05;
IRENE's POV
"Eto na ba yun?" Tanong ko kay Wendy. Siya kasi may alam nung bahay.
"Oo unnie, ayan yung nasa address eh. Di naman tayo iba-baba kung di ito yun noh." Nga naman. Simula kahapon ganito na ako. Hindi parin kasi ako makapaniwala. Bakit kami pa napili? Ughh.
"Sige, pasok na tayo." Pagyayaya ko sa mga girls. Ang bigat ng maleta namin. Nakalock yung pintuan pero may susi kami kaya mabubuksan namin to. Nandito na kaya sila?
Binuksan ko na yung pinto at pumasok na kami. Woah! Ang laki!
"Nandito na pala kayo." Kagulat naman! Teka sino ba to? Ah! Yung leader si Rapmonster. Naka pajama siya. Kagabi pa sila dito?
"Ah. Oo eh." Sagot ko. Lumapit naman siya at binuhat yung maleta ko.
"Uy! Teka, saan mo dadalin yan?" Pigil ko sakanya.
"Aakyat ko. Mabigat kaya ako na lang." Ahh. Mabait naman pala.
"Guys! Nandito na sila! Tulungan niyo iakyat gamit nila!" Sigaw ni Rapmonster. Lumabas naman sila agad. Kilala nanamin sila. Kinabisado namin kagabi.
"Akin na gamit mo." Sabi nung Jimin kay Seulgi. Siya yung nag mc kahapon ah. Yung iba naman tinulungan sila Joy.
"Thank you!" Sabi namin at nag bow kami.
"Welcome. Siya nga pala, mag uusap tayo sa baba. Pagka ayos niyo ng gamit niyo bumaba na kayo sa living room." Sabi ni Rapmonster. Nag nod na lang kami at nag ayos ng gamit...
After almost one hour tapos na kami mag ayos. Nakakahiya naman. Niyaya ko na yung girls na bumaba na kasi naghihintay yung mga boys sa baba.
"Sorry katatapos lang namin." Nakaupo silang lahat sa living room. Ano naman pag uusapan namin?
"Okay lang. As the leaders of two groups paguusapan natin ngayon ang any opinion or suggestions sa three months natin sa bahay na to. Kung ano gagawin natin at kung ano ang hindi dapat." Wow.
"Sure." Agree naman ako. Kasi three months rin kami magkakasama.
"Sige kami muna. Gusto ko sana na pag magluluto mag a-assign ng dalawang tao kada isang araw. Para fair." Hmm. Magandang suggestion yun.
"Agree." Sagot ko.
"Pangalawa, gusto ko sana walang samaan ng loob sa isa't-isa. Kilala niyo nanaman kami diba?" Nag nod ako. Lahat kami dito tahimik. Kami lang ata ang naguusap haha.
"Pangatlo, linis mo, kalat mo." Mukha ba kaming makalat? Siguro sa kanila lang yun.
"Lastly, don't fall inlove with each other." Totally agree. Rookies palang kami kaya there's no need for that.
"Kahit naman di niyo sabihin yan, di rin naman talaga mangyayari." Bulong ko sa sarili ko. Syempre sumbaemin parin namin sila. Kailangan respeto rin.
"Also, no need to call us sumbaemin, if were older than you, you can call us oppa. Let's just all be friends. That's all, thank you." Okay. My turn.
"Sa amin naman isa lang. At yun ay ang last rule niyo. Don't fall inlove with each other." Wala kaming problema sa iba, being in a relationship is our only problem so we should avoid it.
"Sige. Ngayon alam na natin ang mga rules. Sana wag natin ito sawayin. Pwede tayo mag hang out pero as friends lang." Sabi ni Rapmonster.
"Okay... Sino nga pala magluluto ngayon?" Tanong ko. Lunch na kasi.
"Si Jin samin." Sagot ni Rapmonster. Jin? Ahh, yung pinakamatanda.
"Ako naman samin." Sabi ko. Parehas naman kami eh.
"Sige. End of discussion." Pag tapos ni Rapmon. Nag tayuan na sila at bumalik ng sari-sariling kwarto. Kami nalang ni Jin natira.
"Tara na sa kusina." Aya ko sakanya. Tumayo naman siya agad at pumuntang kusina.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro