. Gwapo niya ah.
SUGA's POV
Nakakailang talaga. Kinausap niya ako kaya ginawa ko best ko para sumagot ng maayos. Sa totoo lang ayoko talaga makipag close sa babae. Hindi kasi ako sanay eh.
Hindi ko nga alam kung bakit ko nasabi na igawa siya ng twitter account. Yung mukha niya kasi parang gusto niya kaya naman nasabi ko na igawa siya. /sigh/
Ininstall ko yung twitter ng biglang lumapit si Joy sakin. Nagulat ako kasi ang lapit niya. Sinabihan pa naman kami ni Rapmon na don't make contact with girl groups. Napansin ko rin na tinititigan niya ako.
"Tapos na magdownload." Sabi ko para sa iba na matuon atensyon niya. Nakatitig kasi eh.
"Tapos na magdownload? Gawa mo na ko!" Excited siya? Haha cute niya. Wait. What!? Sinabihan ko siyang cute? calm down... Babae lang yan.
"Sigesige. Calm down." Sabi ko kasi nag yeyehey pa siya eh ang lapit lang niya sakin.Nakita ko na siya magperform pero, iba talaga pag kaharap mo yung tao.
"Eto oh. Lagay mo kung ano email, password at username mo." Turo ko sakanya. Binigay ko na yung cellphone niya. Magkatabi parin kami, ang lapit talaga niya. Ang bango niya.
"Tapos na!" Nagulat naman ako. Bigla-bigla na lang mag sasalita.
"Ah. Osige. Maglagay ka ng icon eto pindutin mo. Pagkatapos mag follow ka na ng gusto mo ifollow. Type mo dito pag magsesearch ka." Nag nod naman siya. Tinitigan ko lang siya.
"Thank you!" Sabi niya sakin.
Nag nod na lang ako at bumalik na lang sa pag twi-twitter.
-
have a great day! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro